Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Fernando de Magallanes"

Jump to navigation Jump to search
 
== Kapanganakan at kabataan ==
Si Magallanes ay ipinanganak noong mga 1480 sa Vila Nova de Gaia, malapit sa [[Porto]] sa Probinsiyang [[Douro Litoral]] o sa [[Sabrosa]] malapit sa [[Vila Real]] sa Probinsiyang [[Trás-os-Montes e Alto Douro]] sa bansang [[Portugal]]. Siya ang anak nina Rodrigo de Magalhães, alcaide-mór ng [[Aveiro]] (1433–1500) (na anak nina Pedro Afonso de Magalhães at asawa nitong si Quinta de Sousa) at ni Alda de Mesquita. Siya ang kapatid ni Leonor o Genebra de Magalhães na asawa na may isyu ni João Fernandes Barbosa. Pagkatapos ng kamatayan ng kanyang mga magulang nang siya ay 10 taong gulang, siya ay naging isang [[pahe]] ni [[Reyna Leonor]] sa korteng makahari ng Portugl dahil sa kanyang angkan. Noong Marso 1505, sa edad na 25, si Magallanes ay nagpatala sa isang armadao ng mga 22 barko na ipinadala upang maghosto kay [[D. Francisco de Almeida]] bilang unang viceroy ng Portuges na India. Bagaman hindi lumitaw ang kanyang pangalan sa mga kronika, alam na nanatili siya ng mga 8 taon ng 8 taon sa [[Goa]], [[Cochin]] at [[Quilon]]. Si Magallanes ay lumahok sa ilang mga labanan kabilang ang [[labanan ng Cannanore]] noong 1506 kung saan siya nasugatan. Noong 1509, nakipaglaban siya sa [[labanan ng Diyus]] at kalaunang naglayag kasama ng kanyang kaibigang si Francisco Serrão sa unang embahadang Portuges sa [[Malacca]] sa ilalim ni [[Diogo Lopes de Sequeira]]. Pagkatapos na dumating sa Malacca noong Setyembre, ang ekspedisyon ay nabiktima sa isang sabwatan na nagwakas sa pag-urong nito. Si Magallanes ay nagkaroon ng mahalagang papel na nagbabala kay Segueira at nagligtas kay Francisco Serrão na tumuntong dito. Noong 1511, sa ilalim ng bagong gobernador na si [[Afonso de Albuquerque]], si Magallanes at Serrão ay lumahok sa pananakop ng Malacca. Pagkatapos ng pananakop, siya ay naghiwalay ng landas. Si Magallanes ay itinaas at sa kompanya ng isang Malay ay kanyang ginawang alipin at binautismuhan si [[Enrique ng Malacca]]. Siya ay bumalik sa Portugal noong 1512. Si Serrão ay lumisan sa unang ekspedisyong ipinadala upang hanapin ang "mga kapuluan ng pampalasa" sa [[Moluccas]] kung saan siya nanatili at nagpakasal sa isangbabae mula sa [[Amboina]] at naging tagapayo ng Sulatan ng [[Ternate]], Bayan Sirrullah. Ang kanyang mga liham kay Magallanes ay nagbigay impormasyon tungkol sa mga teritoryong lumilikha ng mga pampalasa. Pagkatapos niyang umalis nang walang pahintulot, si Magallanes ay nawalan ng pabor. Sa kanyang paglilingkod sa [[Morocco]], siya ay nasugatan at nagtamo ng isang permanenteng ika. Inakusahan rin siya ng ilegal na pangangalakal sa mga [[Moro]]. Ang mga akusasyong ito ay napatunayang hindi totoo ngunit wala nang mga karagdagang alok ng trabaho kay Magallanes pagkatapos ng Mayo 15,1514. Kalaunan noong 1515, nakatangap siya ng isang alok bilang isang tauhan ng isang barkong Portuges ngunit itinakwil. Pagkatapos ng isang alitan kay [[Haring Manuel I]] noong 1517 na tumanggi sa kanyang patuloy na mga kahilingan na manguna sa ekspedisyon na maabot ang mga kapuluan ng pampalasa mula sa silangan(i.e. habang naglalayag pakanluran na iiwas sa pangangailangan na maglayag palibot sa dulo ng Aprika), siya ay lumisan patungo sa [[Espanya]]. Sa [[Sevilla]], [[Espanya]], kanyang kinaibigan si [[Diogo Barbosa]] at nagpakasal sa anak na babae nitong si [[María Caldera Beatriz Barbosa]] sa ikalawa nitong. Sila ay nagkaroon ng dalawang anak na sina [[Rodrigo de Magalhães]] at [[Carlos de Magalhães]] na parehong namatay sa batang edad. Si María Caldera ay namatay sa Sevilla noong mga 1521. Samantala, kanyang inilaan ang kanyang sarili sa pag-aaral ng pinakakamakailang mga chart na nag-iimbestiga kasama ng kosmograpong si [[Rui Faleiro]] sa bukanan mula sa [[Atlantiko]] tungo sa Timog Pasipiko at ang posibilidad na ang [[Moluccas]] ay Espanyol ayon sa demarkasyon ng [[Kasunduan ng Tordesillas]].
Ipinanganak si Magellan sa [[Sabrosa]] (malapit sa [[Vila Real]], sa lalawigan ng [[Trás-dos-Montes]] sa hilagang Portugal) o sa [[Porto]]. Anak ng alkalde ng bayan, si Pedro Rui de Magalhães, at ni Alda de Mesquita, mayroon siyang dalawang kapatid: sina Diogo de Sousa, ipinangalan mula sa kanilang lola, at si Isabel.
 
Pumanaw ang mga magulang ni Magellan nang siya ay sampung taong gulang pa lamang. Sa edad na 12, naging pahe o ''page'' siya kay Haring [[João II ng Portugal|João II]] at Reyna Eleonora sa kanilang kaharian sa kabisera ng [[Lisboa]], kung saan naroon din ang kanyang kuya. doon din nya nakita si ENRIQUE ang taga-sumatra na gagamitin nyang interpreter sa balak nyang pagtuklas sa Maluku (moluccas, spice island).Kasama ang pinsang si Francisco Serrano, ipinagpatuloy ni Magellan ang pag-aaral at nakahiligan ang [[heograpiya]] at [[astronomiya]]. Tinataya ng ilan na maaaring naging guro niya si [[Martin Behaim]]. Noong [[1496]], naging eskudero o ''squire'' si Magellan.
 
Sa edad na 20, nagsimulang maglayag si Magellan. Noong [[1505]] ay inatasan siyang magtungo sa [[Indiya]] upang hirangin si [[Francisco de Almeida]] bilang birrey o ''viceroy'' at magtatag ng mga base militar at pangdagat doon. Dito siya unang napasabak sa isang labanan: nang ang isang lokal na hari roon ay tumangging magbayad ng tributo, lumaban sina Almeida at tuluyang nasakop ang [[Islam|Muslim]] na lunsod ng [[Kilwa]] sa lupaing ngayon ay [[Tanzania]]. Si Magellan ang siyang namuno ng unang ekspidisyon upang patunayan na ang mundo ay bilog sa pamamagitan ng paglalakbay mula kanluran patungong silangan
==Sirkumnabigasyon==
Ang hangarin ng mga paglalakbay ni [[Christopher Columbus]] sa Kanluranin oong 1492–1503 ay marating ang mga Indies at magtatag ng direktang mga ugnayang pangangalakal sa pagitan ng [[Espanya]] at mga kahariang Asyano. Natanto ng mga Espanyol na ang mga lupain ng Amerika ay hindi bahagi ng Asya ngunit isang bagong kontinente. Ang [[Kasunduan ng Tordesillas]] noong 1494 ay naglaan sa Portugal ng mga silanganing ruta na umikot sa Aprika. Si [[Vasco de Gama]] at ang mga Portuges ay duamting sa India noong 1498. Naging mahalaga para sa Espanya na makahanap ng isang bagong ruta ng kalakalan sa Asya at pagkatapos ng pagpupulong ng [[Junta de Toro]] noong 1505, ang Korona ng Espanya ay naglayag upang tuklasin ang ruta sa kanluran. Narating ng maglalayag na Espanyol na si [[Vasco Núñez de Balboa]] ang [[Karagatang Pasipiko]] noong 1513 pagkatapos tumawid sa [[Isthmus ng Panama]] at si [[Juan Díaz de Solís]] ay namatay sa [[Río de la Plata]] noong 1516 habang ginagalugad ang Timog Amerika bilang paglilingkod sa Espanya. Noong Oktubre 1517 sa [[Seville]], nakipag-ugnayan si Magellan kay [[Juan de Aranda]] na Paktor ng Casa de Contratación. Pagkatapos ng pagdating ng kanyang kasamang si [[Rui Faleiro]] at sa pagsuporta ni Arana, kanilang itinanghal ang kanilang proyekto sa hari ng Espanya na si [[Carlo I ng Espanya]] na naging [[Karlos V ng Banal na Imperyo Romano]]. Ang proyekto ni Magellan ay magbubukas ng ruta ng mga pampalasa nang hindi pipinsala sa mga ugnayan sa kapitbahay na Portuges. Noong Marso 22, 1518, pinangalanan ng hari ng Espanya si Magellan at Faleiro na mga kapital upang makapaglayag sila sa pagtuklas ng mga Kapuluan ng Pamapalasa noong Hulyo. Kanyang itinaas sila sa ranggo ng Komandet ng Orden ni Santiago. Sila ay pinagkalooban ng Hari ng mga sumusunod: monopolyo sa natuklasang ruta sa loob ng 10 taon, ang kanilang paghirang bilang mga gobernador ng mga natuklasang kapuluan at mga lupain, ang karapatan na magbuwis ng 1000 [[ducat]] sa mga susunod na paglalayag na magbabayad lamang ng 5 porsiyento sa natitira, pagkakaloob ng isang kapuluan para sa bawat isa maliban mula sa anim na pinakamayaman kung saan sila tatanggap ng ikalabinglima. Ang ekspedisyong ito ay malaking pinondohan ng Korona ng Espanya at nagkaloob ng mga barko na may mga suplay para sa dalawang taon na paglalayag. Ang bihasang kartograpong si [[Jorge Reinel]] at [[Diogo Ribero]] na isang Portuges na nagtrabaho para kay Carlos V noong 1518 bilang kartograpo ng Casa de Contratación ay lumahok sa pagpapaunlad ng mga mapang gagamitin sa paglalayag. Ang ilang mga problemay ay lumitaw kabilang ang kawalan ng salapi, ang pagtatangka ng hari ng Portugal na pigilan sila at ibang pang Portuges na nabibigay suspetsa sa Espanya at ang mahirap na kalikasan ni Ribeiro. Sa pamamagitan ng obispong si Juan Rodríguez de Fonseca ay nakuha nila ang pakikilahok ng mangangalakal na si Christopher de Haro na nagkaloob ng isang ikaapat ng mga pondo at mga kalakal upang ibarter.
60

edit

Menu ng paglilibot