Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Dantaon"

Jump to navigation Jump to search
4 bytes removed ,  11 month ago
Bagaman, maaring ikahulugan ang isang dantaon bilang ang kahit anong arbitraryong panahon ng 100 taon, mayroon dalawang pananaw sa kalikasan ng pamantayang mga siglo. Ang una ay batay sa mahigpit na konstruksyon, habang ang isa naman ay base sa popular na perpektibo (pangkalahatang gamit).
 
Sang-ayon sa istriktong pagsasagawa ng [[kalendaryong Gregoryano]], nagsimula ang [[unang siglo]] [[AD]] noong 1 AD at natapos noong 100 AD, na may kaparehong modelo sa nagpapatuloy pasulong. Sa ganitong modelo, ang ika-''n'' na siglo ay nagsimula/magsisimula sa taon na ''(100 × n) − 99'' at nagtatapos sa ''100 × n''. Dahil dito, kabilang lamang sa isang siglo ang isang taon, ang sentenaryong taon, na nagsisimula sa bilang ng dantaon (halimbawa, ang huling taon ang '''19'''00 ang huling taon ng [[ika-19 na siglo]]).<ref>{{cite web | url=http://aa.usno.navy.mil/faq/docs/millennium.php | title=The 21st Century and the 3rd Millennium | publisher=U.S. Naval Observatory | work=aa.usno.navy.mil/ | date=14 Hunyo 2011 | accessdate=15 Hunyo 2018}}</ref>
 
Sa pangkalahatang gamit, ginawa ang pagpapangkat ng mga dantaon batay sa kanilang binabahaging tambilang. Sa modelong ito, ang ika-''n'' na siglo ay nagsimula/magsisimul sa taon na ''(100 x n) - 100'' at nagtatapos sa ''(100 x n) - 1''. Halimbawa, pangkalahatang pinapalagay ang [[ika-20 dantaon]] na mula 1900 hanggang 1999, inklusibo. Ang pagnunumero ng pang-[[astronomiya]] taon at ang sistemang ISO 8601 na parehong naglalaman ng isan taong [[sero]], kaya nagsisimula ang unang siglo na may taong sero sa halip na taong isa..<ref>{{Cite web| title = century | work = Oxford Dictionaries| accessdate = 10 May 2018| url = https://en.oxforddictionaries.com/definition/century|language=en}}</ref>

Nav menu