Wikang Filipino: Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Content deleted Content added
Vogone (usapan | ambag)
m Kinansela ang pagbabagong 1071232 ni 119.93.23.87 (Usapan)
Linya 76: Linya 76:
<!----====Filipino bilang ang pagsasanib ng lahat ng mga wika ng Pilipinas====
<!----====Filipino bilang ang pagsasanib ng lahat ng mga wika ng Pilipinas====
{{Expand|date=Hulyo 2008}}---->
{{Expand|date=Hulyo 2008}}---->
jeje mon na cila


==Tingnan din==
==Tingnan din==

Pagbabago noong 12:39, 5 Hulyo 2012

Wikang Filipino
Katutubo saMga bansang may mahigit sa 1 milyong manananalita:

Pilipinas at Estados Unidos
Mga bansang may mahigit sa 100 libong mananalita:

Arabyang Saudi, Australya, Hapon, Italya, Kanada, Malasya, Mga Pinag-isang Arabong Emirado, Singgapur, at Tsina (lalo na ang Hong Kong)
Mga natibong tagapagsalita
Unang wika: Tingnan ang Tagalog
Ikalawang wika: mahigit sa 60 milyon
Kalahatan: 90 milyon[1]
Latin (kahalawang Filipino)
Opisyal na katayuan
Pilipinas
Pinapamahalaan ngKomisyon sa Wikang Filipino
Mga kodigong pangwika
ISO 639-1fp
ISO 639-2fil
ISO 639-3fil

Ang wikang Filipino[2] ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas—ang Inggles ang isa pa—ayon sa Saligang Batas ng 1987. Isa itong wikang Awstronesyo at ang de facto ("sa katotohanan") na pamantayang bersyon ng wikang Tagalog, bagaman de jure ("sa prinsipyo") itong iba rito.

Pagsilang at layunin

Isang layunin ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa ang pagpapalaganap ng pagkakaisang pambansa, ang pagkakaroon ng heograpiko at pulitikal na pagkakapatiran, at maging ang pagkakaroon ng isang sumasagisag na pambansang wika ng isang bansa. Unang sumibol ang diwa ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa sa Pilipinas noong balik-tanawin ni Manuel Quezon noong 1925 ang isang damdamin ng pagkabigo ng pambansang bayaning si Jose Rizal, nang hindi nito magawa ng huling makipag-ugnayan sa isang kababayang babae habang nasa isang bangka patungong Europa.[2]

Kasaysayan at sariling katangian

Noong Nobyembre 13, 1937, inilikha ng unang Pambansang Asamblea ang Surian ng Wikang Pambansa, na pinili ang Tagalog bilang batayan ng isang bagong pambansang wika. Naimpluwensyahan ang pagpili sa Tagalog ng mga sumusunod:[3]

  1. Sinasalita ang Tagalog ng napakaraming tao at ito ang wikang pinakanauunawaan sa lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas. Papadaliin at pabubutihin nito ang komunikasyon sa mga taumbayan ng kapuluan.
  2. Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya.
  3. Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinakamayaman at ang pinakamaunlad at malawak (sinasalamin ang dyalektong Toskano ng Italyano). Higit na mararaming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang mga katutubong wikang Awstronesyo.
  4. Ito ang wika ng Maynila, ang kabiserang pampolitika at pang-ekonomiya ng Pilipinas.
  5. Ito ang wika ng Himagsikan at ng Katipunan—dalawang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.

Noong 1959, nakilala ang wikang ito bilang Pilipino upang mahiwalay ang kaugnayan nito sa mga Tagalog. Nagtakda naman ang Saligang Batas ng 1973 ng panibagong pambansang wikang papalit sa Pilipino, isang wikang itinawag nitong Filipino. Hindi binanggit sa artikulong tumutukoy, Artikulo XV, Seksyon 3(2), na Tagalog/Pilipino ang batayan ng Filipino; nanawagan ito sa halip sa Pambansang Asamblea na mag-“take steps towards the development and formal adoption of a common national language to be known as Filipino.” Gayundin, nilaktawan ng Artikulo XIV, Seksyon 6, ng Saligang Batas ng 1987, na ipinagbisa matapos ng pagpapatalsik kay Ferdinand Marcos, ang anumang pagbabanggit ng Tagalog bilang batayan ng Filipino at mismong ipinagpatuloy na “as [Filipino] evolves, it shall be further developed and enriched on the basis of existing Philippine and other languages (pagbibigay-diin idinagdag).” Tiniyak pa ng isang resolusyon[4] ng Mayo 13, 1992, na ang Filipino “ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Metro Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo (pagbibigay diin idinagdag).” Gayumpaman, tulad ng mga Saligang Batas ng 1973 at 1987, hindi nito ginawang kilalanin ang wikang ito bilang Tagalog at, dahil doon, ang Filipino ay, sa teoriya, maaaring maging anumang katutubong wikang Awstronesyo, kasama na ang Sugboanon ayon sa paggamit ng mga taga-Kalakhang Cebu at Davao.

Mga naiibang pananaw at panukala

Bagaman naitakda na sa Saligang Batas at mga kaugnay na batas ang sariling katangian ng Filipino, may nananatili pa ring mga alternatibong panukala sa kung ano dapat ang maging katangian ng wikang Filipino. Gayumpaman, nararapat itong maibukod sa mga nagdaraing lamang na, sa kasalukuyan, ang Filipino ay de facto na iisa sa Tagalog at na ang pampublikong paggamit ng Filipino ay sa katotohanan ang paggamit ng Tagalog.

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. Resulta mula sa 2000 Census of Population and Housing: Educational Characteristics of the Filipinos, National Statistics Office, Marso 18, 2005, nakuha noong 2008-01-21 {{citation}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)
  2. 2.0 2.1 "Filipino language," Simborio, Sharen. History of the Filipino language, Gabby's Dictionary, Gabby Dictionary.com, nakuha noong 27 Setyembre 2008
  3. Tagalog 101: Pilipino: The National Language, A Historical Sketch, ni Anak ni Filemon, 02 Marso 1998
  4. "Resolusyon Blg. 92-1," Naglalahad ng Batayang Deskripsyon ng Filipino, mga nakalagda: Ponciano B. Pineda (tagapangulong komisyoner), Ernesto H. Cubar (komisyoner), Nita P. Buenaobra (komisyoner), Andrew B. Gonzalez (komisyoner), Florentino H. Hornedo (komisyoner), Angela P. Sarile (komisyoner), Bonifacio P. Sibayan (komisyoner), 13 Mayo 1992

Mga kawing panlabas