Sikolohiyang Pilipino: Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Content deleted Content added
m →‎Talasanggunian: re-categorisation using AWB
Linya 30: Linya 30:
[[Kategorya:Kultura ng Pilipinas]]
[[Kategorya:Kultura ng Pilipinas]]
[[Kategorya:Sikolohiya]]
[[Kategorya:Sikolohiya]]
+65+2326
8945985498498143621988851321132321321654546

Pagbabago noong 11:31, 14 Hunyo 2015

Noong dekada 60’s pa lamang ay tinuturo na ang Sikolohiya sa mga paaralan na may bahid ng mga Kanluranin. Sinabi ni Dr. Rogelia Pe-Pua na kahit na ang mga illustrados na pinagpalang mag-aral ng sikolohiya noong nasa ilalim pa ng mga Kastila gaya n gating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal at Apolinario Mabini, ay nagpahayag ng pagkadismaya sa paraan ng pagkakaturo nito. Nakita noon ng chairman noon ng Departamento ng Sikolohiya na si Dr. Virgilio Enriquez na may kailangang baguhin para mas madaling maunawaan ito ng mga Pilipino. Ang depenisyon ni Dr. Virgilio Enriquez ay, “the study of diwa (‘psyche’), which in Filipino directly refers to the wealth of ideas referred to by the philosophical concept of ‘essence’ and an entire range of psychological concepts from awareness to motives to behaviour.” Sumakatuwid, ang SP ay isang sikolohiya na base sa kultura, pananaw, at karanasan ng mga Pilipino.

Maraming sikolohista ang nagpahayag ng mga hinaing sa pagtuturo ng sikolohiya gamit ang paraan ng mga taga-Kanluran. Sabi nila’y may mga konseptong Pilipinong hindi nasasakop sa ganitong klaseng pagtuturo. Sinikap ni Dr. Enriquez na isalin sa Filipino ang ilang mga terminong ginagamit sa sikolohiya, tulad ng behaviour (diwa), awareness (ulirat), soul (kaluluwa). Nasasakop rin ng SP ang mga values ng mga Pilipino. Ang ilan sa mga nito ay ang pakikisama, pakikipagkapwa, at pakikiramdam.

Ang indirektang komunikasyon ng mga Pilipino ay isang mahalagang parte ng kanilang personalidad. Ayon kay Enriquez, ang ating kakayahan mabasa o mapansin ang mga di-sinasalitang mga hudyat tulad ng kilos ng ating katawan. Binibigyang importansiya ng mga Pilipino kung anong nararamdaman ng kaniyang kapwa, kung kaya ang Pilipino ay madaling makiramdam. Hindi mapakali o mabigat sa kalooban ng Pilipino kung mayroong itinatagong hinaing sa sarili o sa kapwa. Ayaw ng Pilipino ang ganitong pakiramdam sa kanilang persepsiyong pakikiisa. Upang maiwasan ang anumang away (sa sarili o sa ibang tao), maingat ang mga Pilipino sa kanilang mga binibitawang salita kung kaya nabuo ang konseptong indirektang pakikipag-usap.

Ibang-iba ito sa mga taga-Kanluran kung saan sila ay direktang ipinapahiwatig ang kanilang mga ideya’t saloobin, na kadalasa’y mali ang dating sa mga Pilipino. Madalas na ang dating ay pambabastos. Halos lagi ay nakararanas ang Pilipino ng indirektang komunikasyon, at hindi mahirap sa kanilang i-decode ang mga ito.

Tingnan din

Talasanggunian

  • Enriquez, V.G (1978). Kapwa: A core concept in Filipino social psychology. Philippine Social

Sciences and Humanities Review, 42 (1-4).

  • Enriquez, V.G. (1976). Sikolohiyang Pilipino: Perspektibo at direksiyon (Filipino psychology: perspective and direction). In L.F Antonio, E.S. Reyes, R.E. Pe and N.R. Almonte (Eds.), Ulat ng Unang Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino (Proceedings of the First National Conference on Filipino Psychology) (pp. 221–243). Quezon City: Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino.
  • Enriquez, V.G. (1985). The development of psychological thought in the Philippines. In A. Aganon and M. David (Eds.), Sikolohiyang Pilipino: Isyu, Pananaw at Kaalaman (New Directions in Indigenous Psychology) (pp. 1149–176). Manila: National Book Store.
  • Enriquez, V.G. (1994). Pagbabangong-dangal: Psychology and Cultural Empowerment. Quezon City: Akademya ng Kultura at Sikolohiyang Pilipino.
  • Mataragnon, R. (1987). Pakikiramdam in Filipino social interaction. In Foundations of Behavioral Sciences: A Book of Readings. Quezon City: University of the Philippines.
  • Pe-Pua, R., & Protacio-Marcelino, E. (2000). Sikolohiyang Pilipino (Filipino psychology): A legacy of Virgilio G. Enriquez. Asian Journal of Social Psychology, 3(1), Retrieved from Psychology and Behavioral Sciences Collection database.

+65+2326 8945985498498143621988851321132321321654546