Estados Unidos: Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Content deleted Content added
m robot dinagdag: so binago: glk, kv, pt, sc, szl, tt, ug, za
Alexius08 (usapan | ambag)
m kaunting pagsasa-ayos
Linya 55: Linya 55:
}}<!--
}}<!--


KATAPUSAN INFOBOX
KATAPUSAN NG INFOBOX


-->
-->
Linya 74: Linya 74:
{{main|Pulitika ng Estados Unidos}}
{{main|Pulitika ng Estados Unidos}}
[[Larawan:Uscapitolindaylight.jpg|thumb|250px|Ang [[Kapitoryo ng Estados Unidos]] sa [[Washington, DC]], kinalalagyan ng [[Konggreso ng Estados Unidos|Konggreso ng US]], ang [[Lehislatura|sangay lehislatibo]] ng pamahalaan ng Estados Unidos.]]
[[Larawan:Uscapitolindaylight.jpg|thumb|250px|Ang [[Kapitoryo ng Estados Unidos]] sa [[Washington, DC]], kinalalagyan ng [[Konggreso ng Estados Unidos|Konggreso ng US]], ang [[Lehislatura|sangay lehislatibo]] ng pamahalaan ng Estados Unidos.]]
[[File:Official portrait of Barack Obama.jpg|thumb|Barack Hussein Obama II, ang kasalukuyang pangulo ng Estados Unidos]]
[[File:Official portrait of Barack Obama.jpg|thumb|Si Barack Hussein Obama II, ang kasalukuyang pangulo ng Estados Unidos]]
Binubuo ng limampung [[Estado ng Amerika|estado]] ang Amerika na may limitadong [[awtonomiya]] at kung saan ang [[batas federal]] ang nananaig sa [[batas ng estado]]. Sa pangkalahatan, ang mga usapin sa loob ng hangganan ng mga estado ay saklaw ng kani-kanilang mga pamahalaang estado. Nabibilang dito ang panloobang komunikasyon; mga regulasyong may kinalaman sa pag-aari, industrya, negosyo, at kagamitang pampubliko; ang [[United States Code|kodigong kriminal]] ng estado; at mga kondisyon ng pagtatrabaho sa loob ng estado. Pumapailalim ang [[District of Columbia|Distrito ng Kolumbiya]] sa hurisdiksyon ng [[Konggreso ng Estados Unidos]], at may limitadong [[Alituntuning Lokal ng Distrito ng Columbia|alituntuning lokal]].
Binubuo ng limampung [[Estado ng Amerika|estado]] ang Amerika na may limitadong [[awtonomiya]] at kung saan ang [[batas federal]] ang nananaig sa [[batas ng estado]]. Sa pangkalahatan, ang mga usapin sa loob ng hangganan ng mga estado ay saklaw ng kani-kanilang mga pamahalaang estado. Nabibilang dito ang panloobang komunikasyon; mga regulasyong may kinalaman sa pag-aari, industrya, negosyo, at kagamitang pampubliko; ang [[United States Code|kodigong kriminal]] ng estado; at mga kondisyon ng pagtatrabaho sa loob ng estado. Pumapailalim ang [[District of Columbia|Distrito ng Kolumbiya]] sa hurisdiksyon ng [[Konggreso ng Estados Unidos]], at may limitadong [[Alituntuning Lokal ng Distrito ng Columbia|alituntuning lokal]].



Pagbabago noong 00:17, 2 Hunyo 2009

Nakaturo ang USA dito, para sa hayop, tingnan usa (hayop).
United States of America[1]
Estados Unidos ng Amerika
Mga Nagkakaisang Estado ng Amerika
Eskudo ng Estados Unidos
Eskudo
Salawikain: 
E pluribus unum (Latin) (1789–kasalukuyan)
(Tagalog: “Mula sa marami, iisa”)
In God we trust (1956–kasalukuyan)
Awiting Pambansa: The Star-Spangled Banner
(Ang Bandilang Tadtad ng mga Tala)
Location of Estados Unidos
KabiseraWashington, DC
Pinakamalaking lungsodLungsod ng New York
Wikang opisyalWala sa level pedreal;
de facto Ingles
PamahalaanFederal constitutional republic
• Pangulo
Barack Obama (D)
Joe Biden (D)
Nancy Pelosi (D)
John Roberts
Kalayaan 
• Idineklara
Hulyo 4, 1776
• Ikinilala
Setyembre 3, 1783
Lawak
• Kabuuan
9,826,630 km2 (3,794,080 mi kuw) (Ika-3)
• Katubigan (%)
4.87%
Populasyon
• Pagtataya sa Hulyo 2005
296 500 000 [1] (Ika-3)
• Senso ng 2000
281 421 906
• Densidad
31/km2 (80.3/mi kuw) (Ika-176)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2005
• Kabuuan
US$12 332 296 milyon (Una)
• Bawat kapita
US$41 557 (Ika-3)
SalapiDolyar Amerikano (USD)
Sona ng orasUTC-5 hanggang -10
• Tag-init (DST)
paiba-iba
Kodigong pantelepono1
Internet TLD.gov .edu .mil .us .um

