Marxismo: Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Content deleted Content added
Namayan (usapan | ambag)
Namayan (usapan | ambag)
pinalawig ang pagsasalin mula Ingles
Linya 7: Linya 7:


Itinataguyod ng Marxismo ang materyalistang pag-unawa ng pag-unlad ng lipunan, simula sa gawaing pang-ekonomiya na kinakailangan ng sangkatauhan upang matugunan ang mga materyal nitong pangangailangan. Ang anyo ng kaayusang pang-ekonomiya o paraan ng produksiyon ay nauunawaang batayan kung saan nagmumula o direktang naiimpluwensiyahan ang karamihan ng iba pang panlipunang penomena, gaya ng ugnayang panlipunan, sistemang pulitikal at legal, moralidad at ideolohiya. Habang humuhusay ang mga puwersa ng produksiyon (lalo na ang teknolohiya), ang mga kasalukuyang anyo ng kaayusang panlipunan ay nagiging kabilagtaran naman at siyang pumipigil sa lalo pang pag-unlad. Lumalabas ang kawalang-husayang ito sa mga kontradiksiyon sa lipunan sa anyo ng tunggalian ng uri.<ref name="ComparingEconomic">''Comparing Economic Systems in the Twenty-First Century'', 2003, by Gregory and Stuart. P.62, ''Marx's Theory of Change''. ISBN 0-618-26181-8. {{en}}</ref>
Itinataguyod ng Marxismo ang materyalistang pag-unawa ng pag-unlad ng lipunan, simula sa gawaing pang-ekonomiya na kinakailangan ng sangkatauhan upang matugunan ang mga materyal nitong pangangailangan. Ang anyo ng kaayusang pang-ekonomiya o paraan ng produksiyon ay nauunawaang batayan kung saan nagmumula o direktang naiimpluwensiyahan ang karamihan ng iba pang panlipunang penomena, gaya ng ugnayang panlipunan, sistemang pulitikal at legal, moralidad at ideolohiya. Habang humuhusay ang mga puwersa ng produksiyon (lalo na ang teknolohiya), ang mga kasalukuyang anyo ng kaayusang panlipunan ay nagiging kabilagtaran naman at siyang pumipigil sa lalo pang pag-unlad. Lumalabas ang kawalang-husayang ito sa mga kontradiksiyon sa lipunan sa anyo ng tunggalian ng uri.<ref name="ComparingEconomic">''Comparing Economic Systems in the Twenty-First Century'', 2003, by Gregory and Stuart. P.62, ''Marx's Theory of Change''. ISBN 0-618-26181-8. {{en}}</ref>

Ayon sa Marxistang analisis, nagaganap ang tunggalian ng mga uri sa kapitalismo dahil sa paglala ng mga kontradiksiyon sa pagitan ng mekanisado at produktibong-produktibong paggawa ng [[proletariat]], at ng pribadong pag-aari at pribadong paglalaan ng labis na produkto sa anyo ng labis na halaga (kita) ng iilang pribadong nagmamay-ari na tinatawag na [[burgis]]. Habang nagiging kapansin-pansin ang kontradiksiyon sa proletariat, sumisidhi ang pagkabalisa sa pagitan ng dalawang antagonistang uri ng lipunan na humahantong sa isang rebolusyong panlipunan. Ang matagalang kahahantungan ng rebolusyong ito ay ang pagtatatag ng [[sosyalismo]] – isang sistemang sosyo-ekonomiko batay sa kooperatibang pag-aari ng paraan ng produksiyon, pamamahagi batay sa naging kontribusyon ng bawat-isa, at produksiyong tuwirang isinaayos upang gamitin. Sa paniniwala ni Karl Marx, habang patuloy na sumusulong ang puwersang produktibo at teknolohiya, magbibigay-daan ang sosyalismo sa isang yugto ng [[komunismo]] ng pagbabago ng lipunan. Ang komunismo ay magiging isang makataong lipunan na walang kaurian o estado at naninindigan sa panlahatang pagmamay-ari at sa prinsipyong "[[Mula sa bawat-isa ayon sa kaniyang kakayahan, para sa bawat-isa ayon sa kaniyang pangangailangan]]".


== Mga sanggunian ==
== Mga sanggunian ==

Pagbabago noong 01:21, 2 Setyembre 2014

Si Karl Marx.

Ang Marxismo ay isang pandaigdigang pananaw at pagsusuri ng lipunan na tumutuon sa ugnayan at hidwaan ng mga antas ng lipunan na gumagamit ng materyalistang interpretasyon ng takbo ng kasaysayan, at diyalektikong pananaw ng pagbabago ng lipunan. Gumagamit ng ekonomiko at sosyo-pulitikal na pag-uusisa ang metodolohiyang Marxista na siya namang ginagamit sa analisis at kritika ng pagyabong ng kapitalismo at ang ginagampanan ng tunggalian ng uri sa sistematikong pagbabagong pang-ekonomiya.

Pinukaw ng dalawang Alemang pilosopo—sina Karl Marx at Friedrich Engels—ang kaisipang Marxismo noong kalagitnaan hanggang huling-bahagi ng ika-19 na siglo. Ang mga analisis at metodolohiyang Marxista ay nakaimpluwensiya sa maraming ideolohiyang pulitikal sa kilusang panlipunan. Umiikot ang Marxismo sa isang teoryang pang-ekonomiya, sosyo-lohikal, metodong pilosopikal, at panghimagsikang pananaw ng pagbabago ng lipunan.[1]

Walang isang tiyak na teoryang Marxista. Ang Marxistang analisis ay ginagamit sa iba't-ibang paksa, nalilihis ang pag-unawa at nagbabago sa pagdaan ng panahon, na nagdudulot ng iba't-iba at minsa'y magkakasalungat na mga teoryang bumubungad na Marxismo.[2]

Itinataguyod ng Marxismo ang materyalistang pag-unawa ng pag-unlad ng lipunan, simula sa gawaing pang-ekonomiya na kinakailangan ng sangkatauhan upang matugunan ang mga materyal nitong pangangailangan. Ang anyo ng kaayusang pang-ekonomiya o paraan ng produksiyon ay nauunawaang batayan kung saan nagmumula o direktang naiimpluwensiyahan ang karamihan ng iba pang panlipunang penomena, gaya ng ugnayang panlipunan, sistemang pulitikal at legal, moralidad at ideolohiya. Habang humuhusay ang mga puwersa ng produksiyon (lalo na ang teknolohiya), ang mga kasalukuyang anyo ng kaayusang panlipunan ay nagiging kabilagtaran naman at siyang pumipigil sa lalo pang pag-unlad. Lumalabas ang kawalang-husayang ito sa mga kontradiksiyon sa lipunan sa anyo ng tunggalian ng uri.[3]

Ayon sa Marxistang analisis, nagaganap ang tunggalian ng mga uri sa kapitalismo dahil sa paglala ng mga kontradiksiyon sa pagitan ng mekanisado at produktibong-produktibong paggawa ng proletariat, at ng pribadong pag-aari at pribadong paglalaan ng labis na produkto sa anyo ng labis na halaga (kita) ng iilang pribadong nagmamay-ari na tinatawag na burgis. Habang nagiging kapansin-pansin ang kontradiksiyon sa proletariat, sumisidhi ang pagkabalisa sa pagitan ng dalawang antagonistang uri ng lipunan na humahantong sa isang rebolusyong panlipunan. Ang matagalang kahahantungan ng rebolusyong ito ay ang pagtatatag ng sosyalismo – isang sistemang sosyo-ekonomiko batay sa kooperatibang pag-aari ng paraan ng produksiyon, pamamahagi batay sa naging kontribusyon ng bawat-isa, at produksiyong tuwirang isinaayos upang gamitin. Sa paniniwala ni Karl Marx, habang patuloy na sumusulong ang puwersang produktibo at teknolohiya, magbibigay-daan ang sosyalismo sa isang yugto ng komunismo ng pagbabago ng lipunan. Ang komunismo ay magiging isang makataong lipunan na walang kaurian o estado at naninindigan sa panlahatang pagmamay-ari at sa prinsipyong "Mula sa bawat-isa ayon sa kaniyang kakayahan, para sa bawat-isa ayon sa kaniyang pangangailangan".

Mga sanggunian

  1. social science : Marxist influences – Britannica Online Encyclopedia. Padron:En
  2. Wolff and Resnick, Richard and Stephen (August 1987). Economics: Marxian versus Neoclassical. The Johns Hopkins University Press. p. 130. ISBN 0-8018-3480-5. Marxian theory (singular) gave way to Marxian theories (plural). Padron:En
  3. Comparing Economic Systems in the Twenty-First Century, 2003, by Gregory and Stuart. P.62, Marx's Theory of Change. ISBN 0-618-26181-8. Padron:En