José Rizal: Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Content deleted Content added
Kinansela ang pagbabagong 1401878 ni Nustaris (Usapan)
No edit summary
Linya 23: Linya 23:
Si '''Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda Carinan''' <ref>{{cite book|author1=José Rizal|author2=José Rizal National Centennial Commission|title=El filibusterismo|url=http://books.google.com/books?id=9oBGVXO2vc8C|year=1961|publisher=Linkgua digital|isbn=978-84-9953-093-2|pages=[http://books.google.com/books?id=9oBGVXO2vc8C&pg=PA9 9]|language=Spanish}}</ref> ([[Hunyo 19|19 Hunyo 1861–]] [[Disyembre 30 |30 Disyembre 1896]]) ay isang [[Mga Pilipino|Pilipinong]] bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang tinigtignan bilang pinakamagaling na bayani at tinala bilang isa sa mga [[pambansang bayani ng Pilipinas]] ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.<ref name="national">{{cite web|url=http://www.congress.gov.ph/download/researches/rrb_0301_1.pdf |title= Selection and Proclamation of National Heroes and Laws Honoring Filipino Historical Figures |accessdate=8 Setyembre 2009|publisher=Reference and Research Bureau Legislative Research Service, House of Congress}}</ref>
Si '''Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda Carinan''' <ref>{{cite book|author1=José Rizal|author2=José Rizal National Centennial Commission|title=El filibusterismo|url=http://books.google.com/books?id=9oBGVXO2vc8C|year=1961|publisher=Linkgua digital|isbn=978-84-9953-093-2|pages=[http://books.google.com/books?id=9oBGVXO2vc8C&pg=PA9 9]|language=Spanish}}</ref> ([[Hunyo 19|19 Hunyo 1861–]] [[Disyembre 30 |30 Disyembre 1896]]) ay isang [[Mga Pilipino|Pilipinong]] bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang tinigtignan bilang pinakamagaling na bayani at tinala bilang isa sa mga [[pambansang bayani ng Pilipinas]] ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.<ref name="national">{{cite web|url=http://www.congress.gov.ph/download/researches/rrb_0301_1.pdf |title= Selection and Proclamation of National Heroes and Laws Honoring Filipino Historical Figures |accessdate=8 Setyembre 2009|publisher=Reference and Research Bureau Legislative Research Service, House of Congress}}</ref>


Pinanganak si Rizal sa isang mayamang mag-anak sa [[Calamba, Laguna]] at pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa [[Pamantasan ng Ateneo de Manila|Ateneo Municipal de Manila]], at nakakuha ng diploma sa [[Batsilyer ng Sining]] at nag-aral ng medisina sa [[Pamantasan ng Santo Tomas]] sa [[Maynila]]. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa [[Unibersidad Complutense ng Madrid|Universidad Central de Madrid]] sa [[Madrid]], [[Espanya]], at nakakuha ng ''Lisensiya sa Medisina'', na nagbigay sa kanyan ng karapatan sanayin ang medisina. Nag-aral din siya sa [[Pamantasan ng Paris]] at [[Pamantasan ng Heidelberg]].
Pinanganak si Rizal sa isang mayamang mag-anak sa [[Calamba, Laguna]] at pto sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa [[Pamantasan ng Ateneo de Manila|Ateneo Municipal de Manila]], at nakakuha ng diploma sa [[Batsilyer ng Sining]] at nag-aral ng medisina sa [[Pamantasan ng Santo Tomas]] sa [[Maynila]]. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa [[Unibersidad Complutense ng Madrid|Universidad Central de Madrid]] sa [[Madrid]], [[Espanya]], at nakakuha ng ''Lisensiya sa Medisina'', na nagbigay sa kanyan ng karapatan sanayin ang medisina. Nag-aral din siya sa [[Pamantasan ng Paris]] at [[Pamantasan ng Heidelberg]].


Isang [[polimata]] si Rizal; maliban sa medisina, mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at pag-ukit. Isa siyang makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela ng ''[[Noli Me Tángere]]'', at ang kasunod nitong ''[[El filibusterismo]]''.{{#tag:ref|Ang nobela niyang ''Noli'' ay sa kauna-unahang nobela sa Asya na isinulat sa labas ng bansang Hapon at Tsina at isa sa mga unang nobelang laban sa rebelyong anti-kolonyal. Basahin ang: [http://newleftreview.org/A2510].|group=note}}<ref>''Noli Me Tángere'', isinalin ni Soledad Locsin (Manila: Ateneo de Manila, 1996) ISBN 971-569-188-9.</ref> Isa ring [[poliglota]] si Rizal, na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang mga wika.{{#tag:ref|Mahusay siya sa mga Kastila, Pranses, Latin, Griyego, Aleman, Portuges, Italyano, Ingles, Olandes at Hapon. Gumawa rin si Rizal ng mga pagsasalin mula sa wikang Arabe, Suwesya, Ruso, Tsino, Griyego, Ebre at [[Sanskrit]]. Sinalin niya ang tula ni [[Friedrich Schiller|Schiller]] sa [[wikang Tagalog|Tagalog]]. Maliban dito may kaalaman din siya sa wikang [[wikang Malay|Malay]], [[Chavacano]], [[wikang Cebuano|Cebuano]], [[wikang Ilokano|Ilokano]] at Subanun.|group=note}}{{#tag:ref|In his essay, "Reflections of a Filipino", (''La Solidaridad'', c.1888), he wrote: "Man is multiplied by the number of languages he possesses and speaks."|group=note}}<ref name = "Laubach">[[Frank Laubach]], ''Rizal: Man and Martyr'' (Manila: Community Publishers, 1936)</ref><ref>Witmer, Christoper (2001-06-02). [http://www.lewrockwell.com/orig/witmer1.html "Noli Me Tangere (Touch Me Not)"]. LewRockwell.com. Retrieved on 2012-09-29.</ref>
Isang [[polimata]] si Rizal; maliban sa medisina, mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at pag-ukit. Isa siyang makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela ng ''[[Noli Me Tángere]]'', at ang kasunod nitong ''[[El filibusterismo]]''.{{#tag:ref|Ang nobela niyang ''Noli'' ay sa kauna-unahang nobela sa Asya na isinulat sa labas ng bansang Hapon at Tsina at isa sa mga unang nobelang laban sa rebelyong anti-kolonyal. Basahin ang: [http://newleftreview.org/A2510].|group=note}}<ref>''Noli Me Tángere'', isinalin ni Soledad Locsin (Manila: Ateneo de Manila, 1996) ISBN 971-569-188-9.</ref> Isa ring [[poliglota]] si Rizal, na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang mga wika.{{#tag:ref|Mahusay siya sa mga Kastila, Pranses, Latin, Griyego, Aleman, Portuges, Italyano, Ingles, Olandes at Hapon. Gumawa rin si Rizal ng mga pagsasalin mula sa wikang Arabe, Suwesya, Ruso, Tsino, Griyego, Ebre at [[Sanskrit]]. Sinalin niya ang tula ni [[Friedrich Schiller|Schiller]] sa [[wikang Tagalog|Tagalog]]. Maliban dito may kaalaman din siya sa wikang [[wikang Malay|Malay]], [[Chavacano]], [[wikang Cebuano|Cebuano]], [[wikang Ilokano|Ilokano]] at Subanun.|group=note}}{{#tag:ref|In his essay, "Reflections of a Filipino", (''La Solidaridad'', c.1888), he wrote: "Man is multiplied by the number of languages he possesses and speaks."|group=note}}<ref name = "Laubach">[[Frank Laubach]], ''Rizal: Man and Martyr'' (Manila: Community Publishers, 1936)</ref><ref>Witmer, Christoper (2001-06-02). [http://www.lewrockwell.com/orig/witmer1.html "Noli Me Tangere (Touch Me Not)"]. LewRockwell.com. Retrieved on 2012-09-29.</ref>

Pagbabago noong 05:37, 8 Marso 2014

José Rizal

Isang larawan ni José Rizal, Pambasang bayani ng Pilipinas.
Ibang pangalan: José Rizal
Kapanganakan: 19 Hunyo 1861
Lugar ng kapanganakan: Calamba, Laguna
Kamatayan: 30 Disyembre 1896(1896-12-30) (edad 35)
Lugar ng kamatayan: Bagumbayan (Luneta ngayon), Maynila, Pilipinas
Pangunahing organisasyon: Kilusang Propaganda, La Liga Filipina
Pangunahing monumento: Liwasang Rizal
Ito ang artikulo patungkol sa bayaning Pilipino. Para sa pelikula patungkol sa kanya, silipin ang Jose Rizal (pelikula). Para sa ibang gamit ng Rizal, silipin ang Rizal (paglilinaw).

Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda Carinan [1] (19 Hunyo 1861– 30 Disyembre 1896) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang tinigtignan bilang pinakamagaling na bayani at tinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.[2]

Pinanganak si Rizal sa isang mayamang mag-anak sa Calamba, Laguna at pto sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid sa Madrid, Espanya, at nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanyan ng karapatan sanayin ang medisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Paris at Pamantasan ng Heidelberg.

Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina, mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at pag-ukit. Isa siyang makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela ng Noli Me Tángere, at ang kasunod nitong El filibusterismo.[note 1][3] Isa ring poliglota si Rizal, na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang mga wika.[note 2][note 3][4][5]

Itinatag ni José Rizal ang La Liga Filipina, isang samahan na naging daan sa pagkabuo ng Katipunan na pinamunuan ni Andrés Bonifacio,[note 4], isang lihim na samahan na nagpasimula ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya na naging saligan ng Unang Republika ng Pilipinas sa ilalim ni Emilio Aguinaldo. Siya ay tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng Pilipinas ng sarili nitong pamahalaan sa mayapang pamamaraan kaysa sa marahas na himagsikan, at susuportahan lamang ang karahasan bilang huling dulugan.[7] Naniniwala si Rizal na ang tanging katwiran sa pagpapalaya sa Pilipinas at pagkakaroon nito ng sariling pamahalaan ay ang pagbabalik ng karangalan ng mga mamamayan,[note 5] at kanyang winika "Bakit kalayaan, kung ang mga alipin ngayon ay magiging maniniil ng hinaharap?"[8] Ang pangkahalatang napagsang-ayunan ng mga dalubhasa sa buhay ni Rizal ay ang pagbitay dito ang naghudyat upang magsimula ang Himagsikang Pilipino.

Ang pamilya ni José Rizal

Si Francisco Rizal Mercado (1818–1897)

Anak si Rizal nina Francisco Rizal Mercado (1818–1897)[9] at ni Teodora Morales Alonzo y Quintos (1827-1911; na ang pamilya nila ay pinalitan ang kanilang apelyido bilang "Realonda"),[10] na parehong masagang magsasaka na pinagkalooban ng upa sa isang hacienda at kaakibat nitong palayan ng mga Dominikano. Pampito sa labing-isang mangkakapatid si Rizal: sina Saturina (Neneng) (1850–1913), Paciano (1851–1930), Narcisa (Sisa) (1852–1939), Olympia (1855–1887), Lucia (1857–1919), María (Biang) (1859–1945), José Protasio (1861–1896), Concepción (Concha) (1862–1865), Josefa (Panggoy) (1865–1945), Trinidad (Trining) (1868–1951) at Soledad (Choleng) (1870–1929).

Ikalimang salinlahi na si Rizal sa inanak ni Domingo Lam-co Quanzhou noong kalagitnaan ng ika-17 dantaon.[11] Napangasawa ni Lam-co si Inez de la Rosa, isang Sangley ng Luzon.[12]

Si Teodora Alonzo, ang ina ni Dr. José Rizal

Mayroon din lahing Kastila at Hapones si José Rizal. Ang kanyang lolo at ama ni Teodora ay kalahating Kastila at isang inhinyero na pinangalanang Lorenzo Alberto Alonzo.[13] Ang kanyang lolo sa talampakan sa ina ay si Eugenio Ursua, inanak ng isang Hapones.

Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Biñan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang mga magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila.

Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Enero 1872.Sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan.

Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Unibersidad ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong 5 Mayo 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransiya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo.

Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.

Si Rizal ay nakilala sa dahil sa kanyang dalawang nobela, ang Noli Me Tangere, na nilimbag sa Berlin, Alemanya (1886) sa tulong ni Dr. Maximo Viola, at ang El Filibusterismo, na nilathala sa Gante, Belgica (1891); pinahiram siya ni Valentin Ventura ng 300 piso sa pagpapalimbag ng El Filibusterismo. Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at hango sa Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging daan upang magising ang puso't diwa ng mga Pilipino. Nakilala rin siya bilang Aaron Ng.

Makikita ang malaking bahagi ni Leonor Rivera sa buhay ni Rizal sa mga sulating kagaya ng “If Dreams Must Die” at “The Love of Leonor Rivera” ni Severino Montana. Kung saan kapwa nagpapakita ng imahe ng isang dalagitang umiibig sa bata nitong puso, isang kolehiyala na naihahalintulad kay Maria Clara, at isang walang-hanggang pag-ibig ni Rizal.

Sa buhay ng pagka-bayani ni Rizal ay may dalawang babae na kapwa nagkaroon ng mahalagang bahagi, ito ay ang kanyang ina at si Josephine Bracken. Si Donya Teodora Alonzo ay isang mapagmahal at mapag-kalingang ina, na nagpakita ng mga katangian ng isang huwarang inang Pilipino. Isang parokyano ng Kristiyanismo, para sa kanya ay isang pagtalikod o kasalanan sa paniniwala ang pag-aaral ng siyensiya at pag-ibig kay Josephine Bracken.

Samantalang makikita si Leonor Rivera kay Maria Clara, si Josephine Bracken naman ay kay Salome. Si Salome ang karakter ni Rizal sa Noli Me Tangere na hindi isinama sa publikasyon kaya iilan lamang ang nakakikilala. Si Salome ay ang iniibig ni Elias, isang babaeng kakikitaan ng liberal na pag-uugali sa pagsasalita, pagkilos at pananaw sa sex. Ang usapan nina Elias at Salome ay isang senaryong kakikitaan ng lubusang pagtukoy sa pagnanasa bago pa ang mga sulatin ni Jose Garcia Villa. Maihahalintulad din si Josephine Bracken kina Magdalene, Mat Hari, Kitty O’Shea, Sadie Thompson, at Joan of Arc.

Si Josephine Bracken ang naging daan upang makita ang liberalismo ni Rizal ng ina nito at mga kapatid. Isa na rito ang naging pagtatalo ni Rizal at ng kanyang ina tungkol sa pagsasama nila ni Josephine Bracken kahit na walang basbas ng simbahan. Bukod sa pagiging liberal taglay din ni Josephine Bracken ang mga kaugalian kagaya ng pagiging matatag at may buong-loob sa pakikipaglaban ng kanyang mga pinaniniwalaan.

Ayon kay John Foreman, si Josephine Bracken ay maihahalintulad kina Gabriela Silang at Joan of Arc sa kanyang walang hanggang pakikibaka sa laban ng mga Katipuneros kahit sa pagkamatay ni Rizal. Unang nakita si Josephine sa Asamblea sa Imus, Kabite noong 29 Disyembre. Kasama niyang dumating sa pagtitipon si Paciano Rizal at iba pang kabilang sa pamilya Rizal. Ayon pa kay General Ricarte, hindi rin matatawaran ang partisipasyon ni Josephine sa paggagamot sa bahay sa Tejeros kung saan naging nurse at inspirasyon siya sa mga may sugat at iba pang nagpupunta dito. Gayundin ay makikita ang partisipasyon ni Josephine sa “Battles of Silang” st “Battle of Dasmariñas” noong 27 Pebrero. Makikita ang lubhang katatagan ni Josephine Bracken sa Rebolusyon, nang panahon kung kailan dadakipin na siya ng mga Espanyol. Kung saan naglakad siyang dumudugo ang mga paa mula sa Maragondon hanggang Laguna hanggang makarating siya sa daungan papuntang Maynila.

Si Josephine Bracken ay isang malaking bahagi ng kasasayan ng Pilipinas hanggang sa kanyang kamatayan noong taong 1902 sa sakit na tubercolosis. Ang kanyang kusang-loob na pakikibahagi sa Rebolusyon at patuloy na pagtulong sa mga Pilipino sa kabila ng hindi pagkilala ng mga ito sa kanya noong una ay sadyang kahanga-hangang kaugaliang napatunayan ni Josephine Bracken sa loob ng mahabang panahon.

Mga Pamanang-lahi

Si Jose P. Rizal o mas kilalang Pepe ay isang Pilipinong repormista para sa isang lipunang malaya at hindi isang rebolusyonaryong naghahangad ng kasarinlan. Bilang puno ng Kilusan ng Pagbabago ng Pilipinas na itinatag ng mga Pilipino sa Barcelona, Espanya, nagbigay siya ng ambag-sulatin sa La Solidaridad.

Ang kanilang mga mithiin:

  1. na ang Pilipinas ay maging bahaging-lalawigan ng Espanya;
  2. na magkaroon ng mga kinatawan sa Batasan ng Espanya (Parlyamento);
  3. na magkaroon ng mga namumunong paring Pilipino o magkaroon ng sekularisasyon;
  4. kalayaan sa pagtitipon-tipon at pamamahayag;
  5. pantay na karapatan sa harap ng batas, maging Pilipino man o Kastila.

Hindi matanggap ng mga maykapangyarihang opisyal ang mga pagbabagong iyon, sapagkat nangangahulugan ng pagkawala ng pangingibabaw ng Kastila. Kaya sa pagbabalik ni Rizal sa Maynila mula sa Espanya, pinaratangan siya ng paghahasik ng gulo dahil sa pagtatatag ng La Liga Filipina, nilitis at ipinatapon sa Lungsod ng Dapitan/Dapitan, Zamboanga del Norte/Zamboanga noong 1892. Doon, nagtayo siya ng isang paaralang pambata, at isang pagamutan. Bukod dito, nagsagawa rin siya ng isang pambayang sistema ng padaloy-tubig.

Mga sanggunian

Notes
  1. Ang nobela niyang Noli ay sa kauna-unahang nobela sa Asya na isinulat sa labas ng bansang Hapon at Tsina at isa sa mga unang nobelang laban sa rebelyong anti-kolonyal. Basahin ang: [1].
  2. Mahusay siya sa mga Kastila, Pranses, Latin, Griyego, Aleman, Portuges, Italyano, Ingles, Olandes at Hapon. Gumawa rin si Rizal ng mga pagsasalin mula sa wikang Arabe, Suwesya, Ruso, Tsino, Griyego, Ebre at Sanskrit. Sinalin niya ang tula ni Schiller sa Tagalog. Maliban dito may kaalaman din siya sa wikang Malay, Chavacano, Cebuano, Ilokano at Subanun.
  3. In his essay, "Reflections of a Filipino", (La Solidaridad, c.1888), he wrote: "Man is multiplied by the number of languages he possesses and speaks."
  4. Kasapi si Bonifacio ng La Liga Filipina. Matapos ang paghuli at pagpapatapon kay Rizal, nabuwag ang samahan at nahati ang pangkat sa dalawa; ang higit na radikal na pangkat ay nabuo bilang Katipunan, ang mga militante ng himagsikan.[6]
  5. Rizal's annotations of Morga's Sucesos de las islas Filipinas (1609), which he copied word for word from the British Museum and had published, called attention to an antiquated book, a testimony to the well-advanced civilization in the Philippines during pre-Spanish era. In his essay "The Indolence of the Filipino" Rizal stated that three centuries of Spanish rule did not do much for the advancement of his countryman; in fact there was a 'retrogression', and the Spanish colonialists have transformed him into a 'half-way brute.' The absence of moral stimulus, the lack of material inducement, the demoralization--'the indio should not be separated from his carabao', the endless wars, the lack of a national sentiment, the Chinese piracy—all these factors, according to Rizal, helped the colonial rulers succeed in placing the indio 'on a level with the beast'. (Read English translation by Charles Derbyshire at Project Gutenberg.)
Sanggunian
  1. José Rizal; José Rizal National Centennial Commission (1961). El filibusterismo (sa Kastila). Linkgua digital. pp. 9. ISBN 978-84-9953-093-2.
  2. "Selection and Proclamation of National Heroes and Laws Honoring Filipino Historical Figures" (PDF). Reference and Research Bureau Legislative Research Service, House of Congress. Nakuha noong 8 Setyembre 2009.
  3. Noli Me Tángere, isinalin ni Soledad Locsin (Manila: Ateneo de Manila, 1996) ISBN 971-569-188-9.
  4. Frank Laubach, Rizal: Man and Martyr (Manila: Community Publishers, 1936)
  5. Witmer, Christoper (2001-06-02). "Noli Me Tangere (Touch Me Not)". LewRockwell.com. Retrieved on 2012-09-29.
  6. [2]. Nakuha 10 Enero 2007.
  7. Trillana III, Dr. Pablo S. "2 historical events led to birth of modern RP". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 11 Hunyo 2007.
  8. José Rizal (2007). The Reign of Greed. Echo Library. pp. 231. ISBN 978-1-4068-3936-4.
  9. National Historical Institute "...added “Rizal” to the family surname..."Padron:Registration required
  10. National Historical Institute "...Francisco Engracio Mercado added “Rizal” to the family surname..."Padron:Registration required
  11. Rizal's rags-to-riches ancestor from South China. Nakuha 18 Pebrero 2007.
  12. Craig 1914, pg. 31.
  13. F. Zaide, Gregorio (1957). José Rizal: life, works, and writings. Villanueva. p. 5.

Ugnay panlabas

Padron:Link FA