Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Bato (heolohiya)"

Jump to navigation Jump to search
m
Batong ignea. Wala pang sanggunian - lalagyan pa lang. Di pa tapos.
m (Panimula sa Pagpapangkat. Di pa tapos.)
m (Batong ignea. Wala pang sanggunian - lalagyan pa lang. Di pa tapos.)
Binubuo ang mga bato ng mineral, mga solidong nahahalo (''homogeneous solids'') na nabubuo mula sa isang [[Kompuwesto|kompuwestong kemikal]] at maayos na nakaayos. Nagsasama ang mga aridong mineral (''aggregate mineral'') na bumubuo sa bato dahil sa [[Kawing na kimikal|pagkapit kemikal]] (''chemical bond''). Ang kasaganahan at uri ng mga mineral sa isang bato ay base sa kung papaano ito nabuo.
 
Naglalaman ang karamihan ng mga bato ng mga silikatong mineral (''silicate minerals''), mga kompuwestong naglalaman ng mga tetrahedrang oksihenongoksidong silikon (''silicon oxide tetrahedra'') sa redes (''lattice'') ng [[kristal]] nila. Tinatayang ganito ang laman ng 95% ng balat ng mundo at sangkatlo (''one-third'') ng lahat ng mga natukoy na uri ng mineral. Malaki ang pakinabang ng proporsyon ng silika sa bato at mineral para sa pagpapangalan at pagtukoy sa katangian ng mga ito.
 
Pinapangkat-pangkat ang mga bato ayon sa mga katangian tulad ng komposisyong kemikal at mineral nito, paghigop sa tubig o permabilidad (''permeability''), ang pagkakayari ng laman nitong butil (''particle''), at ang laki ng mga butil. Resulta ng mga prosesong nagbuo sa bato ang mga katangiang pisikal na ito. Sa paglipas ng panahon, maaaring magbagong-anyo ang mga bato mula sa isang uri papunta sa iba pa. Ang prosesong ito ay inilalarawan ng modelong heolohikal na siklo ng bato (''rock cycle''). Dahil rito, naipangkat sa tatlong pangkalahatang uri ang mga bato: ignea o pinalamig, metamorpiko o nagbago, at sedimentaryo o latak.
{{Stub}}
 
Ang tatlong ito ay hinati pa nang husto sa maraming mga sangay na grupo. Kaso lang, walang tiyak na hangganan ang mga magkakauring mga bato. Sa pamamagitan lamang ng pagtaas o pagbaba sa proporsyon ng mga mineral nila, lumilipat sila mula sa isang grupo papunta sa kabila, kung saan maaaring unti-unting magbago ang isang panandang tampok (''distinctive feature'') ng isang bato papunta sa isa pang klase ng bato. Kaya naman, pakatandaan na ang mga pangalang binigay sa mga bato ay para lamang matukoy kung saang bahagi sila kasalukuyang makikita sa proseso ng tuloy-tuloy na pagbabago, hindi bilang isang pangalang para lamang sa kanila.
 
=== Batong ignea ===
Ang mga '''batong ignea''' ([[Wikang Ingles|Ingles]]: ''igneous rocks'', hiniram mula sa salitang [[Wikang Kastila|Espanyol]] na ''ígnea'', na mula naman sa [[Wikang Latin|Latin]] na ''igneus'' mula ''ignis'' "apoy"), maaaring isalin sa [[Wikang Filipino|Filipino]] bilang ''pinalamig'', ay mga batong nabubuo mula sa pagpapalamig at pagsosolido ng [[magma]] o lava. Maaaring manggaling ang magmang ito mula sa mga bahagyang natunaw na batong nasa loob ng manto (''mantle'') o balat ng isang planeta. Kadalasang natutunaw ang mga batong ito dahil sa isa o higit pang mga sumusunod na proseso: pagtaas sa temperatura, pagbaba ng presyur, o di kaya'y pagbabago sa komposisyon.
 
Nahahati ang mga batong ignea sa dalawang kategorya:
 
* Ang mga batong '''plutoniko''' o pinasukan (Ingles: ''plutonic'' o ''intrusive'') ay resulta ng paglamig ng magma at nagkristal (''crystallize'') nang dahan-dahan sa balat ng mundo. Ang pangkaraniwang halimbawa nito ay ang granito (''granite'').
* Ang mga batong '''bulkaniko''' o pinalabas (Ingles: ''volcanic'' o ''extrusive'') ay resulta naman ng pag-angat ng magma mula sa manto papunta sa balat (o sa madaling salita, tuwing pagputok ng [[bulkan]]) bilang isang lava o di kaya'y mga binatong pira-piraso (''fragmental ejecta''). Ang mga batong pumita (''pumice'') at [[basalto]] (''basalt'').
 
Karaniwang gumagawa ng isang ayos ang kasaganahang kemikal at ang bilis ng paglamig ng magma, na tinatawag na serye ng reaksyon ni Bowen (''Bowen's reaction series''). Makikita sa iskalang ito ang karamihan sa mga batong ignea.
 
Tinatayang 65% ng balat ng mundo base sa espasyong sinasakop (''volume'') ay batong ignea, na nagpapatunay sa kasaganahan nito. Sa bahagdang ito, 66% ang basalto at gabro (Ingles: ''gabbro''), samantalang 16% naman ang granito at 17% ang granodiorita at diorita. Tanging 0.6% lamang ang syenita (''syenite'') at 0.3% naman ang mga batong ultramapika (''ultramafic''). 99% ng balat karagatan (''oceanic crust'') ang basalto, isang batong ignea na may komposisyong mapika (mayaman sa magnesiyo [''magnesium''] at bakal [''iron'']). Sa kabilang banda naman, dinodomina naman ng mga batong granito at katulad na mga batong kilala sa tawag na malagranito (''granitoids'') ang balat kontinental (''continental crust'').
 
== Mga sanggunian ==
[[Kategorya:Heolohiya]]
<references />{{Stub}}
2,435

edit

Nav menu