Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Apostol Pablo"

Jump to navigation Jump to search
walang buod ng pagbabago
Tatak: Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile web
Sinimulan ni Pablo ang kanyang ikatlong paglalakbay ng pangangaral sa pamamagitan ng paglalakabay sa buong rehiyon ng Galacia at Phrygia upang palaksin, turuan at sawayin ang mga mananamplataya. Pagkatapos ay tumungo siya sa Efeso at nanatili roon sa halos tatlong taon. Siya ay isinalaysay na nagsagawa ng mga [[milagro]], [[faith healing|nagpagaling ng mga tao]] at [[eksorsismo|nagpalayas ng mga demonyo]].<ref>"Paul, St." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005</ref> Nilisan niya ang Efeso pagkatapos ng isang pag-atake mula sa isang platero na humantong sa isang kaguluhang pabor kay [[Artemis]] na kinasasangkutan ng buong siyudad.<ref name="ODCC self">"Paul, St" Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005</ref> Sa kanyang pananatili sa Efeso, siya ay sumulat ng apat na mga liham sa Corinto<ref name="McRay 2007 54">{{cite book|last=McRay|first=John|title=Paul His Life and Teaching|year=2007|publisher=Baker Academic|location=Grand Rapids, MI|isbn=10: 0-8010-3239-3 (pbk.)|pages=54}}</ref> na ang dalawa ay nawawala. Ang mga ito 1) isang liham na tinukoy sa {{bibleverse|1|Corinto|5:9}}, 2) [[1 Corinto]], 3) liham na tinukoy sa {{bibleverse|2|Corinto|2:3-4}} at 4) [[2 Corinto]].
 
Si Pablo ay dumaan sa Macedonia tungo sa Achaea at nagpatuloy sa Syria ngunit binago ang kanyang mga plano at naglakbay pabalik sa Macedonia dahil ang mga Hudyo ay nagbalak ng masama sa kanya. Sa panahong ito, pinagpapalagay na malamang dumalaw si Pablo sa Corinto sa loob ng tatlong buwan.<ref name="ODCC self"/> Kanya ring dinalaw ang [[Illyricum (Roman province)|Illyricum]]. Dinalaw ni Pablo at kanyang mga kasama ang ibang mga siyudad sa kanilang paglalakbay pabalik sa Herusalem gaya ng Philippi, Troas, Miletus, [[Rhodes]], at [[Tyre, Lebanon|Tyre]]. Tinapos ni Pablo ang kanyang paglalakbay sa iasngisang paghinto sa [[Caesarea]] kung saan siya at kanyang mga kasama ay nanatili kay Felipe ang Ebanghelista bago dumating sa Herusalem.<ref>[http://www.biblestudy.org/maps/pauls-third-journey-map.html Biblestudy.org]</ref> Pagkatapos niyang dumating sa Herusalem sa wakas ng kanyang ikatlong paglalakbay ng pangangaral, siya ay nasangkot sa isang malalang pakikipag-alitan sa ilang mga Hudyong Asyano (malamang na [[Romanong Asya]]). Ang alitang ito ay kalaunang humantong sa kanyang pagkadakip at pagkabilanggo sa Caesarea sa loob ng tinatayang isang taon at kalahati. Sa huli, sina Pablo at ang kanyang mga kasama ay naglayag sa Roma kung saan si Pablo ay nilitis para sa kanyang inaakusang mga krimen. Ayon sa ''[[Mga Gawa]]'', si Pablo ay nangaral sa Roma sa loob ng dalawang taon mula sa kanyang inuupahang tahanan habang hinihintay ang kanyang paglilitis. Hindi isinaad sa Bagong Tipan kung anong nangyari pagkatapos ng panahong ito ngunit ang ilang mga kalaunang sanggunian ay nag-aangkin na si Pablo ay pinalaya ni Emperador [[Nero]] at nagpatuloy na mangaral sa Roma. Posible ring naglakbay si Pablo sa ibang mga bansa gaya ng [[Espanya]] (batay sa {{bibleverse||Roma|15:23-28}}) at Britanya. Ayon kina [[Crisostomo]],<ref>[[s:Nicene and Post-Nicene Fathers: Series I/Volume XIII/On Timothy, Titus, and Philemon/On 2 Timothy/2 Timothy 4:9-13|Chrysostom on 2 Tim.4:20]] (Nicene and Post-Nicene Fathers, Series I Volume XIII)</ref> [[Cirilo]]<ref>[[s:Nicene and Post-Nicene Fathers: Series II/Volume VII/S. Cyril/Lecture 17|Cyril on Paul and gifts of the Holy Ghost]] (Nicene and Post-Nicene Fathers, Series II Volume VII, Lecture 17, para.26)</ref> at [[Pragmentong Muratorian]], si Pablo ay naglakbay sa Espanya. Ang kapitulo 29&nbsp;ng Mga Gawa ng Sonnini Manuscript ngunit hindi kasama sa kanon ng Bagong Tipan ay nagdedetalye ng paglalakbay ni Pablo sa Britanya kung saan ay nangaral siya sa isang lipi ng mga Israelita sa Bundok Ludgate sa lugar ngayon ng [[Katedral ni San Pablo]].
 
===Konseho ng Herusalem===

Menu ng paglilibot