Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Dario II"

Jump to navigation Jump to search
walang buod ng pagbabago
m (Inilipat ni Atn20112222 ang pahinang Darius II of Persia papunta sa Dario II)
Si '''Dario II''' o '''Darius II''' ({{lang-fa|داريوش دوم}}) (''Dārayavahuš'') ang hari ng [[Imperyong Akemenida|Imperyong Pesiano]] mula 423 BCE hanggang 405 BCE.<ref>''[[Pauly-Wissowa|Brill's New Pauly]]'', "Darius".</ref>
 
Si [[Artaxerxes I]] na namatay noong Disyembre 25, 424 BCE ay sinundan ng kanyang anak na si [[Xerxes II]]. Pagkatapos ng isang buwan at kalahati, si Xerxes II ay pinaslang ng kanyang kapatid na lalakeng si Secydianus o [[Sogdianus]] (hindi matiyak ang anyo ng pangalan). Ang kanyang hindi lehitimong kapatid na lalakeng si Ochus na [[satrap]] ng [[Hyrcania]] ay nag-alsa laban kay Sogdianus. Pagkatapos ng isang sandaling labanan ay pinaslangs siya at sinupil sa pamamagitan ng pagtatraydor ang isang pagtatangka ng kanyang sariling kapatid na lalakeng si Arsites na tularan ang kanyang halimbawa. Kinuha ni Ochus ang pangalang Darius(ang mga sangguniang Griyego ay kadalasan siyang tinawag na Darius ''Nothos'', "Bastardo"). Ang mga pangalang Xerxes II o Sogdianus ay hindi umiiral sa mga petsa ng maraming mga tabletang [[Babilonya]]no mula sa [[Nippur]]. Dito, ang paghahari ni Darius ay agad na sumunod sa paghahari ni [[Artaxerxes I]]. Napakakunti ang nalalaman ng mga historyan tungkol sa paghahari ni Darius II. Ang isang paghihimagsik ng [[Medes]] noong 409 BCE ay binanggit [[Xenophon]].
11,766

edits

Nav menu