Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Sentrong Pangkumbensiyong Pandaigdig ng Pilipinas"

Jump to navigation Jump to search
(huwag tanggalin ang {{fact}} tag kung walang maibigay na sanggunian ukol sa opisyal na salin sa Tagalog)
[[Image:Gusali PICC.jpg|thumb|220px|Pandaigdigang Sentrong Pangkumbensyon ng Pilipinas]]
Sa pamamagitan ng [[Batas Pampanguluhan]] [[Batas Pampanguluhan Blg. 520|Blg. 520]], binigyan ng kapangyarihan ang [[Bangko Sentral ng Pilipinas]] na magpatayo ng isang gusali para sa sabansaang pangkumperensya, magkamit ng isang naaangkop na lugar ukol sa adhikaing iyon, at magbuo ng isang korporasyon upang mapamahala ang sentrong pagpupulong. Kaya, ang PICC ay itinatag sa ilalim ng Kodigon ng Korporasyon. Ang pagtatayo ng PICC na may makabagong kagamitan ay isinagawa sa loob ng 23 buwan, mula Nobyembre 1974 hanggang Setyembre 1976, kung saan ang arkitekto ay si [[Leandro Locsin]] na kinilala bilang [[Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas|Pambansang Alagad ng Sining]].
 
Noong [[Setyembre 5]], [[1976]], ang PICC, ang unang sabansaang sentrong pangkumbensyon ng [[Asya]], ay opisyal na binuksan sa daigdig nang nagpunong-abala ang [[Pagpupulong ng IMF-Bangkong Pandaiggig]] noong 1976.
 
Sa pamamagitan ng [[Batas Pampanguluhan]] [[Batas Pampanguluhan Blg. 995|Blg. 995]], nilikha ang [[Batasang Bayan]] upang gampanan bilang katawan ng tagapagbatas bago ang [[Pansamatalang Batasang Pambansa]] na binuksan noong 1978. Kaya noong [[Setyembre 21]], [[1976]] sa Ika-4 na Pagdiriwang ng kapanganakan ng [[Bagong Lipunan]], ang [[Batasang Bayan]] ay ginanap ng kanyang pasinaya sa PICC. Sa unang pagkakataon, ang PICC ay ginamit bilang tahanan ng katawan ng tagapagbatas mula 1976 hanggang 1978. Mula sa kanyang simula hanggang sa kasalukuyan, ang PICC ay nakapagpunong-abala rin ang taunang [[FAMAS|Gawad FAMAS]] (katumbas ito ng [[Oscars]] ng Pilipinas), karamihang ginaganap sa Bulwagang Plenaryo.
 
==Tingnan din==
6,413

edit

Menu ng paglilibot