Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Dekada 2000"

Jump to navigation Jump to search
walang buod ng pagbabago
m
</imagemap>
{{Decadebox|200}}
Ang '''Dekada 2000s2000''' ay isang [[dekada]] sa [[kalendaryong Gregoryano]] na nagsimula noong Enero 1, 2000 at nagtapos noong Disyembre 31, 2009.
 
Nakita ng unang bahagi ng dekada ang matagal ng [[prediksyon]] ng tagumpay ng ekonomikong higanteng [[Tsina]], na nagkaroon ng doble-dihitong paglago ng halos ng buong dekada. Sa isang mas mababang lawak, nakinabang din ang [[Indya]] sa pagputok ng ekonomiya, na nakita ang dalawang pinakamataong bansa na unti-unting naging dominanteng puwersang ekonomiko. Ang mabilis na paghabol ng mga umuusbong na ekonomiya sa mga maunlad na bansa ang nagbunsod ng ilang proteksyonistang tensyon noong panahon na ito at naging bahagiang responsable sa pagtaas ng enerhiya at [[presyo]] ng [[pagkain]] sa pagtatapos ng dekada. Namayani sa huling ikatlo ng dekada ang isang pandaigdigang ekonomikong pagbagsak, na nagsimula sa krisis sa pabahay at kredito sa [[Estados Unidos]] noong huling bahagi ng 2007 at nagdulot sa pagkabangkarota ng mga pangunahing [[bangko]] at ibang institusyong pananalapi. Naibunsod ng [[Pandaigdigang krisis sa pananalapi ng 2007-2008|pandaigdigang pananalaping krisis]] ang isang pandaigdigang resesyon, simula sa Estados Unidos at naapektuhan ang karamihan sa mga industriyalisadong mundo.
 
Nagsimula ang [[Digmaang Laban sa Terorismo]] at Digmaan sa Afghanistan pagkatapos ng [[mga pag-atake noong Setyembre 11]] ng 2001. Nabuo ang Internasyunal na Korteng Kriminal noong 2002. Noong 2003, sinalakay ng koalisyong pinangunahan ng Estados Unidos ang [[Iraq]], at dinulot ng Digmaang Iraq ang katapusan ng pamumuno ni [[Saddam Hussein]] bilang Pangulo ng [[Iraq]] at ng Partidong Ba'ath sa Iraq. Nagsagawa ang [[Al-Qaeda]] at apilyadong [[Islamism|Islamistang]] militanteng grupo ng mga teroristang gawa sa buong dekada. Natapos noong Hulyo 2003 ang Ikalawang Digmaang Congo, ang pinakanakamamatay na labanan mula pa noong [[Ikalawang Digmaang Pandaigdig]].
 
==Tingnan rin==
* [[90s kids vs. 2000s kids|1990s kids vs. 2000s kids]]
 
==Mga sanggunian==

Nav menu