Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Fernando de Magallanes"

Jump to navigation Jump to search
m
walang buod ng pagbabago
m (→‎Talababa: clean up, rm {{Link FA}}, {{Link GA}} using AWB)
m
 
Noong Agosto 10, 1519, ang limang mga barko sa ilalim ng pamumuno ni Magallanes na Trinidad, San Antonio, Concepción, Victoria at Santiago ay lumisan sa [[Sevilla]], Espanya at tumungo sa Ilog Guadalquivir patungong [[Sanlúcar de Barrameda]] sa bukanan ng ilog. Doon ay nanatili sila ng higit sa 5 linggo. Sila ay naglayag noong Setyembre 20. Nag-utos si Haring [[Manuel I]] ng hukbong pandagat ng Portugal na habulin si Magallanes ngunit sila ay iniwasan ni Magallanes. Pagkatapos huminto sa [[Kapuluang Canarias]], si Magallanes ay dumating sa [[Cape Verde]] kung saan ay nagtakda ng kurso para sa [[Cape St. Augustine]] sa Brazil. Noong Nobyembre 28, ang ekspedisyon ay tumawid sa [[ekwador]]. Noong Disyembre 6, natanaw ng mga tripulante ang Timog Amerika. Dahil sa ang Brazil ay isang teritoryo ng Portugal, iniwasan ni Magallanes ito at noong Disyembre 13 ay nag-angkla sa ngayong [[Rio de Janeiro]]. Doon ay muling nagkalapat ng suplay ang mga tripulate ngunit ang mga masamang kondisyon ay nagpaantala sa kanila. Pagktapos ay patuloy silang naglayag sa kahabaan ng silangang baybayin ng Timog Amerika na naghahanap ng isang [[kipot]] na pinaniwalaan ni Magallanes na tutungo sa mga Kapuluan ng Pampalasa. Narating ng armada ng [[Rio dela Plata]] noong Enero 10, 1520. Dahil sa labis na tagginaw, itinatag ni Magallanes ang temporaryong tirahang tinatawag na [[Puerto San Julian]] noong Marso 30, 1520. Noong Abril 1 at Abril, ang isang pag-aalsa ay sumiklab na kinabibilangan ng tatlo sa limang mga kapitan ng barko. Mabilis na kumilos si Magallanes. Si Luis de Mendoza na kapitan ng Victoria ay pinatay ng isang partidong ipinadala ni Magallanes at ang barko ay nabawi. Pagkatapos, ang kableng pang-angkla ng Concepcion ay palihim na pinutol at ang barko ay natangay tungo sa may armas na Tinidad at ang kapitan ng Concepsion na si de Quesada at mga kasama ay sumuko. Si Juan de Cartagena na pinuno ng mga nag-alasa sa San Antonio ay kalaunang sumuko. Iniulat ni Pigafetta na si Gaspar Quesada na kapitan ng Concepsion at ibang mga nag-alsa ay pinatay samantalang si Juan de Cartagena na kapitan ng San Antonio at isang paring nagngangalang Padre Sanchez de la Reina ay iniwan sa baybayin. Ang karamihan ng mga lalake at si Juan Sebastián Elcano ay kinailangan at pinatawad. Iniulat na ang mga napatay ay inalisan ng bituka at pinaghahati ang katawan at tinuhog sa baybayin. Ang kanilang mga buto ay kalaunang natagpuan ni Sir [[Francis Drake]].
[[Talaksan:Strait of Magellan.jpeg|thumb|right|[[Kipot ni Magallanes]]]]
Ang paglalayag ay nagpatuloy. Ang tulong ni Duarte Barbosa ay mahalaga upang harapin ang kaguluhan sa Puerto San Julian na naging kapitan mula nito ng Victoria. Ang Santiago ay pinadala sa baybayin sa isang ekspedisyong paggalugad at nasira sa isang biglaangbagyo. Ang lahat ng mga tripulante nito ay nakaligtas at nagawang dumating sa baybayin. Ang dalawa sa mgmga aitoito ay bumalik sa lupain upang ipagbigay alam kay Magallanes ang nangyari at sagipin ang kanilang mga kasama. Pagkatapos nito, ay nagpasya si Magallanes na maghintay ng ilang mga linggo bago ipagpatuloy ang paglalayag. Sa latitudong 52°S noong Oktubre 21 ay narating ng armada ang [[Cape Virgenes]] at naniwalang kanilang natuklasan ang daan dahil ang mga katubigan ay maasin at malalim na panloob na lupain. Ang apat na barko ay naglayag sa 373 milya o 600 kilometrong daanan na tinawag ni Magallanes na Estrecho(Kanal) de Todos los Santos dahil sa ang armada ay naglakbay dito sa araw ng todos los santos(Nobyembre 1). Unang itinakda ni Magallanes sa Concepcion at San Antonio na galugarin ang kipot ngunit ang huli na pinamunuan ni Gomez ay lumisan at bumalik sa Espanya noong Nobyembre 2. Noong Nobyembre 28, ang tatlong natitiran gbarko ay pumasok sa Timog Pasipiko. Pinangalanan ni Magallanes ang mga karagatan na Mar Pacifico o Pacifi Ocean dahil sa maliwanag na katahimikan nito. Si Magallanes at kanyang tripulante ang unang mga Europeo na nakarating sa [[Tierra del Fuego]] sa silangan ng panig na Pasipiko ng kipot. Sa paglalayag pahilagang-kanluran, narating nina Magallanes ang ekwador noong Pebrero 13, 1521. Noong Marso 6, kanilang narating ang [[Marianas]] at [[Guam]]. Tinawag ni Magallanes ang Guam na Kapuluan ng mga Paglalayag dahil nakita nila ang maraming mga naglalayag na bangka. Kanilang muling pinangalanan ang Guam na Kapuluang Ladrones o Kapuluan ng mga Magnanakaw dahil ang mga maliliit na bangka ng Trinidad ay ninakaw doon.
 
== Kamatayan sa Pilipinas ==

Menu ng paglilibot