Isang republikang pederal ang Mga Nagkakaisang Estado ng Amerika o Estados Unidos[2] ng Amerika na may limampung estado. Matatagpuan sa kalagitnaan ng Hilagang Amerika ang karamihan sa mga estado nito kung saan mayroong sariling pamahalaan ang bawat isa na naaayon sa sistemang pederalismo. Mayroong tatlong lupang hangganan ang Estados Unidos kung saan sa Mehiko matatagpuan ang isa habang sa Canada naman ang natitira. Pinaliligiran din ito ng iba't ibang anyo ng tubig tulad ng Karagatang Pasipiko, Dagat Bering, Karagatang Artiko, at Karagatang Atlantiko. Hindi karatig ng dalawang estado (Alaska at Haway) ang natitirang apatnapu’t walo. Pareho din nilang hindi karatig ang isa't isa. Mayroong koleksyon ng mga distrito, teritoryo at iba pang pagmamay-aring panlabas ang Estados Unidos sa iba't ibang bahagi ng mundo. Karaniwang tinatawag na "Amerikano" ang mga mamamayan nito.

Mababakas sa deklarasyon ng labintatlong kolonya ng Britanya sa Hilagang Amerika noong 1776 ang pinagmulan ng Estados Unidos, kung saan idineklara nila na wala nang sumasaklaw sa kanila at malalayang na silang mga estado, na pinatibay ng Tratado ng Paris noong 1783. Mula kalagitnaan ng ika-20 dantaon, naunahan na nito ang alinmang bansa sa impluwensya sa ekonomiya, politika, militar, at kultura.

Natatag ang Amerika sa ilalim ng tradisyon ng pamahalaang may pagsang-ayon ng pinapamahalaan sa modelong demokrasyang representatibo. Nakopya rin ng maraming pang bansa, lalo na ng mga nasa Gitnang Amerika at Timog Amerika, ang modelo ng pamahalaang Amerika kung saan gumagamit sila ng sistemang presidensyal-konggresyonal.

Kasaysayan

Matapos ang kolonisasyong Europeo ng Amerika, talagang humiwalay ang labing-tatlong kolonya mula sa Imperyo ng Britanya at binuo ang Estados Unidos, isa sa pinakaunang modernong demokrasyang representatibo sa mundo. Ito ay nangyari matapos ang kanilang Deklarasyon ng Kalayaan noong 1776 at Digmaang Pangkalayaan (1775-1783).[3] Ang orihinal na estrukturang pampolitika ay isang konpederasyon noong 1777, niratipika noong 1783 bilang mga Artikulo ng Konpederasyon (Articles of Confederation). Matapos ang mahabang debate, ito ay nahalinhan ng Saligang Batas noong 1789 at nabuo ang isang mas sentralisadong pamahalaang federal.

Sa loob ng ika-19 dantaon, maraming bagong estado ang nadagdag sa orihinal na labintatlo. Habang lumalawak ang sakop ng bansa sa kontinenteng Hilagang Amerika, winawasak naman ang maraming bayan ng mga katutubong Indiyo sa ilang dekada ng kampanyang militar at sa pamamagitan ng pamimilit, kaalamang militar at diplomatikong pagtitimbang, nakalipon ang bansa ng malaking bilang ng mga pag-aaring lupa pati sa ibayong-dagat. Sa yugtong ito naging isang kapangyarihang industryal ang bansa. Ang dalawa sa mga naging pinakamahirap na karanasan ng bansa sa kasaysayan ay ang Digmaang Sibil (18611865) at ang Malawakang Kahirapan (1929-1939). Lumahok ito sa ilang mga pangunahing digmaan, mula Digmaan ng 1812 laban sa Nagkakaisang Kaharian, pagiging kaalyado naman nito noong Unang Digmaang Pandaigdig at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lumahok din ito sa mga Digmaang Koreano at Biyetnam. Pagkatapos ng ikalawang Digmaang Pandaigdig at sumunod ang pagtumba ng Unyong Sobyet, lumitaw ang Estados Unidos bilang kaisa-isang kapangyarihang super kasi tae sa ekonomiya at militar ng buong mundo.

