Cebu: Pagkakaiba sa mga binago
m r2.7.3) (robot dinagdag: yi:סעבו (גובערניע); Kosmetiko pagbabago |
m robot tinanggal: fi:Cebu (strongly connected to tl:Cebu (pulo)) |
||
Linya 147: | Linya 147: | ||
[[eu:Cebu]] |
[[eu:Cebu]] |
||
[[fa:جزیره سبو]] |
[[fa:جزیره سبو]] |
||
[[fi:Cebu]] |
|||
[[fr:Cebu]] |
[[fr:Cebu]] |
||
[[gl:Cebú]] |
[[gl:Cebú]] |
Pagbabago noong 14:01, 23 Oktubre 2012
Cebu | |||
---|---|---|---|
Lalawigan ng Cebu | |||
| |||
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Cebu | |||
Mga koordinado: 10°19'N, 123°45'E | |||
Bansa | Pilipinas | ||
Rehiyon | Gitnang Kabisayaan | ||
Kabisera | Lungsod ng Cebu | ||
Pagkakatatag | 6 Agosto 1569 (Huliyano) | ||
Pamahalaan | |||
• Uri | Sangguniang Panlalawigan | ||
• Gobernador | Gwendolyn García | ||
• Manghalalal | 3,082,621 na botante (2019) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 4,943.72 km2 (1,908.78 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (senso ng 2020) | |||
• Kabuuan | 3,325,385 | ||
• Kapal | 670/km2 (1,700/milya kuwadrado) | ||
• Kabahayan | 662,639 | ||
Ekonomiya | |||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lalawigan | ||
• Antas ng kahirapan | 14.76% (2018)[2] | ||
• Kita | ₱4,537,572,289.46 (2020) | ||
• Aset | ₱213,005,752,235.55 (2020) | ||
• Pananagutan | ₱4,734,292,034.79 (2020) | ||
• Paggasta | ₱2,224,994,121.74 (2020) | ||
Pagkakahating administratibo | |||
• Mataas na urbanisadong lungsod | 2 | ||
• Lungsod | 4 | ||
• Bayan | 47 | ||
• Barangay | 1,203 | ||
• Mga distrito | 8† | ||
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | ||
Kodigo postal | 6000–6053 | ||
PSGC | 072200000 | ||
Kodigong pantawag | 32 | ||
Kodigo ng ISO 3166 | PH-CEB | ||
Klima | tropikal na klima | ||
Mga wika | Sebwano Wikang Porohanon Wikang Bantayanon | ||
Websayt | http://www.cebu.gov.ph/ |
Ang Cebu ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Rehiyon ng Gitnang Visayas. Ang kabisera nito ay ang Lungsod ng Cebu. Isang mahabang mapayat na pulo ang Cebu na may habang 225 kilometro (140 milya) mula sa hilaga hanggang timog, at napapalibutan ng 167 na kalapit na maliliit na mga pulo, na kinabibilangan ng Pulo ng Mactan, Pulo ng Bantayan, Pulo ng Malapascua, Pulo ng Olango, at ang mga Pulo ng Camotes. Sa daan-daang mga pulo nito, ang iba dito ay hindi tinitirhan na naging dahilan upang maging tanyag ang mga ito sa mga turista.
Kilala ang Cebu dahil sa mga pook nito na may katangian ng isang pulong tropikal gaya ng mga talampas, mga malalawak na dalampasigan. Karamihan din sa Cebu ay maburol, at mabundok hanggang patungo sa hilaga, at patimog ng pulo. Ang pinakamataas na pook sa Cebu ay umaabot sa 1,000 metro. Matatagpuan ang mga kapatagan sa lungsod Bogo at sa mga bayan San Remigio, Medellin, at Daanbantayan, at sa hilagang rehiyon ng lalawigan.
Ang Lungsod ng Cebu ang kabiserang lungsod, ang pinakamatandang lungsod sa Pilipinas, na bahagi ng [[Kalakhang Cebu[[ kasama ang anim na iba pang mga lungsod ng Lungsod ng Carcar, Lungsod ng Danao, Lungsod ng Lapu-Lapu, Lungsod ng Mandaue, Bogo, at Lungsod ng Talisay, at anim pang mga bayan.
Isa ang Cebu sa pinakamaunlad na lalawigan sa Pilipinas, at ang sentro ng kalakalan, komersyo, edukasyon, at industriya sa gitna, at timog na bahagi ng Pilipinas. Maraming mga otel, casino, mga beaches, at iba pang pook pasyalan ang matatagpuan sa lalawigan.
Pangalan
Ang katutubong pangalan para sa lugar ay Sugbo. Ang pangalang Cebú ay isang pagka-Kastila ng orihinal na katutubong pangalan, na sinimulang gamitin noong pagdating ni Miguel Lopez de Legazpi sa Pilipinas. Ang unang ipinangalan ni Legazpi sa Cebu ay San Miguel ngunit ito ay muli niyang binago nang nakita niya ang Santo Niño na ibinigay ni Fernando de Magallanes sa mga Sebwano kaya ginawa niya itong La Ciudad del Santísimo Nombre de Jesús.
Demograpiya
Panitikang Cebuano
Mga Wika
Katutubong wika sa Cebu ang Wikang Cebuano. Sinasalita ito sa halos lahat ng bahagi ng mga kapuluan sa Gitnang Bisayas, kasama ang mga lalawigan ng Bohol, kanlurang Leyte, Negros; sa ilang bahagi ng sa katimugang Pilipinas kasama ang Bukidnon, Agusan, Surigao, Davao, Cotabato, at Zamboanga del Sur. May mga pagkakaibang makikita sa mga salita sa maraming bahagi subalit ang pagkakakaiba ay bahagya lamang.[3] May tinatayang 20 milyong tagapagsalita ng Cebuano.[4] Mahusay din manalita ang mga Cebuano ng ibang katutubong wika sa Pilipinas gaya ng Tagalog at iba pang mga wikang Bisaya gaya ng Hiligaynon, at Waray-Waray.
Sa mga Pulo ng Camotes, isang katutubong wikang kaugnay ng Waray-Waray ang tinatawag na Porohon ang sinasalita doon.
sa Santa Rosa, Ang Bisayang Bantayan ang sinasalita.
Ang Wikang Kastila ang kadalasang sinasalita ng mga mestizo, at sa mga pamayanang Kastila. Ang lalawigan ng Cebu ang kauna-unahang lalawigan naimpluwensyahan ng mga Kastila bago inilipat ang kabisera sa Maynila. Ang Wikang Ingles ang salitang ginagamit sa larangan ng edukasyon, media, komersyo, kalakalan at pamahalaan; at ang Wikang Intsik ay sinasalita naman sa mga pamayanang Tsino.
Relihiyon
Ang Nuestra Señora de Guadalupe ang patron ng Cebu. Subalit karamihan sa mga Cebuano ay nagsasabing ang Santo Niño de Cebu, Ang Banal na Batang Jesus ang kanilang santong patron Ang Estatwa nito ay matatagpuan sa Basilica Minore del Santo Niño. Ang San Nicholas de Tolentino ay ang pinakalumang simbahan ngunit bahagyang nasira noong panahon ng digmaan. Ito ang orihinal na pook kung saan unang dumaong at itinayo ng mga Kastila ang Krus bago ito inilipat sa kasalukuyang pook nito sa Basilika.
Pulitika
Mga Lungsod
Mga Bayan
Tingnan din
Mga Sanggunian
- ↑ "Province: Cebu". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
- ↑ "Updated Annual Per Capita Poverty Threshold, Poverty Incidence and Magnitude of Poor Population with Measures of Precision, by Region and Province: 2015 and 2018". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 4 Hunyo 2020.
- ↑ Resil Mojares, Cebuano Literature: A Survey of Bibliography with Finding List (Cebu City: University of San Carlos, 1975), p. 5.
- ↑ "Languages Cebuano language of Philippines". Ethnologue.com.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.