Silohismo: Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Content deleted Content added
EmausBot (usapan | ambag)
m r2.7.3) (robot dinagdag: ky:Силлогизм
Dinamik-bot (usapan | ambag)
m r2.6.2) (robot dinagdag: id:Silogisme
Linya 80: Linya 80:
[[hu:Szillogizmus]]
[[hu:Szillogizmus]]
[[ia:Syllogismo]]
[[ia:Syllogismo]]
[[id:Silogisme]]
[[io:Silogismo]]
[[io:Silogismo]]
[[is:Rökhenda]]
[[is:Rökhenda]]

Pagbabago noong 12:02, 11 Disyembre 2012

Sa tradisyunal na lohika, ang silogismo o silohismo ay isang uri ng pangangatwiran na nagsisimula sa pinakamalawak patungo sa pinakaeksaktong pangungusap. Hinahango mula sa naunang palagay ang kasunod na palagay at batay sa tibay ng pagkakaugnay ng dalawang palagay, bumubuo ng katapusang pangungusap.

Sa wikang Ingles, ang "syllogism" ay nagmula sa salitang "syllogismus" ng Latin. Sa Griyego ang "sullogismos" ay pangangatwiran sa paraan ng deduksyon, ng pagpapaliit-kawing. Mula sa mas malawak na kaisipan, ikinakawing natin ito sa mga sumusunod na kaisipan, na lumiliit naman ang saklaw sa muling pagkakawing.

Tatlong bagay ang bumubuo sa silogismo: ang pangunahing palagay (major premise), ang nakapailalim na palagay (minor premise) at ang katapusang pangungusap (conclusion).

Paglalapat

Ito ang halimbawa ng silogismo ni "Barbara" ayon kay Aristoteles (basahin ang silogismong pangkategorya):

Kung ang lahat ng tao (B) ay may katapusan (A), (pangunahing palagay)
at ang lahat ng Griyego (K) ay tao (B), (nakapailalim na palagay)
Kaya naman, ang lahat ng Griyego (K) ay may katapusan (A). (katapusang pangungusap)

Sa pagsusuri,

Ang lahat ng tao ay may katapusan. (malawak na panimula)
Si Sokrates ay tao. (tukoy na pangungusap)
Si Sokrates ay may katapusan. (pinapalitan ang tinutukoy(nakapailalim) na bagay ng malawak(pangunahin) na bagay)

Katumpakan

Kasalungat nito ang metapora, na kahawig sa anyo ng silogismo na pinapatibayan ang kasunod, ngunit kapansin-pansin ang kamalian ng ganitong pangangatwiran.

Ang damo (B) ay namamatay(A).
Ang mga tao (C) ay namamatay (A).
Ang mga tao (C) ay damo(B).

Bahagi ng silogismo ni "Barbara" ang balarila at mga uring lohikal; nagtataglay ito ng pasimuno (halimbawa, si Sokrates) at panaguri (may katapusan). Ang paraang "Pinapatunayan ang kasunod", na batayan ng metapora, ay magkapareho ang sukat ng mga sangkap-balarila; binibigyan nito ng magkaparehong-timbang ang mga panaguri. Isang uri ito ng di-tumpak na pangangatwiran.

Maaaring malaman kung tumpak o di-tumpak ang silogismo sa pamamagitan ng teoríyá ng distribusyón ng salitang-tinutukoy (paksa).

Maaari ding malaman kung di-tumpak ang silogismo kapag may maling paggamit ng apat na paksa o di-pagbabahagi ng panggitnang paksa.

Ang "epagoge" ay mahinang uri ng silogismo na batay sa pangangatwiran sa paraan ng induksyon, na hinahango mula sa iba-ibang halimbawa ang isang pangkalahatang palagay.

Sa pakahulugan ng may pasubali (conditional) at may kambal na pasubali (biconditional), ang kahihinatnan ng simulain ng silogismo ay maaaring ipahayag sa sumusunod na kaanyuan:

  (a => b) ^ (b => k) => (a => k)
  (a <=> b) ^ (b <=> k) => (a <=> k)

Ang katapusang pangungusap ay maaari lamang magkaroon ng "may kambal na pasubali" kung ang lahat ng mga palagay ay "may kambal na pasubali". Maraming maaaring paglapatan ang kasabihang ito. Sa sunod-sunod na pagpapaliit-kawing (deduction) ng pangangatwiran, kailangan din nating pansinin kung ang paglundag mula sa isang palagay tungo sa kasunod na palagay ay sa pamamagitan ng may kambal na pasubali o ng payak na may pasubali. Hindi magkatimbang ang dalawang palagay na malawak ang salungatan, maliban lamang kung ang mga nakapagitnang pagpapaliit-kawing ay magkakatimbang; sa ibang paraan ng pagsasabi, kung may isang pahiwatig sa kabit-kabit na mga palagay, ang ugnayan ng mga palagay sa magkabilang dulo ay isang pahiwatig lamang.

Tingnan din

Kawing panlabas