Pulitika

[[Larawan:Uscapitolindaylight.jpg|thumb|250px|Ang Kapitoryo ng Estados Unidos sa Washington, DC, kinalalagyan ng Konggreso ng US, ang sangay lehislatibo ng pamahalaan ng Estados Unidos.]]

Si Barack Hussein Obama II, ang kasalukuyang pangulo ng Estados Unidos

Binubuo ng limampung estado ang Amerika na may limitadong awtonomiya at kung saan ang batas federal ang nananaig sa batas ng estado. Sa pangkalahatan, ang mga usapin sa loob ng hangganan ng mga estado ay saklaw ng kani-kanilang mga pamahalaang estado. Nabibilang dito ang panloobang komunikasyon; mga regulasyong may kinalaman sa pag-aari, industrya, negosyo, at kagamitang pampubliko; ang kodigong kriminal ng estado; at mga kondisyon ng pagtatrabaho sa loob ng estado. Pumapailalim ang Distrito ng Kolumbiya sa hurisdiksyon ng Konggreso ng Estados Unidos, at may limitadong alituntuning lokal.

Ang saligang batas ng iba't ibang estado ay may pagkakaiba sa ilang detalye ngunit kapwa sumusunod sa iisang huwarang tulad ng sa Saligang Batas pederal, kabilang dito ang pahayag sa karapatang pantao at ang plano ng pagbubuo ng gobyerno. Sa mga usaping gaya ng pagpapatakbo ng negosyo, mga bangko, kagamitang pampubliko at mga kawang-gawang institusyon, ang saligang batas ng bawat estado ay kadalasang mas detalyado at klaro kaysa sa Saligang Batas federal. Sa mga nakalipas na taon, umako ng mas malawak na responsibilidad ang pamahalaang federal sa mga bagay-bagay gaya ng kalusugan, edukasyon, kapakanan, transportasyon, pabahay, at pagsulong urban.

Binubuo ng tatlong sangay ang pamahalaang pederal: ang ehekutibo (pinamumunuan ng Pangulo), ang lehislatura (ang Konggreso), at ang hudikatura (pinamumunuan ng Korte Suprema). Nahahalal ang pangulo sa isang mandato ng apat na taon ng Electoral College, na nahihirang sa botong popular sa limampung estado. Nahahalal naman ang mga miyembro ng Konggreso sa mandato ng 2 taon sa Kamara ng mga Kinatawan at ng 6 taon sa Senado. Tinatakda ng Pangulo ang mga huwes ng Korte Suprema at may pahintulot ng Senado sa pagkakaroon ng hindi limitadong termino. Kinokopya ng modelong tripartite na ito ng pamahalaan sa antas ng estado sa pangkalahatan. May iba't ibang anyo ang mga lokal na pamahalaan.

Pinamamayanihan ang pamahalaang pederal at pang-estado ang dalawang pangunahing partidong pampolitika, ang mga Republikano (Republicans) at ang mga Demokrata (Democrats). Mayroong ding ibang maliliit na partido; ngunit hindi sila nakakapanghikayat ng kasindaming tagasuporta. Sa kabuuan, nangingibabaw ang tulad ng sa right wing ng mga demokrasya sa Europa ang kulturang pampolitika sa Estados Unidos at madalas na nakikitungo sa iba't ibang usapin. Mahirap tukuyin ang kategoryang kinabibilangan ng dalawang partidong ito. Sa kulturang pampolitika ng Estados Unidos, mailalarawan ang Partido Republikano bilang center-right at ang Partido Demokrata naman ay center-left. Ang mga kandidato ng mga partido menor at independiente ay bihirang nahahalal, at kung nahalal man ay sa lokal o estado lamang, ngunit sa sistema ng politika ng bansa, nananaig ang mga "hakot partido" sa mga koalisyon. Ang mga patakaran at ideolohiya ng kasalukuyang Pangulo ng Estados Unidos ang may malaking ginagampanan sa patakbo ng kanyang partido, pati na rin sa plataporma ng oposisyon.

Patakarang panlabas

Ang paghaharing militar, ekonomiko, at kultural ng Estados Unidos ang dahilan kung bakit isang mahalagang tema sa politika ng bansa ang patakarang panlabas (o foreign policy) nito, bukod pa sa kahalagahan ng imahen ng Estados Unidos sa buong mundo.

Nauntog ang patakarang panlabas ng Estados Unidos sa pagitan ng pamumukod o isolationism, imperyalismo at paghahalo ng mga ito, sa buong kasaysayan ng bansa.

Nagresulta ang malakas na impluwensya nito sa politika at kultura ng buong mundo sa sobrang pagkamuhi ng ilan dito, at pagpuri naman at paghanga para sa ilan. Isang halimbawa nito si Ayatollah Khomeini na tinawag ang Estados Unidos "The Great Satan" (Ang Dakilang Satanas).

Dibisyong pampulitika

Bumuo ang labing tatlong kolonya, sa Deklarasyon ng Kalayaan ng Estados Unidos, ng kani-kanilang bayang estado na katulad ng mga bansa sa Europa noon. Sa mga sumunod na taon, dumami ang bilang ng mga estado sa Amerika dahil sa paglawak nitong pakanluran, sa pananakop at pagbibili ng mga lupa ng pamahalaang pambansa, at sa paghahati ng ilang estado, nauwi sa kasalukuyang bilang na limampu. Pangkalahatang nahahati ang mga estado sa mas maliit na rehiyong administratibo, kabilang ang mga kondado o "county", mga lungsod at mga pamayanan o "township".

May hawak din ang bansa sa ilang mga teritoryo, distrito at pag-aari, nangunguna na ang distrito pederal ng Distrito ng Kolumbiya na siyang kabisera ng bansa, ilang mga lugar na insular sa ibayong dagat tulad ng Puwerto Riko, Samoa Amerikana, Guam, Kapuluang Hilagang Mariyana, at Kapuluang Birhen ng Amerika. Nakapanghawak ang bansa sa isang base ng hukbong pandagat sa inookupahang bahagi ng Look ng Guwantanamo sa Kiyuba mula 1898.

Walang pag-aangking teritoryal ang Estados Unidos sa Antartika ngunit nakapagreserba ng karapatang gawin ito.

Wika

Mga Wika (2003)[4]
Ingles (lamang) 214.8 milyon
Kastila kabilang ang Kriyolo 29.7 milyon
Tsino 2.2 milyon
Pranses, kabilang ang Kriyolo 1.9 milyon
Tagalog 1.3 milyon
Biyetnames 1.1 milyon
Aleman 1.1 milyon

Ang mga wika na may pinakamataas na bilang nang nagsasalita sa Estados Unidos:

  1. Ingles
  2. Kastila
  3. Tsino
  4. Pranses
  5. Tagalog
  6. Bietnamita
  7. Aleman

Lahi

Ang mga lahing ito ang mga bumubuo sa lupain ng Estados Unidos:

1. Europeo 171,801,940 Amerikano 60.7% ng buong populasyon ng Amerika

2. Hispaniko 44.3 million Amerikano 14.8% ng buong populasyon ng Amerika

3. Aprikano 39,500,000 Amerikano

4. Pilipino 4,000,000 Amerikano 1.5% ng buong populasyon ng Amerika

5. Tsino 3,565,458 Amerikano 1.2% ng buong populasyon ng Amerika

Heograpiya

Bilang pangatlong pinakamalaking bansa sa buong mundo (sa kabuuang sukat), ang paysahe at mga tanawin sa Estados Unidos ay magkakaiba: lupang kakahuyang katamtaman (temperate forest) sa Silangang baybayin, bakawan sa Florida, ang Malaking Kapatagan sa gitang bahagi ng bansa, ang sistemang Ilog Mississippi-Missouri, ang mga Dakilang Lawa na parte rin ng sa Canada, mga Mababatong Bundok (Rockies) na nasa kanluran ng kapatagan, ilang disyerto at sonang katamtaman sa baybaying kanluran ng Rockies, at mga kagubatang katamtaman (temperate rainforest) sa bahaging Pasipiko ng Hilagang-Kanluran. Dagdag paysahe din ang Alaska at mga mabulkang pulo ng Hawaii.

Ang klima ay iba-iba rin: tropikal sa Hawaii at timog Florida, at tundra naman sa Alaska at sa mga tuktok ng matataas na bundok (pati ng Hawaii). Karamihan sa mga bahaging Hilaga at Silangan ay dumaranas ng klimang kontinental-katamtaman, may mainit na tag-araw at malamig na taglamig. Ang timog bahagi ng bansa naman ay dumaranas ng subtropikal na klimang umedo na may katamtamang taglamig at mahahaba at umedong tag-araw.

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. Maaring isalin sa Tagalog na "Mga Nagkakaisang Estado ng Amerika".
  2. English, Leo James (1977). "Estados Unidos". Tagalog-English Dictionary (sa Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
  3. Dull, Jonathan R. (2003). "Diplomacy of the Revolution, to 1783," p. 352, kabanata ng A Companion to the American Revolution, ed. Jack P. Greene at J. R. Pole. Maiden, Mass.: Blackwell, pp. 352–361. ISBN 1405116749.
  4. "Table 47—Languages Spoken at Home by Language: 2003" (PDF). Statistical Abstract of the United States 2006. U.S. Census Bureau. Nakuha noong 2007-06-17.

Padron:Link FA

Padron:Link FA Padron:Link FA

Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA