Islam: Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Content deleted Content added
Igna (usapan | ambag)
m Inalis ang binago ni 112.208.131.97, ibinalik sa huling bersyon ni MerlIwBot
Linya 37: Linya 37:
====Kaugnayan sa Bibliya====
====Kaugnayan sa Bibliya====
{{pangunahin|Bibliya}}
{{pangunahin|Bibliya}}
Ang Qur'an ay naglalaman ng ilang mga pangyayari at mga indibidwal na nasa [[Bibliya]] bagama't ang mga ito ay iba sa pagkakasalaysay sa bibliya. Halimbawa sa Bibliya, ang arko ni Noe ay lumapag sa Bundok Ararat samantalang sa Qur'an, ang arko ni Noe ay lumapag sa Bundok Judi. Ayon sa Quran, si [[Abraham]], na nabanggit sa [[Lumang Tipan]] ng [[Bibliya]], ang pinakaninuno ng mga [[Arabo]] dahil sa ang kanyang anak na lalaking si [[Ismael]] ang pinaniniwalaang ninuno ng mga Muslim at ni Muhammad na tagapagtatag ng Islam. Sa Bibliya, ang mga Israel at ang mga Hudyo lamang ang natatanging "hinirang na bansa o bayan" ng dios dahil ang anak ni Abraham na si Isaac ang tagapagmanang anak at hindi si Ismael.<ref name=NBK/> Ang ilang mga indibidwal na binabanggit sa bibliya ay itinuturing na mga propeta sa Qur'an gaya ni Adan, Hesus(o Isa), Jacob (o Yakub), David (o Dawud), Solomon(o Sulayman) at iba pa. Lahat ng nasa Bibliya na umaayon sa Qur'an ay tinatanggap ng mga Muslim ngunit ang hindi umaayon ay kanilang itinatakwil. Ang ''Taḥrīf'''({{lang|ar|تحريف}} o ''korupsyon'') ang paniniwala ng mga skolar na Muslim na ang kasalukuyang bibliya ng mga Hudyo at Kristyano ay naglalaman ng binago at nilikong salita ng diyos. Isa sa mga ginagamit ng mga Muslim na talata para patunayan ang akusasyong ito ang Jeremias 8:8 "Paano ninyo nasabing, 'Kami'y matatalino; nasa amin ang kautusan ni Yahweh'? Ang kautusan ay binago ng mga mandarayang eskriba".
Ang Qur'an ay naglalaman ng ilang mga pangyayari at mga indibidwal na nasa [[Bibliya]] bagama't ang mga ito ay iba sa pagkakasalaysay sa bibliya. Halimbawa sa Bibliya, ang arko ni Noe ay lumapag sa Bundok Ararat samantalang sa Qur'an, ang arko ni Noe ay lumapag sa Bundok Judi. Ayon s


===Hadith===
===Hadith===

Pagbabago noong 21:33, 5 Oktubre 2012

Talaksan:Allah-eser2.png
Kaligrapiya na nagsasabi ng Allah.

Islam (Arabiko: الإسلام; al-islām), "pagsuko (sa kalooban ng Diyos)" ay isang pananampalatayang monoteismo at ang ikalawang pinakamalaking relihiyon sa mundo. Ito ay isang Abrahamikong relihiyon kasama ng Kristiyanismo at Hudaismo kaya't malapit na kamag-anak ng mga pananampalatayang ito.[1] Naniniwala ang mga tagasunod ng Islam na kilala bilang mga Muslim[2] na ipinahayag ng Diyos (Allah sa Arabo) ang kanyang banal na salita sa sangkatauhan sa pamamagitan ng maraming mga naunang mga propeta, at ni Muhammad na siyang huling propeta ng Islam.[3]

Kahulugan

Pinakapayak na kahulugan ng Islam ang "pagtanggap at pagpapasailalim o pagsuko sa kagustuhan ni Allah."[3] Maaari rin itong mangahulugang "pagtutuon" o "paglalaan" (dedikasyon) sa Diyos.[1]

Kasaysayan

Tagapagtatag

Si Muhammad (Wikang Arabo:محمد) [4] ang nagtatag ng Islam at tinuturing ng mga Muslim bilang isang sugo(messenger) at propeta ng Diyos (Arabo: الله Allah) at ang huling tagapagdala ng batas sa magkakasunod na mga propetang Islamiko. Dahil dito, si Muhammad ay itinuturing ng mga Muslim na tagapagpanumbalik ng hindi nalikong(uncorrupted) orihinal na monteistikong pananampalataya (islām) ni Adan, Noe, Abraham, Moises, Hesus at iba pang mga propeta. [3] [2] Siya ay ipinanganak noong 570 CE sa siyudad ng Arabia na Mecca. Siya ay naulila sa batang edad at pinalaki ng kanyang tiyuhing si Abu Talib. Siya ay kalaunang nagtrabaho bilang isang mangangalakal gayundin din bilang isang pastol at unang nakapag-asawa sa edad na 25. Sa pagiging hindi masaya sa kanyang buhay, siya ay tumungo sa isang kweba sa mga paligid na kabundukan upang magnilay nilay. Ayon sa mga paniniwalang Islamiko, dito sa lugar na ito sa edad na 40 sa buwan ng Ramadan nang kanyang matanggap ang unang pahayag mula sa diyos. Pagkatapos ng tatlong taon pagkatapos ng pangyayaring ito, kanyang sinimulang ipangaral ng publiko ang mga pahayag na ito na naghayayag na "ang diyos ay isa", ang kumpletong pagsuko dito(islam) ang tanging paraang katanggap tanggap sa diyos at siya ay isang propeta at sugo ng diyos tulad ng ibang mga propetang Islamiko. Siya ay nagkamit ng ilang mga tagasunod sa simula ngunit nakatagpo ng pagsalungat mula sa ilang mga tribo sa Mecca. Upang makatakas sa pag-uusig, si Muhammad ay nagpadala ng ilang mga tagasunod nito sa Abyssinia bago siya at ang kanyang mga natitirang tagasunod sa Mecca ay lumipat sa Medina(na kilala sa panahong ito bilang Yathrib) noong taong 622 CE. Ang pangyayaring ito na tinatawag na Hijra ang naghudyat ng pasimula ng kalendaryong Islamiko na kilala rin bilang Kalendaryong Hijri. Sa Medina, pinag-isa ni Muhammad ang mga tribo sa ilalim ng konstitusyon ng Medina. Pagkatapos ng walong taon ng pakikidigma sa mga tribo sa Mecca, ang kanyang mga tagasunod na lumago na sa panahong ito sa mga 10,000 ay sumakop sa Mecca. Winasak ni Muhammad ang mga simbolo ng paganismo sa Mecca at ipinadala ang kanyang mga tagasunod upang wasakin ang lahat mga natitirang templong pagano sa buong Silanganing Arabia. Noong 632 CE, mga ilang buwan pagkatapos ng pagbalik nito sa Medina mula sa kanyang Pilgrimaheng Pagpapaalam, si Muhammad ay nagkasakit at namatay. Sa panahon ng kanyang katamayan, ang karamihan sa Arabian Peninsula ay naakay sa Islam at kanyang napag-isa ang mga tribo ng Arabia sa isang relihiyosong Muslim na politiya. Ang mga pahayag(o Ayah) na literal na nangangahulugang "mga tanda [ng diyos]" na iniulat ni Muhammad na kanyang natanggap hanggang sa kanyang kamatayan ay bumubuo ng mga bersikulo o talata ng Qur'an at itinuturing ng mga Muslim bilang "salita ng diyos" at batayan ng relihiyong Islam. Bukod sa Qur'an, ang buhay ni Muhammad at mga tradisyon(sunnah) ay pinanghahawakan din ng mga Muslim. Ang kanyang mga ginawa ay binatikos ng kanyang mga tagasunod at kalaban sa loob ng mga siglo. [3]

Mga Muslim

Mga nagdarasal na Muslim, sa loob ng isang moske.

Kilala ang mga sumasampalataya sa Islam bilang mga Muslim. Nangangahulugan ang Muslim bilang ang "mga pumapasailalim" o "mga taong ibinibigay ang kanilang sarili sa Diyos".[1][3] Sa Islam, kinakailangang mamuhay ang mga Muslim ayon sa mga patakarang ng pamumuhay na itinalaga ng Diyos at sa nakasaad sa mga pahayag na dumaan sa Arabong propetang si Muhammad noong nabubuhay pa siya.[1][3] Dahil dito tinatawag rin ang mga Muslim bilang mga Mohamedano, ngunit mas ninanais ng mga sumasampalataya sa Islam na tawagin sila bilang mga Muslim o Moslem. Ilan sa mga kadahilan kung bakit mas gusto nilang tawagin silang mga Muslim ang kanilang pagsamba lamang sa Diyos, hindi sa kay Muhammad at dahil na rin sa marami nang iba pang mga Muslim bago pa dumating si Muhammad, kaya't hindi sila dapat na pangalanan alinsunod sa pangalan ni Muhammad.[1]

Para sa mga Muslim, nagpadala ang Diyos ng isang maensaheng hindi mababago ninuman. Nagsasabi ang mensaheng ito ng kung ano ang dapat nilang malaman upang sumaya sila sa mundo at sa kabilang buhay. At si Muhammad nga ang taong pinili ng Diyos upang maging kanyang propetang mensahero o tagapagbalita.[1]

Para rin sa paniniwalang Muslim, isa lamang sa kanilang mga propeta si Hesus. Hindi sila tinataguriang mga Kristiyano dahil hindi sila naniniwalang anak ng Diyos si Hesus.[1]

Mga Kasulatan sa Islam

Qur'an

Naitala ang mga pangaral ni Muhammad sa Qur'an, ang banal na aklat ng Islam. Para sa mga Muslim, ang Qur'an ang mga pahayag ng Diyos.[2] Isinaayos at isinabatas ni Uthman, isang pinunong Muslim, ang Koran.[3]

Nangangahulugang "mga pagsasabi" o "mga pagbigkas" (resitasyon) ang salitang Koran. Tinutukoy nito ang mga instruksiyon o kautusan ni Arkanghel Gabriel kay Muhammad noong 610 na bigkasin ang pangalan ng Diyos o sambitin ang pangalan ni Allah.[3]

Binubuo ang Qur'an ng 114 na mga surah o kabanata/kapitulo(chapter). Nahahati ang mga surah sa mga ayah o bersikulo(verse). Ang bilang ng ayah(bersikulo) ay magkakaiba ayon sa iba ibang skolar na Muslim sa simula pa ng pagkakalikha ng Islam. Sa ibang skolar ito ay binubuo ng 6,000 ayah, sa iba ay 6,204, sa iba ay 6,219, at sa iba ay 6,236.[3]

Kasaysayan ng Qur'an

Ayon sa tradisyong Islamiko, natanggap ni Muhammad ang unang pahayag sa kweba ng Hira sa panahon ng kanyang pagiisa sa mga bundok. Si Muhammad ayon sa tradisyong Muslim ay isang "ummi"(illiterate o hindi marunong bumasa at sumulat). Pagkatapos nito, si Muhammad ay nakatanggap pa ng mga pahayag sa loob ng dalawampu't-tatlong taon. Ayon sa hadith at kasaysayan ng Islam, si Muhammad ay tumira sa Medina at bumuo ng isang sariling komunidad ng mga Muslim. Kanyang iniutos sa kanyang mga sahabah(kasama) na bigkasin ang Quran at pag-aralan at ituro ang mga kautusan na inihayag sa kanya araw araw. Ang kanyang mga sahabah na bumibigkas ng Quran ay tinatawag na Qari. Dahil sa karamihan ng sahabah ay hindi marunong bumasa o sumulat, sila ay inutusan ni Muhammad na matuto ng simpleng pagsulat sa mga bilanggo-ng-digmaan. Unti unti ay natutong sumulat ang mga sahabang ito. Sa mga unang yugto ng Islam, ang Quran ay isinulat sa mga tableta, mga buto at mga dahon ng date palm. Karamihan sa kabanata ng Qur'an ay ginagamit ng mga sinaunang Muslim ngunit ang Qur'an ay hindi pa umiiral sa anyong aklat sa panahon ng kamatayan ni Muhammad noong 632 CE.

Ayon sa skolar ng pag-aaral Islamiko na si Welch, ang mga pangingisay(seizures) ni Muhammad sa panahong ito ay maaring pinakahulugan ng mga nakapaligid sa kanya bilang isang katibayan na nagmula sa dios ang mga pahayag na ito. Ayon din kay Welch, hindi tiyak kung ang mga pangingisay ni Muhammad ay nangyari bago o pagkatapos ng unang pagkakataong inangkin ni Muhammad ang pagkapropeta. Ayon naman sa mga kritiko ni Muhammad, si Muhammad ay maaring nasasapian ng demonyo, o isang mahikero o manggagaway dahil ang kanyang karanasan ay katulad sa mga taong nag-aangking ng mga bagay ito sa sinaunang Arabia. Ayon din sa mga kritiko, si Muhammad ay nagpapanggap lang na nangingisay, [5] o may sakit na epilepsy na isang sakit na neurolohikal.[6]. Ang sakit na epilepsy ay itinuring noong sinaunang panahon na kaugnay ng mga karanasang espiritwal at para sa iba ay sa isang pagsapi ng demonyo. Sa panahon ni Hippocrates(na ama ng medisina) noong ikalimang siglo BCE, ang sakit na ito ay tinatawag na "Banal na Sakit".[7]

Kaugnayan sa Bibliya

Ang Qur'an ay naglalaman ng ilang mga pangyayari at mga indibidwal na nasa Bibliya bagama't ang mga ito ay iba sa pagkakasalaysay sa bibliya. Halimbawa sa Bibliya, ang arko ni Noe ay lumapag sa Bundok Ararat samantalang sa Qur'an, ang arko ni Noe ay lumapag sa Bundok Judi. Ayon sa Quran, si Abraham, na nabanggit sa Lumang Tipan ng Bibliya, ang pinakaninuno ng mga Arabo dahil sa ang kanyang anak na lalaking si Ismael ang pinaniniwalaang ninuno ng mga Muslim at ni Muhammad na tagapagtatag ng Islam. Sa Bibliya, ang mga Israel at ang mga Hudyo lamang ang natatanging "hinirang na bansa o bayan" ng dios dahil ang anak ni Abraham na si Isaac ang tagapagmanang anak at hindi si Ismael.[1] Ang ilang mga indibidwal na binabanggit sa bibliya ay itinuturing na mga propeta sa Qur'an gaya ni Adan, Hesus(o Isa), Jacob (o Yakub), David (o Dawud), Solomon(o Sulayman) at iba pa. Lahat ng nasa Bibliya na umaayon sa Qur'an ay tinatanggap ng mga Muslim ngunit ang hindi umaayon ay kanilang itinatakwil. Ang Taḥrīf'(تحريف o korupsyon) ang paniniwala ng mga skolar na Muslim na ang kasalukuyang bibliya ng mga Hudyo at Kristyano ay naglalaman ng binago at nilikong salita ng diyos. Isa sa mga ginagamit ng mga Muslim na talata para patunayan ang akusasyong ito ang Jeremias 8:8 "Paano ninyo nasabing, 'Kami'y matatalino; nasa amin ang kautusan ni Yahweh'? Ang kautusan ay binago ng mga mandarayang eskriba".

Hadith

Ang Hadith ay mga tradisyon na may kaugnayan sa sunnah(mga salita at gawa) ni Muhammad. Karamihan sa kaalaman tungkol sa buhay ni Muhammad ay nagmula sa Hadith gayundin ang ibang mga katuruan sa Islam (tulad ng Limang Haligi ng Islam). Ang mga ito ay isinulat ng mga iskolar na Muslim sa pagitan ng 844 at 874 CE, mahigit 200 taon pagkatapos mamatay ni Muhammad noong 632 CE. Sa nakakaraming Muslim, ang Hadith ay pangalawa lamang sa Qur'an sa kahalagahan.[8] Halimbawa, ang apat na mga skwela ng Sunni Islam ay tumuturing sa Hadith na ikalawa lamang sa Qur'an, bagama't sila ay magkakaiba sa kung gaano kalaya sa interpretasyon ng Hadith ang dapat ibigay sa mga legal na skolar ng Sunni Islam.[9] Ang mga skolar naman ng Shia Islam ay hindi sumasang-ayon sa skolar ng Sunni Islam sa kung anong Hadith ang dapat ituring na katiwa tiwala. Tinatanggap din ng mga Shia ang sunnah ni Ali at ng mga imams bukod pa sa sunnah ni Muhammad at sila ay may sarili at ibang koleksyon ng mga Hadith.[10] Ang mga iskolar na hindi tumatanggap sa Hadith ay naniniwala na ito ay kumokontra sa Qur'an. Halimbawa, ayon sa sunnah, ang tamang paraan ng parusa sa pangangalunya ay kamatayan sa pamamagitan ng pagbato sa isang tao.[11][12][13] Ang kaparusahang ito ay hindi matatagpuan sa Qur'an kundi ang binabanggit ay dalawang magkaibang parusa sa pangangalunya na 100 paghataw[Qur'an 24:2-3]), o pagkulong sa bahay hanggang sa mamatay sa gutom o pagkatuyo ng katawan([Qur'an 4:15-15].

Mga Sangay ng Islam

Mga sangay ng Islam

Ang mga Muslim ay nahahati sa dalawang pangunahing mga sangay: Ang Sunni at Shia. Bukod dito ay Islam ay nahahati din sa skwela ng Sharia at imam. Lahat ng ibang kilusan sa loob ng Islam gaya ng Salafi, Modernista, Mistikal, Tariqah, Deobandi at Barelvi ay maaring kabilang sa Sunni o Shia. Ang pagkakabahagi ng Islam ay nangyari noong maagang yugto ng Kalipa sa tanong na kung sino ang magiging kahalili ni Muhammad pagkamatay niya. Ang ikatlong paksyon na Khairjites ay nagmula din sa pagtatanong na ito ngunit ang sektang ito ay hindi na ummiral. Ang komunidad ng Ibadiyya na pangunahing sekta sa kasalukuyang mga bansa ng Oman at Zanzibar ay pinaniniwalaang nagmula sa kanila bagaman hindi itinuring ng mga Ibadiyya na sila ay Khairjites. Mayroon ding dibisyon sa Kalam o pilospikong batayan ng teolohiya bagama't ito ay matatagpuan sa iba't ibat paksyon. Ang pangunahing kasulatan ng Islam na Quran at ang pangunahing mga katuruan na tinatawag na Aqeedah ay nananatiling pareho sa lahat ng sektang ito ng Islam.

Islam na Sunni

Ang Sunni Islam(أهل السنة والجماعة) ang pinakamalaking sekta ng Islam at kilala rin bilang Ahle Sunnat Wal Jama'at o Ahl bilang-Sunnah. Ang salita Sunni ay mula sa salitang sunnah, na nangangahulugang mga aral, mga ginawa o mga halimbawa ng propetang si Muhammad. Samakatuwid, ang salitang "Sunni" ay tumutukoy sa mga tagasunod ng sunnah ni propeta Muhammad. Ang Sunnis ay naniniwala na si Muhammad ay hindi partikular na humirang ng isang kapalit upang manguna sa ummah o komunidad ng mga Muslim bago ang kanyang kamatayan, at pagkatapos ng isang kaguluhan, isang grupo ng kanyang pinaka-kilalang Sahabah o kasama ang nagtipon at humalal kay Abu Bakr Siddique na isang pinakamalapit ng kaibigan ni Muhammad kaibigan at biyenan bilang kauna unahang kalipa ng Islam. Itinuturing ng mga Sunni Muslims ang unang apat na kalipa na sina Abu Bakr, `Umar ibn al-Khattāb, Uthman Ibn Affan at Ali ibn Abu Talib bilang "al-Khulafā'ur-Rāshidūn"(o ang karapatdapat na pinapatnubayang kalipa). Ang Sunni ay naniniwala din na ang posisyon ng kalipa ay maaaring matamo sa paraang demokratiko ngunit ito ay pagkatapos ng Rashidun na isang posisyon na namamana sa pamumunong dinastiya dahil sa ang mga dibisyon na sinimulan ng mga Shias at iba pa. Pagkatapos ng pagbagsak ng Imperyong Ottoman noong 1923, hindi na nagkaroon pa ng kalipa na kinikilala sa buong Islam.

Islam na Shia

Ang Shia Islam(شيعة) ang pangalawang-pinakamalaking sekta ng Islam na bumubuo sa pagitan ng 10 hanggang 20% ng populasyon ng mga Muslim sa buong mundo o may populasyong mga 130 hanggang 190 milyon. [14] Ang Shia Islam ay matatagpuan sa karamihan ng populasyon sa Azerbaijan, Bahrain, Iran, at Iraq, Lebanon at Yemen. Ang sektang Shia ay nahahati din sa iba't ibang mga sekta gaya ng teolohikong paniniwala, mga skwela ng batas, mga pilosopikong paniniwala, at mga kilusang espiritwal. Ang sektang Shia ay lumitaw pagkatapos ng kamatayan ni 'Umar Ibnil-Khattab (ang pangalawang kalipa) at ang unang gobyerno at lipunang Shia ay itinatag sa wakas ng ikasiyam na siglo. Bukod sa paniniwala sa Qur'an at mga katuruan ni Muhammad, ang mga Shia muslim ay naniniwala na ang kanyang pamilya, ang Ahl al-Bayt, pati ang kanyang mga inapo na kilala bilang mga imam ay may espesyal na espirituwal at pampulitikang kapangyarihan sa komunidad. Sila ay naniniwala rin na si Ali ibn Abi Talib, pinsan ni Muhmmad at manugang na lalaki, ang una sa mga imam na ito at ang karapatdapat na kahalili ni Muhammad. Bukod dito hindi nila tinatanggap ang pagkalehitimo ng mga naunang tatlong kalipa ng Rashidun. Ang Shia Islam ay nahahati pa sa mga grupong Twelver(اثنا عشرية), Ismaili(الإسماعيليون), Zaidiyyah(الزيدية), Alawi(علوية‎) at Alevi(علوي). Ang Twelver ay naniniwala sa mga hinirang na labindalawang imam at sa mahdi o tagapagligtas na sa kanilang paniniwala ay ang ikalabindalawang imam na naglaho at muling magbabalik. Ang Zaidi ay tumatanggap sa unang apat na imam na pinaniniwalaan ng Twelvers ngunit naniniwalang ang ikalimang imam ay si Zayd ibn Ali. Ang Ismaili ay tumatanggap sa unang limang imam na pinaniniwalaan ng Twelvers ngunit tumututol sa ikaanim na imam. Para sa mga Ismaili, si Ja'far's na pinakamatandang anak ni Ismail ang ikaanim na imam samantalang ang Twelvers ay naniniwalang ito ang nakababatang anak na si Musa al-Kazim. Ang Twelver ay nahati pa sa mga sektang usulismo, akhabrismo at shaykismo. Ang Ismaili ay nahahati din sa mga sektang Nizari, Mustaali, Dawoodi Bohra, Sulaimani Bohra, Alahvi Bohra, Hebtiahs Borah, Atbai-i-Malak, at Druze.

Mga Paniniwala

Diyos

Ang pinaka-pangunahing konsepto ng Islam ay monoteismo o paniniwala sa isang diyos o tawhīd (Arabic: توحيد). Itinatakwil ng mga Muslims ang doktrina ng Kristiyanismo na Trinidad(3 persona sa isang diyos na binubuo ng dios ama, dios anak at dios espiritu santo), ngunit kanilang tinatanggap si Jesus bilang isang propeta at hindi dios. Allāh ang termino ng isang dios sa Islam. Ito ay hindi plural at walang kasarian. Ang ibang hindi arabong Muslim ay gumagumamit ng ibang termino sa Allah gaya ng "Tanrı" sa Turkish o "Khodā" sa Iran.

Muling pagkabuhay

Sa Islam, ang Yawm al-Qiyāmah ( يوم القيام "Araw ng pagkabuhay na muli") o Yawm ad-Din ( يوم الدين "Araw ng paghuhukom") ay ang pinaniniwala sa huling paghatol ng Diyos sa sangkatauhan bagaman may pagkakaiba-iba ng mga pananaw at interpretasyon ang mga skolar na Muslim sa mga bersikulo ng Qur'an na tumutukoy sa paghuhukom ng dios. Ang mga ilang pangyayari na pinaniniwalaang magaganap sa paghuhukom ay ang paglipol ng lahat ng nilalang, ang muling pagkabuhay ng katawan, at ang paghatol sa lahat ng nilalang.

Predestinasyon

Ayon sa Islam, ang diyos ay may buong kaalaman at kontrol sa lahat ng pangyayari(al-qadā wa'l-qadar). Ito ay katumbas ng paniniwalang predestinasyon sa sekta ng Kristiyanismo na tinatawag na Calvinismo. Para sa mga Muslim, ang lahat ng pangyayari, mabuti man o masama, ay itinakda na ng dios at walang maaaring mangyari maliban kung pahintulutan ng diyos. Ayon naman sa ibang teologong Muslim, bagaman ang mga pangyayari ay itinakda na, ang tao ay nagaangkin ng free will o malayang kalooban na siya ay pumili sa pagitan ng tama at mali at siya ay responsable sa kanyang mga aksyon. Ang pagkasunduin ang paniniwalang predestinasyon at free will sa Islam ay isa sa mga pinaka-kumplikadong isyu sa teolohiyang Islamiko.

Limang Haligi ng Islam

Ang Kaaba sa Mecca, Saudi Arabia ang sentro ng Islam.

Ang mga haligi ng Islam (arkan al-Islam) ang limang pangunahing mga gawain sa Islam na itinuturing na obligasyong gawin ng lahat ng mga Muslim. Eto ang (1) ang shahadah ang pagpapahayag ng pananampalataya kay Allah(kredo), (2) panalangin ng limang beses sa isang araw nang nakaharap sa direksyon ng mecca (salat), (3) pagbibigay ng limos (zakat), (4) pag-aayuno sa panahon ng Ramadan at(sawm) (5) pilgrimahe sa Mecca, Saudi Arabia (​​hajj) ng hindi bababa sa isang beses sa buong buhay. Ang shahada ang paghahayag sa paniniwalang may isang dios at pagtanggap sa kanyang propetang si Muhammad.

لا إله إلا الله محمد رسول الله "'ašhadu 'al-lā ilāha illā-llāhu wa 'ašhadu 'anna muħammadan rasūlu-llāh", o "Ako ay nagpapatooo na walang ibang dios kundi ang diyos(allah) at ako ay nagpapatotoo na si Muhammad ang sugo ng dios"

Ang mga ritwal sa Hajj ay kinabibilangan ng paglalakad ng pitong beses sa paligid ng Kaaba at paghawak sa itim na bato kung maaari, paglakad o pagtakbo ng pitong ulit sa pagitan ng Bundok ng Safa at Bundok Marwah, at simbolikong pagbabato kay Satanas sa Mina.

Islam sa Pilipinas

Ang mga Muslim sa Pilipinas ay binubuo lamang ng limang porsiyento ng populasyon ng Pilipinas at ang karamihan sa mga deboto nito ay nakatira sa Mindanao. Meron ding maliit na populasyon ang nakatira sa may Quiapo, Manila. Ang mga teroristang Islamikong grupo sa Pilipinas ay kinabibilangan ng Moro Islamic Liberation Front, Moro National Liberation Front, Abu Sayyaf, Rajah Sulaiman Movement at Jemaah Islamiyah. Ang mga grupong ito ay sangkot sa paghihimagsik laban sa gobyerno ng Pilipinas para sa isang Islamikong estado sa paligid ng mga katimugang isla ng Pilipinas, sa Bangsamoro (Basilan, Sulu, Tawi-tawi, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, North Cotabato, Maguindanao, Sultan Kudarat, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Davao del Sur, South Cotabato at Palawan.). Simula 1990s, ang mga grupong ito ay sangkot din sa pambobomba sa iba't ibang lugar sa Mindanao gayundin sa Metro Manila, pagpatay at pagpupugot sa ulo ng mga sundalong Pilipino, pagkidnap sa mga sibilyan at dayuhan at pangingikil ng pera.[15][16] Ang pangalan ng grupong Abu Sayaff ay nagmula mula sa Arabic ابو, Abu("ama ng") at sayyaf("tagagawa ng espada"). Ang grupong ito ay itinuturing ng Estados Unidos na isang teroristang organisasyon at isinama sa listahan ng mga dayuhang teroristang Organisasyon.

Kritisismo sa Islam

Desisyon ng fatwa sa isang kaso ng Muslim na naging Kristiyano: "Ang taong ito ay gumawa ng apostasya(pagtiwalag sa Islam). Siya ay binibigyan ng pagkakataon na humingi ng tawad at kung hindi niya ito gagawin ay dapat siyang patayin ayon sa Shariah(batas Islamiko). Tungkol naman sa kanyang mga anak. Hanggang sila ay bata, sila ay itinuturing na Muslim ngunit kung sila'y tumutuntong na sa adolesensiya(mula 10 hanggang 13 taong gulang) at kung sila ay mananatili sa Islam, sila ay Muslim. Kung sila ay aalis sa Islam at hindi humingi ng tawad, sila ay dapat patayin."

Ang kritisismo sa relihiyong Islam ay nagmula pa sa mga unang yugto ng paglitaw ng relihiyong ito. Ang mga naunang isinulat na kritisismo ng Islam galing sa mga Kristiyano ay nagmula bago ang ikasiyam na siglo CE. Para sa mga kristiyanong ito, ang Islam ay isang maling paniniwala. Kalaunan, ang mga kritisismo ay nagmula rin mismo sa mga Muslim at sa mga Hudyo. Kasama sa kritisismong ito ang moralidad at buhay ng tagapagtatag nitong si Muhammad, pag dududa sa paniniwalang salita ng dios ang Quran, ang moralidad na itinuturo sa Quran gaya ng pagtrato sa mga kababaihan at iba pang paglabag sa karapatan ng tao, kawalan ng demokrasya sa mga bansang Islamiko, terorismo na ginagawa ng mga Muslim sa buong mundo at pag uusig ng mga Muslim sa mga tumutuligsa ng relihiyong Islam at sa mga dating Muslim na umalis sa relihiyong ito.[17] Ang ilang halimbawa ng mga kritiko ng Islam sa kasalukuyang panahon ang Muslim na si Irshad Manji na sumulat ng aklat noong 2004 na The Trouble with Islam Today(Ang Problema sa Islam Ngayon) gayundin ang dating Muslim na si Wafa Sultan na naniniwalang ang "problema sa Islam ay nakaugat sa mga katuruan nito" at "ang Islam ay hindi lamang relihiyon kundi isa ring ideolohiyang pulitikal na nagtuturo ng karahasan at ang pakay nito ay nialalapatan ng dahas."[18][19]

Nilalaman ng Quran

Ayon sa mga kritiko ng Islam, ang Quran ay naglalaman ng mga kontradiksyon at mga salitang mahirap unawain. Bukod dito, ito ay rin ay pinaniniwalaang naglalaman ng maling paliwanag sa pinag mulan ng sansinukob. Ayon sa ibang salaysay ng kasaysayan ng Islam, mayroong 2 berso ng Quran na idinagdag ni Muhammad nang siya ay dayain ni Satanas(na tinawag na mga talatang Sataniko). Ayon pa sa mga kritiko, ang Quran ay walang ebidensiya na sinusuportahan ng arkeolohiya at ang aklat na ito ay hindi umaayon sa ibang mga literaturang isinulat.[20] Bukod sa kawalang ebidensiya para suportahan ang paniniwalang galing sa dios ang Quran, ang mga katuruan at moralidad sa Quran ay binabatikos din. Halimbawa, mababasa sa Surah 4:34 na pinapayagan ang mga lalakeng Muslim na disiplanahin ang kanilang asawang babae sa pamamagitan ng pananakit at paghataw sa kanila. Ilan din sa mga talata ay binabatikos ng mga kritiko dahil sa pagtuturo ng karahasan, jihad, terorismo at poot sa mga tagasunod ng ibang relihiyon. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay :[21]

Surah 3:151: "We shall cast terror into the hearts of those who disbelieve."(Kami ay maghahasik ng takot sa puso ng mga hindi sumasampalataya).
Surah 2:191-193: "And slay them wherever ye find them, and drive them out of the places whence they drove you out, for persecution [of Muslims] is worse than slaughter [of non-believers]... but if they desist, then lo! Allah is forgiving and merciful. And fight them until persecution is no more, and religion is for Allah."(At paslangin niyo sila saan niyo man sila matagpuan at palayasin niyo sila sa mga lugar na pinalayas kayo, dahil ang pag-uusig (ng mga Muslim) ay mas masahol pa sa pagkatay (ng mga hindi Muslim)... ngunit kung sila ay tumigil, pagmasdan! si Allah ay mapagpatawad at mahabagin. At labanan niyo sila hanggang sa ang pag-uusig ay wala na at ang relihiyon ay para kay Allah)
Surah 5:33: "The punishment of those who wage war against Allah and His messenger and strive to make mischief in the land is only this, that they should be murdered or crucified or their hands and their feet should be cut off on opposite sides or they should be imprisoned; this shall be as a disgrace for them in this world, and in the hereafter they shall have a grievous chastisement"(Ang parusa sa mga nakikidigma laban kay Allah at ng kanyang sugo at nagsisikap na gumawa ng panggugulo sa lupaing ito ay ito lamang, sila ay dapat patayin o ipako sa krus o ang kanilang mga kamay at mga paa ay dapat putulin sa magkabilang panig o sila ay dapat ibilanggo; eto ang kahihiyan para sa kanila sa mundo at sa kabilang buhay ay magkakaroon sila ng napakasakit na pagkastigo)
Surah 8:12 "I will cast terror into the hearts of those who disbelieve. Therefore strike off their heads and strike off every fingertip of them" (Ako ay maghahasik ng takot sa puso ng mga hindi sumasampalataya. Kaya putulin niyo ang mga ulo nila at putulin niyo ang bawat daliri nila)
Surah 2:63:"And remember, Children of Israel, when We made a covenant with you and raised Mount Sinai before you saying, "Hold tightly to what We have revealed to you and keep it in mind so that you may guard against evil." But then you turned away, and if it had not been for Allah's grace and mercy, you surely would have been among the lost. And you know those among who sinned on the Sabbath. We said to them, "You will be transformed into despised apes." So we used them as a warning to their people and to the following generations, as well as a lesson for the Allah-fearing."(At alalahanin niyo mga anak ng Israel, nang kami ay gumawa ng tipan sa inyo at itinaas ang Bundok Sinai sa harapan niyong nagsasabing, Panghawakan niyong maigi ang inihayag namin sa inyo at itatak niyo ito sa isipan upang kayo ay maprotektahan sa masama. Ngunit kayo ay tumalikod at kung hindi dahil sa biyaya at habag ni Allah, kayo ay siguardong kabilang sa mga napahamak. At kilala niyo ang mga nagkasala sa Sabbath. Sinabi namin sa kanilang, Kayo'y gagawing mga kinamumuhiang mga unggoy. Kaya ginamit namin sila bilang babala sa mga tao at sa mga susunod na heneresyon gayundin bilang aral sa mga may takot kay Allah)

Ang pang-aalipin(slavery) ng isang tao ay tinatanggap sa Quran at sa Madh'hab na isang skwela ng batas sa Islam. [22] Si Muhammad at ang kanyang Sahabah(kasama) ay bumili, at nag-angkin ng mga alipin.[22]

Pagkatao ni Muhammad

Bukod sa pagkakaroon ng maraming asawa, binabatikos din ng mga kritiko ang pagapakasal ni Muhammad sa isang siyam na taong gulang na batang babae na nagngangalang Aisha. [23][24][25][26][27] Bukod dito, binabatikos rin ng mga kritiko ang hindi naging magandang pakikitungo ni Muhammad sa Banu Qurayza, isang tribo ng mga Hudyo sa Medina. Ang mamayan ng mga tribong ito ay pinapatay ni Muhammad dahil sa kanilang pakikipagsundo sa mga kaaway ni Muhammad na sumakop sa Medina sa Labanan sa Trench noong 627. Ayon kay Ibn Ishaq pinayagan ni Muhammad ang pagpupugot ng ulo ng 600 hanggang 900 indibidwal na sumuko pagkatapos ng labanan sa Trench.[28][29][30] Ayon sa skolar ng pag-aaral Islamiko na si Welch, ang mga pangingisay(seizures) ni Muhammad sa panahong ito ay maaring pinakahulugan ng mga nakapaligid sa kanya bilang isang katibayan na nagmula sa dios ang mga pahayag na natanggap ni Muhammad. Ayon din kay Welch, hindi tiyak kung ang mga pangingisay ni Muhammad ay nangyari bago o pagkatapos ng unang pagkakataong inangkin ni Muhammad ang pagkapropeta. Ayon naman sa mga kritiko ni Muhammad, si Muhammad ay maaring nasasapian ng demonyo, o isang mahikero o manggagaway dahil ang kanyang karanasan ay katulad sa mga taong nag-aangking ng mga bagay ito sa sinaunang Arabia. Ayon din sa mga kritiko, si Muhammad ay nagpapanggap lang na nangingisay, [5] o mayroong sakit na epilepsy na isang sakit na neurolohikal.[31]. Ang sakit na epilepsy ay itinuring noong sinaunang panahon na kaugnay ng mga karanasang espiritwal at para sa iba ay sa isang pagsapi ng demonyo. Sa panahon ni Hippocrates(na ama ng medisina) noong ikalimang siglo BCE, ang sakit na ito ay tinatawag na "Banal na Sakit".[7]

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 "Islam". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., pahina 414-416.
  2. 2.0 2.1 2.2 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who was Muhammad?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767., pahina 22.
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 3.7 3.8 Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya (2005). "Muhammad". Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya, ISBN 0155050907., pahina 359.
  4. Armstrong, Karen (2005). Mahoma, biografía del Profeta. Barcelona: Tusquets. 84-8310-432-6.
  5. 5.0 5.1 Frank R. Freemon, A Differential Diagnosis of the Inspirational Spells of Muhammad the Prophet of Islam, Journal of Epilepsia, 17 :4 23-427, 1976
  6. Margoliouth, David Samuel (1905). Mohammed and the Rise of Islam. Putnam. p. 46.
  7. 7.0 7.1 "Epilepsy: historical overview". Health Topics A TO Z. Nakuha noong 2011-03-20.
  8. Ernst, Carl (2002). Following Muhammad: Rethinking Islam in the Contemporary World. The University of North Carolina Press. p. 80
  9. Religious Studies and Theology: An Introduction, 294
  10. Islam: The Straight Path, 85
  11. Sahih Muslim, Book 17, Chapter 6: Stoning to Death of Jews and Other Dhimmis In Cases of Adultery, Number 4216
  12. Sahih Bukhari, Volume 2, Book 23: Funerals, Number 413
  13. Sahih Bukhari, Volume 3, Book 50: Conditions, Number 885
  14. https://www.cia.gov/library/publications/the-world-factbook/fields/2122.html
  15. http://newsinfo.inquirer.net/32895/abu-sayyaf-beaheaded-5-of-7-fallen-marines
  16. http://newsinfo.inquirer.net/15538/metro-on-alert-for-terrorist-plot
  17. Maldives atheist who felt persecuted 'hangs himself', BBC News, July 15, 2010
  18. "A "crack in the wall" - Wafa Sultan on the mohammed cartoons". Nakuha noong 2008-10-14.
  19. "LA Psychologist Wafa Sultan Clashes with Algerian Islamist Ahmad bin Muhammad over Islamic Teachings and Terrorism". Middle East Media Research Institute. Nakuha noong 2008-02-24. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)
  20. http://www.opendemocracy.net/faith-europe_islam/mohammed_3866.jsp
  21. http://www.thereligionofpeace.com/Quran/023-violence.htm
  22. 22.0 22.1 Lewis 1994, Ch.1
  23. Politics, Gender, and the Islamic Past: the Legacy of A'isha bint Abi Bakr, Columbia University Press, 1994, p. 40
  24. Karen Armstrong, Muhammad: A Biography of the Prophet, Harper San Francisco, 1992, p. 157.
  25. Barlas (2002), p.125-126
  26. Sahih al-Bukhari, 5:58:234, 5:58:236, 7:62:64, 7:62:65, 7:62:88, Sahih Muslim, 8:3309, 8:3310, 8:3311, 41:4915, Sunnan Abu Dawud, 41:4917
  27. Tabari, Volume 9, Page 131; Tabari, Volume 7, Page 7
  28. Bukhari 5:59:362
  29. Daniel W. Brown, A New Introduction to Islam, p. 81, 2003, Blackwell Publishers, ISBN 0-631-21604-9
  30. Yusuf Ali, "The Meaning of the Holy Quran", (11th Edition), p. 1059, Amana Publications, 1989, ISBN 0-915957-76-0
  31. Margoliouth, David Samuel (1905). Mohammed and the Rise of Islam. Putnam. p. 46.

Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA

Padron:Link GA Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA