Nobelang Pilipino: Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Content deleted Content added
m Inalis ang binago ni 112.207.201.37, ibinalik sa huling bersyon ni Aizahmaeh
Linya 40: Linya 40:
Halimbawa ng Nobela noong panahon ng Kastila:
Halimbawa ng Nobela noong panahon ng Kastila:
* ''[[Noli Me Tangere]]'' at ''[[El Filibusterismo]]'' ni Dr. [[Jose Rizal]] na tungkol sa paghihimagsik
* ''[[Noli Me Tangere]]'' at ''[[El Filibusterismo]]'' ni Dr. [[Jose Rizal]] na tungkol sa paghihimagsik
* ''Doctrina Christiana'' (1593) ni Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva na tungkol sa relihiyon
* ''[[Doctrina Christiana]]'' (1593) ni Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva na tungkol sa relihiyon
* ''Urbana at Felisa'' ni Padre Modesto de Castro na tungkol sa kagandahang-asal at relihiyon
* ''[[Urbana at Felisa]]'' ni Padre Modesto de Castro na tungkol sa kagandahang-asal at relihiyon
* ''Barlaan at Josaphat'' (1703) ni Padre Antonio de Borja na tungkol sa relihiyon
* ''[[Barlaan at Josaphat]]'' (1703) ni Padre Antonio de Borja na tungkol sa relihiyon
* ''Ninay'' ni Pedro Paterno (unang nobela)
* ''[[Ninay]]'' ni [[Pedro Paterno]] (unang nobela)
* ''Ang Bandido sa Pilipinas'' ni [[Graciano Lopez-Jaena]] noong panahon ng [[Kilusang Propaganda|propaganda]] na tungkol sa paghihimagsik
* ''[[Ang Bandido sa Pilipinas]]'' ni [[Graciano Lopez-Jaena]] noong panahon ng [[Kilusang Propaganda|propaganda]] na tungkol sa paghihimagsik


===Panahon ng Amerikano===
===Panahon ng Amerikano===

Pagbabago noong 14:52, 17 Nobyembre 2013

Sa pangkalahatan, ang Nobelang Pilipino o Nobela sa Pilipinas ay ang mga nobelang nalimbag sa Pilipinas na inakdaan ng mga may-akdang Pilipino tungkol sa mga Pilipino at sa Pilipinas. Maaari itong nasusulat sa wikang Tagalog, wikang Pilipino, o wikang Filipino, iba pang mga wika sa Pilipinas, at mga wikang dayuhan na katulad ng Ingles at Kastila.

Mga impluwensiya sa pagsulat ng Nobelang Pilipino

Ayon kay Virgilio S. Almario, naging impluwensiya sa ilang mga nobelistang Pilipino ang sumusunod na mga akdang banyaga: ang Hudeo Errante (1844) ni Eugene Sue, ang Conde de Montecristo (1844-46) at ang La Dama de las Camellias (1848) ni Alexandre Dumas, ang Les Miserables (1862) ng mga Kastila.

Kaligirang Pangkasaysayan ng Nobelang Pilipino

Ang Nobela Sa mga anyong patuluyang panitikan,isa na yata sa pinakamakulay,pinakamayaman,at pinakamakabuluhan ang nobela.Mangyari’y para itong buhay na mga pangyayaring namamasdan sa pang-araw-araw na pamumuhay at pakikipamuhay ng tao sa mundo,na kapag binabasa,hindi lamang itatampok na karanasan ang nasasalamin kundi ang lahat ng mga kaugnayan sa “aktuwal na kapaligiran”.Dito natutunghayan ang iba’t ibang takbo ng buhay ng tao-kung papaano nabaliw ang isang ina dahil sa pagkawala ng dalawang anak,kung papaanokinasihang-palad ang isang magmamani na napangasawa ng isang may sinasabi sa buhay,kung papaano sinuong ng isang probinsiyano ang kalawakan ng maruming-buhay-lungsod mahanap lamang ang babaeng pinaka pag-asa niya sa buhay,kung papaano namulat ang isang asawa’t ina sa kahalagahan ng kanyang sarili bilang isang babae,at marami pang iba.

Ang mga Layunin ng Nobela

           Kapag layunin ang binanggit,ang tinutukoy rito ay ang hangarin o naisin ng manunulat na maiparating sa mga mambabasa ang mga kadahilanan kung bakit kinatha ang isang akda.Ang layuning ito ang umaapekto sa isip at damdamin ng sinumang makatutunghay sa akda.Maari itong makapaniwala kaya nakahihikayat.Maari rin namang makaudyok kaya nakapagpapakilos.

Sa panitikang Filipino,ang mga layunin ng nobela ay naayon sa bawat panahon ng akda ay isinulat.Nang ipakilala ng mga Kastila a ng nobela noong dantaong labingwalo o siglo 18,ang mga nilalaman ng nobela ay pawing maka-relihiyon.Natural,sapagkat kaakibat ng kanilang pananakop ang pagpapalaganap ng katolisismo.Layunin nilang pukawin at ikintal sa isip ng mga Pilipinpo ang mga dogmang pang Iglesia Katolika.

           Narito ang mga sinasabi ng isang nobelista tungkol sa mga layunin ng nobela;
           Ayon kay Inigo Ed Regalido,llayunin nitong”magbinhi ng mga simulain,o aral na hangad na pagbungahin ng sumulat o magdulot ng aliw sa mga mambabasa sa pamamagitan ng magandang paglalarawan ng mga gawi at galaw sa pamumuhay o maglahad upang isang panganib o sama na makalasan sa kadakilaang asal upang maiwasan at (Regalado,1939).
            Nang dumating ang mga Amerikano,nakaranas na muli ng pagkabusabos ang mga Pilipino.Ang mga manunulat na ang lagging adhika ay makalaya,ay nag hahangad parin ng maglantad ng katiwalianat mamukaw ng galit para lumaban.Samantala,ang karamihan sa nakaaqmamasid na pagod na rin sa pakikibaka ang bayan,ay nagsisulat para aliwan ang tao,upang matakasan naman ang magulong sitwasyong kinaasasadlakan at kahirapan pamamagitan ng mga bagay na di-makatotohanan at malayong kahit sa pangarap ay matagpuan man lamang ang kaunting katiwasayang-loob at isip.
            Ang mga manunulat ay may tungkuling makaiisa sa damdamin at kaisipan ng bayan makibahagi sa mga suliranin at usapin ng lipunang kanilang kinabibilangan.Sa makatuwid para magkaroon ng kahulugan ang kanilang panulat,dapat lamang na makibagay sila sa takbo ng panahon,kaunlaran nito’t kamalayan.Sa ganitong paraan lamang sila magiging makabuluhan sa kanilang mambabasa        
            Ang Mga Panahon ng Pagkakaunlad ng Nobelang Filipino                         
            Ang Panahon ng Español(1565-1898)
                  Ang nobelang Filipino,sa pag-aaral na isinagawa ng ilang mananaliksik tulad ni Soledad S. Reyes,ay mauugat sa tatlong pinagmulang tradisyon-epiko,awit at mga akdang panrelihiyon.Layunin kasi noon ng mga Kastila ang pagpapalaganap ng Katolisismo at pagpaapataas ng moralismo kaya itinuturing itong mga nobelang didal ibig sabihin,nangangaral o nagtuturo ng mga kabutihang-loob at kagandahang asal.
                   Ang mga unang nobelang Filipino,dahil mga prayle noon ang maaalam at magsulat,pawing nasa orihinal na wikang Kastila.Una ay ang Barlaan at Josaphat isinalin na lamang ni Fray Antonio de Borja noong 1712,at tipo pa ngang moro dahil tumatalakay ito sa pagbabagong-paniniwala ni Josaphat na isang prinsipe sa ipinangangaral sa kanya ng matandaang paring si Barlaan.Karaniwan na kasi sa dulang moro-moro ang pagwawakas na lagging nagwawagi ang Kristyano sa.Sabagay,ang mga moro-moro rin ay hinango rin naman sa korido.Ito ngayon itinuturing na kauna-unahang nobelang Tagalog na nalathala,kahit salin lamang.
                   Pumapangalawa rito ang nobela naman na isinulat ni Padre Modesto de Castro pinamagatang “Urbana atb Felisa”at ang “Tandang Bacio Macunat”ni Padre Lucio y Bustamante.Magkatulad halos ang pakay ng dalawang nobelang ito at iyan pagbibigay-diin sa kaahalagahan ng edukasyon.Mababakas narin sa mga ito ang na Costumbrismo.Mangyari,sa  “Urbana at Felisa”,ang maag kaibigang Urbana at kapwa mula sa nayon ay nagkahiwalay.Nagtungo si Urbana sa lungsod para mag-aral ng kolehiyo,samantalang si Feliza ay naiwan.Sa pamamagitaan ng pagsusulatan,ang natutuhan  ni Urbana sa sibilisasyon ay ipinababatid naman niya kay Feliza.Ang nobela ay itinuturing ding epistolaryo.
                  Gayundin sa ‘Tandang Bacio Macunat”,ang dalawang tauhang sina Proper at Bacio kabilaang panig.Kay Proper,ang pag-aaral sa lungsod ay pagpapaunlad ng tungo sa magandang kinabukasan,samaantaalang kay Bacio,ito ay walang maidudulot kabutihan kaya mambubukid siyang tumanda.
                  Ang Florante at Laura naman ni Francisco Balagtas Baltazar bagamat itinuring nobelang hindi parin maituturing na lubos bilang kauna-unahang nobelang Tagalog dahil patuluyang nasusulat kundi patula sapagkat ito’y isang awit.Sa pagkakataong ito’y oryentasyon ay nabago.Hindi na ito didaktiko kundi romantiko.Huwag sanang ipagkakamaling romantiko rito ay kinalaman sa pagniniig.Ito’y buhat sa panaligang romantisismo na ang mga katangiang ay nakasalig sa sumusunod:  a)ang mga tauhan ay kagila-gilalas,na kahit naisanlibong kaaway ay nagagapi;  b)ang mga tagpuan ay nasaa malalayong pook tulad sa Florante at Laura na sa halip nasa Pilipinas ay sa Albanya pa,bilang pagkukubli ng hindi mapaghinalaan si Balagtas ng mga may kapangyarihan ng naglaalantad siyaa ng may katiwalian  sa sistema ng pamahalaang Kastila;  c)ang mga pangyayari sa nobelang romantiko ay bihirang maganap;  d)mas pinapaburan ditto ang emosyon kaysa katuwiran;at   e)ito ay lagging nagwawakas nang masaya.
                   Isa ring halimbawa pa ng romantikong nobela ay ang Ninay ni Pedro Paterno.Nasusulat din ang orihinal naa teksto nito sa wikang Kastila.Pangkaugalian o pangkaasalan ang nais nitong pairaling layunin.Dito,ganap ang pagkatalakaay sa Custombrismo,lamang idinagdag ang aspektong pagtatatsulok sa pag-ibig,tulad sa Florante aat Laura.Ang pag-aagawan ninja Florante at Adolfo sa pag-ibig ni Laura,at ng Sultan at ni Aladin sa pag-ibig ni Flerida,at ang pagtatatsulok sa pag-ibig nina Carlos,Federico,Pilar ar Ninay.Batid kasi ng mga manunulat nito na ang Pilipino ay mawilihin sa ganitong mga tema kaya naakit na basahin ang nobela.Itoy isang anyo ngf pagtakas na eprkto ng mga babasahing romantiko.
                   Nang magsimula ang propaganda,isinulat ni Jose Rizal ang Noli Me Tangere at ang El Filibosterismo.Makatotohanan na ang na ang mga inilahad na pangyayaring rito,batay na nasa tunay naa naganap noon sa lipunang Pilipino sa ilalim ng pamamahalang Español.Pakay kasi ritong ipamukiha sa mga Español ang kanilang karahasan at ipamulat sa mga Pilipino ang kanilang kaapihan ng sagayun ay mag-alab sila at ipaglabaan ang sariling karapatan.Napagtagumpayan din naman ni Rizal ang gayun layunin ng ito’y bigyang kabuluhan ni Andres Bonifacio.Nahikayat si Bonifacio at tuloy naitulak ng Noli Me Tangere  na mag tatag ang Katipunan at maghimagsik laban sa sistemang  Kastila.Sa puntong ito,pumailalim na sa realistikong pampanitikang pananalig ang mga nobelang ito.
                    Ang kalagayan ng nobelang Filipino noong panahon ng mga Español  ay hindi nakaalwan dahi bukod sa iilan lamang ang nakapagtapos ng pag-aaral at may-kayang magsulat at makapagpalimbag ng kanilang akda,ang pamunuan ay labis sa kahigpitan,isang sensurang naglilimuta sa karapatang pagpapahayag.(Arogante:1989)    

Ang kasaysayan ng nobela sa Pilipinas ay nagsimula noong Panahon ng Kastila na may paksain tungkol sa relihiyon, kabutihang-asal, nasyonalismo, at pagbabago. Nagpapatuloy ito hanggang sa kasalukuyang panahon.

Panahon ng Kastila

Ang Commission Permanente de Censura ang sumusuri ng mga akdang pampanitikan na nilalathala upang siguraduhin na walang ano mang paglaban sa pamahalaang Kastila.

Mga uri ng nobela sa panahon ng Kastila:

  • Nobelang pangrelihiyon - nagbibigay diin sa kabutihang-asal
  • Nobelang mapaghimagsik - nagbibigay diin sa kalayaan, reporma, pagbabago, at diwang nasyonalismo

Halimbawa ng Nobela noong panahon ng Kastila:

Panahon ng Amerikano

Nahahati sa tatlong panahon ang kasaysayan ng nobela noong panahon ng Amerikano, ang Panahon ng AklatanBayan (1900-1921), Panahon ng Ilaw at Panitik (1922-1934) at Panahon ng Malasariling Pamahalaan (1934-1942). Noong Panahon ng Akalatan, naging maunlad ang nobela na tumatalakay sa mga paksain tungkol sa pag-ibig, paghihimagsik, buhay lalawigan at karanasan. Inilalathala sa mga pahayagan ang mga nobela na payugtu-yugto o hinahati sa parte ang nobela sa mga kabanata. Si Lope K. Santos, ama ng Balarilang Tagalog ang nagsimula ng ganitong paglalathala.

Halimbawa ng mga pahayagan:

  • Ang Kapatid ng Bayan
  • Muling Pagsilang
  • Ang Kaliwanagan

Halimbawa ng nobela na nilathala sa pahayagan:

  • Salawahang Pag-ibig ni Lope K. Santos
  • Unang Bulaklak ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Ang Kaliwanagan
  • Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Ang Kapatid ng Bayan
  • Mag-inang Mahirap ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Muling Pagsilang
  • Sampaguitang Walang Bango (1918) ni Inigo Ed Regalado

Noong Panahon ng Ilaw at Panitik, hindi naging maunlad ang nobela at nahalina ang mga nobelista na sumulat tula at maikling kuwento.

Halimbawa ng nobela sa pahanon na ito:

  • Mutyang Itinapon ni Rosalia Aguinaldo
  • Magmamani ni Teofilo Sanco

Noong panahon ng Malasariling Pamahalaan, bumaba ang urin ng nobela dahil sa pagkakahilig ng mga tao sa mga tula at maikling kwento at pagbabago ng panahon.

Panahon ng Hapon

Noong Panahon ng Hapon, hindi rin naging maunlad ang nobela dahil sa kakulangan sa materyales (papel) at niliitan ang mga letra (sa Liwayway)

Halimbawa ng nobela sa panahong ito:

  • Tatlong Maria - Jose Esperanza Cruz
  • Sa Lundo ng Pangarap - Gervacio Santiago
  • Lumubog ang Bitwin - Isidro Castillo
  • Sa Pula, Sa Puti - Francisco Soc Rodrigo

Panahon ng Republika (1946-1972)

Noong panahon ng Ikatlong Repulika ng Pilipinas, walang pagbabago sa sistema ng pagsulat ng nobela at naging tradisyunal. Tumatalakay ng mga paksain tungkol sa nasyonalismo, isyung panlipunan at naglalayong mang-aliw ng mambabasa.


Halimbawa ng nobela sa panahon na ito

Bagong Lipunan (1972-kasalukuyan)

Noong panahon ng batas militar hanggang kasalukuyan, tumatalakay ang mga nobela ng mga paksain tungkol sa reporma, pag-ibig, ugaling Pilipino, pamilya, pangaraw-araw na pamumuhay. Nagbalik ang nobela sa romantisismo na nailalathala sa Liwayway at nasa pamantayang komersyal.

Halimbawa ng nobela sa panahong ito:

  • Ginto ang Kayumangging Lupa - Dominador Mirasol
  • Maling Pook, Maling Panahon, Dito, Ngayon - Lualhati Bautista

Mga nobela sa Pilipinas

Mga kinathang nobela ng mga Pilipinong manunulat:

Mga kawing panlabas