Jump to content

Logaritmo: Pagkakaiba sa mga binago

Tinapos ang lead.
(Dagdag sa lead.)
(Tinapos ang lead.)
 
Pinapaiksi at binabawasan ng mga iskalang logaritmo ang mga kantidad na may malalaki't mahahabang saklaw. Halimbawa, ang yunit na desibel ay isang yunit na nagpapakita sa mga lebel bilang mga logaritmo, madalas para sa mga lakas ng signal at hagkis (''amplitude''), kung saan ang karaniwang halimbawa nito ay ang presyur ng tunog. Sa kimika, isang sukatáng logaritmo ang pH para matukoy ang kaasiman (''acidity'') ng isang malikidong solusyon. Madalas ginagamit ang logaritmo sa mga pormulang pang-agham, gayundin sa pagsukat sa kung gaano kakomplikado ang mga algoritmo, pati na rin sa mga bagay heometrikal tulad ng mga praktal (''fractal''). Tumutulong ang mga ito sa paglarawan sa tagway ng dalas (''frequency ratios'') ng mga pagitan sa musika (''musical intervals''), lumalabas sa mga pormula para mabilang ang mga pangunahing bilang (''prime numbers'') o mag-aproksima ng mga factorial, magbigay-linaw sa ilang mga modelo sa sikopisika (''psychophysics''), at iba pang mga disiplina.
 
Binabaligtad ng logaritmo ang pagpapalakas. Sa ganitong pananaw, masasabi rin na ang kabaligtaran ng buning nagpapalakas ay ang mga komplikadong logaritmo. Totoo ito kahit gamitin sa tunay o komplikadong mga bilang. Ginagamit naman ang mga logaritmong binubukod (''discrete logarithm'') sa kriptograpiyang nakasusing pampubliko (''public-key cryptography'').
 
 
 
4,081

edit