Ebolusyon: Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Content deleted Content added
m Inalis ang binago ni 112.198.77.241, ibinalik sa huling bersyon ni MerlIwBot
Linya 27: Linya 27:
#Pagkakatuklas na ang mga sinaunang fossil ay naglalaman ng mas simpleng mga organismo kesa sa mga huling fossil. Ang ibig sabihin nito, sa pinakailalim na strata(patong ng bato) ay pinakasimple ang mga organismong makikita at habang tumataas sa ibabaw ng strata ay nagiging mas komplikado ang mga organismong nakita. Bukod dito, ang mga pang-ibabaw na patong ng strata ay kinakikitaan ng mga organismo na katulad ng mga hayop na nabubuhay sa mundo.<ref>The most convincing evidence for the occurrence of evolution is the discovery of extinct organisms in older geological strata... The older the [[strata]] are...the more different the fossil will be from living representatives... that is to be expected if the [[fauna]] and [[flora]] of the earlier strata had gradually evolved into their descendents.|''[[Ernst Mayr]]'', Mayr, Ernst. 2001. What evolution is. Weidenfeld & Nicolson, London. ISBN 0297807413</ref>
#Pagkakatuklas na ang mga sinaunang fossil ay naglalaman ng mas simpleng mga organismo kesa sa mga huling fossil. Ang ibig sabihin nito, sa pinakailalim na strata(patong ng bato) ay pinakasimple ang mga organismong makikita at habang tumataas sa ibabaw ng strata ay nagiging mas komplikado ang mga organismong nakita. Bukod dito, ang mga pang-ibabaw na patong ng strata ay kinakikitaan ng mga organismo na katulad ng mga hayop na nabubuhay sa mundo.<ref>The most convincing evidence for the occurrence of evolution is the discovery of extinct organisms in older geological strata... The older the [[strata]] are...the more different the fossil will be from living representatives... that is to be expected if the [[fauna]] and [[flora]] of the earlier strata had gradually evolved into their descendents.|''[[Ernst Mayr]]'', Mayr, Ernst. 2001. What evolution is. Weidenfeld & Nicolson, London. ISBN 0297807413</ref>


HINDUOT lng ng tatay ang kailangan
=== Ebolusyon ng mga tetrapod ===
Ang sumusunod na puno ay nagpapakita ng ebolusyon ng mga hayop mula sa tetrapod.
{{clade| style=font-size:90%;line-height:100%
|label1=&nbsp;[[Tetrapod]]s&nbsp;
|1={{clade
|1=[[Amphibia|Amphibian]]s
|label2=&nbsp;[[Amniote]]s&nbsp;
|2={{clade
|1=[[Sauropsid]]s (ninuno ng mga [[reptile]], [[butiki]], [[ahas]], [[crocodile]], [[dinosaur]] at [[ibon]])
|label2=&nbsp;[[Synapsid]]s&nbsp;
|2={{clade
|1=[[Pelycosaur]]s
|label2=&nbsp;[[Therapsid]]s&nbsp;
|2={{clade
|1=[[Mammal]]s
}}
}}
}}
}}
}}
}}



Pagbabago noong 11:38, 4 Setyembre 2012

Bahagi ng seryeng pang-Biyolohiya sa
Ebolusyon
Mga mekanismo at mga proseso

Adaptasyon
Henetikong paghihiwalay
Daloy ng hene
Mutasyon
Likas na pagpili
Espesyasyon

Pananaliksik at kasaysayan

Ebidensiya
Ebolusyonayong kasaysayan ng buhay
Kasaysayan
Modernong sintesis
Panlipunang epekto
Mga pagtutol / Kontrobersiya

Mga larangang pang-ebolusyonaryong biyolohiya

Kladistika
Henetikong ekolohikal
Ebolusyonaryong kaunlaran
Ebolusyong ng tao
Ebolusyong molekular
Pilohenetika
Henetikang pampopulasyon

Portal ng Biyolohiya ·

Sa pag-aaral ng buhay at ng mga bagay na may buhay, ang pagbabago[1] o ebolusyon ay isang salitang ginagamit sa paglalarawan ng paraan kung paano nagbabago ang isang nilalang na may buhay sa loob ng mahabang panahon. Isang makaagham na panukala o teoriyang siyentipiko -- isang pagpapaliwanag -- ang "pagbabago" o "ebolusyon", na ginagamit mga dalubhasang makaagham para ipaunawa kung bakit sadyang gayon, ganyan, at ganito ang iba't ibang mga nilikhang mga hayop at halaman, at kung bakit din sila gumagalaw o kumikilos ayon sa kanilang mga asal at gawi.

Ang ebolusyon ay ang prosesong unti-unting pagbabago ng mga minanang katangian ng mga hayop at halaman sa iba't ibang salinlahi. Nakalagay ang mga katangiang ito sa mga gene na kinokopya at ipinapasa sa kanilang mga anak sa reproduksyon. Maaaring makagawa ng mga bago at pinalitang mga katangian ang mga pagbabago sa mga gene na ito, na nagdudulot ng pagkakaiba sa pagitan ng mga organismo. Nagaganap ang ebolusyon kung nagiging pangkaraniwan o bihira sa isang populasyon ang iba't ibang mga katangian. Maaari itong maganap sa pamamagitan ng mutasyon, genetic drift, o sa pamamagitan ng kahalagahan ng mga katangiang reproduktibo sa pamamagitan ng seleksyong natural.

Kapag tumatanaw ang mga siyentipiko - mga taong nag-agham - sa mga nilikhang may buhay, kalimitang nakikita nilang may mga pagbabagong nagaganap sa hugis at ugali ng isang pangkat ng mga nilalang. Halimbawa, limang mga daliri sa kamay at paa sa bawat braso at hita ang mga butiki, unggoy, tao, at iba pang mga nilalang. Ngunit may ilang mga nilalang na may apat, tatlo, dalawa, o isang daliri lamang. Karaniwang may tanda na dating may mas maraming bilang ng mga daliri yung mga nilalang na may mga mas mababa sa lima ang bilang ng mga daliri. Maaaring mga sobrang dalawang maliliit na daliri sa paa ang mga ito, mga dating sagabal sa paglalakad, o maaaring mga bukol sa gilid ng mga hita, kung saan may isang sobrang daliri sa paa ang mga ninuno ng tinutukoy na hayop. Sinasabi ng mga dalubhasa sa siyensiya na sanhi ng pagbabago o ebolusyon ang mga naganap na mga pagbabagong ito hinggil sa mga daliri ng mga nilikha. Na ang pagbabago ang dahilan kung bakit magkaiba ang ungguladong paa ng kabayo mula sa baka, at ang kamay ng koala mula sa pakpak ng ibon.

Napapansin ng mga siyentipiko na nangyari nga ang mga pagbabago. Naganap ang mga ito ng lubhang may kabagalan sa loob ng matagal na panahon. Sinubok na ipaliwanag ng mga dalubhasa kung bakit naganap ang mga pagbabagong ito. Tinatawag na panukala ng pababago[1] o teoriya ng ebolusyon ang diwa o konseptong ginagamit ng mga siyentipiko sa pagpapaliwanag ng mga pagbabago. Sa panukalang ito ng mga pagbabago, sinasaad na mga nilalang na anyong bakulaw, hukot at hindi lapat ang katawan sa paglakad nang nakatayo sa 2 paa ang pinakahuling pinagmulan ng mga tao. Tinalunton ng mga dalubhasa sa agham ang mga magkakapatong na mga "pagbabagong kinailangan sa pagganap nito." Isa sa mga patong na kabilang dito ang "pagbabago ng paa, baywang at buto sa likod." Tinawag na mga unang taong nakatindig o homo erectus ang mga "taong unang nagkakatawan upang mabuhay nang nakatayo maghapon, araw-araw at habang-buhay." Dalawa sa mga halimbawa ng mga unang taong nakatindig ang Taong Java at ang Taong Peking mula sa dalawang bahagi ng Asya.[1]

Mga ebidensiya ng ebolusyon

Mga fossil na nagpapatunay na ang ebolusyon o pagbabago ay naganap

Tulerpeton. Ang tetrapod na ito na na lumitaw noong 365 milyong taon na ang nakalilipas.
Pederpes finneyae. Ang tetrapod na ito na lumitaw sa pagitan ng 359 - 345 milyon taon na ang nakalilipas.


