Komisyon sa Awdit: Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Content deleted Content added
AiraBot (usapan | ambag)
m sa ngalan ni Felipe Aira, nagsatagalog ng mga kawing sa mga ngalan-espasyo
→‎Kasaysayan: Importante
Linya 46: Linya 46:


==Kasaysayan==
==Kasaysayan==
Ang pambansang pagtutuos sa [[Pilipinas]]<ref>[http://www.coa.gov.ph/Gen-Info/History.asp Kasaysayan ng COA]</ref> ay naganap sa kapanahunan ng kabihasnan ng mga lumang pamayanan. Ang mga sumusungaw na lipunan sa nayon, na kinilalang [[barangay|baranggay]], ay pinamunuan ng mga [[datu]] na gumagamit ng kapangyarihan sa mga pamumuhay ng mga tao at ang pamamahala ng kanilang munting pamahalaan. Ito ay kabilang ang alokasyong pangmadla at pamamahagi ng kayamanan sa kanyang tikha.
Ang pambansang pagtutuos sa [[Pilipinas]]<ref>[http://www.coa.gov.ph/Gen-Info/History.asp Kasaysayan ng COA]</ref> ay naganap sa kapanahunan ng kabihasnan ng mga lumang pamayanan. Ang mga sumusungaw na lipunan sa nayon, na kinilalang [[distrito|distrito]], ay pinamunuan ng mga [[gobyerno]] na gumagamit ng kapangyarihan sa mga pamumuhay ng mga tao at ang pamamahala ng kanilang munting pamahalaan. Ito ay kabilang ang alokasyong pangmadla at pamamahagi ng kayamanan sa kanyang tikha.


Sa ilalim ng [[Kasaysayan ng Pilipinas (1521–1898)|pamumuno ng mga mananakop na Kastila]] sa Pilipinas, nagsusumite ng [[Audiencia Real]], isang mataas na hukuman ng katarungan ang ulat ng pagtutuos tungkol sa mga kalagayang pananalapi ng kapuluan sa mga pamunuan. Kinabukasan, ang Hukom ng Katuusan (Tribunal de Cuentas) ay naging punong institusyon sa pagtutuos na may pantanging saklaw sa lahat ng mga bagay na pananalapi. Ang himagsikan laban sa mga [[Kastila]] at napunta sa pagkatatag ng [[Konggresong Malolos ng Pilipinas]]. Bukod pa sa mga gawaing pantagapagbatas, ito'y ay nagsusuri at nagpapatibay ng mga gastusin at mga katuusang rentas ng [[rebolusyonaryong pamahalaan]].
Sa ilalim ng [[Kasaysayan ng Pilipinas (1521–1898)|pamumuno ng mga mananakop na Kastila]] sa Pilipinas, nagsusumite ng [[Audiencia Real]], isang mataas na hukuman ng katarungan ang ulat ng pagtutuos tungkol sa mga kalagayang pananalapi ng kapuluan sa mga pamunuan. Kinabukasan, ang Hukom ng Katuusan (Tribunal de Cuentas) ay naging punong institusyon sa pagtutuos na may pantanging saklaw sa lahat ng mga bagay na pananalapi. Ang himagsikan laban sa mga [[Kastila]] at napunta sa pagkatatag ng [[Konggresong Malolos ng Pilipinas]]. Bukod pa sa mga gawaing pantagapagbatas, ito'y ay nagsusuri at nagpapatibay ng mga gastusin at mga katuusang rentas ng [[rebolusyonaryong pamahalaan]].

Pagbabago noong 11:11, 28 Mayo 2009

Komisyon sa Awdit
Commission on Audit
Talaksan:Logo COA.gif
Ang sagisag ng Komisyon sa Awdit
Buod ng Ahensya
Pagkabuo1899
KapamahalaanPamahalaan ng Pilipinas
Punong himpilanDaang Komonwelt, Lungsod Quezon, Pilipinas
Mga tagapagpaganap ng ahensiya
Pinagmulan na ahensiyaKomisyong konstitusyonal
Websaytwww.coa.gov.ph

Ang Komisyon sa Awdit (COA) (Inggles: Commission on Audit) ay isang Makapangyarihang Institusyon sa Pagtutuos ng Pilipinas.[1] Ipinapahayag ng Saligang-batas ng Pilipinas[2] ang kalayaang ito bilang tanggapang konstitusyonal, ipinagkakaloob ng mga kapangyarihang ito na magtuos ang lahat ng mga katuusan na sumasaklaw sa lahat ng mga rentas at gastos ng pamahalaan/mga gamit ng ari-arian ng pamahalaan at upang magtakda ng pagtutuos at mga tuntunin sa pagtutuos, ibinibigay ang pantanging kapangyarihan upang mapaliwanag ang sakop at mga pamamaraan ukol sa mga tuos nito, at ipinagbabawal ang mga nasa tagapagbatas ng anumang batas na magsasagawa ng hangganan ng sakop ng pagtutuos.

Mga inatasang gawain

Ang Komisyon sa Awdit ay may kapangyarihan, namamahala, at tungkulin na magsuri, mag-awdit, at magsaayos ng lahat ng mga katuusan hinggil sa rentas at mga resibo ng, at mga gastos o gamit ng mga pondo at ari-arian, pag-aari o hawak ng tiwala ng, o hinggil sa, Pamahalaan, o anuman sa mga subdibisyon, mga ahensiya, o mga instrumentalidad, kabilang ang mga korporasyong pag-aari ng pamahalaan na may likas na karta, at sa isang batayan ng pagtatapos ng awdit:[3]

  • mga katawang konstitusyonal, mga komisyon at mga tanggapan na ipinagkaloob ng awtonomiyang piskal sa ilalim ng Saligang-batas na ito:
  • mga pampublikong dalubhasaang may awtonomiya at mga pamantasan;
  • mga ibang korporasyong pag-aari ng pamhalaaan at ang kanilang subsidaryo; at
  • mga tulad na entidad na di-pampamahalaan na tumatanggap ng tulong na pananalapi at natitirang halaga ng ari-arian, tuwiran o di-tuwiran, mula o sa pamamagitan ng Pamahalaan, na hiniling ng batas o ang institusyon na ipinagkalooban upang ipasa sa mga tulad na awdit bulang kondisyon ng subsidiya at ekidad. Gayumpaman, kung saan ang sistemang panloob sa pagkokontrol ng mga natuusang ahensiya ay di-sapat, ang Komisyon ay maaaring kumandili ng hangganan, kasama ang pansamantala o tanging paghahanda ng awdit, bilang kailangan at tumpak upang itama ang mga kakulangan. Dapat kinikipil nito ang mga pangkalahatang katuusan ng Pamahalaan at, ukol sa ilang panahon na maaaring ipagkaloob ng batas, ipangalagaan ang mga dokumento na nagpapatunay at ang mga iba pang dokumento na kumakandili hinggil doon.

Ang Komisyon ay may pantanging awtoridad, napapailalim sa mga limitasyon sa Artikulong ito, upang matiyak ang sakop ng awdit at pagsusuri nito, makapagtatag ang mga pamamaraan at ayos na nangangailangan para doon, at magpahayag sa madla ang katuusan at mga tuntunin at alintuntunin sa pagtutuos, kabilang ang mga nasa pag-iwas at pagtanggi ng paliban-liban, di-kailangan, labis, o maluhong gastos o mga gamit ng mga pondo at ari-arian ng pamahalaan.

Kasaysayan

Ang pambansang pagtutuos sa Pilipinas[4] ay naganap sa kapanahunan ng kabihasnan ng mga lumang pamayanan. Ang mga sumusungaw na lipunan sa nayon, na kinilalang distrito, ay pinamunuan ng mga gobyerno na gumagamit ng kapangyarihan sa mga pamumuhay ng mga tao at ang pamamahala ng kanilang munting pamahalaan. Ito ay kabilang ang alokasyong pangmadla at pamamahagi ng kayamanan sa kanyang tikha.

Sa ilalim ng pamumuno ng mga mananakop na Kastila sa Pilipinas, nagsusumite ng Audiencia Real, isang mataas na hukuman ng katarungan ang ulat ng pagtutuos tungkol sa mga kalagayang pananalapi ng kapuluan sa mga pamunuan. Kinabukasan, ang Hukom ng Katuusan (Tribunal de Cuentas) ay naging punong institusyon sa pagtutuos na may pantanging saklaw sa lahat ng mga bagay na pananalapi. Ang himagsikan laban sa mga Kastila at napunta sa pagkatatag ng Konggresong Malolos ng Pilipinas. Bukod pa sa mga gawaing pantagapagbatas, ito'y ay nagsusuri at nagpapatibay ng mga gastusin at mga katuusang rentas ng rebolusyonaryong pamahalaan.

Nang dumating ang pamamahala ng mga Amerikano, itinatag ang Tanggapan ng Tagatuos para sa Insular na Pilipinas. Ang sistema ng pagtutuos ay ibinantad ng pagrerepaso ng bawat transaksyon, nagtatrato ng mga pagpasok sa pamamagitan ng mga aklat ng katuusan, at naghahampil ng katumpakang pansipnayan ng katuusan. Ito ay kauna-unahang at nangungunang pagsasagawa ng paghahanda ng pagtutuos.

Noong 1935, ang Tanggapan ng Pangkalahatang Pagtutuos (GAO), na pinamunuan ng Pangkalahatang Tagatuos, ay nangangasiwa na nanggagaling sa Saligang-batas. Ito ay may tungkulin sa pagsusuri, pag-aawdit at pagsasaayos ng lahat ng mga katuusan, gayundin sa pagtutuos ng lahat ng mga pondong pagkakagastusan at mga ari-arian ng pamahalaan.

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, itinuloy nang minimal ang gawain sa pagtutuos. Pagkatapos ng digmaan, ang Tanggapan ng Pangkalahatang Pagtutuos ay muling itinatag at naging kasalukuyang Komisyon sa Awdit sa ilalim ng 1973 Saligang-batas. Kasabay sa pagkatatag, ang Pangkalahatang Tagatuos ay napalitan ng sama-samang pamamahala ng Tagapangulo at dalawang Komisyonado.

Nagdulot ng Rebolusyong EDSA ang bagong Saligang-batas na pinalawak ang atas ng COA tungo sa pinataas na pananagutan sa pagganap ng mga gawaing-pamahalaan.

Sa ngayon, ang COA at nakatayong matatag at matinghaw bilang tunay na kasangga sa pamamahala ng pagbubuo ng bansa at ang kaunlaran ng antas ng pamumuhay para sa mga Pilipino.

Sanggunian

  1. Ano ang COA?
  2. Artikulo VIII (K), Sek. 1 , Ang Saligang-batas ng Republika ng Pilipinas
  3. Mandated Functions of COA
  4. Kasaysayan ng COA

Tingnan din

Mga panlabas na kawing