Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Carlos P. Garcia"

Jump to navigation Jump to search
m
Ibinalik ang mga pagbabago ni 112.210.244.166 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Shanmugamp7
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 112.210.244.166 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Shanmugamp7)
 
== Talambuhay ==
===Maagang buhay===
Magbasa ka
Isinilang si Garcia noong 4 Nobyembre 1896 sa bayan ng [[Talibon, Bohol|Talibon]], [[Bohol]]. Ang kaniyang mga magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa [[Pamantasang Silliman]] sa [[Lungsod ng Dumaguete]], at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa [[Philippine Law School]] at nakapasok sa bar noong 1923 sa Maynila.
 
Iniwan niya pagsasanay ng abugasya at naging guro ng highschool.
 
===Kapulungan ng mga Kinatawan===
===Gobernador ng Bohol===
Nagsilbi si Garcia bilang gobernador ng Bohol mula 1932 hanggang 1941.
===Senado===
Huwag Copy Paste
Nahalal siya sa Senado ng Pilipinas noong 1941 ngunit hindi nakapaglingkod dahil sa pananakop ng mga Hapones noong Disyembre 1941. Ipinagpatuloy niya ang paglilingkod bilang Senador nang mapalaya ang Pilipinas sa pananakop ng mga Hapones noong 1945. Siya ay nanungkulan mula 1945 hanggang 1953. Tumungo si Garcia Estados Unidos upang ilobby ang kabayaran para pinsala sa digmaan ng Pilipinas. Siya ay nagsilbi ring delegado ng bagong nabuong [[United Nations]] sa San Francisco. Sa Senado, siya ay naging pinuno ng minorya at namuno sa mga impluwensiyal na komite hingil sa pamahalaan, hukbo, katarungan at ugnayang pandayuhan ng Pilipinas.
 
===Panahong Hapones ===
 
Nagwagi siya sa halalang pampanguluhan noong Nobyembre 1957. Upang makuha ang pagkapanalo sa 1957 halalan, pinili niya si [[Diosdado Macapagal]] mula sa oposisyong [[Partido Liberal (Pilipinas)|Partido Liberal]] na maging kasamang tatakbo bilang pangalawang pangulo.
====Ekonomiya====
Magbasa
Bilang Pangulo, nagpanatili siya ng isang striktong programa ng paghihigpit upang maalis ang korupsiyon. Sinikap niyang pigilan ang yumayabong na [[itim na pamilihan]] at sinikap na pagsiglahin ang ekonomiya. Ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay nasa 4.54 %. Kanyang ipinatupad ang patakarang "Pilipino Muna" upang wakasan ang pananaig ng mga dayuhan sa ekonomiya ng Pilipinas. Ang lahat ng mga imbestor na dayuhan na karamihan ay mga Amerikano ay nilimitahan sa kaunti sa 51 porsiyentong interes sa mga kompanyang domestiko. Sinimulan rin niya ang paglayo sa buong pagsalalay sa Estados Unidos bilang guarantor ng seguridad ng Pilipinas at naghanap ng bagong orientasyon tungo sa ibang mga bansang Asyano. Ang mga patakarang ito ay hindi nagustuhan ng mga Amerikano. Sinikap rin ni Garcia na buhayin ang mga katutubong sining pangkultura upang pagtibayin ang pagkakakilanlang pambansa ng mga Pilipino.
 
Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng Estados Unidos upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na base militar ng Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si [[Diosdado Macapagal]] upang manalo sa halalan noong 1961.
 
===1961 halalan ng pagkaPangulo===
Magbasa
Noong 1961, sa gitna ng isang bumagal na ekonomiya at mga alegasyon ng korupsiyon, si Garcia ay natalo sa halalan ng pagkapangulo sa kanyang pangalawang pangulong si [[Diosdado Macapagal]]. Pagkatapos ng pagkatalo, siya ay nagretiro na sa pultika ngunit noong 1971 ay hinikayat siya ni [[Ferdinand Marcos]] na mamuno sa isang bagong kumbensiyong konstitusyonal na lilikha ng [[Saligang Batas ng Pilipinas ng 1973]] ngunit namatay siya bago pa makuha ang posisyon.
 
===Kamatayan===

Menu ng paglilibot

Mga pansariling kagamitan

Mga ngalan-espasyo

Mga baryante

Higit pa