Pilipinas: Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Content deleted Content added
Linya 87: Linya 87:
[[File:Ang hari.jpg|thumb|Larawan ng isang Maharlika.]]
[[File:Ang hari.jpg|thumb|Larawan ng isang Maharlika.]]
Ayon sa mga naitalang labi ng tao sa bansa, maaaring dinayo na ng mga tao ang Pilipinas, ilang libong taon na ang nakalipas. Tumawid sa mga sinaunang tulay na lupa ang mga [[Negrito]] o Ita, ang tinatayang kauna-unahang mga nanirahan sa Pilipinas. Sa kalaunan, dumayo sila sa kagubatan ng mga pulo. Sa kasalukuyan nang sumapit ang ikalawang libong taon, nanirahan din sa Pilipinas ang iba pang mga mandarayuhan mula sa [[tangway ng Malay]], kapuluan ng [[Indonesia]], mga taga [[Indotsina]] at [[Taiwan]].
Ayon sa mga naitalang labi ng tao sa bansa, maaaring dinayo na ng mga tao ang Pilipinas, ilang libong taon na ang nakalipas. Tumawid sa mga sinaunang tulay na lupa ang mga [[Negrito]] o Ita, ang tinatayang kauna-unahang mga nanirahan sa Pilipinas. Sa kalaunan, dumayo sila sa kagubatan ng mga pulo. Sa kasalukuyan nang sumapit ang ikalawang libong taon, nanirahan din sa Pilipinas ang iba pang mga mandarayuhan mula sa [[tangway ng Malay]], kapuluan ng [[Indonesia]], mga taga [[Indotsina]] at [[Taiwan]].
[[File:Mga tapat sa Hari.jpg|thumb|300px|left|Ipinapakita sa pinturang ito na ang Hari ay pinoprotektahan ng kanyang mga bantay]].
Nanirahan sa bansa noong ika-walong dantaon ang mga mangangalakal na [[Intsik|Tsino]]. Ang paglaganap ng mga bansang(kaharian) Budismo sa bahagi ng Asya ang nagpasimuno ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa Indonesia, India, Hapon, at Timog-Silangang Asya. Subalit, humina ang mga kaharian sa Timog-Silangang Asya dahil sa mahigpit na alitan at hindi pagkakasundo. Samantala, ang paglaganap ng [[Islam]] sa pamamaraan ng panangalakal at proselitismo, tulad ng [[Kristiyanismo]], ang nagdala sa mga mangangalakal at tagakalat ng pananampalataya sa kabahagian; ang mga Arabe ay dumating sa Mindanao noong ika-14 na dantaon. Sa pagdating ng mga unang Europeo, sa pangunguna ni [[Fernando Magallanes]] (Ferdinand Magellan) noong [[1521]], mayroon nang mga [[rajah]] hanggang sa hilaga ng [[Maynila]], na naging mga karugtungang-sangay ng mga kaharian ng Timog-silangang Asya. Subalit, pawang mga nagsasarili ang mga pulo ng Pilipinas noon.
Nanirahan sa bansa noong ika-walong dantaon ang mga mangangalakal na [[Intsik|Tsino]]. Ang paglaganap ng mga bansang(kaharian) Budismo sa bahagi ng Asya ang nagpasimuno ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa Indonesia, India, Hapon, at Timog-Silangang Asya. Subalit, humina ang mga kaharian sa Timog-Silangang Asya dahil sa mahigpit na alitan at hindi pagkakasundo. Samantala, ang paglaganap ng [[Islam]] sa pamamaraan ng panangalakal at proselitismo, tulad ng [[Kristiyanismo]], ang nagdala sa mga mangangalakal at tagakalat ng pananampalataya sa kabahagian; ang mga Arabe ay dumating sa Mindanao noong ika-14 na dantaon. Sa pagdating ng mga unang Europeo, sa pangunguna ni [[Fernando Magallanes]] (Ferdinand Magellan) noong [[1521]], mayroon nang mga [[rajah]] hanggang sa hilaga ng [[Maynila]], na naging mga karugtungang-sangay ng mga kaharian ng Timog-silangang Asya. Subalit, pawang mga nagsasarili ang mga pulo ng Pilipinas noon.



Pagbabago noong 10:34, 13 Oktubre 2013

Kumakarga ang "mamamayang Pilipino" dito. Para sa lathala tungkol sa mamamayang Pilipino, tingnan ang mga Pilipino.
Republika ng Pilipinas
Republic of the Philippines
República de Filipinas
Salawikain: Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan, at Makabansa[1]
Awiting Pambansa: 

Lupang Hinirang
Kinaroroonan ng  Pilipinas  (luntian) sa ASEAN  (madilim na abu)  —  [Gabay]
Kinaroroonan ng  Pilipinas  (luntian)

sa ASEAN  (madilim na abu)  —  [Gabay]

KabiseraMaynila
Pinakamalaking lungsodLungsod Quezon
Wikang opisyalFilipino (nakabatay sa Tagalog) Kastila, at Ingles*
Kinilalang wikang panrehiyonBikol, Wikang Sugbuano, Hiligaynon, Ilokano, Pampango, Pangasinense, Tagalog, Waray
Ibang wikaaKastila at Arabe
KatawaganPilipino/Pilipina
PamahalaanUnitaryong pampanguluhang republikang konstitusyonal
• Pangulo
Benigno S. Aquino III
Jejomar Binay
Kalayaan 
Hunyo 12, 1898
Marso 24, 1934
Hulyo 4, 1946
Pebrero 2, 1987
Lawak
• Kabuuan
300,000 km2 (120,000 mi kuw) (72nd)
• Katubigan (%)
0.6[2] (inland waters)
Populasyon
• Pagtataya sa 2011
95,834,000[3] (Ika-12)
• Senso ng 2012
97,691,000
• Densidad
303/km2 (784.8/mi kuw) (Ika-42)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2012
• Kabuuan
$ 396.721 Bilyon[4]
• Bawat kapita
$4,060.987
KDP (nominal)Pagtataya sa 2012
• Kabuuan
$217.580 Bilyon
• Bawat kapita
$2,227.228
TKP (2011)0.644[5]
Error: Invalid HDI value · Ika-112
SalapiPiso ng Pilipinas (PHP)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong pantelepono63
Kodigo sa ISO 3166PH
Internet TLD.ph
* Ang Cebuano, Ilokano, Hiligaynon, Bikol, Waray-Waray, Kapampangan, Pangasinan, Kinaray-a, Maranao, Maguindanao, Tagalog, at Tausug ay ang mga auksilar na wikang opisyal sa kanilang sariling rehiyon. Ang Kastila at Arabe ay itinataguyod sa isang opsiyonal at kusang batayan.

Ang Pilipinas (opisyal: Republika ng Pilipinas), (Ingles: Republic of the Philippines, Espanyol: República de Filipinas) ay isang bansa sa Timog Silangang Asya sa kanluran ng Karagatang Pasipiko. Binubuo ang bansa ng higit-kumulang na pitong libo, isang daan at pitong (7,107) mga pulo. Kabilang sa lupalop o kontinente ng Asya ang bansang Pilipinas.

Matatagpuan sa pagitan ng 116° 40' at 126° 34' S. longhitud, at 4° 40' at 21° 10' H. latitud ang Pilipinas. Pinapalibutan ito ng Dagat Pilipinas sa silangan, ng Dagat Luzón sa kanluran, at ng Dagat ng Celebes sa timog. Matatagpuan ang bansang Indonesia sa katimugang bahagi ng bansa habang matatagpuan ang bansang Malaysia sa timog-kanluran. Sa silangan matatagpuan ang bansang Palau at sa hilaga matatagpuan ang bansang Taiwan.

Malaking ambag o pababago sa wika at kinaugalian ng Pilipinas ang naidulot ng pagsakop ng mga bansang Espanya (mula 1565 hanggang 1898) at Estados Unidos (mula 1898 hanggang 1946). Ang pananampalatayang Katoliko o Katolisismo ang pinakamalaking ambag na naibahagi ng mga Kastila sa kaugaliang Pilipino.

Tanyag ang Bansang Pilipinas sa mga kalakal at yaring pang-luwas at sa kanyang mga OFW o Overseas Filipino Workers[mga pilipinong manggagawa sa ibayong dagat]. Kasalukuyang nakararanas ng pag-unlad ang bansa sa mga remittances na ipinapadala pauwi ng mga OFW. Isa sa mga pinakaumuunlad na bahagi ang teknolohiyang pang-kaalaman sa ekonomiya ng Pilipinas. Marami ring mga dayuhan ang namumuhunan sa bansa dahil sa mataas na palitan ng dolyar at piso. Kasalukuyan ding umaangat ang bahagi ng pagsisilbi na dulot ng mga call centers na naglipana sa bansa.

Katiwalian sa pamahalaan, pagkasira ngkapaligiran, basura, kawalan ng hanapbuhay,labis na bilang ng tao at extra-judicial killings o pagpatay sa mga taong bumabatikos o kumakalaban sa pamahalaan ang mga pangunahing suliranin ng Pilipinas. Nagdudulot din ng suliranin sa bansa ang mga pangkat na hukbong pagpapalaya na moro islamiko (MILF) sa katimugang Mindanao at Bagong Hukbong Bayan.

Kasaysayan

Talaksan:Ang hari.jpg
Larawan ng isang Maharlika.

Ayon sa mga naitalang labi ng tao sa bansa, maaaring dinayo na ng mga tao ang Pilipinas, ilang libong taon na ang nakalipas. Tumawid sa mga sinaunang tulay na lupa ang mga Negrito o Ita, ang tinatayang kauna-unahang mga nanirahan sa Pilipinas. Sa kalaunan, dumayo sila sa kagubatan ng mga pulo. Sa kasalukuyan nang sumapit ang ikalawang libong taon, nanirahan din sa Pilipinas ang iba pang mga mandarayuhan mula sa tangway ng Malay, kapuluan ng Indonesia, mga taga Indotsina at Taiwan. Nanirahan sa bansa noong ika-walong dantaon ang mga mangangalakal na Tsino. Ang paglaganap ng mga bansang(kaharian) Budismo sa bahagi ng Asya ang nagpasimuno ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa Indonesia, India, Hapon, at Timog-Silangang Asya. Subalit, humina ang mga kaharian sa Timog-Silangang Asya dahil sa mahigpit na alitan at hindi pagkakasundo. Samantala, ang paglaganap ng Islam sa pamamaraan ng panangalakal at proselitismo, tulad ng Kristiyanismo, ang nagdala sa mga mangangalakal at tagakalat ng pananampalataya sa kabahagian; ang mga Arabe ay dumating sa Mindanao noong ika-14 na dantaon. Sa pagdating ng mga unang Europeo, sa pangunguna ni Fernando Magallanes (Ferdinand Magellan) noong 1521, mayroon nang mga rajah hanggang sa hilaga ng Maynila, na naging mga karugtungang-sangay ng mga kaharian ng Timog-silangang Asya. Subalit, pawang mga nagsasarili ang mga pulo ng Pilipinas noon.


Sinakop at inangkin ng mga Kastila ang mga pulo noong ika-16 na dantaon at pinangalanan itong "Islas Filipinas" na isinunod kay Haring Felipe II. Kaagad na ipinakilala at pinalaganap ang Katolisismo sa pamamagitan ng mga tagakalat ngpananampalataya, at pati na rin ang mga Batas ng Indias (Laws of the Indies) at iba pang alituntuning pampatupad. Matigas na pagsuway ang itinugon ng mga pangkat katutubo sa kabundukan pati na rin ng mga mapanlabang Muslim na nagpapatuloy hanggang sa ngayon. Kabi-kabilang mga himagsikan at karahasan ang lumaganap sa mga baybayin sa kabuuan ng tatlong dantaon pananakop, bunga na rin ng pagsasamantala at kakulangan ng pagbabago. Pinamahalaan mula sa Nueva España (Bagong Espanya sa ngayon ay Mehiko) ang bagong nasasakupan at nagsimula ang kalakalan sa Galeon ng Maynila sa pagitan ng Acapulco at Maynila noong ika-18 dantaon.

Itinatag ni punong panlalawigan José Basco y Vargas noong 1781 ang Sociedad Económica de los Amigos del País (Economic Society of Friends of the Country, "Samahang Pang-kalakalan ng mga Kaibigan ng Bayan") at ginawang hiwalay ang bansa mula sa Nueva España.

Nagbukas ang pakikipagkalakalan ng bansa sa daigdig noong ika-19 dantaon. Ang pag-angat ng mga masigasig at makabayang burgis, binubuo ng mga nakapag aral na mga katutubong Pilipino, mga Kastila at creole na ipinanganak sa Pilipinas, mga mestisong Espanyol at Tsino, silang mga ilustrado ang nagpahiwatig ng pagtatapos ng pananakop ng Kastila sa kapuluan. Naliwanagan sa Kilusang Propaganda na nagsiwalat sa kawalang-katarungan ng pamahalaang kolonyal, sama-samang sila sumigaw para sa kalayaan. dinakip, nilitis, binigyang-sala, hinatulan ng kamatayan at binaril si José Rizal, ang pinakasikat na propagandista, noong 1896 sa Bagumbayan [na ngayo'y Luneta] dahil sa mga gawaing umano ng pagpapabagsak ng pamahalaan. Naglaon at pumutok ang Himagsikang Pilipino na pinangunahan ng Katipunan, isang lihim panghimagsikang lipunan na itinatag ni Andrés Bonifacio at napamunuan din ni Emilio Aguinaldo. Halos tagumpay na napatalsik ng himagsikan ang mga Kastila noong 1898.

Noong taong ding yon, magkadawit ang Espanya at [nagkakaisang mga estado ng amerika]] sa Digmaang Kastila-Amerikano. Natalo ang Espanya at ipinasiya nilang ipasa ang kanilang mga nasasakupang Pilipinas, Guam, Kuba, at Puerto Rico sa nagkakaisang estado ng amerika. Binayaran naman ng nagkakaisang estado ng amerika ang Espanya ng 20 milyong dolyar para sa mga ito, gayong nakapag-pahayag na ng kalayaan ang Pilipinas.

Ang pagtanggi ng Pilipino sa panibagong pananakop, ngayon ng Amerikano, ang nagtulak sa Digmaang Pilipino-Amerikano na natapos umano noong 1901 ngunit nagpatuloy hanggang 1913. Sa wakas, ipinagkaloob noong 1946 ang kalayaan pagkatapos ng maikling pananakop ng bansang Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pagkatapos ng huling pagkatalo ng bansang Hapon noong 1945. Ang huling pagbabalik ng mga hukbong Pilipino at Amerikano mula sa Pagpapalaya sa Pilipinas mula ika-10 buwan, 1944 hanggang ika-9 na buwan, 1945.

Taon ng pagbawi at muling pagbangon pagkatapos ng digmaan ang mga sumunod na taon, ng karahasan sa taong bayan dulot ng diktadurang Ferdinand Marcos na napatalsik noong 1986, at ng patuloy na suliraning dulot ng komunista at nais humiwalay na mga Moro.

Pulitika

Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.

Pambansang pamahalaan

Ang pamahalaan ng Pilipinas, na hinalintulad sa sistema ng Estados Unidos, ay natatag bilang Republika ng mga Kinatawan. Ang kanyang Pangulo ay may tungkulin bilang pinuno ng estado at pati ng pamahalaan. Siya rin ang namamahala ng Hukbong Sandatahan. Naluluklok ang Pangulo sa posisyon sa pamamagitan ng isang pangkalahatang halalan at manunungkulan siya sa loob ng anim na taon. Siya ang may katungkulang maghirang ng mga kasapi at mamuno sa Gabinete.

Ang Batasan ng Pilipinas ay nahahati sa dalawang Kapulungan, ang Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan. Ang mga miyembro ng dalawang kamarang Kongreso, na binubuo ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan, ay hinahalal sa botong popular.

Binubuo ang Mataas na Kapulungan o Senado ng 24 na Senador na naninilbihan sa loob ng 6 na taon. Tuwing 3 na taon, kalahati ng mga kasapi nito ay napapalitan sa pamamagitan ng pangkalahatang halalan at maaaring manungkulan ang isang Senador nang hanggang 3 sunud-sunod na termino.

Samantala, ang Mababang Kapulungan o Kapulungan ng mga Kinatawan naman ay inihahalal ng mga botante ng isang distrito o sektor at may terminong 3 taon. Maaari ring manilbihan ang isang Kinatawan ng hanggang 3 sunud-sunod na termino. Binubuo ang Mababang Kapulungan ng hindi bababa sa 225 Kinatawan.

Ang sangay Panghukuman ng pamahalaan ay pinamumunuan ng Kataas-taasang Hukuman, ang Punong Mahistrado (chief justice) ang lider nito at may 14 na Kasamang Mahistrado(associate justices), lahat hinihirang ng Pangulo at manunungkulan hanggang sa panahon ng kaniyang pagreretiro.

Ang Pangulo, Pangalawang Pangulo at Punong Mahistrado ng Pilipinas ay mapatatalsik lamang sa kaniyang posisyon sa pamamagitan ng isang prosesong pampulitika na kung tawagin ay impeachmentkatulad ng nangyari sa Dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada dahil sa pagkakasangkot sa Jueteng Scandal na nabunyag noong 2001. Napatalsik din sa puwesto ang dating Chief Justice na si Chief Justice Renato Corona dahil sa pagiging tuta niya ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Nagtagumpay ang Impeachment noon sapagkat kusang umalis sa Malacanyang si Estrada at ang pumalit ay ang Bise Presidente nitong si Gloria Macapagal- Arroyo.

Ugnayang panlabas

Ang Pilipinas ay isang prominenteng kasapi at isa sa tagapagtaguyod ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ito rin ay isang aktibong tagalahok sa Kooperasyong Pang-ekonomiya sa Asya-Pasipiko (Asia-Pacific Economic Cooperation), isang kasapi ng Pangkat ng 24 (Group of 24) at isa sa 51 mga bansang nagtatag sa United Nations (UN; Nagkaisang mga Bansa) noong Oktubre 24,1945.

Ang Pilipinas ay kasalukuyang nasa isang pagtatalo sa mga bansang Taiwan, Tsina, Vietnam at Malaysia patungkol sa kung sino ang tunay na may-ari ng Spratly Islands na mayaman sa langis at petrolyo natural. Ito rin ay may di pagkakaunawaan sa bansang Malaysia sa usaping Sabah. Sinasabing binigay ng Sultan ng Brunei ang teritoryo ng Sabah sa Sultan ng Sulu, pagkatapos nitong tumulong sa pagkawasak ng isang rebelyon doon. Iyon ang nagbigay karapatan at poder sa pamahalaan ng Pilipinas na angkinin muli ang kanyang nawalang lupain. Hanggang ngayon, tumatanggap ang Sultan ng Sulu ng pera para sa "renta" sa lupa mula sa pamahalaan ng Malaysia.

Silipin din:

Mga kabahagian at lalawigan

Mga kabahagian at lalawigan ng Pilipinas

Ang Pilipinas ay nahahati sa mga pangkat ng pamahalaang pangpook (local government units o LGU). Ang mga lalawigan ang pangunahing na pangkat. Hanggang 2002, mayroong 79 na lalawigan sa bansa. Ang mga ito ay nahahati pa sa mga lungsod (lungsod) at bayan , na binubuo ng mga barangay. Ang barangay ang pinakamaliit na pangkat pangpook ng pamahalaan. Ang lahat ng mga lalawigan ay nalulupon sa 17 mga bahagi para sa kadaliang pamumuno. Karamihan sa mga sangay ng pamahalaan ay nagtatayo ng tanggapan sa mga bahagi para magsilbi sa mga lalawigang saklaw nito. Subalit, ang mga bahagi sa Pilipinas ay walang bukod na pamahalaang pangpook, maliban sa Muslim Mindanao at Cordillera, na autonomous.

Tumungo sa mga lathala ng mga bahagi at mga lalawigan para makita ang mas malaking larawan ng mga kinalalagyan ng mga bahagi at lalawigan.

Mga bahagi

Luzon

Visayas

Mindanao

¹ Ang mga pangalan ay nasa malalaking titik sapagkat ang mga ito ay akronym na naglalaman ng mga pangalan ng sinasakupang lalawigan at/o lungsod.

uri ng kalupaan at katubigan

Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.

Ang Pilipinas ay isang kapuluan ng 7,107 mga pulo na may kabuuang sukat ng lupa, kasama ang mga nakapaloob na bahagi ng tubig, ay tinatayang nasa 300,000 square kilometer (120,000 mi kuw). Ang baybayin nitong may sukat na 36,289 kilometro (22,549 mi) ang nagbigay sa bansa upang maging ika-5 bansa na may pinakamalawak na baybayin sa buong daigdig.[6] Matatagpuan ito sa pagitan ng 116° 40', at 126° 34' E. longhitud at 4° 40' at 21° 10' N. latitud at naghahanggan sa Dagat Pilipinas sa silangan, sa Dagat Timog Tsina sa kanluran, at sa Dagat sulawesi sa Timog. Ang pulo ng Borneo ay matatagpuan ilang daang kilometro sa timog kanluran at ang Taiwan ay matatagpuan sa kaagad sa hilaga.

Karamihan sa mga bulubunduking kapuluan ay nababalot ng mga kagubatang tropikal at mga nagmula sa mga pagsabok ng bulkan. Ang pinakamataas na bundok ay ang Bundok Apo. May sukat itong 2,954 metro (9,692 talampakan) mula sa kapatagan ng dagat at matatagpuan sa pulo ng Mindanao.

Ginamit ng mga Ifugao/Igorot ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe upang magtanim ng mga pananim sa matarik na bulubunduking bahagi ng Hilagang Pilipinas.
Ginamit ng mga Ifugao/Igorot ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe upang magtanim ng mga pananim sa matarik na bulubunduking bahagi ng Hilagang Pilipinas.

Ang pangpook na pangmatagalang panahon ay mainit, maalinsangan, at tropikal. Ang kalimitang taunang temperatura ay /////////////////////////nasa 26.5° Sentigrado. May tatlong panahon sa Pilipinas na pangkalahatang kinikilala ng mga Pilipino. Ito ay ang Tag-init o Tag-araw (mainit na panahon mula ika-3 buwan hanggang ika-5 buwan), ang Tag-ulan (maulan na panahon mula ika-6 buwan hanggang ika-11 buwan), at ang Taglamig (malamig na panahon mula ika-12 buwan hanggang ika-2 buwan).

Karamihan sa mga pulong mabundok ay dating natatakpan ng tropikal na kagubatan at itong mga pulong ito ay nagmula sa bulkan. Ang pinakamataas na tuktok ay ang Bundok Apo sa Mindanao na may taas na 2,954 m. Maraming bulkan ang madalas na sumasabog sa bansa tulad ng Bulkang Pinatubo at Bulkang Mayon. Ang bansa din ay nasa tinatawag na "typhoon belt" ng Kanlurang Pasipiko at ito ay tinatamaan ng mga 19 na bagyo bawat taon.

Ang Pilipinas ay napapaloob rin sa tinatawag na Ring of Fire na isa sa pinaka-aktibong fault areas sa buong mundo.

Tignan din: Mga Ekorehiyon sa Pilipinas

Ekonomiya

Ang Pilipinas ay isang umuunlad na bansa sa Timog-Silangang Asya. Ang lebel ng sahod sa Pilipinas ay mababang gitnang sahod (lower middle income). Iniulat ng World Bank na ang Pilipinas ay isa sa pinakamayamang ekonomiya sa Asya noong mga 1950 pagkatapos ng Hapon ngunit naging isa sa pinakamahirap na bansa sa Asya ngayon.[7][8] Ang mga taon ng maling pangangasiwa sa ekonomiya at pababago-bagong kondisyon sa politika noong rehime ni Ferdinand Marcos mula 1965 hanggang 1986 ang nag-ambag sa bumagal na pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas.[8] Ang opisyal na palitan ng piso-dolyar noong 1965 ay 3.90 piso kada dolyar[9] ngunit bumagsak sa 19.030 kada dolyar noong 1985[9] at 20.53 piso kada dolyar nang mapatalsik si Marcos noong 1986.[9] Ayon sa ilang sanggunian, ang taunang GDP ng Pilipinas mula 1976 hanggang 1986 sa ilalim ni Marcos ay 1.8% lamang.[10] Sa kasalukuyan, ang pamahalaan ng Pilipinas ay nagbabayad pa rin ng interes sa mga utang pandayuhan ng bansa na natamo noong panahon ng administrasyong Marcos hanggang sa 2025. Nang maging Pangulo si Marcos noong 1965, ang utang na pandayuhan ng Pilipinas ay mababa sa dalawang bilyong dolyar. Nang mapatalsik si Marcos noong 1986, ang utang na pandayuhan ng Pilipinas ay umabot ng 28 bilyong dolyar.[11]

Ika-43 pinakamalaki sa buong daigdig ang pambansang ekonomiya ng Pilipinas, na may tinatayang $224.754 bilyon GDP (nominal) noong 2011.[12] Kinabibilangan ng mga kalakal na iniluluwas ang mga semiconductors at mga kalakal na eletroniko, mga kagamitang pang-transportasyon, damit, mga produkto mula sa tanso, produktong petrolyo, langis ng niyog, at mga prutas.[2] Pangunahing kinakalakal ito sa mga bansang Estados Unidos, Hapon, Tsina, Singapore, Timog Korea, Netherlands, Hong Kong, Alemanya, Taiwan, at Thailand.[2]

Ang Lungsod ng Makati sa Kalakhang Maynila, ang sentrong lungsod pampinansiyal ng bansa.
Ang Lungsod ng Makati sa Kalakhang Maynila, ang sentrong lungsod pampinansiyal ng bansa.

Bilang isang bagong bansang industriyalisado, nagpapalit na ang ekonomiya ng Pilipinas mula sa pagiging isang bansang nakabatay sa agrikultura patungo sa ekonomiyang nakabatay ng higit sa mga paglilingkod at paggawa. Sa kabuuang bilang ng mga manggagawa sa bansa na nasa 38.1 milyon[2], 32% nito ay naghahanap buhay sa sektor ng agrikultura subalit 13.8% lamang nito ang naiaambag sa GDP. ang sektor ng industriya na nasa 13.7% ng dami ng manggawa ay nakakapag-ambag ng 30% sa GDP. Samantala ang natitirang 46.5% ng mga mga manggawa ay nasa sektor ng paglilingkod na bumubuo sa 56.2% ng GDP.[13][14]

Noong 1998 ang ekonomiya ng Pilipinas — pinaghalong agrikultura, marahan na industriya, at mga serbisyong pansustento — ay nanghina dulot ng krisis pinansyal sa Asya at ng mahinang kondisyon ng lagay ng panahon. Ang pag-angat ay bumaba sa 0.6% noong 1998 mula 5% noong 1997, pero nakabawi hanggang sa 3% noong 1999 at 4% noong 2000. Nangako ang pamahalaan na ipagpapatuloy ang mga reporma sa ekonomiya para makahabol ang bansa sa mga bagong nagsisipag-unlaran at industriyalisadong mga bansa sa Silangang Asya. Ang nagpapabagal sa pagsisikap ng pamahalaan na mapabuti ang ekonomiya ng bansa ay ang mismong utang nito (utang pampubliko na 77% ng GDP). Ang hinihinging badyet para sa pagbabayad ng utang ay higit na mas mataas pa sa badyet ng pinagsamang Kagawaran ng Edukasyon at Militar.

Ang stratehiyang pinaiiral ng pamahalaan ay ang pagpapabuti sa imprastruktura, ang paglilinis sa sistemang tax o buwis para paigtingin ang kita ng pamahalaan, ang deregulasyon at pagsasapribado ng ekonomiya, at ang karagdagang pag-kalakal sa rehiyon o mas integrasyon. Ang pagasa ng ekonomiya sa ngayon ay nakadepende sa kaganapang pang-ekonomiya ng kanyang dalawang pangunahing sosyo sa kalakal, ang Estados Unidos at Hapon, at sa isang mas mabisang administrasyon at mas matibay na patakaran ng pamahalaan.

Sa ilalim ng pamumuno ni Noynoy Aquino, ang rate ng paglago ng GDP ng Pilipinas noong 2012 ay 6.6 porsiyento na sinasabing ikalawang pinakamataas sa Asya. Ang Fitch Ratings ay nagtaas ng Pilipinas sa "BBB-" with a stable outlook na unang pagkakataong ang Pilipinas ay nakatanggap ng gayong katayuan ng grado ng pamumuhunan sa Pilipinas. Itinaas rin ng World Economic Forum ang Pilipinas sa 10 punto sa itaas na kalahati ng ranggong pagiging kompetetibo nitong pandaigdigan sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga pagbuti sa ekonomiya ay sinasabing sanhi ng mga hakbang na isinasagawa ni Noynoy upang pataasin ang pagiging bukas ng pamahalaan at sugpuin ang korupsiyon na muling nagbigay ng pagtitiwalang internasyonal sa ekonomiya ng Pilipinas. Gayunpaman, sinasabing ang mga mayayamang pamilya lamang ang nakinabang at nakikinabang sa pagbuti ng ekonomiya. Ang pagiging hindi pantay ng sahod sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap sa Pilipinas ay nananatiling mataas. Noong 2012, isinaad ng Forbes Asia na ang magkakasamang kayamanan ng 40 pinakamayamang pamilya sa Pilipinas ay lumago ng $13 bilyong dolyar noong 2010 hanggang 2011 sa $47.4 bilyon na pagtaas na 37.9 porsiyento. Ang pagtaas sa kayamanan ng mga pamilyang ito ay katumbas ng 76.5 porsiyento ng kabuuang pagtaas ng GDP ng Pilipinas sa panahong ito. Ang hindi pantay na sahod ng mga mamamayang Pilipino ang pinakamataas sa Asya. Sa Thailand, ang kayamanan ng 40 mga mayayamang pamilya ay tumaas lamang ng 25 porsiyento sa 2012 samantalang sa Malaysia ay 3.7 porsiyento at sa Hapon ay 2.8 porsiyento lamang.

Demograpiya

Pangkat etniko bawat lalawigan

Tumaas ang populasyon ng Pilipinas mula 1990 hanggang 2008 ng tinatayang 28 milyon, 45% paglago sa nasabing panahon.[15] sa kauna-unahang opisyal na sensus ng Pilipinas na ginanap noong 1877 ay nakapagtala ng populasyon na 5,567,685.[16] Noong 2011, naging ika-12 pinakamataong bansa sa buong daigdig ang Pilipinas, na may populasyon na hihigit sa 94 milyon.

Tinatayang kalahati ng populasyon ay naninirahan sa pulo ng Luzon. Ang antas ng paglago ng populasyon sa pagitan ng 1995 hanggang 2000 na 3.21% ay nabawasan sa tinatayang 1.95% para sa mga taong 2005 hanggang 2010, subalit nananatiling isang malaking isyu.[17][18] 22.7 Ang panggitnang gulang ng populasyon ay 22.7 taon gulang na may 60.9% ang nasa gulang na 15 hanggang 64 na gulang.[2] Ang tinatayang haba ng buhay ay 71.94 taon, 75.03 taon para sa babae at 68.99 na taon para sa mga lalaki.[19]

May mahigit 11 milyong mga Pilipino sa labas ng Pilipinas.[20] Nang magsimula ang liberalisasyon ng batas pang-imigrasyon ng Estados Unidos noong 1965, ang bilang ng mga taong may liping Pilipino ay tumaas. Noong 2007, tinatayang nasa 3.1 milyon ang bilang nito.[21][22] Ayon sa Kawanihan ng Senso ng Estados Unidos, ang mga imigrante mula sa Pilipinas ay bumubuo sa ikalawang pinakamalaking pangkat sunod sa Mehiko na naghahangad nang pagkakabuo ng pamilya.[23] May tinatayang dalawang milyong Pilipino ang naghahanapbuhay sa Gitnang Silangan, kung saan nasa isang milyon nito ay nasa Arabyang Saudi.[24]

Pangkat-etniko

Ayon sa senso noong 2000, 28.1% ng mga Filipino ay Tagalog, 13.1% ay Sebwano, 9% ay Ilokano, 7.6% ay Bisaya/Binisaya, 7.5% ay Hiligaynon, 6% ay Bikolano, 3.4% ay Waray, at ang nalalabing 25.3% ay kabilang sa iba pang mga pangkat,[2][25] na kinabibilangan ng mga Moro, Kapampangan, Pangasinense, mga Ibanag at mga Ivatan.[26] Mayroon din mga katutubong mga pangkat gaya ng mga Igorot, ang mga Lumad, Mangyan, Badjau, at ang mga pangkat etniko ng Palawan. Ang mga Negrito, gaya ng mga Aeta, at ang mga Ati, ay itinuturing na mga kauna-unahang nanahan sa kapuluan.[27] Kasama ang mga grupong minorya ng kabundukan, mga dayuhan at mga etnikong Pilipinong Moro ng Mindanao sa natitirang 10 porsyento. Ang Aeta o ang Negrito na dating aktibo sa kapuluan ilang libong taon ang nakaraan, ay nagsipaglikas sa loob ng kagubatan at kabundukan. Ang kanilang kapalaran ay tulad din sa ibang grupong katutubo sa buong mundo tulad ng mga Aborigen ng Australya at ang mga Katutubong Amerikano. Marami sa kanila ay napasanib at napahalo sa mananakop na etnikong Malay-Pilipino o kaya'y napahiwalay bunga ng "systematic displacement" noon.

Ayon sa istadistika ng pamahalaan ng Pilipinas at mga kasalukuyang datos ng senso, mga 95% ng populasyon ay etnikong Malay, mga ninuno ng mga imigranteng mula sa Tangway ng Malaya at kapuluang Indonesya na dumating bago pa man ang panahong Kristyano. Ang mga mestizo, mga may halong lahing Pilipino-Kastila, Pilipino-Tsino, Pilipino-Hapones, Pilipino-Amerikano o Kastila-Tsino (Tornatra) ay bumubuo ng isang maliliit ngunit makapangyarihang minorya pag dating sa ekonomiya at pulitika. Mayroon ding maliliit na pamayanan ng mga dayuhan tulad ng Kastila, Amerikano, Italyano, Portuges, Hapon, Silangang Indyan, at Arabo, at mga tribung Negrito na nakatira sa mga malalayong sityo at kabundukan.

Kabilang sa mga Wikang Banyaga sa Pilipinas ay ang ; Ingles; (Mandarin, Hokyen at Kantones)];Ingles; Hapones; Hindu ay mula sa mga miyembro ng Komunidad ng mga, Indyan, mga Amerikano , ay mula sa kanilang , Munti ng Indyan o LittleIndia Lugar ng korea o Koreatown, Lugar ng mga Amerikano o Americantown at mga Munti ng Amerika o LittleAmerica at paaralan kung saan ang wika ng pagtuturo ay ang bilinggwal na Mandarin/English; Arabe sa mga myembro ng populasyong Muslim o Moro; at Espanyol, na wikang opisyal ng Pilipinas hanggang 1973, ay sinasalita ng tinatayang 3% ng populasyon. Gayunpaman, ang tanging nabubuhay na wikang kriolyong Asyatiko-Espanyol, ang Tsabakano, ay wika ng ilan sa timog-kanlurang bahagi ng bansa.

Mula 1939, sa pagsisikap na paigtingin ang pambansang pagkakaisa, pinalaganap ng pamahalaan ang pag-gamit ng opisyal na pambansang wika, ang Filipino,de facto na batay sa Tagalog. Tinuturo ang Filipino sa lahat ng paaralan at unti-unting tinatanggap ng populasyon bilang pangalawang wika. Ang Ingles naman ay ginagamit bilang pangalawang wikang opisyal at kadalasang maririnig sa talakayan ng pamahalaan, edukasyon at negosyo.

Wika


Ang 5 Pinakasinasalitang katutubong wika (2010)[28]
Wika Tagapagsalita (milyon)
Tagalog
  
22
Cebuano
  
20
Ilokano
  
7.7
Hiligaynon
  
7
Waray-Waray
  
3.1

Itinala ng Ethnologue na may 175 mga wika sa Pilipinas, 171 sa mga ito ay buhay na mga wika samantalang 4 dito ay wala nang alam na gumagamit. Bahagi ang mga ito ng pangkat ng mga wikang Borneo-Pilipinas ng mga wikang Malayo-Polinesyo, na sangay ng mga wikang wikang Austronesyo.[29]

Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987, ang Wikang Filipino at Ingles ang mga opisyal na wika. Ang Filipino ay ang pamantayang bersyon ng Tagalog, na pangunahing sinasalita sa Kalakhang Maynila at sa ibang mga rehiyong urban. Kapwa ginagamit sa pamahalaan, edukasyon, pahayagan, telebisyon at negosyo ang wikang Filipino at Ingles. Nagtalaga ang saligang batas ng mga wikang rehiyunal gaya ng Bikolano, Cebuano, Hiligaynon, Ilokano, Kapampangan, Pangasinan, Tagalog, at Waray-Waray bilang katulong na opisyal na wika at iniuutos na ang wikang Kastila at Arabe ay itaguyod ng kusa at opsyonal.[30]

Relihiyon

Ang Pilipinas ay isang bansang sekular na may saligang batas na naghihiwalay sa simbahan at estado. Subalit, mahigit sa 90% ng populasyon ay Kristiyano: na 80% dito ay kasapi ng simbahang Katoliko samantalang ang nalalabing 10% ay kasapi ng ibang denominasyong Kristiyano, gaya ng Iglesia ni Cristo, ang Iglesia Filipina Independiente, ang Ang Nagkaisang Iglesia ni Cristo sa Pilipinas, at ang Mga Saksi ni Jehovah.[31] Bunga ng impluwensya ng kulturang Kastila, ang Pilipinas ay isa sa dalawang bansa sa Asya na may pinakamaraming Katoliko, na sinundan ng Silangang Timor, isang dating kolonya ng Portugal.

Pag-aaral

Ang Pamantasan ng Santo Tomas, na itinatag noong 1611, ay ang pinakamatandang pamantasan sa Asya.

Iniulat ng Tanggapan ng Pambansang tagatala ng Pilipinas na ang payak na kamuwangan ng Pilipinas ay nasa 93.4% at ang nagagamit na kamuwangan ay nasa 84.1% noong 2003.[2][14][32] Halos pantay ang kamuwangan ng mga babae at lalaki.[2] Ang paggastos sa pag-aaral ay nasa tinatayang 2.5% ng GDP.[2] Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon o DepEd, mayroong 44,846 na mababang paaralan at 10,384 na mataas na paaralan ang nakatala para sa taong pampaaralan ng 2009-2010[33] samantalang itinala ng sangay sa Lalong Mataas na pag-aaral o CHED na may 2,180 na mga institusyong pag-aaral, 607 dito ay pampubliko at 1,573 ay mga pribado.[34]

May ilang mga sangay ng pamahalaan ang kasama sa pag-aaral. Ang Kagawaran ng Edukasyon ang sumasakop sa mababang paaralan, pangalawang mataas na paaralan, at mga hindi pormal na edukasyon; ang Pangasiwaan sa Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan o TESDA ang namamahala sa mga pag-aaral sa pagsasanay at pagpapaunlad pagkatapos ng pangalawang mataas na paaralan; at ang Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon o CHED ang nangangasiwa sa mga dalubhasaan at pamantasan at nag-aayos ng mga pamantayan sa lalong mataas na pag-aaral.[35]

Kultura o kinaugalian

Sa buong kasaysayan ng Pilipinas, walang ni isang tanging pambansang pagkakakilanlang pangkaugalian ang nahubog. Sa isang bahagi, ito ay dahil marahil sa napakaraming wikang ginagamit sa buong kapuluan na tinatantiyang nasa 80, bukod pa sa mga wika nito. Ang pagkakabukod-bukod ng mga magkakaratig na barangay o mga pulo ay nakadagdag din sa pagkawalang pagkakaisa sa pagkakakilanlan.

Sa pagdating ng mga Kastila, tumawag ang mga tagakalat pananampalatayang Katoliko ng mga katutubo para maging tagasalin, nakapaglikha ng mga dalawa ang wikang ginagamit na uri, ang mga Ladinos. Ang mga ito, tulad ng tanyag na makatang si Gaspar Aquino de Belen, ay lumikha ng mga tula ng kabanalan na sinulat sa titik Romano, kalimitan sa wikang Tagalog. Ang pasyon ay isang pagsasalaysay ng simbuyo, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesukristo na sinimulan ni Gaspar Aquino de Belen. Umusbong din ang mga panitikang (hindi-relihiyoso) na binase sa mga korido, mga baladang Kastila ng kabalyero. Ang mga salaysay na berso, o ang komedya, ay ginanap sa mga wikang pang-kabahagian para sa mga (di nakakabasa o nakakasulat). Nasulat din ang mga ito sa abakadang Romano ng mga pangunahing na wika at kumalat.

Sa karagdagan, ang panitikan o panitikang klasikal (Jose Rizal, Pedro Paterno at mga kasulatan ng kasaysayan (pambansang awit, Constitución Política de Malolos), ay naisulat sa Espanyol, na hindi na pangunahing wika ngayon. Ang mga manunulat na Pilipino, tulad ni Claro M. Recto ay nagpatuloy sa pagsusulat sa wikang Espanyol hanggang 1946.

Ang Pilipinas ay bayan ng maraming bayani. Sinasabing si Lapu-Lapu ng pulo ng Mactan ang unang pumigil sa paglusob kanluranin at ang pumatay kay Fernando Magallanes. Si Jose Rizal (ipinanganak noong ika-19 ng ika-6 na buwan ng, 1896 sa bayan ng Calamba, Laguna), ipinagmamalaki ng Lahing Malay, Pambansang Bayani ng Pilipinas, sinaulo ang 22 mga wika: Arabe, Katalan, Tsino, Ingles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapones, Latin, Malay, Portuges, Ruso, Sanskrito, Espanyol, Tagalog at iba pang katutubong wika; siya ay naging isang tagaguhit ng mga gusali, tagapagtanghal, nakikipagkalakal, tagaguhit ng caricature, guro, ekonomista, etnolohista, siyentipikong magsasaka,bihasa sa kasaysayan, imbentor, peryodista, dalubhasa sa wika, bihasa sa awit, mitolohista, nasyonalista, naturalista, nobelista, siruhano sa mata, makata, propagandista, sikologo, syentipiko, manlililok, sosyolohista, at teolohiko. Ang unang Asyatikong Kalihim-Heneral ng Asamblea Heneral ng Mga nagkakaisang Bansa (UN) ay isang Pilipino - si Carlos Peña Romulo.

Itinuturing na Pandaigdigang Pook na Pamana (World Heritage Sites) ang mga Barokeng Simbahan ng Pilipinas at ang Makasaysayang Bayan ng Vigan. Kabilang sana dito ang Intramuros ngunit nawasak ito matapos and Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isa ring Pandaigdigang Pook na Pamana (World Heritage Site) ang "Hagdang-hagdang Palayan" o Pay-yo ng Cordillera, na kinikilala ring pang-walong nakakahangang-yaman ng mundo.

Silipin din

Talasanggunian

  1. "Republic Act No. 8491". Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-12-05. Nakuha noong 2008-09-30. Link was revisited on November 19, 2010
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 2.7 2.8 Central Intelligence Agency. (2009-10-28). "East & Southeast Asia :: Philippines". The World Factbook. Washington, DC: Author. Nakuha noong 2009-11-07.
  3. Philippine Census 2005 Population Projection
  4. "Philippines". International Monetary Fund. Nakuha noong 2011-05-06.
  5. United Nations Development Programme. (2010). Table 1 – Human Development Index and its components. Human Development Report 2010 – The Real Wealth of Nations: Pathways to Human Development. Palgrave Macmillan. ISBN 978-0-230-28445-6 90101.
  6. Central Intelligence Agency. (2009). "Field Listing :: Coastline". Washington, DC: Author. Retrieved 2009-11-07.
  7. http://www.insead.edu/facultyresearch/faculty/documents/5771.pdf
  8. 8.0 8.1 http://www.state.gov/outofdate/bgn/philippines/195236.htm
  9. 9.0 9.1 9.2 http://intl.econ.cuhk.edu.hk/exchange_rate_regime/index.php?cid=1
  10. http://books.google.com/books?id=z1cpiEJMAi8C&pg=PA295
  11. http://www.indymedia.org.uk/en/2012/09/500590.html
  12. "Report for Selected Countries and Subjects". World Economic Outlook Database, October 2012. International Monetary Fund. Nakuha noong October 9, 2012. {{cite web}}: External link in |work= (tulong)
  13. Republic of the Philippines. National Statistical Coordination Board. "Third Quarter 2009 Gross National Product and Gross Domestic Product by Industrial Origin". Nakuha noong 2009-12-11.
  14. 14.0 14.1 Republic of the Philippines. National Statistics Office. (October 2009). "Quickstat" (PDF). Nakuha noong 2009-12-11.
  15. CO2 Emissions from Fuel Combustion Population 1971–2008 (pdf page 86); page 86 of the pdf, IEA (OECD/ World Bank) (original population ref OECD/ World Bank e.g. in IEA Key World Energy Statistics 2010 page 57)
  16. Republic of the Philippines. National Statistical Coordination Board. Population of the Philippines Census Years 1799 to 2007. Retrieved 2009-12-11.
  17. Republic of the Philippines. National Statistics Office. (2008). "Official population count reveals." Nakuha noong 2008-04-17.
  18. "Bishops threaten civil disobedience over RH bill". GMA News. 2010-09-29. Nakuha noong 2010-10-16.
  19. Central Intelligence Agency. "Field Listing :: Life expectancy at birth". Washington, D.C.: Author. Nakuha noong 2009-12-11.
  20. Collymore, Yvette. (2003). "Rapid Population Growth, Crowded Cities Present Challenges in the Philippines". Population Reference Bureau. Nakuha noong 2010-04-26. {{cite web}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)
  21. Asis, Maruja M.B. (January 2006). "The Philippines' Culture of Migration". Migration Information Source. Migration Policy Institute. Retrieved 2009-12-14.
  22. "Selected Population Profile in the United States: Filipino alone or in any combination". United States Census Bureau. Nakuha noong 2009-02-01. The U.S. Census Bureau 2007 American Community Survey counted 3,053,179 Filipinos; 2,445,126 native and naturalized citizens, 608,053 of whom were not U.S. citizens.
  23. Castles, Stephen and Mark J. Miller. (July 2009). "Migration in the Asia-Pacific Region". Migration Information Source. Migration Policy Institute. Retrieved 2009-12-17.
  24. Ciria-Cruz, Rene P. (2004-07-26). 2 million reasons for withdrawing 51 troops. San Francisco Chronicle.
  25. Republic of the Philippines. National Statistics Office. (2009). The Philippines in Figures 2009 (PDF). ISSN 1655-2539. Nakuha noong 2009-12-23.
  26. "Philippines". (2009). In Encyclopædia Britannica. Retrieved 2009-12-18 from Encyclopædia Britannica Online.
  27. Dolan, Ronald E. (Ed.). (1991). "Ethnicity, Regionalism, and Language". Philippines: A Country Study. Washington: GPO for the Library of Congress. Retrieved 2010-04-08 from Country Studies US Website.
  28. Philippine Census, 2010. Table 11. Household Population by Ethnicity, Sex, and Region: 2010.
  29. Lewis, Paul M. (2009). Languages of Philippines. Ethnologue: Languages of the World (16th ed.). Dallas, Tex.: SIL International. Retrieved 2009-12-16.
  30. Joselito Guianan Chan, Managing Partner. "1987 Constitution of the Republic of the Philippines, Article XIV, Section 7". Chan Robles & Associates Law Firm. Nakuha noong 2013-05-04.
  31. Republic of the Philippines. National Statistics Office. (2003-02-18). "2000 Census: Additional Three Persons Per Minute". Nakuha noong 2008-01-09.[patay na link]
  32. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang UN); $2
  33. Republic of the Philippines. Department of Education. (2010-09-23).Fact Sheet – Basic Education Statistics[patay na link]. Retrieved 2010-04-17.
  34. Republic of the Philippines. Commission on Higher Education. (August 2010). Information on Higher Education System. Official Website of the Commission on Higher Education. Retrieved 2011-04-17.
  35. Republic of the Philippines. Department of Education. "Historical Perspective of the Philippine Educational System". Retrieved 2009-12-14.

Mga palabas na kawing

Mga pahinang opisyal

Kasaysayan

Mga pahinang pambalita

Ibang pang mga pahina

Padron:Link GA