Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Pag-aasawa"

Jump to navigation Jump to search
m
Ibinalik ang mga pagbabago ni 112.210.89.48 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Maskbot
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 112.210.89.48 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Maskbot)
Ang '''kasal''' ay isang [[pakikipag-ugnayan sa ibang tao|pakikipag-ugnayan]] at sa pagitan ng mga indibiduwal. Ang kasal ay maaaring tumukoy sa sibil na kasal o relihiyosong kasal.
==Sibil na pagpapakasal==
Ang sibil na pagpapakasal ay kasal na pinapahintulutan ng gobyerno ng isang bansa. Kaakibat ng sibil na kasal ay pagkakaroon ng mga legal na kasunduan, benepisyo at legal na proteksiyon sa mga ikinasal. Bawat bansa ay may kanya-kanyang mga batas sa sibil na pagpapakasal. Ang sibil na pagkakasal ay maaaring gawin ng isang huwes o isang politiko gaya ng mayor at iba pa. Ang opisyal na dokumentong nagpapatunay na sibil ng ikinasal ang mag-asawa ay tinatawag na "sertipiko ng kasal" o katibayan ng kasal. At ito ang karamihang ginagawa.
 
==Relihiyosong pagpapakasal==
Ang relihiyosong pagpapakasal ay kasunduan ayon sa relihiyon ng nagpapakasal. Ang relihiyosong pagpakasal ay ginagawa pagkatapos, bago o kasabay ng sibil na pagpakasal(civil marriage). Ang bawat relihiyon ay may kanya kanya paniniwala sa kasal at may iba iba ring kinakagawian sa pagsasagawa sa [[kasal (seremonya)|seremonya]] ng kasal. Sa katoliko ang mga ritwal ng katolikong pagkakasal(catholic wedding) ay ginagawa ng isang [[pari]]. Sa Hudaismo ay ginagawa ng [[rabbi]]. Sa [[Wicca]] ay ginagawa ng paring [[Wiccano]].
===Poligamiya sa [[Bibliya]]===
Ang [[Torah]] ay may mga ilang regulasyon sa paglahok sa isang [[poligamiya|poligamiyang kasal]] o pagsasama. Kabilang sa mga karakter sa Lumang Tipan na mayroon maraming asawa si [[Abraham]](ama ng Hudaismo), [[Jacob]], [[David]], [[Solomon]] (na may 700 asawa, mga prinsesa, at 300 kabit), [[Lamech]], [[Esau]], [[Gideon]], [[Saul]], [[Rehoboam]], [[Elkanah]], [[Ashur]], [[Abijah]] and [[Jehoiada]]. Ayon sa Exodo 21:10, ang pagpapakasal sa maraming asawa ay hindi dapat magpabawas sa karapatan ng unang asawa gaya ng karapatan sa pagkain, pananamit, at mga ugnayan ng mag-asawa. Ayon sa Deuteronomyo 21:15–17, ang isang lalake ay dapat magbigay ng pamana sa unang anak na lalake kahit kinapopootan ng lalake ang ina ng batang ito at mas mahal niya ang ibang mga asawa.<ref>[http://www.mechon-mamre.org/p/pt/pt0521.htm#15 Deuteronomy 21:15–17] from mechon-mamre.org</ref> Ayon sa Deuteronomyo 17:17, ang isang hari, ay hindi dapat magkaroon ng sobrang daming asawa.<ref>[http://www.chabad.org/library/article.asp?AID=9981&showrashi=true Judaica Press Complete Tanach, Devarim - Kabanata 17] mula sa [[Chabad.org]]</ref> Ang pag-aasal ng hari ay kinondena ni propeta Samuel(1Samuel 8). Ang [[Exodo]] 21:10 ay nagpapatungkol sa mga "kabit" (''concubine'') na Hudyo.
 
===Poligamiya sa Islam===

Menu ng paglilibot