Unang dantaon: Pagkakaiba sa mga binago

Jump to navigation Jump to search
walang buod ng pagbabago
No edit summary
No edit summary
Sa panahong ito, bumagsak ang [[Europa]], [[Hilagang Aprika]] at ang Malapit na Silangan sa ilalim ng tumataas na pangingibabaw ng [[Imperyong Romano]], na patuloy na lumalawak, pinakakapansin-pansin ang pagsakop sa [[Britanya]] sa ilalim ni emperador [[Claudio (emperador)|Claudio]] (43 AD). Pinatatag ang imperyo ng repormang ipinakilala ni [[Augusto]] noong kanyang mahabang paghahari pagkatapos ng kaguluhan ng nakaraang siglo dulot ng mga digmaang sibil. Kalaunan ng siglo, natapos ang dinastiyang Julio-Claudio, na itinatag ng Augusto, noong pagpapakamatay ni [[Nero]] noong 68 AD. Sinundan ito ng tanyag na Taon ng Apat na mga Emperador, isang maikling panahon ng digmaang sibil at kawalang-tatag, na natapos na rin sa wakas ni [[Vespasian|Vespasiano]], ika-9 na Romanong emperador, at ang tagapagtatag ng dinastiyang Flavia. Pangkalahatang nakaranas ang Imperyong Romano ng isang panahon ng kaunlaran at pangingibabaw sa panahong ito at naalala ang unang siglo bilang bahagi ng ginuntuang panahon ng Imperyo.
 
Nakita ng unang siglo ang paglitaw ng [[Kristiyanismo]]. Noong mga 29 AD (tradisyunal na petsa), sinimulan ni [[Hesus|Jesus]] ang kanyang ministeryo at ipinako siya sa krus noong 33 AD (tradisyunal na petsa) na minarkahan ang unang pagsisimula ng Kristiyanismo.<ref>J. Dwight Pentecost, ''The Words and Works of Jesus Christ: A Study of the Life of Christ'' (Zondervan, 1981) pages 577-578 (sa Ingles).</ref><ref>Andreas J. Köstenberger, John (Baker Academic, 2004), pagepahina 110 (sa Ingles).</ref><ref name="Eerdmans246">''Eerdmans Dictionary of the Bible'' 2000 Amsterdam University Press {{ISBN|90-5356-503-5}} pagepahina 249 (sa Ingles)</ref><ref>Paul L. Maier "The Date of the Nativity and Chronology of Jesus" in Jerry Vardaman and Edwin M. Yamauchi, ''Chronos, kairos, Christos: nativity and chronological studies'' (1989) {{ISBN|0-931464-50-1}}, pp. 113-129 (sa Ingles)</ref><ref name="PAnderson200">''The Riddles of the Fourth Gospel: An Introduction to John'' by Paul N. Anderson 2011 {{ISBN|0-8006-0427-X}} pagespahina 200 (sa Ingles)</ref><ref name="Knoblet">''Herod the Great'' by Jerry Knoblet 2005 {{ISBN|0-7618-3087-1}} pagepahina 183-184 (sa Ingles)</ref><ref>''Jesus in Johannine tradition'' by Robert Tomson Fortna, Tom Thatcher 2001 {{ISBN|978-0-664-22219-2}} pagepahina 77 (sa Ingles)</ref> Noong mga 33 AD hanggang 36 AD, ang [[Apostol Pablo]] ay naging Kristiyano at naging isa sa mga mahahalagang tao sa Kristiyanismo.<ref>{{Cite book|last1=Bromiley|first1=Geoffrey William|title=International Standard Bible Encyclopedia: A-D (International Standard Bible Encyclopedia (W.B.Eerdmans))|year=1979|publisher=Wm. B. Eerdmans Publishing Company|location=|isbn=0-8028-3781-6|pages=689|language=en}}</ref><ref>{{Cite book|last1=Barnett|first1=Paul|title=Jesus, the Rise of Early Christianity: A History of New Testament Times|year=2002|publisher=InterVarsity Press|location=|isbn=0-8308-2699-8|pages=21|language=en}}</ref><ref>{{Cite book|last1=L. Niswonger|first1=Richard|title=New Testament History|year=1993|publisher=Zondervan Publishing Company|location=|isbn=0-310-31201-9|pages=200|language=en}}</ref>
 
Sa [[Tsina]], nagpatuloy ang pangingibabaw ng [[Dinastiyang Han]], sa kabila ng labing-apat na taong paggagambala ng [[dinastiyang Xin]] sa ilalim ni [[Wang Mang]]. Muling naibalik ang pamumunong Han noong 23 AD: kinakatawan ng pamumuno ni Wang Mang ang tubig-saluran sa pagitan ng Kanluran/Dating Han at ang Silangan/Kalaunang Han. Nailipat din ang kabisera mula [[Chang'an]] tungong [[Luoyang]].

Nav menu