Pumunta sa nilalaman

Pangalan: Pagkakaiba sa mga binago

1,285 byte added ,  4 years ago
walang buod ng pagbabago
No edit summary
No edit summary
Ang isang '''pangalan''' o '''ngalan''' (tinatawag din na '''pansariling pangalan''' o '''buong pangalan''') ay ang pangkat ng mga pangalan na kung saan nakikilala ang isang indibiduwal at maaring sabihin bilang isang [[parirala]], na may pagkakaunawa na, kapag pinagsama, ito ay tumutukoy sa isang indibiduwal. Sa maraming kultura, kasingkahulugan ang katawagang ito sa ''pangalan sa kapanganakan'' o ''pangalang legal'' ng isang indibiduwal. Tinatawag na antroponimiya ang akademikong pag-aral ng pansariling pangalan.
 
Halos pangkalahatan ang pagkakaroon ng pangalan ng isang tao; ipinapahayag ng Kombensyon ng mga Karapatan ng Bata ng [[Mga Nagkakaisang Bansa]] na may karapatan ang isang bata ng magkaroon ng isang pangalan mula nang ipinanganak.<ref>[http://www.ohchr.org/EN/ProfessionalInterest/Pages/CRC.aspx Teksto ng Kombensyon ng mga Karapatan ng Bata (sa Ingles)]</ref>
==Kayarian at pagkakaayos==
Karaniwang binubuo ang pangalan ng [[ibinigay na pangalan]] o [[apelyido]]. Sa ilang [[kalinangan]], kinabibilangan din ito ng [[gitnang pangalan]] na karaniwang nilalagay sa pagitan ng ibinigay na pangalan at apelyido. May ilang mga kultura na walang gitnang pangalan tulad ng [[pangalang Koreano]]. Ang pagkakaayos ng buong pangalan ay magkakaiba depende sa kulturang pinagmulan. Sa Kanluraning mundo o mga lugar na naimpluwensiya ng Kanluran (tulad ng Hilaga at [[Timog Amerika]]; Timog, Silangan, Gitna at Kanlurang [[India|Indya]], [[Australia|Australya]], [[New Zealand]] at [[Pilipinas]]), ang pagkakaayos ng pansariling pangalan ay ''ibinigay na pangalan'', ''pangalan ng angkan''. Karamihan sa Silanganing mundo, ang pagkakaayos ng pansariling pangalan ay ''pangalan ng angkan'', ''ibinigay na pangalan''.
 
==Pansariling pangalan ng di-tao==
Halos pangkalahatan ang pagkakaroon ng pangalan ng isang tao; ipinapahayag ng Kombensyon ng mga Karapatan ng Bata ng [[Mga Nagkakaisang Bansa]] na may karapatan ang isang bata ng magkaroon ng isang pangalan mula nang ipinanganak.<ref>[http://www.ohchr.org/EN/ProfessionalInterest/Pages/CRC.aspx Teksto ng Kombensyon ng mga Karapatan ng Bata (sa Ingles)]</ref>
 
Bukod sa [[taksonomiya]] ni [[Carl Linnaeus]], may mga ilang tao ang nagbibigay ng pangalan sa mga hayop at halaman, kadalasan dahil sa pagpapakita ng pagmamahal.
 
===Pangalan ng alagang hayop===
Kadalasang sumasalamin ang pangalan ng alagang hayop sa pagtingin ng may-ari sa kanilang hayop, at ang mga inaasahan sa kanilang pagsasama.<ref>[https://books.google.com/books?id=ISnH9lrVYhYC&pg=PA127 The complete idiot's guide to pet psychic communication], Debbie McGillivray, Eve Adamson, Alpha Books, 2004, {{ISBN|1-59257-214-6}}, {{ISBN|978-1-59257-214-4}} (sa Ingles)</ref><ref>[https://books.google.com/books?id=VoxbJ_oF7LAC&pg=PA10 Adopting a Pet For Dummies] Pahina 10, ni Eve Adamson (sa Ingles)</ref> Sinasabing nagbibigay ng pahintulot sa mga mananaliksik sa laboratoryo na alamin ang pagkakaiba sa [[ontolohiya]] sa pagitan ng kanilang alagang hayop at ng mga walang pangalang hayop na gamit nila sa laboratoryo kapag binbigyan nila ng pangalan ang kanilang alagang hayop.<ref>[http://www.springerlink.com/content/a5k7231264jl2j22/ Proper names and the social construction of biography: The negative case of laboratory animals], Mary T. Phillips, Qualitative Sociology, Volume 17, Number 2, SpringerLink</ref>
 
==Mga sanggunian==