Asymptote: Pagkakaiba sa mga binago

Jump to navigation Jump to search
walang buod ng pagbabago
No edit summary
No edit summary
 
[[Talaksan:1-over-x-plus-x_abs.svg|right|thumb|231x231px|Isang [[Grapo (matematika)|grapo]] ng isang punsyon kasama ang isang pahalang (''y'' = 0), patayo (''x'' = 0), at pahilig na asymptote (linyang asul).]]
[[Talaksan:Asymptote02_vectorial.svg|right|thumb|200x200px|Isang kurba na nagkrukrus sa isang asymptote na walang hanggang na maraming beses.]]
Sa analitikong [[heometriya]] o analitikal na heometriya, ang '''asymptote o asintota''' ng isang kurba ay isang [[linya]] nang sa gayon na ang layo sa pagitan ng kurba at ng linya ay lumalapit sa [[sero]] habang ang tendensiya nito ay tungo sa walang hanggan. Ang ibang mga pinagkukunan ay isinasama ang pangangailangan na ang kurba ay hindi maaaring tawirin ang linya nang madalas, subalit ito ay hindi karaniwan para sa mga modernong manunulat. Sa ibang konteksto, tulad ng alhebraikong heometriya, ang asymptote ay binigyang kahulugan bilang isang linya na tanway o tanghente sa isang kurba sa awanggan.
 
Ang salitang asymptote ay nagmula sa [[wikang Griyego|salitang Griyego]] na ἀσύμπτωτος (asumptōtos) na ang ibig sabihin ay, "hindi bumabagsak nang magkasama", galing ἀ priv. + σύν "magkasama" + πτωτ-ός "bumagsak". Ang terminong ito ay ipinakilala ni [[Apollonius]] ng Perga sa kanyang aralin sa mga seksiyon ng alimusod (conic sections), pero kontra sa makabagong kahulugan, ginamit niya ito para tukuyin ang anumang linya na hindi sasalubong sa ibinigay na kurba.
Hindi nakikilalang mga tagagamit

Nav menu