23,028
edit
No edit summary |
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 112.200.74.96 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Faolin42) |
||
{{Dead end|date=Enero 2014}}
{{Orphan|date=Enero 2014}}
== Kabataan at Pag-aasawa ==
Si Crisanto Evangelista ay isnilang noong 1 Nobyembre 1888 sa maliit na nayon ng Malhacan, Meycauayan, Bulacan. Sina
Florencio Evangelista at Feliciana Abano ang kanyang mga magulang. May kapatid sa ina, si Mamerta Abano, na mas matanda kay Crisanto; at tanging kapatid na babae na sumunod sa kanya. Ang kanyang ama ay isang magsasaka sa asyenda; ang kanyang ina, isang maybahay, ay sinasabing nag-aangkin ng matalinong pag-iisip. Ang murang kabataan ni Crisanto ay nagdaan sa dalawang malalaking sigwang panlipunan sa kasaysayan ng Pilipinas: ang rebolusyong matagumpay laban sa mga Kastila at ang madugong Pilipino-Amerikano. Sa huling digmaang nabanggit, nagbuwis ng kulang-kulang sa 300,000 buhay ang mga Pilipino upang ipagtanggol ang Unang Republika at ang kanilang pambansang kasarinlan at karangalan.
Lumaki at nagkaisip si Crisanto sa isang bayang kolonyal, na unti-unting nilalagom ng kapangyarihan ng imperyalismong Amerikano na katulong ang mga komprador, asendero at mga katutubong politiko sa paghuthot at pang-aapi sa sambayanang Pilipino. Bunga ng kahirapan at pagdarahop, tulak ng kanilang pagnanais na magkaroon ng kalayaan at mas mabuting pamumuhay, at inspirado ng dakilang tradisyong rebolusyonaryo sa maluwalhating pambansang kasaysayan ang pananakop ng ito ng imperyalistang Amerikano ay di kailanman lubos na pinatahimik ng patuloy na protesta ng taumbayang naghihirap. Ang mga pangmasang demonstrasyon at mga petisyon, at ang mga puta-putakting pag-aalsang armado ng mga Kolorum nuong 1923–1924, ng mahihirap sa Kabisayaan nuong 1927, ng mga magsasaka sa Tayug at ng Tanggulan nuong 1931, at ng Sakdal nuong 1935 halimbawa ay sumabog na patuloy sa ilalim ng rehimeng kolonyal. Ang mga puwersa ng pagbabago mula't sapul ay tila masamang panaginip na ayaw patulugin ang imperyalismo at mga katutubong galamay nito.
mga kahirapan at suliraning ipinapataw ng imperyalismong Amerikano at ng mga asendero sa naghihirap na masang Pilipino at pinagsumikapan niyang mabigyang anyo ito sa sanaysay at tulain. Noong 1913, sa isang programa ng pagdiriwang sa ikalawang taong kapisanang Damayang Mahihirap, binigkas ni Crisanto ang kanyang 16 na estropang tula na pinamagatang "Ang Sigaw ng Dukha". Ito ay isang kritikong tula na nagbubuga ng apoy at kamandag. Narito ang ilang mahahalagang mga talata:
* * * * *
sa ating mahirap, niyang pinagpala ng masamang mana.
* * * * *
Maniwala kayong kung sa pasimula tayo'y nagpipisan
bumuo tinatag
Nagbango't
maniwala kayong kahapon ma't nagyon, bukas at kailan man
* * * * *
imbing pagkadusta at pagka-alipin ng lubos na lubos
* * * * *
anilang kung kaya niyari, kung kaya nalagda ay sa kagalingan
ng bayang mahirap at nagdaralita hindi baga ito katutubong
hangad sa buktot na gawa? Kapag paggugugol, pantay pantay
* * * * *
Sa Pamahalaan, sa Mamumuhunan, at sa lagdang batas ngunit
masdan ninyo kapag dumarating ang pagpapahayag ng di
kalaban, ang sumasansala, ng ganap na ganap.
* * * * *
tayo'y inaapi ng mamumuhunan sa gawa ng pilak
* * * * *
Walang lingong-likod, kusa mong tunguhin ng taas ang ulo
* * * * *
gagawa ng lalong matapat sa lahat ng ikasusulong
hindi magtatamad
nanatay
* * * * *
makikita mo nang unti-unti namang ang lahat ng sakim,
Habang patuloy ang
Mayaman ang pagtatalakayang naganap sa nabanggit na kapulungan at sa ika-apat na araw ay napagpasiyahan nila ang salalayang mga simulain ng KMP (COF). Ilan sa mahahalagang mga resolusyon ang mga sumusunod:
Ang kanyang tinungkol ay ang pakikipagkita sa mga manggagawang Pilipino at mga lider-manggagawang Amerikano upang makuha ang kanilang pagsuportang materyal at moral para sa mga layunin ng Misyon. Gayunman, nang sila ay nasa Washington napansin ni Crisanto na marami sa mga miyembro ng Misyon ay nagsisispaglimayon lamang at walang taros sa paggasta sa salapi ng bayan. Nang malaman ng isang opisyal ito ay nagalit at sa poot ay nagsabing: "Punyeta itong lakad nating ito. Si Anto at si Abad Santos lamang ang nangangampanya para marinig ng mga Amerikano ang nais nating kalayaan!"
Dahil sa nakita niyang kawalang malasakit at parang wala sa loob na inaasal ng ilang miyembro ng Misyon, na sa kanyang tingin ay ipinalalagay ng mga ito na ang kanilang pagpunta roon ay isang junket sa halip na pambansang pananagutan, si Crisanto ay walang pagod na pinaglalapitan ang mga unyon, grupo at klub ng mga manggagawa. Ipinaliwanag niya sa kanila ang kalayaan ng Pilipinas, at ang pangangailangan ng mga mamamayan ng kasarinlan. Kaya nagkaroon siya ng pagkakataong makipagpulong sa mga unyong manggagawa at makipagpalitang kuro-kuro sa mga lider manggagawang Amerikano tulad nina Samuel Goompers, William Green, Morrison at iba pa. Marami siyang nakumbinsi para suportahan ang pakikibaka ukol sa kasarinlan. Bunga nito, ang mga unyong manggagawa ay nagpasa ng mga resolusyong pumapabor sa nasabing kilusan na ipinadala nila sa Kongreso ng Estados Unidos.
Ito ay isang malaking tulong sa Misyon at karangalan para sa uring manggagawa ng Pilipinas. Sa kabilang dako ay natuto rin sa Crisanto sa kilusang manggagawa roon ng kanilang mga ideya at karanasan sa mga gawain ng unyong manggagawa laluna ng mga grupong progresibo, ang mas malalim na pagkaunawa sa Marxismo, ang tungkol sa himagsikang Sosyalista ng Oktubre at mga tagumpay nito, atbp.
|