Jump to content

Mehiko: Pagkakaiba sa mga binago

308 byte removed ,  7 year ago
Nagdagdag ng mga tala
(Nagdagdag ng mga tala)
(Nagdagdag ng mga tala)
Nagsimula ang pagdating ng mga unang tao sa Mehiko mahigit 30,000 taon na ang nakararaan. Makalipas ang ilang libong taon ng pag-unlad ng mga kalinangan, umusbong sa mga lupain ng bansa ang mga kulturang Mesoamerikano, Aridoamerikano at Oasisamerikano. Matapos ang halos 300 taon ng pananaig ng mga Kastila, sinimulan ng mga Mehikano ang maghimagsik upang makamit ang kasarinlang pampulitika noong 1810. Makalipas naman ng halos isang dantaon, naharap ang bansa sa serye ng mga digmaang panloob at pagsalakay ng mga banyaga na kumitil sa buhay ng mga Mehikano. Noong ika-20 dantaon naman (partikular noong unang gitnang bahagi), nagsimulang maranasan ng bansa ang pag-unlad pang-ekonomiya sa pagkakaroon ng pulitikang pinananaigan ng nag-iisang partidong pulitikal.
 
Ang Mehiko ang isa sa may pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo: ito ay ika-10 pinakamalaking tagalikha ng langis sa buong mundo, ang pinakamalaking tagamina ng pilak sa buong mundo, at itinuturing na makapangyarihan sa rehiyon at isa sa mga nakaaangat na bansa. Dagdag dito, ang Mehiko ang unang kasapi mula sa Latin Amerika ng Organisasyon para sa Pagtutulungang Pang-ekonomiya at Pag-unlad (''[[Organisation for Economic Co-operation and Development]]'' o OECD) mula pa noong 1994, at itinuturing na bansang kumikita ng higit sa katamtaman ayon sa [[Bangkong Pandaigdigan]] (''World Bank''). Itinuturing din ang Mehiko bilang isang bagong industriyalisadong bansa (''newly industrialized country'') at isang umaangat na lakas (''emerging power''). Taglay nito ang ika-labinlimang pinakamalaking nominal na GDP at ikasampung pinakamalaking GDP batay sa [[kapantayan ng lakas ng pagbili]] (''purchasing power parity''). Ang ekonomiya ng Mehiko ay matatag na nakaugnay sa mga bansang kabilang sa Kasunduan sa Malayang Kalakalan sa Hilagang Amerika (''[[North American Free Trade Agreement]]'' o NAFTA), partikular na ang [[Estados Unidos]]. Nakatalá ang Mehiko bilang ikaanim sa mundo at una sa buong Amerika pagdating sa bilang ng mga [[Pandaigdigang Pamanang Pook]] ng [[UNESCO]] (''UNESCO World Heritage Site'') na 32, at noong 2010 ay ang ikasampung pinakabinibisitang bansa sa daigdig na may 22.5 milyong turista bawat taon. Ayon sa Goldman Sachs, sa taóng 2050 inaasahang ang Mehiko ay magiging ikalimang may pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo. Tinaya naman noong Enero 2013 ng [[PricewaterhouseCoopers]] (PwC) na pagdating ng 2050, maaaring maging ikapitong may pinakamalaking ekonomiya ang bansa. Kasapi ang Mehiko sa mga kilalang institusyon gaya ng [[UN]], [[WTO]], [[G20]] at ''[[Uniting for Consensus]]''.
 
Mexico is considered a newly industrialized country<sup>[20][21][22][23]</sup> and an emerging power.<sup>[24]</sup> It has the fifteenth largest nominal GDP and the tenth largest GDP by purchasing power parity. The economy of Mexico is strongly linked to those of its North American Free Trade Agreement (NAFTA) partners, especially the United States.<sup>[25][26]</sup> Mexico ranks sixth in the world and first in the Americas by number of UNESCO World Heritage Sites with 32,<sup>[27][28][29]</sup> and in 2010 was the tenth most visited country in the world with 22.5 million international arrivals per year.<sup>[30]</sup> According to Goldman Sachs, by 2050 Mexico is expected to become the world's fifth largest economy.<sup>[31]</sup> PricewaterhouseCoopers (PwC) estimated in January 2013 that by 2050 Mexico could be the world's seventh largest economy.<sup>[32]</sup> Mexico has membership in prominent institutions such as the UN, the WTO, the G20 and the Uniting for Consensus.
 
== Etimolohiya ==
623

edit