Lyddekerina huxleyi
Benthosuchus sushkini. Ang organismong ito na extinct na sa kasalukuyan ay kabilang sa Temnospondyli na primitibong mga amphibian.
Mga kasalukuyang species ng amphibian na nag-ebolb mula sa mga tetrapod.

Ang pagkakatuklas na ang ilang mga bato ay naglalaman ng mga fossil ng mga hayop o halaman ay isang napakalahagang pagkakatuklas sa kasaysayang natural ng mundo. Ito ang mga sumusunod:

  1. Pagkakatuklas na ang mga bagay na nakaloob sa mga bato na mukhang organiko ay napatunayang ang mga labi ng dating nabubuhay na mga bagay.[2][3]
  2. Pagkakatuklas na ang maraming mga fossil ay kumakatawan sa mga species na hindi na umiiral ngayon. Ito ay nagpapatunay na ang ekstinksyon ay nangyari at ang iba't ibang mga strata o patong ng mga bato ay naglalaman ng iba't ibang mga fossil. [4]
  3. Pagkakatuklas na ang mga sinaunang fossil ay naglalaman ng mas simpleng mga organismo kesa sa mga huling fossil. Ang ibig sabihin nito, sa pinakailalim na strata(patong ng bato) ay pinakasimple ang mga organismong makikita at habang tumataas sa ibabaw ng strata ay nagiging mas komplikado ang mga organismong nakita. Bukod dito, ang mga pang-ibabaw na patong ng strata ay kinakikitaan ng mga organismo na katulad ng mga hayop na nabubuhay sa mundo.[5]

HINDUOT lng ng tatay ang kailangan }}

Ang tetrapods ay nag-ebolb o nahati sa dalawang pangkat(landas): ang amniotes at amphibians. Ang amniotes ay nag-ebolb naman sa dalawang pangkat na sauropsids at synapsids. Ang synapsids ay nag-ebolb naman sa dalawang pangkat na pelycosaurs(na ninuno ng mga dinosaur) at therapsids na nag-ebolb naman sa mga mammal.

Mga panahon ng paglitaw ng mga organismo sa fossil record

Ang ebolusyon ay naganap sa loob ng 4.5 bilyong taon ng edad ng planetang mundo(earth). Ang pinakamatandang organismong natuklasan ay isang fossilized bacteria na may edad na 3 bilyong taon.[6] Ang mga sumusunod ay mga petsa ng taong nakalipas.

  • 3.8 bilyong taon: unicellular (prokaryotes)
  • 3.5 bilyong taon: ang paghiwalay ng bacteria at archaea mula sa karaniwang ninuno(common ancestor). Ang pag-unlad sa bacteria ng primitibong anyo ng photosynthesis na hindi lumilikha ng oxygen
  • 3 bilyong taon: cyanobacteria na gumagamit ng photosynthesis na naglalabas ng itinatapong produktong(waste product) oxygen
  • 2 bilyong taon: Lumitaw ang Eukaryote(complex cells o komplikadong selula)
  • 1 bilyong taon: Lumitaw maraming selulang organismo(multicellular life)
  • 600 milyong taon: Lumitaw ang mga simpleng hayop
  • 570 milyong taon: Lumitaw ang arthropods (ninuno ng mga insekto, insekto, arachnids at crustaceans),
  • 550 milyong taon: Lumitaw ang mga komplikadong hayop(complex animals)
  • 500 milyong taon: Lumitaw ang mga isda at proto-amphibian
  • 475 milyong taon: Lumitaw ang mga halamang panlupa(land plants)
  • 400 milyong taon: Lumitaw ang mga insekto at buto(seeds)
  • 390 milyong taon: Lumitaw ang mga tetrapod
  • 360 milyong taon: Lumitaw ang mga amphibian
  • 300 milyong taon: Lumitaw ang mga reptile
  • 220 milyong taon: Lumitaw ang mga mammal
  • 160 milyong taon: Lumitaw ang mga placental mammal
  • 150 milyong taon: Lumitaw ang mga ibon
  • 130 milyong taon: Lumitaw ang mga bulaklak
  • 85-65 milyong taon: Lumitaw ang mga primates
  • 65 milyong taon: Ang mga non-avian dinosaur ay naglaho o naging extinct
  • 40 milyong taon: Ang primate ay nahati sa dalawang pangkat: Strepsirrhini at Haplorrhini
  • 30 milyong taon: ang haplorrhini ay nahati sa dalawang pangkat: Platyrrhini at Catarrhini
  • 25 milyong taon: Ang Catarrhini ay nahati sa dalawang pangkat: Old World monkeys (Cercopithecoidea) at apes (Hominoidae)
  • 15 milyong taon: Ang Hominidae (great apes) ay humiwalay sa mga ninuno ng gibbon
  • 13 milyong taon: Ang mga ninuno ng Homininae ay humiwalay sa mga ninuno ng orangutan
  • 10 milyong taon: Ang Hominini ay humiwalay sa mga ninuno ng gorilla
  • 7 milyong taon: Ang Hominina ay humiwalay sa mga ninuno ng chimpanzee
  • 4.4 milyong taon: Ang Ardipithecus ng genus na hominin ay lumitaw
  • 3.9-2.9 milyong taon: Lumitaw ang Australopithecus afarensis
  • 3.5 milyong taon: Lumitaw ang Kenyanthropus platyops
  • 3 milyong taon: Lumitaw ang australopithecines
  • 2.5 milyong taon: Lumitaw ang genus na Homo kabilang ang Homo habilis na pinaniniwalaang ninuno ng Homo ergaster.
Talaksan:Australopithecus afarensis.JPG
Australopithecus afarensis
Talaksan:Homo habilis.JPG
Homo habilis
Talaksan:Homo erectus new.JPG
Homo erectus
Talaksan:Homo heidelbergensis (10233446).jpg
Homo heidelbergensis
Talaksan:Homo floresiensis - reconstruction.JPG
Homo floresiensis
  • 1.8 milyong taon: Lumitaw ang Homo erectus
  • 1.2 milyong taon: Lumitaw ang Homo antecessor
  • 600,000 taon: Lumitaw ang Homo heidelbergensis
  • 200,000 taon: Lumitaw ang Homo sapiens(tao) na tinawag na Omo
  • 160,000 taon: Lumitaw ang subspecies ng Homo sapiens na Homo sapiens idaltu
  • 150,000 taon: Lumitaw ang Mitochondrial Eve sa Silangang Aprika. Ito ay walang kaugnayan sa karakter na Eva sa Bibliya kundi ito ang itinawag na pangalan sa babaeng ito dahil ito ang pinaka-kamakailan(most recent) na ninunong "ina"(matrilineal) na karaniwan(common) sa lahat ng mitochondrial na angkang nabubuhay sa mundo ngayon. Dahil sa pagpapangalang ito, maaaring magkaroon ng maling pananaw na ito ang nag-iisang babaeng nabuhay noong panahon niya. Ang babaeng ito ay namuhay kasama ng ibang mga babae. Ang nuclear na pag-aaral ng DNA ay nagpakitang ang populasyon ng tao sa panahong ito ay hindi bababa sa 10,000. Gayunpaman, ang ibang mga kasama nitong babae ay nabigong lumikha ng "direktang" hindi napapatid na linya ng babae sa kasalukuyang panahon.
  • 130,000 taon: Lumitaw ang kumpletong Neanderthal
  • 70,000 taon: Lumitaw ang mitochondrial haplogroup L2
  • 142,000-72,000 taon: Lumitaw ang Y-chromosomal Adam sa Aprika. Ito ay walang kaugnayan sa karakter na Adan sa Bibliya kundi ito ang itinawag na pangalan sa lalakeng ito dahil ito ang pinaka-kamakailan(most recent) na karaniwang ninuno kung saan ang lahat ng Y chromosome ng lalakeng tao ay nagmula. Dahil sa pagpapangalang ito, maaaring magkaroon ng maling pananaw na siya lamang ang nag-iisang lalakeng nabuhay noong panahon niya. Ang lalakeng ito ay namuhay na kasama ng maraming iba pang mga lalakeng tao [7] kabilang ang kanyang sariling ama na "hindi pinaka-kamakailan" na ninuno ng tao. Gayunpaman, ang ibang mga kasama nitong lalake ay nabigong lumikha ng "direktang" hindi napapatid na linya ng lalake sa kasalukuyang panahon.
  • 25,000 taon: Naglaho ang Neanderthal
  • 12,000 taon: Pagsimula ng panahong Mesolithic/Holocene. Paglitaw ng Y-Haplogroup R1a at mt-haplogroups V, T. Ebolusyon ng puting balat sa mga Europeo (SLC24A5). Ang Homo floresiensis ay namatay na nag-iwan sa mga modernong Homo sapiens(modernong tao) bilang tanging buhay na species ng genus na Homo.

Distribusyong heograpikal

Kung ang bagong species ay lumilitaw na karaniwan ay sa pakikipaghiwalay sa mga mas matandang species, ito ay nangyayari sa isang lugar sa mundo. Pagkatapos nito, ang mga bagong species ay maaari ng kumalat sa ibang mga lugar at hindi sa ibang mga lugar.

Ang Australasia ay nawalay sa ibang mga kontinente sa loob ng mga milyong taong. Sa pinakapangunahing bahagi ng kontinente na Australia, 83% ng mga mammal, 89% ng mga reptile, 90% ng mga isda at insekto at 93% ng mga amphibian ay tanging matatagpuan sa mga lugar na ito. Ang mga katutubong mammal nito ay mga marsupial gaya ng kangaroo, bandicoot at quoll. Sa kabaligtaran nito, ang mga marsupial ay hindi matatagpuan sa kasalukuyan sa Aprika at bumubuo ng maliit na bahagi sa mammalian fauna sa Timog Amerika gaya ng opossum, shrew opossum at monito del monte.

Ang tanging representatibo lamang ng mga primitibong naglalabas ng itlog na mammal na tinatawag na monotreme ang echidna at platypus. Ang mga ito ay tanging matatagpuan sa Australasia kabilang ang Tasmania at New Guinea at Kangaroo Island. Ang mga monotreme na ito ay lubos na hindi makikita sa ibang panig ng munod. Sa kabaligtaran, ang Australia ay hindi kinakikitaan ng maraming mga grupo ng mga placental na mammal na karaniwang sa ibang mga kontinente (carnivora, artiodactyls, shrews, squirrels, lagomorphs) bagaman ito ay may mga indigenuous na mga paniki at rodent na kalaunang dumating dito.

Ayon sa kasaysayang ebolusyonaryo, ang mga placental mammal ay nag-ebolb sa Eurasia. Ang mga marsupial, placental mammal at consentitual mammal ay humiwalay mula sa monotreme noong Cretaceous period. Ang mga marsupial ay nakarating sa Australia sa pamamagitan ng Antarctica mga 50 milyong taon ang nakakalipas pagkatapos humiwalay ang Australia sa Antarctica.

Karaniwang pinagmulan

Halimbawa, ang mga insekto ay magkaka-ugnay. Ang mga ito ay nagsasalo ng parehong hitsura ng katawan na kinokontrol ng master regulatory gene. Ang mga ito ay may anim na hita, mga matigas na bahagi sa laban ng katawan o exoskeleton at mga matang binubuo ng maraming magkakahiwalay na lalagyan at iba pa. Ito ay maipapaliwanag ng ebolusyon. Ang lahat ng mga insekto ay inapo(descendant) ng isang grupo ng mga hayop na nabuhay na matagal na panahon na ang nakakalipas. Ang mga insekto ngayon ay meron pa rin ng mga pangunahing bahaging ito ngunit ang mga detalye ay nagbago. Ang mga insekto na nabubuhay ngayon ay iba na sa insekto noong sinaunang panahon dahil sa ebolusyon. Ang ebidensiya sa molekular na biolohiya ay sumusuporta sa pananaw na ito.

Vestigial structure

Ang isang malakas na ebidensiya para sa karaniwang pinagmulan ang mga vestigial structure. Ang mga walang silbing pakpak ng mga hindi lumilipad na beetle ay nakasara sa ilalim ng pinagsamang mga takip na pakpak. Ito ay maipapaliwanag na ang mga beetle ngayon ay nagmula sa mga sinaunang beetle na may pakpak na gumagana.

Ang mga rudimentaryong bahagi ng katawan o mga bahaging mas maliit at mas simple sa katulad na bahagi sa mga sinaunang species ay tinatawag na vestigial organs. Ang mga organ na ito ay may silbi sa sinaunang species ngunit ang mga ito ay wala ng silbi sa kasalukuyan o may bago ng silbi. Ang mga halimbawa nito ang mga pelvic girdle ng mga whale, halteres(likod na pakpak) ng mga langaw, pakpak ng mga hindi lumilipad na ibon gaya ng ostrich at mga halaman ng ilang xerophyte gaya ng cactus at parasitikong mga halaman gaya ng dodder.

Gayunpaman, maaring napalitan na ang kanilang orihinal na silbi ang mga vestigial structure sa isang bagong silbi. Halimbawa ang mga halteres sa langaw ay nakakatulong sa pagbalanse ng mga insektong habang lumilipad at ang mga pakpak ng ostrich ay ginagamit sa mga ritual ng pakikipagtalik at pagpapakitang agresibo.

Sa mga tao, ang mga vestigial organ ay kinabibilangan ng appendix at wisdom teeth. Ang wisdom teeth ay wala ng silbi sa tao kaya ito ay karaniwang binubunot upang maibsan ang sakit na dulot nito sa isang tao.

Ang mga vestigial organ na ito ay minsan may seleksiyon laban sa mga ito. Ang mga orihinal na organ ay gumagamit ng napalaking pinagkukunan. Kung ang mga ito ay wala ng silbi, ang pagpapaliit ng mga sukat nito ay nagpapaigi ng paggamit nito. Ang ilan sa mga direktang ebidensiya nito ang ilang mga crustacean ma may mas maliit na mga mata ay tagumpay na nakakapagparami kesa sa mga may malalaking mata. Ito ay dahil ang nervous tissue na hinggil sa pagtingin ay mas naging magagamit para sa ibang mga sensory input.

Embryology

Mula ika-18 siglo, alam na ang mga embryo ng iba't ibang species ay pare pareho kesa sa mga matandang organismo ng mga ito. Sa partikular, ang ilang mga bahagi ng embryo ay nagpapakita ng ebolusyonaryong nakaraan. Halimbawa, ang embryo ng land vertebrate ay lumilikha ng mga gill slit tulad ng mga embryo ng isda. Ang mga proto-gill slit ay bahagi ng mas komplikadong sistema ng pagbuo kaya ang mga ito ay nagpatuloy.

Ang isa pang halimbawa ang mga ngiping embryonic ng mga baleen whale. Ang mga ito ay kalaunang nawala. Ang baleen filter ay nabubuo mula sa ibang tissue na tinatawag na keratin. Ang sinaunang fossil ng baleen whale ay may ngipin gayon din ang baleen.

Ang isa pang halimbawa ang barnacle. Umabot sa napakaraming mga siglo bago natuklasan ng mga historian na ang barnacle ay mga crustacea. Ang mga matandang barnacle ay sobrang iba sa iba pang mga crustacea ngunit ang larvae(bata) ay labis na katulad ng ibang mga crustacea.

Artipisyal na seleksiyon

Ang saging na Musa balbisiana. Ito ay isang ligaw na saging na hindi makakain ng tao. Ito ang ninuno ng domesticated o cultivated banana(saging) na produkto ng artificial selection.
Isang makakain na domesticated banana na produkto ng artipisyal na seleksiyon.

Si Charles Darwin ay nabuhay sa mundo kung saan ang animal husbandry at mga domesticated crop ay napakahalaga. Sa parehong mga kaso, ang mga magsasaka ay nagpaparami(breed) o nagpapatalik ng dalawang hayop o halaman na may espesyal na mga katangian at iniiwasan ang pagpapatalik ng mga hayop o halaman na may hindi magandang katangian. Ito ay nakita sa pagsasakang agrikultural noong ika-18 hanggang ika-19 siglo at ang artipisyal na pagpipili ng magtatalik na mga hayop o halaman ay bahagi nito.

Tinalakay ni Darwin na ang artipisyal na seleksiyon ay isang modelo ng natural selection noong 1859 sa unang edisyon ng kanyang aklat na Origin of Species:

"Slow though the process of selection may be, if feeble man can do much by his powers of artificial selection, I can see no limit to the amount of change... which may be effected in the long course of time by nature's power of selection".

Bagaman mabagal ang proseso ng seleksiyon, kung ang mahinang tao ay makakagawa ng higit sa kanyang kapangyarihan ng artipisyal na seleksiyon, wala akong nakikitang limitasyon sa halaga ng pagbabago...na maaaring likhain sa mahabang kurso ng panahon sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kalikasan ng seleksiyon.

Ang rye ay ngayon isa ng crop. Sa orihinal na anyo nito, ito ay isang mimetic weed ng wheat. Ipinakita ni Nikolai Vavilov na ang rye na isang weed ay naging halamang crop sa pamamagitan ng hindi intensyonal na seleksiyon. Ang rye ay mas matibay na halaman kesa sa wheat. Ito ay nakakaligtas sa napakalupit ng mga kondisyon. Sa pagiging crop tulad ng wheat, nakayang maging crop plant ng isang rye sa isang malupit na mga lugar gaya ng mga bundok.

Walang tunay na pagkakaiba sa prosesong genetiko na pinagsasaligan ng artipisyal at natural na seleksiyon. Ang pagkakaibang praktikal ang rate o bilis ng ebolusyon sa artipisyal na seleksiyon ay kahit papaano dalawang order ng magnitude(o 100 beses) na mas mabilis kesa sa rate o bilis na makikita sa kalikasan o fossil record.

Artipisyal na bagong species

Akala ng iba noong una na ang artipisyal na seleksiyon ay hindi makakalikha ng mga bagong species. Ngayon ito ay pwede na. Ang mga bagong species ay nalilikha sa pamamagitan ng domesticated animal husbandry ngunit ang mga detalye ay hindi pa alam. Halimbawa, ang mga domesticated sheep(tupa) ay nilikha sa pamamagitan ng hybridisation at hindi na pwede pang magkaanak sa pakikipagtalik sa isang species ng tupa na Ovis orientalis na pinagmulan nito. Ang mga domestic cattle(baka) ay maaaring ituring na parehong species ng ilang mga uri wild ox, gaur, yak, etc., dahil ang mga ito ay maaaring magkaanak sa pakikipagtalik sa mga ito.

Ang pina-dokumentadong bagong species ay nagmula sa mga eksperimentong laboratoryo noong mga 1980s. Ipinagtalik nina William Rice at G.W. Salt ang mga langaw pamprutas na Drosophila melanogaster gamit ang maze na may tatlong iba't ibang mapagpipilian gaya ng liwanag/dilim at basa/tuyo. Ang bawat henerasyon ay inilagay sa maze at ang mga grupo ng langaw na lumabas sa dalawa sa walong labasan ay inihiwalay upang makipagtalik sa kanilang mga respektibong grupo. Pagkatapos ng tatlumput-limang henerasyon, ang dalawang mga grupo at ang mga supling nito ay inihiwalay sa pakikipagtalik dahil sa kanilang malakas na preperensiya ng habitat o kapaligiran. Ang mga ito ay nakipagtalik lamang sa mga kapaligiran na kanilang gusto at hindi nakipagtalik sa mga langaw na iba ang kapaligiran na gusto.

Naipakita rin ni Diane Dodd na ang paghihilaway reproduktibo ay mabubuo mula sa preperensiya ng pakikipagtalik sa langaw na Drosophila pseudoobscura pagkatapos lamang ng walong mga henerasyon gamit ang iba't ibang uri ng pagkain, starch at maltose.

Mapagmamasdang mga pagbabago

Ang mga pagbabago ay mabilis na mangyayari sa mas maliit at simpleng mga organismo. Halimbawa, ang ilan sa mga bacteria na nagsasanhi ng sakit ay hindi na mapapatay gamit ang ilang mga antibiyotiko. Ang mga medisinang ito ay ginagamit pa lamang sa loob ng walumpung taon at sa simula ay sobrang epektibo laban sa mga bacteriang ito. Ang mga bacteria ay nag-ebolb upang ang mga ito ay hindi na tablan ng mga antibiyotiko. Gayunpaman, ang mga antibiyotiko ay nakakapatay pa rin ng karamihan sa mga bacteria maliban sa mga bacteriang nagkamit ng resistansiya. Ang mga ilang drug-resistant na bacteriang ito ay lumikha ng mga sumunod na henerasyon.

Ang mga Colorado beetle ay kilala sa kakayahann nitong hindi tablan ng mga pesticide. Sa loob ng 50 taon, ito ay naging resistant sa 52 chemical compound na ginagamit sa mga insecticide kabilang ang cyanide. Ang natural na seleksiyon na ito ay pinabilis ng mga artipisyal na kondisyon. Gayunpaman, hindi lahat ng populasyon ng beetle ay resistant sa bawat kemikal na ito. Ang mga populasyon ay naging resistant lamang sa kemikal na ginagamit sa kapaligiran ng mga ito.

Henetiks

Ang platypus kasama ang mga ibang monotreme gaya ng echidna ang tanging mga mammal na nangingitlog. Ang genome ng platypus ay naglalaman ng parehong gene ng reptile, ibon at mammal.[8][9][10][11][12] Ang ebidensiyang biokemikal at henetiko ay nagpakitang ang mga monotreme ay humiwalay sa mga mammal bago lumitaw ang mga marsupial at placental mammal.[13]. Natukoy rin ng ebidensiyang henetiko na ang mga echidna ay humiwalay sa mga platypus 19-48 milyong taon ang nakakalipas nang ang mga ito ay nag-ebolb mula semi-akwatiko tungo sa panlupang pamumuhay.

Ang isa pinakamatibay na ebidensiya ng ebolusyon mula sa karaniwang pinagmulan o common descent ang pag-aaral ng mga gene sequences. Ang pagsasaliksik na pagkukumpara ng mga sequence sa pagitan ng DNA ng iba't ibang mga species ay nagbigay ng sobrang tibay na ebidensiya para sa karaniwang pinagmulan common descent na iminungkahi ni Charles Darwin. Ito ay makikita sa pamamagitan ng pagmamana ng DNA sa ninuno ng mga inapo(descendant) nitong organismo. Ang mas malapit na magkakaugnay na mga species ay may mas malaking praksiyon ng magkatulad na sequence ng DNA at mayroong magkasalong substitusyon kesa sa mas malayong magkakaugnay na mga species.

Ang pinakasimple at pinakamakapangyarihan ay ibinibigay ng phylogenetic reconstruction. Ang rekonstruksiyong ito kung isasagawa gamit ang mabagal na nag-eebolb na protein sequence ay maaaring gamitin upang muling likhain ang kasaysayang ebolusyonaryo ng mga modernong organismo at kahit ng mga extinct o hindi na umiiral na organismo gaya ng mammoth, neandertha, T.rex at iba pa. Ipinapakita ng mga muling nilikhang phylogenies ang relasyon na napatunayan sa mga morpolohikal at biokemikal na mga pag-aaral ng mga organismo. Ang pinakadetalyadong mga rekonstruksiyon ay isinagawa sa basehan ng mga mitochondrial genome na pinagsasaluhan ng lahat ng mga organismong eukaryotic na mas maikli at mas madaling i-sequence. Ang pinakamalawak na rekonstruksiyon ay isinagawa gamit ang mga sequence ng ilang sinaunang mga protina o gamit ang ribosomal RNA sequence.

