Jump to content

Komisyon ng Pagsusuri: Pagkakaiba sa mga binago

walang buod ng pagbabago
No edit summary
No edit summary
}}
Ang '''Komisyon sa Awdit (COA)''' ([[wikang Inggles|Inggles]]: ''Commission on Audit'') ay isang Makapangyarihang Institusyon sa Pagtutuos ng [[Pilipinas]].<ref>[http://www.coa.gov.ph Ano ang COA?]</ref> Ipinapahayag ng [[Saligang-batas ng Pilipinas]] ang kalayaang ito bilang tanggapang konstitusyonal, ipinagkakaloob ng mga kapangyarihang ito na magtuos ang lahat ng mga katuusan na sumasaklaw sa lahat ng mga rentas at gastos ng pamahalaan/mga gamit ng ari-arian ng pamahalaan at upang magtakda ng pagtutuos at mga tuntunin sa pagtutuos, ibinibigay ang pantanging kapangyarihan upang mapaliwanag ang sakop at mga pamamaraan ukol sa mga tuos nito, at ipinagbabawal ang mga nasa tagapagbatas ng anumang batas na magsasagawa ng hangganan ng sakop ng pagtutuos.
 
==Kasaysayan==
Ang pambansang pagtutuos sa [[Pilipinas]]<ref>[http://www.coa.gov.ph/Gen-Info/History.asp Kasaysayan ng COA]</ref> ay naganap sa kapanahunan ng kabihasnan ng mga lumang pamayanan. Ang mga sumusungaw na lipunan sa nayon, na kinilalang [[barangay|baranggay]], ay pinamunuan ng mga [[datu]] na gumagamit ng kapangyarihan sa mga pamumuhay ng mga tao at ang pamamahala ng kanilang munting pamahalaan. Ito ay kabilang ang alokasyong pangmadla at pamamahagi ng kayamanan sa kanyang tikha.
 
Sa ilalim ng [[Kasaysayan ng Pilipinas (1521–1898)|pamumuno ng mga mananakop na Kastila]] sa Pilipinas, nagsusumite ng [[Audiencia Real]], isang mataas na hukuman ng katarungan ang ulat ng pagtutuos tungkol sa mga kalagayang pananalapi ng kapuluan sa mga pamunuan. Kinabukasan, ang Hukom ng Katuusan (Tribunal de Cuentas) ay naging punong institusyon sa pagtutuos na may pantanging saklaw sa lahat ng mga bagay na pananalapi. Ang himagsikan laban sa mga [[Kastila]] at napunta sa pagkatatag ng [[Konggresong Malolos ng Pilipinas]]. Bukod pa sa mga gawaing pantagapagbatas, ito'y ay nagsusuri at nagpapatibay ng mga gastusin at mga katuusang rentas ng [[rebolusyonaryong pamahalaan]].
 
Nang dumating ang [[Kasaysayan ng Pilipinas (1898–1946)|pamamahala ng mga Amerikano]], itinatag ang Tanggapan ng Tagatuos para sa Insular na Pilipinas. Ang sistema ng pagtutuos ay ibinantad ng pagrerepaso ng bawat transaksyon, nagtatrato ng mga pagpasok sa pamamagitan ng mga aklat ng katuusan, at naghahampil ng katumpakang pansipnayan ng katuusan. Ito ay kauna-unahang at nangungunang pagsasagawa ng paghahanda ng pagtutuos.
 
Noong 1935, ang Tanggapan ng Pangkalahatang Pagtutuos (GAO), na pinamunuan ng Pangkalahatang Tagatuos, ay nangangasiwa na nanggagaling sa [[Saligang-batas ng Pilipinas|Saligang-batas]]. Ito ay may tungkulin sa pagsusuri, pag-aawdit at pagsasaayos ng lahat ng mga katuusan, gayundin sa pagtutuos ng lahat ng mga pondong pagkakagastusan at mga ari-arian ng pamahalaan.
 
Noong [[Ikalawang Digmaang Pandaigdig]], itinuloy nang minimal ang gawain sa pagtutuos. Pagkatapos ng digmaan, ang Tanggapan ng Pangkalahatang Pagtutuos ay muling itinatag at naging kasalukuyang Komisyon sa Awdit sa ilalim ng [[Saligang-batas ng Pilipinas|1973 Saligang-batas]]. Kasabay sa pagkatatag, ang Pangkalahatang Tagatuos ay napalitan ng sama-samang pamamahala ng Tagapangulo at dalawang Komisyonado.
 
Nagdulot ng [[Rebolusyong EDSA ng 1986|Rebolusyong EDSA]] ang bagong [[Saligang-batas ng Pilipinas|Saligang-batas]] na pinalawak ang atas ng COA tungo sa pinataas na pananagutan sa pagganap ng mga gawaing-pamahalaan.
 
Sa ngayon, ang COA at nakatayong matatag at matinghaw bilang tunay na kasangga sa pamamahala ng pagbubuo ng bansa at ang kaunlaran ng antas ng pamumuhay para sa [[mga Pilipino]].
 
==Sanggunian==
6,845

edit