Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Richard Wagner"

Jump to navigation Jump to search
m
Inalis ang binago ni 222.127.223.74, ibinalik sa huling bersyon ni Justincheng12345-bot
m (Inalis ang binago ni 222.127.223.74, ibinalik sa huling bersyon ni Justincheng12345-bot)
== Si Wagner sa Lungsod ng Dresden ==
 
Nakumpleto ni Wagner ang ikatlo niyang opera, Rienzi, noong 1840. Hindi inaasahan, tinanggap ito upang itanghal sa Teatrong Pangkorte ng Dresden sa Lupain ng Saxony sa Alemanya. Noong 1842, ang magasawa ay lumipat sa Dresden kung saan itinanghal ang Rienzi na umani ng malaking tagumpay. Si Wagner ay nanirahan sa Dresden sa sumunod na 6 na taon, kasabay ng kanyang pagkahirang bilang Konduktor ng Korte Real ng Lupain ng Saxony. Dito niya naisulat at itinanghal ang Der fliegende Hollaender at Tannhauser, ang dalawa sa Kalagitnaang Bahagi ng kanyang mgabuntismga aku s kanya noong 2010 hHh JOKR LNG ITO :)opera.
 
mga taon ng pagdurusa sa Bilangguan
Ang paninirahan niya sa Dresden ay nagwakas lamang ng si Wagner ay masangkot sa Politikang makakaliwa. Isang makabansang Kilusan ang bumabalot sa mga nagsasariling Lupain sa Alemanya, na tumatawag ng pansin upang magkaroon ng Dagadag na Kalayaan at upang bigkisin o pagisahin ang mga watak-watak na mahihinang lupain at makabuo ng isang bansang Aleman. Dibdiban ang pakikilahok ni Richard Wagner sa kilusang ito at naging mga panauhin niya sa kanyang tahanan ang kaibigan niyang si August Roeckel, na editor ng isang radikal na makakaliwang pahayagan na Volksblaetter, at ang Anarkistang Ruso na si Mikhail Bakunin.
 
Ang malawakang kawalan ng kasiyahan sa Pamahalaang Saxon ay dumating sa kainitan noong April 1849, nung ang Haring Frederick Augustus II ng Saxony ay binuwag ang Parliamento at tumangging ipairal ang Bagong Saligang-Batas na iginigiit sa kanya ng mga mamamayan. Ang Paghihimagsik sa (buwan ng)Mayo ay sumiklab kung saan si Wagner ay kasangkot bagama't sa isang maliit na papel. Ang bubot na Himagsikan ay maagang dinurog ng pinagsanib na Lakas ng Tropang Saxon at Prussia, ang Mandamiento de Aresto (Kalatas sa Pagdakip) ay inilabas upang dakpin ang mga naghihimagsik. Si Wagner ay napilitang tumakas patungong Paris, pagkatapos nito sa Lungsod Zeurich Swiso. Hindi nagawang makatakas nina Roeckel at Bakunin na humantong sa mahabang mga taon ng pagdurusa sa Bilangguan
 
== Pagtakas, Inpluwensya ni Schopenhauer, at Mathilde Wesendonk ==

Nav menu