Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Cesar Augusto"

Jump to navigation Jump to search
(Kinansela ang pagbabagong 1394872 ni 112.198.209.51 (Usapan))
Kasama sa ''autoridad tribunal'', ginawaran din si Augusto ng kapangyarihang ''imperium'' sa loob ng lungsod ng Roma. Ang sandatahang lakas ng lungsod na dati ay nasa ilalim na kontrol ng ''prefecto'' ay ngayon ay nasa pag-iisang kapangyarihan ni Augusto. Dagdag dito, ginawaran si Augusto ng ''imperium proconsulare maius'' (kapangyarihan sa lahat ng prokonsulado), ang karapatang makialam sa alinmang probinsiya at pabulaan ang mga desisyon ng sinumang gobernador. Sa kapangyarihang ''maius imperium'', si Augusto lamang ang taong makapaggagawad ng tagumpay sa isang matagumpay na heneral dahil sa lamang ang lider ng buong sandatahang lakas Romano.
Ang mga repormang ito ay kakaiba sa mata ng kaugalian ng republikang Romano dahil ang Senado ay hindi na binubuo ng mga aristokratikong republikano na may malakas na loob upang ipapatay ang Cesar. Marami sa mga senadorsenadorssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssss ay namatay noong Digmaang Sibil at ang mga puno ng mga konserbatibong Republikano sa senado tulad nina Cato at Cicero ay malaon nang patay. Pinatalsik na ni Octavio ang mga natitirang pinaghihinalaang elemento sa Senado. Kanya na ring inilagay ang kanyang mga aristokratang kinatawan dito. Hindi pa rin nalalaman kung gaano kalaya ang Senado sa mga transaksiyon nito at anong mga patagong pag-aayon ang nangyari.
Sa pagsubok napagsanggalang ang paligid ng imperyo sa mga ilog ng Danube at Elbe, iniutos ni Octavio na lusubin ang Illyria, Moesia, at Pannonia (timog ng Danube), at Germania (kanluran ng Elbe). Noong una, ang lahat ay ayon sa plano ngunit disastre ang sumunod. Ang mga tribo ng Illyrio ay nagsipag-alsa na kailangang lupigin. Ang tatlong sandatahang liga sa ilalim ni ''Publius Quinctilius Varus'' ay tinambangan at nilupig sa Labanan sa Kagubatan ng Teutoburgo noong 9 AD ng mga barbarong Aleman sa pamumuno ni Arminius. Maingat na binantayan ni Augusto ang buong teritoryo nito sa kanluran ng Rhine at nakuntento na lamang siyang gumanti sa pamamagitan ng panloloob. Ang ilog ng Rhine at Danube ang naging permanenteng hanggahan ng imperyong Romano sa timog.
 
Hindi nakikilalang mga tagagamit

Nav menu