Jump to content

Sinag gamma: Pagkakaiba sa mga binago

m
clean up, rm {{Link FA}}, {{Link GA}} using AWB
m (Bot: Migrating 70 interwiki links, now provided by Wikidata on d:q11523 (translate me))
m (clean up, rm {{Link FA}}, {{Link GA}} using AWB)
Ang mga '''silahis gamma''', tinatawag ding '''sinag gamma''', '''aninag gamma''', '''banaag gamma''', '''liwayway gamma''', '''alinagnag gamma''', '''bakas-rayang gamma''', o '''rayos gamma''' (Ingles: ''gamma ray'' o γ-ray) ay mga alon o daluyong na elektromagnetiko na may pinakamaliit na [[liboyhaba]] sa [[ispektrong elektromagnetiko]].<ref>Ang ispektrum na elektromagnetiko ay binubuo ng maraming mga tipo ng alon na katulad ng liwanag, ngunit hindi makikitang lahat ng mata ng tao.</ref> Natuklasan ito ni [[Paul Villard]] noong 1900, at pinangalanan ni [[Ernest Rutherford]] noong 1903.
 
Ang mga ''rayong gamma'' ay nagagawa ng ilang mga uri ng mga [[atomo]]ng radyoaktibo. Katulad ang mga ito ng mga [[rayos ekis]]. Kapwa mga [[poton]] ang rayos gamma at mga rayos ekis na may napakataas na mga enerhiya. Ang rayong gamma ay isa ring uri ng [[radyasyon]]. Nakapaglalakbay ang sinag gamma papasok sa makakapal na mga materyal.
 
Ang kobalt-60 at potasyo-40 ay dalawang mga [[isotopo]]ng naglalabas ng sinag gamma. Nalilikha ang kobalt-60 sa loob ng mga akselerador at ginagamit sa mga ospital. Likas ang pagkakaroon ng potasyo-40. Nasa lahat ng mga halaman at mga hayop ang maliliit na mga dami ng potasyo-40. Bawat isang mga sinag gamma mula sa potasyo-40 ay may enerhiyang 1460 libong [[boltaheng elektron]] (keV).
 
Ang mga sinag gamma at rayos ekis ay pangkasalukuyang napagkakaiba sa pamamagitan ng kanilang pinanggalingan: ang mga rayos eksi ay binubuga ng mga [[elektron]] sa labas ng [[nukleo (pisika)|nukleo]], habang ang mga sinag gamma ay ibinubuga ng nukleo.<ref>Feynman, Richard; Robert Leighton, Matthew Sands 1963. ''The Feynman Lectures on Physics'', vol 1. USA: Addison-Wesley. pp2–5 ISBN 0201021161.</ref>
 
== Sinag gamma sa medisina ==
 
[[Kategorya:Pisikang nuklear]]
{{Link GA|de}}