Esperanto: Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Content deleted Content added
Jumark27 (usapan | ambag)
MathXplore (usapan | ambag)
Linya 114: Linya 114:
== References ==
== References ==
{{Reflist}}
{{Reflist}}
{{authority control}}

[[Kategorya:Mga nilikhang wika]]
[[Kategorya:Mga nilikhang wika]]
[[Kategorya:Mga wikang awksilyar]]
[[Kategorya:Mga wikang awksilyar]]

Pagbabago noong 10:14, 26 Hulyo 2020

Esperanto
Ginawa ni/ngLudwig Lazarus Zamenhof
Petsa1887
Lugar at paggamitPandaigdig na Wika
UsersUnang Wika: 200 to 1,000; Tagapagsalita: 10,000 to 2,000,000
Gamit
Wikang gawa-gawa
  • Pandaigdig na Wika
    • Esperanto
SanggunianMga salitang hango sa Wikang Romanse at Wikang Germaniko; ponolohiya mula sa Wikang Eslabiko
Opisyal na katayuan
Pinapamahalaan ngAkademio de Esperanto
Mga kodigong pangwika
ISO 639-1eo
ISO 639-2epo
ISO 639-3epo
Ang watawat ng Esperanto
Si L. L. Zamenhof na 16 taon.

Ang Esperanto ay isang artipisyal na wika. Ito ang pinakakilalá at pinakagamit na dinisenyong wika para sa pandaigdigang komunikasyon.[1]Ang Polanyong optalmologo na si L. L. Zamenhof ang gumawa ng unang aklat patungkol sa Esperanto, ang Unua Libro, noong 26 Hulyo 1887. Ang pangalang Esperanto ay hango sa Doktoro Esperanto (ang "Esperanto" ay salitang Esperanto para sa "táong umaasa"), bansag na ginamit ni Zamenhof nang ilathala niya ang aklat. Layon niyang gumawa ng isang wika na madalíng pag-aralan, patas sa lahat ng tao anumang lahi ang pinagmulan, at magtataguyod ng pandaigdigang kapayapaan at pagkakaunawaan sa lahat ng bansa.

Tinatayang mula 10,000 hanggang 2,000,000 ang nakakapagsalita at gumagamit ng Esperanto sa buong mundo, kabílang ang may 1,000 na natutuhan ito bílang kanilang unang wika. Karamihan sa mga táong gumagamit ng wikang ito ay gáling sa Europa, Silangang Asia at Timog Amerika.[2] Ang unang Pandaigdigang Pagpupulong ng Esperanto ay ginanap sa Pransiya noong 1905. Mula noon, taon-taóng nagaganap ang pagpupulong na ito ng mga Esperantista (katawagan sa mga nagsasalita ng Esperanto) maliban sa mga taon na nagkaroon ng pandaigdigang digmaan. Bagama't wala pang bansa na nagtuturing sa Esperanto bílang pangalawang wika nito, ipinayo ang paggamit nito ng Akademiya ng Agham ng Pransiya noong 1921 at ng UNESCO noong 1954. Esperanto ang kasalukuyang gámit na wika sa pagtuturo sa Pandaigdigang Akademiya ng Agham sa San Marino.

Ang Esperanto ay ang kasalukuyang wika ng pagtuturo ng mga Internasyonal na Akademya ng mga Agham sa San Marino.

Ang Esperanto ay nakikita ng karamihan sa mga mananalita nito bílang alternatibo sa lubhang lumalawak na paggamit sa Ingles sa buong mundo, bílang isang wika na mas madalíng pag-aralan kaysa sa Ingles.

Kasaysayan

Ang Esperanto ay nilikha ni Dr. Ludwig Lazarus Zamenhof, isang optalmologong Hudyong mula sa Biyalistok na bahagi ng dáting Imperyong Ruso, noong mga taóng 1870 hanggang 1880. Ayon sa kaniya, ginawa niya ang wikang ito upang palaganapin ang pagkakaisa ng bawat tao sa iba't ibang bansa.

Matapos ang sampung taóng pagsisikap na mabuo ang wika, isalin ang ilang mga akda at literatura sa Esperanto, at gumawa ng mga orihinal na tula at kuwento sa wikang ito, nailimbag ang unang aklat tungkol sa balirala ng Esperanto na pinamagatang Unua Libro noong Hulyo 1887. Tumaas ang bílang ng mga tagapagsalita nito sa loob lámang ng ilang dekada, una'y mula sa Imperyong Ruso at Silangang Europa, matapos ay sa Kanlurang Europa, Amerika, Tsina at Hapon.

