Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Guro"

Jump to navigation Jump to search
2 byte removed ,  6 years ago
m
orthography, replaced: pangrelihiyon → panrelihiyon using AWB
m (orthography, replaced: pangrelihiyon → panrelihiyon using AWB)
Ang isang '''guro''' (mula sa [[Sanskrito|Sanskrito:]] ''गुरु'' [guru]) o '''titser''' ay isang tao na nagbibigay ng [[edukasyon]] para sa mga mag-aaral. Ang gampanin ng guro ay kadalasang pormal at umiiral, na isinasagawa sa isang [[paaralan]] o ibang lugar ng [[edukasyong pormal]]. Sa maraming mga bansa, ang isang tao na nais maging isang guro ay dapat na makakamit muna ng tinukoy na mga kuwalipikasyong pamprupesyon o mga kredensiyal magmula sa isang [[pamantasan]] o [[dalubhasaan]]. Ang mga kuwalipikasyong pamprupesyon ay maaaring magbilang ng pag-aaral ng [[pedagohiya]], ang agham ng pagtuturo. Ang mga guro, katulad ng iba pang mga prupesyunal, ay maaaring magpatuloy ng kanilang edukasyon pagkaraan makamit nila ang kuwalipikasyon, isang prosesong nakikilala bilang [[nagpapatuloy na kaunlarang pamprupesyon]]. Ang mga guro ay maaaring gumamit ng isang [[planong panleksiyon]] (planong pang-aralin) upang makapagbigay ng pagkatuto ng mga estudyante, na nakapagbibigay ng isang kurso ng pag-aaral na tinatawag na [[kurikulum]].
 
Ang gampanin ng isang guro ay maaaring magkaiba-iba sa mga kultura. Ang mga guro ay maaaring magturo ng [[edukasyong pangliterasya]] at [[numerasya]], [[kasanayan]] o [[kagalingan]] sa isang larangan o [[pagsasanay na bukasyunal]], [[sining]], [[relihiyon]], [[sibika]], mga gampaning pampamayanan, o kasanayang pampamumuhay. Ang isang guro na nagbibigay ng edukasyon para sa isang indibiduwal ay maaari ring ilarawan bilang isang personal o pansariling [[tutor]] (tagapagturo) o isang [[gobernesa]] o [[tagaiwi]] (hindi katumbas ng [[yaya]]).
 
Sa ilang mga bansa, ang pormal na edukasyon ay maaaring maganap sa pamamagitan ng [[pag-aaral sa tahanan]]. Ang [[pagkatutong impormal]] ay maaaring tulungan ng isang guro na mayroong isang gampaning pansamantala o umiiral, katulad ng isang kasapi ng mag-anak, o sa pamamagitan ng isang tao na may kaalaman o mayroong mga kasanayan sa loob ng mas malawak na tagpuang pampamayanan.
 
Ang mga [[gurong pampananampalataya]] o [[espirituwal]], katulad ng mga [[guru]], mga [[mullah]], mga [[rabbi]], mga [[pastor]] (pati na mga pastor na pangkabataan) at mga [[lama]], ay maaaring magturo ng mga [[tekstong pangrelihiyonpanrelihiyon]] na katulad ng [[Kuran]], [[Tora]] o [[Bibliya]].
 
==Tingnan din==
==Mga sanggunian==
{{Reflist}}
 
{{usbong|Tao|Edukasyon}}
 
[[Kategorya:Mga trabaho]]
 
 
{{usbongstub|Tao|Edukasyon}}

Menu ng paglilibot