Napapaderang Lungsod

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Tungkol ang artikulong sa bansag, para sa mismong lugar, tingnan ang Intramuros, para naman sa lungsod na dating tinawag na Napapaderang Lungsod, tingnan ang Maynila. Para sa artikulong tungkol sa mga nakapader na lungsod, tingnan ang nagsasanggalang na pader.
Ang mukha o harapan ng Kutang Santiago.

Ang Lungsod na Nakapader o Napapaderang Lungsod (Ingles: Walled City) ang bansag sa Intramuros at Kutang Santiago at dati, sa buong Lungsod ng Maynila.[1] Ang mga lugar na nasasakupan nito ay may mga antigong tindahan at ang pamumuhay ng mga tao dito ay sumasalaysay sa kasaysayan at ugali ng pamumuhay na binigay ng mga Espanyol.[1] Ito ang pinakasikat na dinadayuhan ng mga turista sa buong Kalakhang Maynila dahil ito na lang ang natitirang makasaysayang pook sa Kalakhang Maynila.[2] Tumukoy na rin ang taguri na "Walled City" sa Lungsod ng Maynila dahil ang orihinal na Maynila ay nasa loob ng pader. [3] Sa may hilaga nito ang ilan pa sa mga lugar ng Kutang Santiago, at doon din matatagpuan ang "Shrine of Freedom", na gumugunita sa mahigit 100,000 Pilipino na napatay sa pagpapalaya ng lungsod ng Maynila mula sa magkasanib na mga sundalong Pilipino at Amerikano noong 1945.

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.