Ang pinili lámang na pangalan ni Zamenhof para sa wikang ito ay La Internacia Lingvo na nangangahulugang Pandaigdig na Wika.[3]

Katayuan

Hanggang sa kasalukuyan, wala pang bansang nagtuturing sa Esperanto bílang ikalawang wika nito. Subalit, nagkaroon ng mga balak sa simula ng ika-20 siglo na gawing unang estado ng Esperanto ang Neutral Moresnet sa mundo. Iminungkahi rin ni Qian Xuantong, isang lingguwistikong Intsik, na ipalit ang Esperanto sa Wikang Tsino bílang ikalawang wika ng Tsina.[4] Bukod dito, idineklara ng nagsariling estado ng Republika ng Rose Island ang Esperanto bílang opisyal na wika nito noong 1968.

Mga Halimbawa

Tagalog Esperanto IPA
Hi!, Hello! Saluton! [sa.ˈlu.ton]
Oo. Jes. [ˈjes]
Hindi. Ne. [ˈne]
Magandang umaga. Bonan matenon. [ˈbo.nan ma.ˈte.non]
Magandang gabí. (bílang pagbati) Bonan vesperon. [ˈbo.nan ves.ˈpe.ron]
Magandang gabí. (bago matulog) Bonan nokton. [ˈbo.nan ˈnok.ton]
Paalam. Ĝis revido. [dʒis re.ˈvi.do]
Paalam. (kung matagal) Adiaŭ. [a.ˈdi.aw]
Anong pangalan mo? Kiel vi nomiĝas? [ˈki.el vi no.ˈmi.dʒas]
Ang pangalan ko ay John. Mi nomiĝas Johano. [mi no.ˈmi.dʒas jo.ˈha.o]
Kumusta ka? Kiel vi fartas? [ˈki.el vi ˈfar.tas]
Nagkakapagsalita ka ba ng Esperanto? Ĉu vi parolas Esperanton? [ˈtʃu vi pa.ˈro.las es.pe.ˈran.ton]
Hindi kitá maintindihan. Mi ne komprenas vin. [mi ˈne kom.ˈpre.nas vin]
Mabuti. Bone. [ˈbo.ne]
Ayos. Ĝuste. [ˈdʒus.te]
Salamat. Dankon. [ˈdan.kon]
Walang anuman. Nedankinde. [ˌne.dan.ˈkin.de]
Pakiusap. Bonvolu. [bon.ˈvo.lu]
Pagpalain ka! Sanon! [ˈsa.non]
Maligayang pagbati. Gratulon. [ɡra.ˈtu.lon]
Mahal kitá. Mi amas vin. [mi ˈa.mas vin]
Isang alak nga. Unu bieron, mi petas. [ˈu.nu bi.ˈe.ron, mi ˈpe.tas]
Ano iyon? Kio estas tio? [ˈki.o ˈes.tas ˈti.o]
Aso iyon. Tio estas hundo. [ˈti.o ˈes.tas ˈhun.do]
Kapayapaan! Pacon! [ˈpa.tson]
Ilang taon ka na? Kiom aĝas vi? [ˈki.om ˈa.dʒas ˈvi]
Ano'ng libangan mo? Kio estas via hobio? [ˈki.u ˈes.tas ˈvi.a ho.ˈbi.o]
Ano'ng paborito mong kulay? Kio estas via plej ŝatata koloro? [ˈki.u ˈes.tas ˈvi.a plej ʃa.ˈta.ta ko.ˈlo.ro]

Pag-aaral mapagkukunan

Tingnan din

References

  1. Zasky, Jason (2009-07-20), "Discouraging Words", Failure Magazine, But in terms of invented languages, it's the most outlandishly successful invented language ever. It has thousands of speakers—even native speakers—and that's a major accomplishment as compared to the 900 or so other languages that have no speakers. {{citation}}: Unknown parameter |quotee= ignored (tulong)
  2. Overview of the spread of Esperanto speakers worldwide.
  3. "Esperanto". Ling.ohio-state.edu. 2003-01-25. Nakuha noong 2010-12-05.
  4. The Languages of China by S. Robert Ramsey