Mehiko: Pagkakaiba sa mga binago

Jump to navigation Jump to search
3,196 bytes added ,  7 year ago
Nagdagdag ng mga tala
(Nagdagdag ng mga tala)
(Nagdagdag ng mga tala)
==== Panghukuman ====
[[Panghukuman]]: Ang Kataastaasang Hukuman ng Katarungan, na binubuo ng labing isang hukom na itinalaga ng Pangulo na pinagtibay ng Senado, ay ang nagpapaliwanag ng mga batas at naghahatol sa mga kasong pampederal. Ang iba pang institusyon ng hudikatura ay ang hukumang elektoral, hukumang pang-unibersidad, unitaryo at mga hukumang pandistrito, at ang Lupon ng mga Hukumang Pederal.<ref>{{cite web|title=Articles 90 to 107|work=Political Constitution of the United Mexican States|publisher=Congress of the Union of the United Mexican States|url=http://constitucion.gob.mx/index.php?idseccion=12|accessdate=2007-10-03}}</ref>
 
== Ekonomiya ==
 
=== Turismo ===
Pangkaraniwan na ang Mehiko ay isa sa mga pinakamalimit bisitahing bansa sa buong mundo, ayon sa Organisasyon ng Pandaigdigang Turismo, at isa sa mga pinakamadalas dalawing bansa sa Amerika, sunod lamang sa Estados Unidos. Ang kapansin-pansing mga atraksiyon dito ay ang mga labì ng mga Meso-Amerikano, ang mga kultural na pagdiriwang, mga lungsod-kolonyal, mga likha ng kalikasan at mga dalampasigan. Ang katamtamang klima ng bansa at ang kakaibang kultura nito – isang pagsasanib ng kulturang Europeo at Meso-Amerikano – ang sanhi upang maging kaakit-akit na destinasyon ang Mehiko. Ang panahon kung saan may pinakamataas silang bilang ng mga turista ay tuwing Disyembre at kalagitnaan ng tag-init, at manaka-naka rin tuwing linggo bago ang [[Pasko ng Pagkabuhay]] at Bakasyon sa Tagsibol (''Spring Break''), kung saan ang mga dalampasigang bakasyunan (''beach resort'') ay nagiging popular na puntahan ng mga mag-aaral sa kolehiyo mula sa Estados Unidos.
 
Taglay ng Mehiko ang ika-23 pinakamataas na kita mula sa turismo sa buong mundo, at pinakamataas sa buong Latin Amerika. Ang malaking bahagi ng mga turista ay mula sa Estados Unidos at Canada, na sinundan ng mga taga-Europa at Asya. May maliit na bilang ding mula sa iba pang mga bansa sa Latin Amerika. Sa ulat noong 2011 sa ''Travel and Tourism Competitiveness Index'', nakaluklok ang Mehiko bilang ika-43 sa buong mundo, na ikaapat naman sa buong Amerika.
 
Ang baybayin ng Mehiko ay tahanan ng napakahahabang mga dalampasigan, na madalas bisitahin ng mga mahilig magbilad sa araw at iba pang mga bisita. Sa tangway ng Yucatán, isa sa mga pinakasikat na puntahang dalampasigan ay ang bakasyunang-bayan ng [[Cancún]], lalo na sa mga mag-aaral ng pamantasan tuwing bakasyon ng tagsibol. Sa di-kalayuang pampang nito ay ang dalampasigang isla ng Isla Mujeres, at sa silangan nito ay ang Isla Holbox. Sa timog ng Cancún ay ang pirasong baybayin (''coastal strip'') nitong tinatawag na Riviera Maya, na kinabibilangan ng dalampasigang bayan ng Playa del Carmen at ang mga parkeng makakalikasan (''ecological park'') tulad ng Xcaret at Xel-Há. Ang isang araw lang na biyahe patungong timog ay ang makasaysayang pantalan ng Tulum. Dagdag sa mga dalampasigan nito, ang bayan ng Tulum ay bantog sa matarik na dalisdis ng mga labìng Maya.
 
Sa baybaying Pasipiko naman ay ang tanyag ng puntahan ng mga turista na [[Acapulco]]. Minsang naging puntahan ng mga mayayaman at kilala, ang mga dalampasigan nito ngayo'y napupunô na ng mga tao at ang mga baybayin nito'y tahanan na ng maraming nagtatayugang hotel at mga manininda. Ang Acapulco ay tahanan din ng mga kilalang tumatalon sa talampas: mga sinanay na tumatalon mula sa gilid ng isang mataas na talampas paibaba.
 
Sa dulong katimugan ng talampas ng [[Baja California]] ay ang bakasyunang-bayan ng Cabo San Lucas, isang bayang kilala sa mga dalampasigan at pangingisda ng mga marlin. Sa hilagang bahagi sa may Dagat ng Cortés ay ang Bahía de La Concepción, isa pang bayang dalampasigang kilala sa palakasan sa pangingisda (''sports fishing''). Malapit naman sa hangganan ng Estados Unidos ay ang ''weekend draw'' ng San Felipe, Baja California.
 
== Demograpiya ==
623

edit

Nav menu