Ang mga relasyong phylogenetic ay lumalapat din sa sobrang lawak na uri ng mga nonfunctional(walang silbing) sequence element kabilang ang repeats, transposons, pseudogenes, at mutation sa protein-coding sequences na hindi nagreresulta sa amino acid sequence. Bagamang ang maliit na mga elementong ito ay kalaunang natagpuang nagiingat ng silbi o tungkulin, sa aggregate o pinagsama, ito ay nagpapakita ng identity na produkto ng common descent(karaniwang pinagmulan) kesa sa common function(o isang tungkulin).

Unibersal na biokemikal na organisasyon at molekular na variance patterns

Lahat ng kilalang umiiral na mga organismo ay nakasalig sa isang parehong pundamental o pangunahing mga biochemical na organisasyon. Ang mga ito ang henetikong impormasyon na naka-code sa nucleic acid(DNA, o RNA para sa mga virus), naka-transcribe sa RNA, at isinalin sa mga protina(mga polymer ng amino acid) sa pamamagitan ng labis na naingatang ribosome. Ang genetic code(ang translation table) sa pagitan ng DNA at aminod acid ay pareho sa halos lahat ng mga organismo na ang ibig sabihin ay ang piraso ng DNA sa isang bacteria ay nagkoko-code para sa parehong amino acid na nasa tao(human). Ang ATP ay ginagamit bilang energy currency ng lahat ng mga nabubuhay na organismo. Ang isang malalim na pagkaunawa ng debelopmental na bioholiya ay nagpapakitang ang karaniwang morpolohiya ay produkto ng pinagsaluhang elementong henetiko. Halimbawa, bagaman ang mga matang tulad ng camera ay pinaniniwalaang nag-ebolb ng independyente sa maraming mga hiwalay na okasyon, ang mga ito ay nagsasalo ng isang karaniwang hanay ng mga light-sensing proteins (opsins) na nagpapakita ng karaniwang pinagmulan ng lahat ng mga may matang organismo. Ang isa pang halimbawa ang body plan ng vertebrate na ang straktura ay kinokontrol ng pamilyang homeobox (Hox) ng mga gene.

Pagsi-sequence ng DNA

Ang komparison ng DNA sequence ay nagbibigay ng kakayahan upang ang mga organismo ay mai-grupo sa pagkakatulad ng sequence at ang nagreresultang phylogenetic trees ay tipikal na umaayon sa tradisyonal na taxonomy at karaniwang ginagamit upang i-tama o palakasin ang mga klasipikasyong taxonomiko. Ang komparison ng sequence ay tinuturing na sukat na sapat na mayaman upang i-tama ang mga maling asumpsiyon sa phylogenetic tree sa mga instansiyang ang ibang mga ebidensiya ay kulang. Halimbawa, ang neutral na DNA sequence ng tao(human) ay tinatayang 1.2% divergent o iba batay sa substitusyon mula sa pinakamalapit ng kamag-anak ng tao na chimpanzee, 1.6% mula sa gorilla, at 6.6% mula sa baboon. Sa ibang salita, ang tao at chimpanzee ay mayroong 98.8% na magkatulad na DNA, kumpara sa tao at gorilla na may 98.4% na magkatulad na DNA at sa pagitan ng tao at baboon na mayroong 93.4 % na magkatulad na DNA.[14] Kaya ang ebidensiya ng genetic sequence ay pumapayag sa paghinuha at relasyong henetiko sa pagitan ng tao at ibang mga ape. Ang sequence ng 16S ribosomal RNA gene na isang mahalagang gene sa pagko-code ng isang bahagi ng ribosome ay ginamit upang hanapin ang malawak ng relasyong phylogenetic sa pagitan ng mga nabubuhay na organismo. Ang analisis na orihinal na ginawa ni Carl Woese ay nagresulta sa three-domain system na naghihinuha para sa dalawang pangmalakihang paghihiwalay sa sinaunang ebolusyon ng buhay. Ang unang paghihiwalay ay nagdulot ng modernong bacteria at ang kalaunang paghihiwalay ay nagdulot ng modernong Archaea at Eukayote. titi na malai

Mga mekanismo ng ebolusyon

Bariasyon

Ang lahat ng nabubuhay na organismo ay nagpapakita ng bariasyon o pagkakaiba. Natuklasan sa mga pagsasaliksik na ang mga hayop at halaman ay nagbabago gaya ng tao. Ang mga katangian ng isang indibiwal ay naiimpluwensiyan ng dalawang bagay: ang pagmamana(heredity) at kapaligiran. Una, ang pagbuo ng isang organismo ay kinokontrol ng gene na namamana isang organismo sa mga magulang nito. Ikalawa, ang mga organismong nabubuhay ay nagdadala ng sarili nitong mga impluwensiya. Ang gene ng isang tao ay naglalaman ng lahat ng mga katangian na namana nito sa magulang nito. Ang ibang mga katangian(trait) ng isang organismo ay buong namamana, ang iba't sa isang bahagi lamang at sa iba ay hindi namamana. Halimbawa, ang kulay ng mga mata ng isang tao ay buong namamana sa magulang kaya ito ay isang katangiang henetiko, ngunit ang ng taas at timbang ay sa isang bahagi lamang na namamana. Bagaman ang kakayahan na makapagsalita ng isang tao ay namamana, ang wikang sinasalita ay hindi henetikong namanana. Ang ebolusyon ay tumutungkol lamang sa mga katangian o trait na namamana ng buo o sa isang bahagi.

Ang bariasyon ay umaapekto lamang sa mga hinaharap o future na henerasyon kung ito ay namana. Dahil sa eksperimento ni Gregor Mendel, alam na nating ang halos lahat ng bariasyon o pagkakaiba ay namamana. Ang mga tinatawag ni Mendel na 'paktor' ay alam na nating mga gene. Ang pagsasaliksik ay nagpakitang ang lahat ng halos bawat indibidwal sa isang nabubuo sa pagtatalik ay henetikong uniko o walang katulad.

Mutasyon

Ang mga henetikong bariasyon ay napapadami sa pamamagitan ng mutasyon ng gene. Ang DNA ay hindi palaging magkakatulad. Ang mga bihirang pagbabago ay nangyayari at ito ay maaaring mamana ng isang organismo mula sa magulang. Ang karamihan sa mga pagbabago sa DNA ay nagdudulot ng panganib ngunit ang ilan sa mga ito ay neutral o isang kapakinabangan(advantage) sa isang organismo. Ang mutasyon ay maaaring mangyari sanhi ng mga pagkakamali kung ang meiosis ay lumilikha ng mga gamete cell(itlog at sperm) gayundin ng radiasyon o ng ilang mga kemikal ngunit ang mga mutasyon ay minsan nangyayari ng random o biglaan. Ang ilang pangunahing uri ng mga mutasyon sa DNA ay:

Gene duplication
  • Deletion(Pagbura) kung saan ang isa o maraming mga base ng DNA ay nabura.
  • Insertion(Pagpasok) kung saan ang isa o maraming mga base ng DNA ay nadagdag.
  • Subsitution(Paghalili) kung saan ang isa o maraming mga base ng DNA ay humalili(substituted) para sa ibang mga base sa sequence.
  • Duplication(Pagkopya) kung saan ang buong gene ay kinopya. Ang gene duplication ay may malaking papel na ginampanan sa ebolusyon. Ito ay nagpapakilala ng karagdagang mga kopya ng gene sa isang genome. Ang karagdagang(extra) mga kopya ng gene ang pangunahing pinagmumulan ng hilaw na bagay(raw material) para ang mga bagong gene ay mag-ebolb. Ito ay mahalaga dahil ang karamihan sa mga bagong gene ay nag-ebolb sa loob ng mga pamilya ng gene mula sa naunang umiiral na mga gene na may pinagsaluhang mga ninuno. Halimbawa, ang mata ng isang tao ay gumagamit ng apat na gene upang lumikha ng mga estruktura na nakakadama ng liwanag. Ang tatlo ay para sa pagtingin ng kulay(color vision) at ang isa ay para sa pagtingin sa gabi(night vision). Ang lahat ng apat na gene na ito ay nagmula sa isang sinaunang gene. Ang mga bagong gene ay maaaring malikha mula sa isang ancestral o sinaunang gene kapag ang duplikadong kopya ay nag-mutate at nagkamit ng panibagong silbi o tungkulin. Ang prosesong ito ay mas madali pag ang gene ay na-duplicate dahil ito ay nagdadagdag ng pagdami nito sa sistema. Ang isang gene sa pares ay maaaring magkamit ng panibagong silbi o tungkulin samantalang ang ibang mga kopya ay patuloy na nagsasagawa ng orihinal nitong tungkulin. Kahit ang ibang mga uri ng mutasyon ay maaaring kabuuang makalikha ng panibagong mga gene mula sa mga nakaraang noncoding na DNA. Ang henerasyon ng mga bagong gene ay maaari ring sumangkot sa mga maliit na bahagi ng ilang mga gene na dinuduplicate at sa mga pragmentong ito ay naghahalong muli upang bumuo ng mga bagong kombinasyon na may mga bagong mga tungkulin. Kung ang mga gene ay nabuo mula sa paghahalo ng mga naunang umiiral na mga bahagi, ang domains ay umaasal bilang mga module na may simpleng independyenteng tungkulin na maaaring pagsaluhin upang lumikha ng mga bagong kombinasyon na may bago at komplikadong mga tungkulin.

Bilang karagdagan sa pagiging pangunahing pinagmulan ng bariasyon, ang mutasyon ay maaari ring magsilbing mekanismo ng ebolusyon kung may mga iba't ibang probabilidad sa molecular level para ang iba't ibang mga mutasyon ay mangyari. Ang prosesong ito ay tinatawag na "mutation bias". Halimbawa, kung ang dalawang genotype na ang isa sa mga ito ay may nucleotide na G at ang isa ay may nucleotide na A sa parehong posisyon at may parehong fitness(kaangkupan) ngunit ang mutasyon mulsa sa G patungo sa A ay kalimitang(more often) nangyayari kesa sa mutasyon mula sa A patungo sa G, ang mga genotype na may A ay magagawing(tend) mag-ebolb. Ang iba't ibang insertion laban sa deletion na mga mutation bias sa iba't ibang taxa ay maaring magdulot ng ebolusyon ng iba't ibang mga sukat ng genome. Ang developmental o mutational biases ay napagmasdan din sa morphological evolution. Halimbawa, ayon sa phenotype-first teoriya ng ebolusyon, ang mga mutasyon ay kalaunang magdudulot ng henetikong asimilasyon o pagsasama ng mga katangian(trait) na sa nakaraan ay hinimok ng kapaligiran.

Ang mga epekto ng mutation bias ay ipinapatong sa ibang mga proseso. Kung ang seleksiyon ay papabor sa isa sa dalawang mga mutasyon ngunit walang karagdagang benepisyo sa pagkakaroon ng dalawang mutasyong ito, ang mutasyon nangyayari ng madalas ang siyang malamang na matatakda(fixed) sa isang populasyon. Ang mga mutasyon na nagdudulot ng paglaho ng silbi o tungkulin ng isang gene ay mas karaniwang kesa sa mga mutasyong bumubuo ng bago at buong may silbing gene. Ang karamihan sa mga mutasyon ng paglaho ng tungkulin ay umaapekto sa ebolusyon. Halimbawa, ang mga pigment(kulay) ay hindi na magagamit ng mga hayop na nakatira sa mga kweba at karaniwang naglalaho. Ang uring ito ng paglaho ng tungkulin ay nangyayari dahil sa mutation bias at/o ang tungkulin ay magastos. Ang pagkawala ng kakayang sporulation(proseso ng paglikha ng spore) sa isang bacteria sa isang ebolusyon sa laboratoryo ay lumilitaw na sanhi ng mutation bias kesa sa natural selection laban sa gastos ng pagpapanatili ng kakayahang ito. Kung walang seleksiyon para sa paglaho ng tungkulin, ang bilis kung saan ang paglaho ay nag-eebolb ay mas lalong dumidepende sa rate(bilis) ng mutasyon kesa sa epektibong sukat ng populasyon na nagpapakitang ito ay mas itinutulak ng mutation bias kesa sa genetic drift.

Natural na seleksiyon

Ang natural na seleksyon(natural selection) ang proseso kung saan ang organismong may kanais nais na katangian ay mas malamang na dumami. Sa paggawa nito, ipinapasa ng mga ito ang mga katangiang ito sa susunod na henerasyon. Sa paglipas ng panahon, ito ay gumagawa sa mga organismo na umangkop sa kapaligiran nito. Ang dahilan nito ay ang dami ng gene para sa mga kanais nais na katangian ay dumadami sa populasyon.

Ang henetikong bariasyon sa loob ng isang populasyon ng mga organismo ay maaaring magdulot sa ilang mga indibidwal na makapagpatuloy(survive) o mas matagumpay na makapagparami kesa sa iba.

Ang natural selection ay kumikilos sa mga phenotype o mga mapagmamasdang mga katangian ng isang organismo ngunit ang henetiko o namamanang basehan ng anumang phenotype na nagbibigay ng kalamangang reproduktibo ay mas magiging karaniwan sa isang populasyon. Sa paglipas ng panahon, ang prosesong ito ay magreresulta ng adaptasyon(pagiging angkop sa kapaligiran) na gumagawa sa mga populasyong ito na espesyal para sa mga partikular na kapaligirang ekolohikal at kalaunan ay maaaring magresulta ng paglitaw ng mga bagong species. Sa ibang salita, ang natural na seleksyon ay isang mahalagang proseso(ngunit hindi lamang ang proseso) kung saan ang ebolusyon ay nangyayari sa loob ng isang populasyon ng mga organismo. Bilang kabaligtaran, ang artipisyal na seleksiyon ang prosesong isinasagawa ng tao upang ipagpatuloy ang mga kanais nais na katangian ng isang organismo samantalang ang natural seleksiyon ay isinasagawa ng kalikasan sa paglipas ng mahabang panahon.

Genetic drift

Ang Genetic drift o henetikong pagtakbo ang pagbabago sa prekwensiya ng variant o uri ng gene(allele) sa isang populasyon na sanhi ng random na mga pagsasampol. Ang mga allele sa supling ang mga sampol ng mga magulang at ang chance(kapalaran) ay may papel sa pagtukoy kung ang isang ibinigay na inidibidwal ay magpapatuloy o magpaparami. Ang prekwensiya ng allele ng populasyon ang praksyon ng mga kopya ng gene na nagsasalo ng partikular na anyo. Ang genetic drift ay maaaring magsanhi ng kumpletong paglaho ng mga variant ng gene at sa gayon ay magbabawas ng bariasyong henetiko. Halimbawa, sa isang henerasyon, ang dalawang kayumangging beetle ay nagkataong nagkaroon ng apat na supling na nabuhay upang magparami. Ang ilang mga berdeng beetle ay namatay nang ang mga ito ay maapakan ng isang tao at hindi nagkaroon ng supling. Ang susunod na henerasyon ay mag-aangkin ng mas marami ng kaunting kayumangging beetle kesa sa nakaraang henerasyon ngunit ito ay nangyari dahil sa kapalaran. Ang mga pagbabagong ito mula henerasyon hanggang henerasyon ay tinatawag na genetic drift. Kung ang mga selektibong pwersa ay hindi umiiral o mahina, ang prekwensiya ng allele ay tumatakbo ng pataas o pababa ng randoma. Ang pagtakbong ito ay humihinto kung ang isang allele ay kalauang naging pirme na maaaring resulta ng paglaho sa populasyon o kabuuang pagpapalit ng mga ibang allele. Sa gayon, ang henetikong pagtakbo ay maaaring magtanggal ng ilang mga allele mula sa populasyon sanhi ng kapalaran lamang. Kahit sa kawalan ng mga selektibong pwersa, ang henetikong pagtakbo ay maaaring magsanhi ng dalawang magkahiwalay na mga populasyon na nagmula sa parehong strakturang henetiko upang tumakbo ng magkahiwalay sa dalawang magkaibang populasyon na may magkaibang hanay ng mga allele.

Gene flow

Ang daloy ng gene ang pagpapalitan ng mga gene sa pagitan ng mga populasyon gayundin pagitan ng mga species. Ang presensiya o kawalan ng daloy ng gene ay pundamental na nagpapabago ng kurso ng ebolusyon. Dahil sa kompleksidad ng mga organismo, anumang dalawang kumpletong magkahiwalay na populasyon ay kalaunang mag-eebolb ng mga inkompatibilidad na henetiko sa pamamagitan ng mga neutral na proseso gaya ng sa modelong Bateson-Dobzhansky-Muller kahit pa ang parehong mga populasyon ay mananatiling magkatulad sa kanilang pag-aangkop sa kapaligiran. Kung ang pagkakaibang henetiko sa pagitan ng mga populasyon ay nabuo, ang daloy ng gene sa pagitan ng mga populasyon ay maaaring magpakilala ng mga katangian o allele na hindi mapapakinabangan sa lokal na populasyon at ito ay maaaring magdulot sa organismo sa loob ng mga populasyong ito na mag ebolb ng mga mekanismo na pipigil sa pagtatalik ng mga magkakalayo sa henetikong mga organismo(o mga organismong malayo ang pagkakatulad ng gene) na kalaunan ay magreresulta sa paglitaw ng mga bagong species.

Genetic hitchhiking

Ang rekombinasyon ng gene ay pumapayag sa mga allele sa parehong hibla ng DNA na humiwalay. Gayunpaman, ang bilis ng rekombinasyon ay mababa o mga dalawang pangyayari kada chromomosome sa bawat henerasyon. Ang nagiging resulta ay ang mga gene na magkalapit sa chromosome ay maaaring hindi palaging malilipat ng magkalayo sa bawat isa at ang mga gene na magkakalapit ay maaring mamana ng sabay na isang penomenon na tinatawag na linkage. Ang pagtungong ito ay masusukat sa pamamagitan ng paghahanap kung gaanon ang dalawang allel ay sabay na nangyayari kumpara sa mga ekspektrasyon na tinataag na linkage disequilibrium nito. Ito ay maaaring mahalaga kung ang isang allele sa isang partikular na haplotype ay malakas na mapakikinabangan. Ang natural na seleksiyon ay maaaring magpatakbo ng pinipiling paglilinis na magsasanhi rin sa ibang mga allele sa haplotype na maging mas karaniwan sa populasyon. Ang epektong ito tinatawag na genetic hitchhiking o genetic draft. Ang genetic draft na sanhi ng katotohanan ang ilang mga neutral na gene ay magkakaugnay na henetiko sa iba na nasa ilalim ng pagpipili ay maaaring sa isang bahagi mabihag ng angkop na epektibong sukat ng populasyon.

Mga maling paniniwala tungkol sa ebolusyon

Ang animasyong ito ay nagpapakita ng paghihiwalay ng mga kasalukuyang kontinente mula sa superkontinenteng Pangaea na umiral noong mga panahong Paleozoic at Mesozoic mga 250 milyong taon na ang nakalilipas.
  • Ang ebolusyon ay hindi totoo dahil ito ay isa lamang teoriya:

Sagot: Ang miskonsepsiyong ito ay nagmula sa hindi siyentipikong kahulugan ng salitang "teoriya". Para sa mga pang-araw araw na gamit ng salitang teoriya, ito ay nagpapahiwatig ng mga bagay na "walang ebidensiya". Ang isa pang nagpapakomplikado dito ang kilalang miskonsepsiyon na kung ang isang teoriya ay may sapat na ebidensiya, ito ay nagiging batas na nagpapahiwatig na ang mga teoriyang siyentipiko ay mas mababa sa mga batas siyentipiko. Dapat maunawaan na ang teoriya ay may ibang kahulugan sa agham dahil sa agham ang mga teoriya ang pinakamahalagang lebel ng pang-unawa at hindi lamang mga "paghula"(guess). Sa wastong paglalarawan, ang teoriyang siyentipiko ay tumutukoy sa mga paliwanag ng mga penomena na mahigpit na nasubok(rigorously tested) samantalang ang mga batas ay paglalarawang pangkalahatan ng mga penonomena. Kabilang sa mga siyentipikong teoriya na may matibay na mga ebidensiya at nakapasa sa mga eksperimentong siyentipiko ang Teoriyang Pangkalatang Relatibidad(o Grabitasyon) ni Einstein at Teoriyang Mekaniks na Kwantum na dalawang pundamental na saligan ng pisika.

Mapa ng migrasyon o paglisan ng modernong tao mula sa Aprika batay sa mitochondrial DNA. Ito ay nagpapakitang ang mga modernong tao ay nag-ebolb sa Aprika.
  • Ang mga tao ay hindi nag-ebolb mula sa mga unggoy dahil ang mga unggoy ay umiiral pa rin:

Sagot: Ang isa sa pinakamalaking miskonsepsiyon ang paniniwalang ang tao ay nagmula sa mga kasalukuyang unggoy. Para sa mga naniniwala nito, kung ang tao ay nag-ebolb mula sa mga unggoy, dapat ang lahat ng unggoy ay naging tao na. Isang malaking kamalian na isiping ang buong populasyon ng mga organismo ay sabay sabay na nag-eebolb. Hindi nila nauunawaan na tanging isang bahagi lamang ng populasyon ang nag-eebolb sa isang bagong species dahil ang kapaligiran ay hindi pareho sa lahat ng panahon at lugar sa mundo. Ang mga tao ay nagmula sa isang karaniwang ninuno(common ancestor) na ninuno rin ng ibang mga apes. Ang mga tao ay humiwalay(nag-ebolb) sa karaniwang ninuno(common ancestor) sa ibang direksiyon kung paanong ang mga iba't iba't species ng apes gaya ng chimpanzee at bonobo ay humiwalay(nag-ebolb) sa iba't ibang direksiyon mula sa karaniwang ancestor(common ancestor) na ito.[15] Ayon sa mga siyentipiko at mga ebidensiyang henetiko, ang mga Asyanong apes ay humiwalay sa mga Aprikanong apes 12.5 milyong taon ang nakalilipas na nagdulot sa paglitaw ng orangutan at gibbon. Sa pagitan ng pito at sampung milyong taong nakalilipas, ang tao(human), chimpanzee at bonobo ay nagsimulang mag-ebolb sa iba't ibang landas mula sa mga Aprikanong apes.[16]

Mga pananaw panrelihiyon

Ang ebolusyon(evolution) ay isang larangan na may malakas na mga ebidensiya na nagpapaliwanag ng pinagmulan ng mga hayop at tao at tinatanggap ng malawak ng mga akademiko at siyentipikong komunidad(scientific community) sa buong mundo. [17][18][19][20][21] [22] Ang implikasyon na ang modernong tao ay nagebolb mula sa sinaunang ninuno(common ancestor) na ninuno rin ng mga ape gaya ng chimpanzee, gorilla at iba pa ay pagsasalungat o pagmamali sa paniniwala na ang tao ay espesyal na nilikha ng diyos. Ang paniniwalang ang tao ay nagmula sa isang babae at lalakeng tinawag na Adan at Eba ay sinasalungat ng mga ebidensiyang henetiko. Ayon sa mga siyentipiko, imposibleng ang tao ay nagmula sa dalawang tao lamang. Ayon sa ebidensiyang henetiko(genetics), ang mga modernong tao ay nagmula sa isang pangkat ng hindi bababa sa 10,000 mga ninuno o indibidwal.[23] Ayon din sa mga siyentipiko, dahil sa mga mapagmamasdang bariasyong henetiko sa mga tao sa buong mundo, imposibleng ang mga ito ay nagmula sa dalawa lamang tao dahil ito ay mangangailangan ng imposibleng sobrang taas na rate(bilis) ng mutasyon upang mangyari ang mga bariasyong(pagkakaibang) ito. [23]

Pag-ayon ng mga relihiyoso sa ebolusyon

Hindi lahat ng mga relihiyoso ay tumatakwil sa ebolusyon. Ang mga ito ay tinatawag na theistic evolutionist. Halimbawa sa kanyang pagsasalita noong Oktubre 22, 1996 Pontifical Academy of Sciences, inihayag ni Pope John Paul II ang posisyon ng Romano Katoliko tungkol sa ebolusyon.

