Apolinario Mabini: Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Content deleted Content added
No edit summary
LaaknorBot (usapan | ambag)
m r2.7.3rc2) (robot dinagdag: ru:Мабини, Аполинарио
Linya 42: Linya 42:
[[pl:Apolinario Mabini]]
[[pl:Apolinario Mabini]]
[[pt:Apolinário Mabini]]
[[pt:Apolinário Mabini]]
[[ru:Мабини, Аполинарио]]
[[simple:Apolinario Mabini]]
[[simple:Apolinario Mabini]]
[[zh:阿波里納里奧·馬比尼]]
[[zh:阿波里納里奧·馬比尼]]

Pagbabago noong 14:47, 19 Pebrero 2013

Apolinario Mabini

Si Apolinario Mabini y Maranan (Hulyo 23, 1864Mayo 13, 1903), kilala bilang ang "Dakilang Lumpo" o "Dakilang Paralitiko", ay isang Pilipino theoretician na nagsulat ng konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas noong 1899-1901, at naglingkod bilang ang kauna-unahang punong ministro noong 1899. Ipinanganak siya sa Talaga, Tanauan, Batangas sa mahihirap na mga magulang, sina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan.

Siya ay natuto ng abakada mula sa kanyang ina at ang pagsulat ay sa kanyang ingkong natutuhan. Nag-aral siya sa mataas na paaralan at nagpatuloy sa Colegio de San Juan de Letran na kung saan natamo ang katibayan sa pagka-Bachiller en Artes at naging propesor sa Latin. Sa Unibersidad ng Santo Tomas naman siya nakapagtapos ng pagkaabogado noong 1894. Samantalang nag-aral ng batas, sumapi siya sa La Liga Filipina ni Jose Rizal.

Si Mabini ay nagkasakit noong 1896 ng "infantile paralysis" na lumumpo sa kanya. Ipinasundo siya ni Aguinaldo at sila'y nagkamabutihan. Siya'y lihim na ipinatawag ni Aguinaldo at hinirang siyang opisyal na tagapayo. Nang pasinayaan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Republika inatasan niya si Mabini bilang kalihim panglabas (prime minister) at pangulo ng mga konseho. Sa panahong ito isinulat niya ang kanyang tanyag na akdang "Tunay na Dekalogo".

Noong 1899, si Mabin Nueva Ecija at ipinabilanggo. Kanyang isinulat noon ang "Pagbangon at Pagbagsak ng Himagsikang Filipino", "El Simil de Alejandro", at "El Libra". Noong ika-5 ng Enero, 1901, si Mabini ay ipinatapon sa Guam, ngunit kusa siyang nagbalik sa bansa noong Pebrero, 1903 kapalit ng panunumpa ng katapatan sa Estados Unidos. Siya ay nagkasakit ng kolera at namatay noong ika-13 ng Mayo, 1903 sa Nagtahan, Maynila.

Ayon sa paglalarawan sa kaniya ni Arthur MacArthur, Jr., “Mabini is a highly educated young man who, unfortunately, is paralyzed. He has a classical education, a very flexible, imaginative mind, and Mabini's views were more comprehensive than any of the Filipinos that I have met. His idea was a dream of a Malay confederacy. Not the Luzon or the Philippine Archipelago, but I mean of that blood. He is a dreamy man, but a very firm character and of very high accomplishments. As said, unfortunately, he is paralyzed. He is a young man, and would undoubtedly be of great use in the future of those islands if it were not for his affliction.”[1]


Maaring bisitahin


  1. http://books.google.com/?id=4lMTAAAAIAAJ&q=%22Mabini+is+a+highly+educated+young+man+who,+unfortunately,+is+paralyzed.+He+has+a+classical+education,+a+very+flexible,+imaginative+mind%22&dq=%22Mabini+is+a+highly+educated+young+man+who,+unfortunately,+is+paralyzed.+He+has+a+classical+education,+a+very+flexible,+imaginative+mind%22