Imbertebrado: Pagkakaiba sa mga binago

Jump to navigation Jump to search
bawas bantas
(-s)
(bawas bantas)
Ang salitang '''imbertebrado''' ay nagmula sa wikang [[Ingles]] na ''invertebrate'', na naglalarawan sa mga '''[[hayop]] na walang [[gulugod]]'''. Kabilang sa grupo ang 97 porsiyento ng lahat ng mga [[espesye]] ng hayop (lahat ng mga hayop maliban sa mga isdang nasa subphylum na [[Chordate|Kordata]], mga [[reptilya]], mga [[ampibyano]], mga [[ibon]] at [[mamalya]]).
 
Hinati-hati ni [[Carolus Linnaeus]]' sa kaniyang ''[[Systema Naturae]]'' ang mga hayop na ito
sa dalawang pangkat lamang, ang mga [[insekto|Insecta]] at ang mga [[Vermes]]. Nilikha ni [[Jean-Baptiste Lamarck]], na nahirang bilang ''[[tagapamahala|Kurador]] ng mga Insekto at Vermes'' sa ''[[Muséum National d'Histoire Naturelle]]'' (Pambansang Museo ng mga Pangkasaysayang Pangkalikasan) noong [[1793]], ang salitang ''invertebrate'' para ilarawan ang mga hayop na ito at hinati sa sampu ang pinagmulan o orihinal na dalawang grupo (Insecta at Vermes), sa pamamagitan ng paghihiwalay sa [[Arachnida|Araknida]] at [[Crustacea]] mula sa mga [[Linnean Insecta]], at [[Mollusca]], [[Annelida]], [[Cirripedia]], [[Radiata]], [[Coelenterata]] at [[Infusoria]] mula sa mga [[Linnean Vermes]]. Kasalukuyang inuuri ang mga ito sa mahigit sa tatlumpung [[phylum|pamilya]], kabilang ang mula sa mga payak na mga organismo katulad ng mga [[sea sponge|esponghang-dagat]] at [[flatworm|bulating lapad]] hanggang sa mga kumplikadong (''complex'') na mga hayop tulad ng mga [[arthropod|artropoda]] at [[Mollusca|moluska]].
 
166,389

edits

Nav menu