Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Pananaliksik"

Jump to navigation Jump to search
ok na po ito
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 112.206.4.153 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni GinawaSaHapon)
Tatak: Rollback
(ok na po ito)
Ang '''pananaliksik''' ({{Abbr|alt.|alternatibong pagbaybay}} '''pagsasaliksik''') ay ang "sistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng isang paksa, pangyayari, at iba pa."<ref>{{Cite web|title=saliksik|website=Diksiyonaryo.ph|url=http://diksiyonaryo.ph/search/saliksik|access-date=Disyembre 21, 2020}}</ref> Ito ang proseso ng pangangalap sa mga totoong impormasyon na humahantong sa [[kaalaman]]. Ito rin ang "malikhain at sistematikong gawaing ginagawa para mapataas ang kaalaman."<ref>{{Cite book|doi=10.1787/9789264239012-en|title=Frascati Manual|series=The Measurement of Scientific, Technological and Innovation Activities|year=2015|isbn=978-9264238800|last1=OECD|url=https://eduq.info/xmlui/handle/11515/35750|language=en}}</ref> Saklaw nito ang pangongolekta, pag-oorganisa, at pagsusuri sa mga impormasyon para mapalawak pa nang husto ang kaalaman tungkol sa isang paksa o isyu. Ang isang proyekto sa pananaliksik ay maaaring isang pagpapalawak sa napag-alaman na. Isinasagawa ang mga ito para mapahusay pa lalo ang pag-intindi sa isang partikular na paksa, o maaaring para sa edukasyon. Hinahanap ng pananaliksik kung de-kalidad ba ang isang [[Kasangkapan|instrumento]], mainam ba ang isang [[pamamaraan]], tama ba ang [[eksperimento]], o di kaya'y totoo ba ang isang panukala at [[teorya]].
 
Ang mga táong nasa larangang ito ay tinatawag na '''mananaliksikLegends'''.
 
Ang pinakagamit ng pangunahing pananaliksik (kumpara sa nagagamit na pananaliksik) ay ang [[Dokumento|dokumentasyon]], pagtutuklas, [[Pagpapaliwanag|interpretasyon]], at ang ''research and development'' (R&D) sa mga kaparaanan at sistema para sa ikauunlad ng kaalaman ng sangkatauhan. Dumedepende ang pananaliksik sa kung ano'ng kukuning klase ng kaalaman, mula sa humanidades hanggang sa mga agham. Maraming anyo ang pananaliksik: [[Agham|maagham]], [[humanidades]], [[Sining|masining]], pang-ekonomiya, [[Panlipunang pananaliksik|panlipunan]], pang-negosyo, [[Pang-merkadong pananaliksik|pang-merkado]], [[Panlarangang pananaliksik|panlarangan]], pambuhay, [[Teknolohiya|panteknolohiya]], atbp. Ang maagham na pag-aaral sa mga kaparaanan sa pananaliksik ay tinatawag na [[Meta-agham|meta-pananaliksik]].
Hindi nakikilalang mga tagagamit

Nav menu