Pedro Calungsod: Pagkakaiba sa mga pagbabago

Jump to navigation Jump to search
m
santo
m (santo)
 
 
Si '''BeatoSan Pedro Calungsod''' ay isang Pilipinong migrante, karpintero, sakristan at misyonaryong [[katekismo|katekista]]ng [[Simbahang Katoliko Romano|Katoliko]] na naging martir kasama si Beato Diego Luis de San Vitores noong 1672. Sa pamamagitan ng kanilang misionaryong gawain, maraming Chamorros ang naging Romano Katoliko. Si Calungsod ay tinanghal na beato ng Santa Iglesia Romana Katolika noong 5 ng Marso, 2000 ni Beato Papa Juan Pablo Segundo at nakatalaga syang gawing Santo ni Papa Benito XVI sa Octubre 21, 2012. Ang calendario ng Martiriologia ng Romana Katolika ay hinirang ang kanyang fiesta sa ika 2-ng Abril cada taon.
 
Ayon sa mga dokumento, si Calungsod ay isang "Cebuano". Siya ay pinanganak sa Cebu. Si Calungsod ay sumama sa mga paring Hesuita at dahil siya ay nagsilbi kasama ang Hesuitang ordenes, maaaring nakasalamuha niya ang mga ito sa isa sa mga paaralang itinatag nila sa Cebu, Iloilo, o Bohol. Kasama siya sa mga binatilyong katulong nga mga paring Heswita na pumunta sa Guam noong 1668. Sa kanilang pagpupunyagi ay marami ang nakatanggap ng mga Sakramento lalong lalo na ng Binyag.
Noong Disyembre 2011, inanuncio ni Cardinal Tarcisio Bertone ang pag aprubaha ni Papa Benito XVI sa pagbusising ginawa ng Congregacion para sa Causa ng mga Kasantuhan sa isang himalang nakamit umano sa pamamagitan ng pagdulog kay Beato Pedro Calungsod. Ito ay ang paggaling sa loob lamang nga dalawang oras ng isang ginang na idineklarang "brain dead." Noong Pebrero 18, 2012, ipinaalam ng Santo Papa ang kanyang pasyang pagtalaga ng mga bagong Santo kasali na dito si Pedro Calungsod sa ika-21 ng Oktubre 2012. Siya na ang ikalawang Santong Pilipino at una mula sa Kabisayaan pagkatapos matanghal si San Lorenzo Ruiz de Manila ni Beato Papa Juan Pablo Segundo noong 1987.
 
[[Kategorya:Pilipinong Santo]]
[[bcl:Pedro Calungsod]]
[[de:Pedro Calungsod]]
9,055

edit

Nav menu