Pumunta sa nilalaman

Naririnig Ko Ang Dagat

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

 

Ocean Waves, na kilala sa Hapon bilang Naririnig Ko Ang Dagat (Hapones: 海がきこえる, Hepburn: Umi ga Kikoeru), ay isang Hapones na pelikulang anime noong 1993 na idinirek ni Tomomi Mochizuki at isinulat ni Keiko Niwa (na nakredito bilang si Kaoru Nakamura) na hango sa nobela ni Saeko Himuro at ito ay hango sa isang nobela ng magkaparehong pangalan na isinulat ni Saeko Himuro noong mga taong 1990 hanggang 1992. Inanimate ng Studio Ghibli para sa Tokuma Shoten at Nippon Television Network, una itong ipinalabas noong Mayo 5, 1993, sa Nippon TV. Ang pelikula ay itinakda sa lungsod ng Kōchi, at sumusunod sa isang love triangle na nabuo sa pagitan ng dalawang matalik na kaibigan at isang bagong babaeng lumipat sa kanilang mataas na paaralan mula sa Tokyo Metropolis.

Ang pelikulang ito ay isang attempt ng Studio Ghibli na payagan ang kanilang mga nakababatang staff members na gumawa ng pelikula sa murang halaga. Gayunpaman, napunta ito sa pagiging over budget at over schedule. Noong 1995, inilathala ang isang sequel ng nobela, I Can Hear the Sea II: Because There Is Love (Tagalog: Naririnig Ko Ang Dagat II: Dahil Doon May Pag-Ibig). Sa parehong taon, isang drama sa telebisyon ang ginawang pangunahing batay sa gawaing ito na pinagbibidahan ng mga artistang sina Shinji Takeda at Hitomi Satō.

Ang Obiyamachi Shopping Arcade ay isang madalas na telon-de-punto ng pelikula.

Sa lungsod ng Kōchi, si Taku Morisaki ay nakatanggap ng tawag mula sa kanyang kaibigang si Yutaka Matsuno, na humihiling na makipagkita sa kanilang mataas na paaralan (Ingles: high school). Nahanap niya si Yutaka na may kaakit-akit na babaeng mag-aaral na naglipat mula sa paaralan niyang pinagmulan, si Rikako Muto, na sinabihang magpakita kay Yutaka. Si Rikako ay may talento sa pag-aaral at mahusay sa sports, ngunit mapagmataas. Naniniwala si Taku na hindi siya nasisiyahan sa pag-alis sa Tokyo.

Sa isang paglalakbay sa paaralan sa Hawaii, hiniling ni Rikako kay Taku na magpahiram sa kanya ng pera, dahil nawalan siya nito. Dahil may pansamatalang trabaho si Taku, pinahiram niya siya ng ¥60,000 (o katumbas sa ₱22,968.07). Nangangako na gagantihan siya, binabalaan siya nito na huwag sabihin kung ano ang kanilang ginawa kaninuman.

Doon sa prepekturang Kōchi, ikatlong taon ay nagsisimula sa pakikipagkaibigan ni Rikako, na si Yumi Kohama. Hindi pa niya ibinalik ang pera ni Taku at iniisip niya kung nalimutan na niya ito. Walang babala, isang maligalig na Yumi ang tumawag kay Taku na nagpapaliwanag na niloko siya ni Rikako na pumunta sa paliparan sa pagkukunwari mayroong isang konsiyertong paglalakbay, para lamang matuklasan na ang kanilang tunay na destinasyon ay Tokyo, kasama ang mga tiket na binayaran gamit ang pera ni Taku. Kumarera siya sa paliparan at pumunta sa Tokyo kasama si Rikako bilang kapalit ni Yumi.

Nang makarating sina Taku at Rikako, ang nanloko kay Taku, sa tirahan ng kanyang ama, natuklasan nila na nakahanap na ng bagong manliligaw ang ama ni Rikako. Nagpasalamat ang ama ni Rikako kay Taku na binayaran na ang utang, at nag-ayos ng silid para sa kanya sa Hyatt Regency, isang tatak ng mga otel sa ilalim ng Hyatt na estandarte. Si Rikako na dismayado sa kanyang ama, ay sumama sa kanya at ipinaliwanag na noong nakipagtalo ang kanyang mga magulang na lagi niyang kinakampihan ang kanyang ama, ngunit ngayon ay natuklasan niyang wala ito sa kanyang panig. Inaalok ni Taku ang kanyang kama at sinubukang matulog sa banyera (Ingles: bathtub). Kinabukasan, pinalayas ni Rikako si Taku para makapagpalit siya ng damit para makipagkita sa isang kaibigan sa kanilang pananghalian. Matapos tuklasin ang Tokyo Metropolis at matulog sa isang otel, nakatanggap siya ng tawag mula kay Rikako na humihiling na iligtas siya mula sa kanyang dating nobyong si Okada. Pagdating niya, nagalit siya sa usapan, at kinastigo sina Rikako at Okada dahil sa pagiging "perwisyo" sa kanya.

Pag-uwi sa bahay, si Taku ay hindi pinapansin ni Rikako ngunit nagsabi siya sa kanyang mga kaibigan na nagpalipas sila ng gabing magkasama. Sinabi rin ni Yutaka kay Taku na umamin siya kay Rikako ngunit mabangis na binasted, na si Taku ay nangyaring harapin si Rikako sa silid-aralan. Nagtalo sila sa pasilyo, kung saan siya ay tumugon sa pamamagitan ng pagsampal sa kanya at sinaktan siya nito bilang kapalit.

Dumating ang taglagas na kapistahan ng kalinangan ng paaralan at si Rikako ay naging mas malayo sa ibang mga babae, na marami sa kanila ay hayagang naiinis sa kanya. Nakita ni Taku na ipinagtanggol ni Rikako ang kanyang sarili mula sa isa pang mag-aaral na sumusubok na lusubin siya at pumuna na humanga siya sa paraan ng paghahandle nito sa kanyang sarili. Sinampal niya ang lalaki ngunit lumuluha itong tumakbo nang may pagsisisi. Matapos makitang umiiyak si Rikako, sinuntok ni Yutaka si Taku dahil sa hindi niya pagtindig kay Rikako, na tinawag siyang tanga, at lumayo. Wala sa tatlo ang nakikipag-usap sa isa't isa para sa nalalabing bahagi ng taon at lahat ay nagsisimulang pumasok sa iba't ibang pamantasan.

Sina Taku, Yutaka, at Yumi ay muling kumonekta sa isang reunyon ng klase makalipas ang ilang taon, kung saan hindi pumapasok si Rikako. Habang inaalala ang panahon noong sila ay nasa mataas na paaralan, nagkomento si Yutaka na sinuntok niya si Taku dahil nagalit siya sa pagpigil ni Taku sa paghabol kay Rikako dahil sa pagmamaltrato nito kay Yutaka. Nagalit siya dahil ang kanyang kaibigan ay nawalan ng magandang posibilidad sa kanyang salaysay habang pinapanood ng dalawa ang paglubog ng araw at ang mga alon ng karagatan. Pagkatapos ng parti ng reunyon ng klase, nalaman ni Taku na bumisita si Rikako sa Tokyo sa halip na pumunta sa reunyon para makilala ang "isang may gustong matulog sa mga banyera." Nang maglaon, pabalik sa Tokyo, hindi sinasadyang nasulyapan ni Taku si Rikako mula sa isang plataporma ng tren at tumakbo upang siya ay salubungin. Hinihintay siya ni Rikako sa halip na sumakay sa tren (na nasa istasyon).

Karakter Voice actor
Taku Morisaki Nobuo Tobita
Yutaka Matsuno Toshihiko Seki
Rikako Muto Yōko Sakamoto
Yumi Kohama Kae Araki
Akiko Shimizu Yuri Amano
Okada Jun'ichi Kanemaru
Tadashi Yamao Hikaru Midorikawa
Nanay ni Taku Ai Satō
Tatay ni Rikako Kinryū Arimoto
Punong-guro Takeshi Watabe

Ang pelikulang ito ay batay sa nobela ni Himuro na unang ginawang serye, na may mga guhit ni Katsuya Kondō, mula Pebrero 1990 hanggang Enero 1992 na mga isyu ng magasin na Animage.[1] Ang mga buwanang installment ay nakolekta sa isang engkuwadernado (Ingles: hardcover) na aklat na inilathala noong Pebrero 28, 1993, na may ilang mga episodyong tinanggal. Parehong ang libro at ang sumunod na pangyayari ay muling inilathala bilang isang paperback noong 1999, na may ilang mga sanggunian sa kalinangang sikat na na-update. Nagsilbi si Kondō bilang taga-disenyo ng karakter at direktor ng animasyon para sa adaptasyon. Ang produksyon ng Ocean Waves ay kinokontrol ng Studio Ghibli, ngunit karamihan sa animasyon ay ginawa sa tulong ng JCStaff, Madhouse Studios, at Oh! Production, na nakatrabaho ni Ghibli sa mga nakaraang proyekto. Ang pelikulang ito ay ang unang Ghibli anime na idinirek ng ibang tao maliban kay Hayao Miyazaki o kay Isao Takahata. Si Tomomi Mochizuki, 34 na taong gulang noon, ay dinala upang magdirek. Ito ay isang attempt na gumawa ng anime lamang ng mga nakababatang staff members, karamihan ay nasa edad na mga 20s hanggang 30s. Ang kanilang motto ay upang makagawa ng "mabilis, mura at may kalidad", ngunit sa huli ay lumampas ito sa badyet at higit pa sa iskedyul,[2] [3] at sinabi ni Mochizuki na nagkaroon siya ng <i>peptic ulcer</i> dahil sa stress.[4]

Ang review aggregator website na Rotten Tomatoes ay nag-uulat na 89% ng mga kritiko ang nagbigay sa pelikula ng positibong pagsusuri batay sa 18 mga review, na may average rating na 6.6/10.[5] Sa isa pang aggregator na Metacritic, mayroon itong marka na 73 sa 100 batay sa 4 na mga review ng kritiko, na nagsasaad ng "mga pangkalahatang pabor na review."[6]

Binigyan ng website na Animé Café ng 4 out of 5 stars, na initnala bilang "isang apresyatibo at mature na handog mula sa nakababatang salinlahi (henerasyon) ng Ghibli".[7] Sa kabilang banda, pinuna ng Otaku USA ang pelikula, inilalarawan bilang isang "pinakawalang kinang na pelikula [ni Ghibli] kaysa sa lahat ng kanilang nagawa hanggang sa Tales from Earthsea".[8]

Pagpapalabas at home media

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pelikulang ito ay ipinalabas sa Nippon TV sa Hapon noong Mayo 5, 1993, bilang bahagi ng mga iskedyul ng ika-40 anibersaryo ng TV network.

Talaksan:Ocean waves dvd.jpg
Japanese DVD cover ng pelikula

Kasunod ng unang pagpalabas nito, ito ay inilabas sa VHS at Laserdisc ni Tokuma Shoten noong Hunyo 25, 1993, sa pamamagitan ng tatak ng "Animage Video". Sa umpisa, ang Ocean Waves ay hindi bahagi ng panukalang (Ingles: deal) Disney-Tokuma dahil sa katayuan nito bilang isang pelikula sa telebisyon, ngunit kalaunan ay isinama bilang bahagi ng pagpapatuloy ng kasunduan at kaya muli itong inilabas sa VHS ng Buena Vista Home Entertainment Japan noong Hulyo 23, 1999.

Inilabas ng BVHE Japan ang pelikulang ito sa DVD noong Agosto 8, 2003. Inilabas ng Disney ang remastered na bersiyon ng pelikula bilang bahagi ng "Ghibli ga Ippai Director's Collection" boxset noong Disyembre 2021 bago magkaroon ng standalone release noong Abril 20, 2022.

Isang Blu-Ray release ng pelikula ang inilabas noong Hulyo 17, 2015, ng Walt Disney Studios Japan. [9]

Sa buong mundo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 2008, inihayag ng kumpanya ng pamamahagi na Wild Bunch na nilisensyahan nito ang pelikula sa ilang Europeong kompanyang nagpapalabas, kabilang na roon ang Optimum.[10] Ito ay inilabas sa Nagkakaisang Kaharian sa ilalim ng pamagat na Ocean Waves noong Enero 25, 2010[11] ilang sandali pa bago ang binalak na pagpapalabas sa sinehan ng Ponyo,[12] [13] bilang bahagi ng Studio Ghibli Collection.[14]

Estados Unidos

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Disney ay mayroong orihinal na mga karapatan sa pamamahagi ng Ocean Waves sa Estados Unidos,[15] ngunit hindi nila inilabas ang pelikula sa anumang home media platform, malamang dahil sa mas mature na nilalaman nito kung ihahambing sa karamihan ng mga pelikulang Ghibli.