"In his encyclical Humani Generis (1950), my predecessor Pius XII has already affirmed that there is no conflict between evolution and the doctrine of the faith regarding man and his vocation, provided that we do not lose sight of certain fixed points.... Today, more than a half-century after the appearance of that encyclical, some new findings lead us toward the recognition of evolution as more than a hypothesis. In fact it is remarkable that this theory has had progressively greater influence on the spirit of researchers, following a series of discoveries in different scholarly disciplines. The convergence in the results of these independent studies—which was neither planned nor sought—constitutes in itself a significant argument in favor of the theory."

Sa kanyang ensiklikal na Humani Generis (1950), ang aking predesesor na si Pius XII ay pinandigan na walang alitan sa pagitan ng ebolusyon at ng doktrina ng pananampalataya tungkol sa tao at kanyang bokasyon sa kondisyon na hindi mawalan ng pagtingin sa ilang mga nakatakdang mga punto...Ngayon, sa higit na kalahating-siglo pagkatapos ng paglabas ng ensiklikal, ang mga bagong natuklasan ay maghahatid sa atin tungo sa pagkilala ng ebolusyon na higit sa isang hipotesis. Ang katunayan, kahanga hanga na ang teoriyang ito ay patuloy na may dakilang impluwensiya sa espirito ng mga mananaliksik kasunod ng sunod-sunod na pagkakatuklas sa iba't ibang mga disikplinang skolar. Ang pagtatagpo ng mga resulta ng mga independenteng mga pag-aaral na ito na hindi pinlano o hinanap ay bumubuo sa sarili nito ng mahalagang argumento na pabor sa teoriyang ito.

[24]

Kabilang din sa mga relihiyosong naniniwala sa ebolusyon si Francis Collins na dating direktor ng Human Genome Project.[25]

Pagtutol ng mga relihiyoso sa ebolusyon

Ayon sa ilang mga teista partikular ang mga pundamentalista o literal na naniniwala sa Bibliya, ang tao ay hindi nag-ebolb dahil ayon sa Bibliya, ang unang mga taong si Adan at Ebay ay nilikha ng diyos. Ayon sa mga pundamentalistang ito, ang mga bagay sa mundo ay kinakikitaan ng disenyo at hindi pagiging aksidente kaya't may nagdisenyo rito, at ang nagdisenyo ay diyos. Ito ay tinutulan ng mga siyentipiko gayundin ng mga ateista at mga kritiko. Ang argumento mula sa disenyo o intelligent design ang pangunahing pinaglalaban ng kilusang disenyong intellihente(intelligent design movement) ng Pundamentalista na Kristiyano sa Estados Unidos upang ituro sa mga publikong paaralan. Bukod dito, ito rin ang ginagamit ng mga Pundamentalistang ito upang tutulan ang pagtuturo ng ebolusyon sa mga pampublikong paaralan sa Estados Unidos. Ayon sa mga siyentipiko(scientist), ang intelligent design ay hindi agham.[26]

Ang Argumento mula sa palpak na disenyo ay isang kontra-argumento upang pabulaanan ang "argumento mula sa disenyo" o "argumentong teleolohikal" na ginagamit ng mga pundamentalista upang patunayang may diyos.

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 "Panukala ng Pagbabago" (Theory of Evolution), Ang Unang Tao, Elaput.org
  2. Rudwick M.J.S. 1972. The meaning of fossils: episodes in the history of palaeontology. Chicago University Press.
  3. Whewell, William 1837. History of the inductive sciences, from the earliest to the present time. vol III, Parker, London. Book XVII The palaeotiological sciences. Chapter 1 Descriptive geology, section 2. Early collections and descriptions of fossils, p405.
  4. Bowler, Peter H. 2003. Evolution: the history of an idea. 3rd ed, University of California Press, p108.
  5. The most convincing evidence for the occurrence of evolution is the discovery of extinct organisms in older geological strata... The older the strata are...the more different the fossil will be from living representatives... that is to be expected if the fauna and flora of the earlier strata had gradually evolved into their descendents.|Ernst Mayr, Mayr, Ernst. 2001. What evolution is. Weidenfeld & Nicolson, London. ISBN 0297807413
  6. Brasier, M., McLoughlin, N., Green, O. and Wacey, D. (June 2006). "A fresh look at the fossil evidence for early Archaean cellular life" (PDF). Philosophical Transactions of the Royal Society: Biology 361 (1470): 887–902. doi:10.1098/rstb.2006.1835. PMC 1578727. PMID 16754605. http://physwww.mcmaster.ca/~higgsp/3D03/BrasierArchaeanFossils.pdf.
  7. Takahata, N (1993). "Allelic genealogy and human evolution". Mol. Biol. Evol. 10 (1): 2–22. PMID 8450756. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)
  8. http://www.nature.com/scitable/topicpage/interpreting-shared-characteristics-the-platypus-genome-44568
  9. http://news.nationalgeographic.com/news/2008/05/080507-platypus.html
  10. Warren, Wesley C.; Hillier, LW; Marshall Graves, JA; Birney, E; Ponting, CP; Grützner, F; Belov, K; Miller, W et al. (2008-05-08). "Genome analysis of the platypus reveals unique signatures of evolution" (PDF). Nature 453 (7192): 175–183. doi:10.1038/nature06936. PMC 2803040. PMID 18464734. http://www.nature.com/nature/journal/v453/n7192/pdf/nature06936.pdf.
  11. Grützner, Frank; Willem Rens, Enkhjargal Tsend-Ayush, Nisrine El-Mogharbel1, Patricia C. M. O'Brien, Russell C. Jones, Malcolm A. Ferguson-Smith & Jennifer A. Marshall Graves (16 December 2004). "In the platypus a meiotic chain of ten sex chromosomes shares genes with the bird Z and mammal X chromosomes". Nature (Nature Publishing Group) 432 (7019): 913–917. doi:10.1038/nature03021. PMID 15502814. http://www.nature.com/nature/journal/v432/n7019/abs/nature03021.html. Retrieved 28 August 2010. Grützner, F. et al. In the platypus a meiotic chain of ten sex chromosomes shares genes with the bird Z and mammal X chromosomes. Nature 432, 913–917 (2004).
  12. Jocelyn Selim (2005-04-25). "Sex, Ys, and Platypuses". Discove
  13. Rowe, T., Rich, T.H., Vickers-Rich, P., Springer, M., and Woodburne, M.O. (2008). "The oldest platypus and its bearing on divergence timing of the platypus and echidna clades". Proceedings of the National Academy of Sciences. 105 (4): 1238–1242. Bibcode:2008PNAS..105.1238R. doi:10.1073/pnas.0706385105. PMC 2234122. PMID 18216270. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  14. http://www.livescience.com/1411-monkey-dna-points-common-human-ancestor.html
  15. http://www.livescience.com/7929-human-evolution-closest-living-relatives-chimps.html
  16. http://en.wikipedia.org/wiki/Chimpanzee-human_last_common_ancestor
  17. Myers, PZ (2006-06-18). "Ann Coulter: No evidence for evolution?". Pharyngula. scienceblogs.com. Nakuha noong 2006-11-18.
  18. The National Science Teachers Association's position statement on the teaching of evolution.
  19. IAP Statement on the Teaching of Evolution Joint statement issued by the national science academies of 67 countries, including the United Kingdom's Royal Society (PDF file)
  20. From the American Association for the Advancement of Science, the world's largest general scientific society: 2006 Statement on the Teaching of Evolution (PDF file), AAAS Denounces Anti-Evolution Laws
  21. Fact, Fancy, and Myth on Human Evolution, Alan J. Almquist, John E. Cronin, Current Anthropology, Vol. 29, No. 3 (Jun., 1988), pp. 520–522
  22. Finding the Evolution in Medicine, Cynthia Delgado, NIH Record, July 28, 2006.
  23. 23.0 23.1 Barbara Bradley Hagerty (August 9, 2011). "Evangelicals Question The Existence Of Adam And Eve". All Things Considered. Transcript
  24. John Paul II, Message to the Pontifical Academy of Sciences on Evolution
  25. http://discovermagazine.com/2007/feb/interview-francis-collins
  26. Why Intelligent Design is not Science

Panlabas na kawing

Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA