Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Hinuhang atomiko"

Jump to navigation Jump to search
m
orthography: -nsya- > -nsiya- using AWB
m (orthography using AWB)
m (orthography: -nsya- > -nsiya- using AWB)
{{better translation}}
Sa kimika at pisika, ang '''hinuhang atomika''' ([[wikang Ingles|Ingles]]: ''atomic theory'') ay isang hinuha sa kalikasan ng materya na kung saan tinutukoy na ang [[materya]] ay binubuo ng hiwalay at malinaw na bahagi na tinatawag na [[atomo]]. Ito ay kakaiba sa matandang paniwala na ang materya ay mahahati sa mga arbitrayong laki.
 
==Atomismong pangpilosopika==
===Indio===
Hanggang sa bungad ng siglo 19, ang atomikong hinuha ay kalimitang pangpilosopiya na hindi ipinundar sa maka-agham na eksperimentasyon. Ang mga unang hinuha ay pinaunlad sa matandang India noong siglo 6 BCE ni [[Canada]], isang pilosopong Hindu. Sa pilosopiyang Hindu, ibinunsad ng paaralang [[Nyaya]] at [[Vaisheshika]] ng mga masalimuot na hinuha kung papaano nagsasanib upang makabuo ng mas kumplikadong bagay (sa una ay pares-pares, matapos tatluhan ng mga pares). Pinaniniwalaan na ang pagniniig na mga ito ay kagustuhan ng Diyos (espesipiko rito ang [[Ishvara]] ng mga Hindu). Sinasabing walang kakayahan ang mga atomo kung walang itong katangiang pisikal. Balintuna rito, ang [[pilosopiyang Jainiko]] na nagsasangkot sa ugali ng materya sa likas raw mismo ng mga atomo. Ayon sa pilosopiyang Jaina, ang bawat atomo ay mayroong sariling lasa, amoy at kulay at dalawang uri ng hipo. Hindi maliwanag kung ano ang pakahulugan ng “uri ng hipo”. Sinasabing ang mga atomo ay umiinog sa isa sa dalawang katayuan nito: mahinhin, kung saan na napapasok nito ang gaano mang kaliit na lugar, at ang magaspang kung saan ito ay kumakasya lamang sa isang tiyak na lugar. Kahit na gawa ang mga atomo ng makakamukhang sustansyasustansiya, makapagsasanib sila sa isa’t-isa ayon sa kanilang mga walang-hanggang katangiang upang makabuo ng anim na “kinapal” na halos katugon sa konseptong Grieyego ng mga “elemento”: lupa, tubig, anino, damdamin, materyang karmiko, at materyang di-kasya.<sup>[1]</sup>
 
===Griyego ===
Ang una ay ang [[pagpapanatili ng bigat]] na binalangkas ng [[Antoine Lavoisier]] noong 1789. Tinutukoy nito na ang kabuuang bigat sa isang kimikong pagsasanib ay di nagbabago (yaon bang ang bigat ng magsasanib at produkto ay magkatumbas). [4] Ang batas na ito ang nagpanukala kay Dalton na ang isang materya ay hindi magigiba.
 
Ang pangalawa ay [[batas ng tiyak na proporsyon]]. Unang pinatunayan ng kimikong Pranses na si [[Joseph Louis Proust]] noong 1799,[5]sinasabi ng batas na ito kapag ang isang kompuwesto ay bumalik sa kanyang mga pinagmulang elemento, ang mga bigat nito ay laging pareho sa proporsyon gaano man karami o anuman ang pinagmulan ng orihinal na sustansyasustansiya. Nagsintensis si Proust ng [[carbonato ng tanso]] (copper carbonate) na gumamit ng iba’t-ibang paraan at kanyang nasumpungan na sa bawat kaso, ang mga ingredyente ay nagsasama ng may parehong proporsyon na parang ginagawa kapag giniba ito mula sa likas na carbonato ng tanso.
 
Pinag-aralan at pinalawak ni Dalton ang trabaho ni Proust na nagbunsad sa [[batas ng multipleng proprosyon]]: na nagsasaad na kapag ang dalawang elemento ay nakabubuo ng mahigit sa isang kompuwesto, ang ratio ng bigat ng ikalawang elemento na nakikipagsanib sa isang tiyak na bigat ng unang elemento ay ratio ng maliliit ng integer nito. Ang isang pares ng pagsasanib na pinaniniwalaang pinag-aralan ni Dalton ay ang [[oksido nitriko]] (nitric oxide) (NO) at [[oksiheno]] (oxygen) (O<su>2</sub>). Sa isang pagsasanib, nabubuo nito ang [[trioksido dinitroheno]] (dinitrogen trioxide) (N<sub>2</sub>O<sub>3</sub>). Subalit kapag inulit ang pagsasanib na ito na gumagamit ng dalawang beses na dami ng oksiheno (ang ratio na 1:2 – maliit na integer), nagbubunga ito ng dioksido nitroheno (nitrogen dioxide) (NO<sub>2</sub>).
[[Talaksan:A New System of Chemical Philosophy fp.jpg|right|thumb|Ang iba’t-ibang atomo at molekula na isinalarawan sa A New System of Chemical Philosophy (1808) ni John Dalton.]]
 
Noong 1803, naglathala si Dalton ng una niyang listahan ng relatibong bigat atomiko ng mga ilang sustansyasustansiya [6](kahit na hindi niya tinalakay sa publiko kung papaano niya nakuha ito hanggang 1808). Tinantya ni Dalton ang mga bigat atomiko ayon sa ratio ng bigat ng kanilang pagsasanib kung saan ang [[hidroheno]] ang ugat na yunit. Subalit, hindi inisip ni Dalton na ang ilang elementong atomo ay umiiral rin bilang molekula – halimbawa ang dalisay ng oksiheno ay umiinog bilang O<sub>2</sub>. Mali ang paniwala niya na ang pinakasimpleng kompuwesto sa pagitan ng dalawang elemento ay laging isang atomo isa’t-isa (inisip niya na ang tubig ay HO, hindi H<sub>2</sub>O). Kasama ang kapayakan ng kanyang aparato, maraming mali sa kanyang talaan. Halimbawa, paniwala niya na ang atomo ng oksiheno ay 5.5 beses na mabigat kaysa atomo ng hidroheno dahil sinukat niya na ang tubig ay may 5.5 gramo ng atomong oksiheno sa bawat 1 gramo ng atomong hidroheno. Dahil dito paniwala niya na ang pormula ng tubig ay HO (alam natin ngayon ang atomong oksiheno ay 16 beses na mas mabigat kaysa atomong hidroheno.)
 
Ang mali sa hinuha ni Dalton ay itinama noong 1811 ni [[Amedeo Avogadro]]. Nagpanukala si Avogadro na ang dalawang gas na magkatumbas sa volume sa magkaparehong temperatura at presyon ay naglalaman ng magkatumbas ng bilang ng mga molekula (sa madaling salita, ang bigat ng mga partikula ng isang gas ay walang apekto sa volume nito). [7] Ang batas Avogadro ay nagpakita sa kanya upang mahulaan ang diatomikong likas ng maraming gas sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga volume kapag sila’y nakikipagsanib. Halimbawa, dahil ang dalawang litro ng hidroheno ay makikipagsanib lamang sa isang litro ng oksiheno upang makagawa ng dalawang litro ng singaw tubig (sa konstanteng presyon at temperatura), nangangahulugang ang isang molekula ng oksiheno ay nahahati sa dalawa upang makabuo ng dalawang partikula ng tubig. Dahil dito, nakapagbigay ng mas tamang estimasyon si Avogadro sa atomikong bigat ng oksiheno at maraming pang elemento. Ito rin ang nagpatatag sa pagkakaiba sa pagitan ng molekula at atomo.
[[Talaksan:Bohr atom model English.svg|thumb|right|Ang modelong Bohr ng atomo]]
 
Napakalaking pagbabago sa pisika ang dulot ng hinuhang kwantika noong bungad ng siglo 20 nang magpostula sina [[Max Planck]] at Albert Einstein na ang liwanag ay inilalabas o hinihigop sa tiyak na dami na tinatawag ng [[kwanta]] (isahan, kwantum). Noong 1913, isinama ni [[Niels Bohr]] ang ideyang ito sa kanyang modelong Bohr ng atomo na kung saan ang mga elektron ay makaliligid lamang sa nukleyo sa isang partikular ng pabilog na pagligid na may tiyak ng [[momentong angular]] at [[enerhiya]] at kung saan ang layo nito sa nukleyo ay proporsyonal sa kanya-kanyang enerhiya [16] Sa modelong ito hindi unti-unting bubulusok ang mga elektron sa nukleyo dahil hindi sila tuluyang mawawalan ng enerhiya; sa halip kisapmatang makaluluksong kwantiko lamang sila sa pagitan ng tiyak ng nibel ng enerhiya. [16] Kapag nangyari ito, nagpapalabas o humihigop ito ng liwanag na may prekwensyangprekwensiyang proporsyonal sa pagbabago ng enerhiya (at kaya ang paghigop at pagpapalabas ng liwanag ng tiyak at malinaw na espektra). [16]
 
Nahulaan lamang ng modelo ni Bohr ay linyang espektral ng hidroheno. Hindi nito mahulaan kung ang atomo ay multi-elektron. Ang masama pa rito, noong lumawig ang teknolohiyang espektrograpika, may mga karagdagong linyang espektral ang bagong namatyagan na hindi rin maipaliwanag ng modelong Bohr. Noong 1916, nagdagdag ng eliptikong ligiran si [[Arnold Sommerfeld]] sa modelong Bohr upang ipaliwanag ang dagdag na palabas na mga linya na nagpahirap sa paggamit ng modelong ito. Hindi rin nito maipaliwanag ang mga kumplikadong atomo.
Noong 1924, nagmungkahi si [[Louis de Broglie]] na ang lahat ng bagay – partikular ang mga subatomikong partikula tulad ng elektron – ay nagpapakita ng ugaling parang onda (alon). Naakit si [[Erwin Schrodinger]] sa ideyang ito at kanyang sinubukan kung mas mainam na ipaliwanag ang kilos ng isang elektron bilang isang onda kaysa isang partikula. Ang [[ekwasyon ni Schrodinger]] ay inilathala noong 1926 [17]na nagpapaliwanag sa isang elektron bilang isang punsiyong-alon sa halip na isang partikulang tuldok. Eleganteng naipaliwanag nito ang mga balaghang espektral na hindi maipaliwanag ng modelong Bohr. Kahit na konbinyente ito sa paggamit ng matematika, mahirap itong maisalarawan at marami ang laban dito [18] Isa sa mga kritiko nito ay si [[Max Born]] na nagmungkahi na ang punsyongpunsiyong-onda ni Schrodinger ay hindi nagpapaliwanag sa elektron bagkus sa lahat ng posibleng katayuan (estado) at sa gayon ay magagamit ito sa pagtutuos sa probabilidad upang masumpungan ang isang elektron sa isang tiyak na lokasyon sa paligid ng nukleyo. [19]
 
Noong 1927, itinuro ni [[Werner Heisenberg]] na dahil isinasama ng isang punsyonpunsiyon-onda ang panahon at posisyon, imposibleng mahalaw ng magkasabay ang tiyak na halaga ng posisyon at momento ng isang partikula sa isang alam na panahon[20]; ito ay naging kilala bilang [[prinsipyo ng walang katiyakan]].
 
[[Talaksan:neon orbitals.JPG|frame|right|Ang limang ligirang atomika ng isang atomo ng neon na pinaghiwalay at iniayos papataas sa enerhiya. Ang bawat ligiran ay naglalaman hanggang dalawang elektron na umiinog sa sonang ipinakikita ng mga bolang may kulay. Ang elektron ay magkatumbas sa parehong sona ng ligiran na ipanakikita rito upang isalarawan ang iba’t-ibang pase ng onda.]]
<small>
*1. ^ Gangopadhyaya, Mrinalkanti. Indian Atomism: History and Sources. Atlantic Highlands, New Jersey: Humanities Press, 1981. ISBN 0-391-02177-X
*2. ^ History of Atomic Theory, encarta.msn.com, Last accessed Nov 26, Nobyembre 2006
*3. ^ Gardet, L. “djuz’” in Encyclopaedia of Islam CD-ROM Edition, v. 1.1. Leiden: Brill, 2001.
*4. ^ Lavoisier, Antoine (1743-1794), scienceworld.wolfram.com; Last accessed on Feb 13, Pebrero 2007
*5. ^ Joseph Louis Proust (1799), Researches on Copper
*6. ^ John Dalton (1803), On the Absorption of Gases by Water and Other Liquids
*13. ^ JJ Thomson (1913), Rays of positive electricity, Proceedings of the Royal Society, A 89, 1–20
*14. ^ Ernest Rutherford (1919), Collisions of alpha Particles with Light Atoms. IV. An Anomalous Effect in Nitrogen., Philosophical Magazine, 6th series, 37, 581
*15. ^ James Chadwick (Feb 27, Pebrero 1932), Possible Existence of a Neutron, Nature Magazine
*16. ^ a b c Bohr, N. (1913). On the constitution of atoms and molecules. Philosophical Magazine, 26, 1-25[[1]]251
*17. ^ Erwin Schrodinger (1926), Quantisation as an Eigenvalue Problem, Annalen der Physik
*18. ^ Dr Subodh Mahanti, Erwin Schrodinger: The Founder of Quantum Wave Mechanics, Vigyan Prasar; Last accessed Nov 26, Nobyembre 2006
*19. ^ Dr Subodh Mahanti, Max Born: Founder of Lattice Dynamics, Vigyan Prasar; Last accessed Nov 26, Nobyembre 2006
*20. ^ ISCID, Heisenberg Uncertainty Principle; Last accessed Nov 26, Nobyembre 2006
</small>
 

Menu ng paglilibot