Jump to content

Magnetismo: Pagkakaiba sa mga binago

walang buod ng pagbabago
No edit summary
No edit summary
Ang '''magnetismo''' ay isang [[puwersa ]]ng atraksiyon (o pagtataboy) ng mga bagay sa isa't isa na dahil sa paggalaw ng kani-kaniyang mga [[kargang elektriko]].<ref>http://www.factmonster.com/ce6/sci/A0831162.html</ref> Madaming [[alamat]] sa kung papaano nakilala ang magnetismo ngunit pinakasikat na marahil ay ang kuwento ng pastol na si Magnes. Ayon sa alamat, hinukay ng pastol na si Magnes ang lupa kung saan nadikit ang mga pako sa kanyang [[sapatos]]. Sa kanyang paghuhukay ay nakakita siya ng mga ''loadstone'' na kalaunan ay tinawag na ''magnetite''.<ref>Lucretius Carus, De Rerum Natura, 1st century b.c. References are to vv. 906 ff., in the translation by Th. Creech, London, 1714. Pliny, quoted in W. Gilbert, De Magnete, trans., Gilbert Club, London, 1900, rev. ed., Basic Books, New York, 1958, p. 8 (sa Ingles)</ref> Gayunpaman, ang mga sinaunang kasulatan ng mga [[Tsino]] ay nagpakita ng ebidensiya ng kanilang kaalaman tungkol sa mga ''magnet'' o [[bato-balani]]. Ang mga dokumentong ito ay mag-uurong sa pinagmulan ng kaalaman sa bato-balani patungo sa 4000 B.C.<ref>“Magnetic Materials in China,” presented in Poland at the 3rd International Conference on Physics of Magnetic Materials, (9–14 Sept. 1986), W. Gorzkowski, H. Lachowicz and H. Szymczak, eds., World Scientific, 1987. (sa Ingles)</ref>
 
Ang bawat bato-balani ay may dalawang dulo o ''pole'' - ang hilagang dulo at ang timog na dulo. Dahil dito kung kaya't mayroong tinatawag na magnetikong ''dipole''. Kahit durugin ang isang bato-balani o hatiin sa maliliit na bahagi, ang bawat isang bahagi, ano man ang posisyon nito sa orihinal na bato-balani ay magkakaroon ng hilaga at timog na dulo. Ang mga dulong ito, tulad ng mga kargang elektriko ay nakakaakit ng mga dulong kaiba sa kanila habang nagtataboy naman ng mga dulong kapareho nila.