My Bestfriend's Girlfriend

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
My Best Friend's Girlfriend
Direksiyon Mark A. Reyes
Produksiyon Anette Gozon-Abrogar
Lily Y. Monteverde
Isinulat ni Suzette Doctolero
Mga gumanap Richard Gutierrez
Marian Rivera
Ipinamahagi ng GMA Films
Regal Entertainment
Petsa ng pagpapalabas Pebrero 13, 2008
Wika Ingles, Filipino, Tagalog

Ang My Best Friend's Girlfriend ay isang paparating na palabas na ng ipinamahagi ng GMA Films at Regal Films. Ito ay pinangasiwaan sa pangunguna ni Mark A. Reyes.

Nakatakda na itong ipalabas sa Pebrero 13, 2008, Araw ng mga Puso. Pinangungunahan ito nina Richard Gutierrez at Marian Rivera. Ito rin ang una nilang pagtatambal sa isang pelikula.

Balangkas[baguhin]

Pagkatapos magkakilala sa isang panlalaking kasiyahang kahiya-hiya ngunit kaala-alalang araw, buong pagkakaakala nina Evo (Richard Gutierrez), isang mayaman ngunit aroganteng lalaki, at Grace (Marian Rivera), isang masikap na mag-aaral, na hindi na sila magkikita pang muli. Ngunit, hindi nila alam na si Grace ay kasintahan ng matalik na kaibigan ni Evo, si Mark (JC de Vera). nalaman na lamang nila ito nang ipakilala ni Mark si Grace kay Evo isang araw. Ginamit ni Evo ang pangyayari sa kasiyahang dinaluhan ni Evo, kung saan si Grace ay isang waitress, ang pagkakataon upang magamit niya si Grace sa kanyang mga plano. Pinilit niya si Grace na magpanggap bilang kanyang nobya upang pagselosin si Akiko (Ehra Madrigal), kanyang dating kasintahan. Pero habang isinasagawa nila ang kanilang plano, hindi nila aakalain na sila ay mahuhulog sa isa't isa.[1]

Mga gumanap[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]