Noong 2016, inanunsyo ng GKIDS na ilalabas nila ang Ocean Waves sa limitadong mga sinehan sa Hilagang Amerika simula sa Disyembre 28 ng taong iyon at magpapalawak sa unang bahagi ng taong 2017.[16] Kalaunan ay inilabas ito sa US at Canada mula Enero 3, hanggang Marso 24, 2017.[17] Ang pelikula ay nakakuha ng US$12,039 (₱700,296.49) sa mga screening nito noong Disyembre 28, 2016. [18]

Ang pelikula ay inilabas sa DVD at Blu-ray ng GKIDS noong Abril 18, 2017, na may odyo sa wikang Hapones lamang na may mga subtituto sa wikang Ingles.[19] Magmula noong Disyembre 2022, isang dubbed na bersiyon ay hindi inilabas, na ginagawa itong tanging produksyon ng Ghibli na hindi isang maikling pelikula na walang dub sa Ingles.[20]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "ジブリの「海がきこえる」が7月Blu-ray化。ジブリ長編全22作のBD化完了". April 22, 2015.
  2. Saeko Himuro (February 10, 1990). "海がきこえる" [I Can Hear the Sea]. Animage (140). Illustrated by Katsuya Kondō. Tokyo: Tokuma Shoten: 41–48.
  3. Toyama, Ryoko. "Umi ga Kikoeru: Frequently Asked Questions". Nausicaa.net. Inarkibo mula sa orihinal noong August 20, 2017. Nakuha noong February 13, 2009.
  4. "十二指腸潰瘍の記・前編" [Account of duodenal ulcer]. Ameba (sa wikang Hapones).
  5. "Ocean Waves (Umi ga kikoeru) (2016)". Rotten Tomatoes. Fandango. Inarkibo mula sa orihinal noong November 27, 2017. Nakuha noong June 18, 2022.
  6. "Ocean Waves (1993) Reviews". Metacritic. CBS Interactive. Inarkibo mula sa orihinal noong December 14, 2017. Nakuha noong November 25, 2017.
  7. Wu, Jonathan (January 24, 2001). "Umi Ga Kikoeru: café rating (english subtitled)". Animé Café. Inarkibo mula sa orihinal noong December 8, 2008. Nakuha noong October 10, 2008.
  8. Surat, Daryl (April 20, 2013). "Studio Ghibli's I Can Hear the Sea". Otaku USA. Inarkibo mula sa orihinal noong April 26, 2013. Nakuha noong July 21, 2014.
  9. "{title}". CDJapan. Inarkibo mula sa orihinal noong May 14, 2015. Nakuha noong May 11, 2015.
  10. Hopewell, John (February 19, 2008). "Wild Bunch blazes sales trail". Variety. Variety Media, LLC. Inarkibo mula sa orihinal noong April 30, 2008. Nakuha noong June 17, 2008.
  11. "Ocean Waves". Optimum Releasing. Inarkibo mula sa orihinal noong October 10, 2010. Nakuha noong December 10, 2009.
  12. "BVA". Inarkibo mula sa orihinal noong June 18, 2009. Nakuha noong August 18, 2009.
  13. "Nausicaa.net". Inarkibo mula sa orihinal noong June 4, 2011. Nakuha noong August 18, 2009.
  14. "Ocean Waves". Film Ratings. British Board of Film Classification. July 13, 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong August 13, 2009. Nakuha noong July 27, 2009.
  15. "The Disney-Tokuma Deal". Nausicaä.net. Inarkibo mula sa orihinal noong December 29, 2010. Nakuha noong January 5, 2011.
  16. "GKIDS to Release Ghibli's Ocean Waves in N. American Theaters". Anime News Network. December 14, 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong December 15, 2016. Nakuha noong December 15, 2016.
  17. "GKIDS Announces Additional Theaters for Ocean Waves". Anime News Network. January 3, 2017. Nakuha noong January 7, 2021.
  18. "Ocean Waves Earns US$12,000 in 1st 6 Days at U.S. Box Office". Anime News Network. January 4, 2017. Nakuha noong January 8, 2021.
  19. "Ghibli's Ocean Waves Listed for BD/DVD Release on April 18". Anime News Network. February 16, 2017. Nakuha noong February 21, 2021.
  20. Rodriguez, Kevin T. (December 25, 2022). "Why Does this Studio Ghibli Film Have No English Dub?". GameRant. Nakuha noong June 12, 2024.
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Padron:Tomomi Mochizuki