Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Tintura"

Jump to navigation Jump to search
36 bytes added ,  11 year ago
m
robot dinagdag: lt:Tinktūra; Kosmetiko pagbabago
m (robot dinagdag: nl:Tinctuur (oplossing))
m (robot dinagdag: lt:Tinktūra; Kosmetiko pagbabago)
:''Tungkol ito sa inumin, para sa pantina tingnan ang [[Tintura (pangulay)]].''
[[FileTalaksan:Nalewka Wiśniówka.JPG|thumb|right|Isang bote ng tintura.]]
Ang '''tintura''' ay isang paraan ng pagluluto o paghahanda ng inumin, partikular na ang mula sa [[yerba]]. Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglulublob o pagbababad ng tinuyo o sariwang yerba sa 25% pinaghalong naiinom na alkohol at tubig.<ref name=TCMH>{{cite-TMHP|''Tincture'' (may naiinom na alkohol), ''Non-alcoholic tinctures'' (walang alkohol)}}, pahina 121 at 125.</ref><ref name=Gaboy>{{cite-Gaboy|''Tincture'', tintura}}</ref><ref name=Bansa>{{cite-Bansa|''Tincture'', pangulay, panina}}, makikita sa [http://www.bansa.org/dictionaries/tgl/?dict_lang=tgl&type=search&data=tincture ''tincture''].</ref> Bagaman kalimitang may alkohol ang tintura, nakagagawa rin ng halos walang halong alkohol upang mainom ng mga [[nagdadalangtao]], mga bata, mga taong may pamamaga ng [[atay]] o [[gastriko]]ng bahagi ng katawan, at ng mga nagpapagaling mula sa [[alkoholismo]].<ref name=TCMH/>
 
== Mga sangkap ==
Karaniwang sangkap sa paggawa ng tintura ang 200 mga gramong tinuyong yerba o 600 mga gramo ng sariwang yerba, at 1 litrong 25% ng naiinom na alkohol at tubig.<ref name=TCMH/>
 
Sa paghahanda ng 1 litrong 25% ng naiinom na alkohol, gumagamit ng 75 cl (mula sa bote) ng 37.5% vodka na hinaluan ng 37.5 ml na tubig.<ref name=TCMH/>
 
== Kahalagahan ng alkohol ==
Nagsisilbing [[pangtinggal]] o [[preserbatibo]] ang naiinom na alkohol. Dahil dito, tumatagal ng hanggang dalawang mga taon ang tintura. Mainam ang paggamit ng vodka sapagkat mayroon itong mangilan-ngilang mga [[aditibo]] o karagdagang sangkap. Samantala, nakapagtatago ang rum ng mga hindi kaaya-ayang lasa ng yerba.<ref name=TCMH/>
 
== Mga kagamitan ==
Naghahanda ang isang magluluto ng tintura ng malaking garapong may naiikot o "natuturnilyong" takip, bag na para sa [[gulaman]] o [[halya]] ([[halea]]), pampiga ng alak, malaking pitsel, boteng may madilim na salamin na may turnilyo o pang-ikot, mga takip na mahihigpitan upang hindi mapasukan ng hangin, at ang opsyonal o maaaring hindi gamiting [[funnel|embudo]].<ref name=TCMH/>
 
== Paraan ng paghahanda ==
Gumagawa ng tintura mula sa bawat isa o indibiduwal lamang na mga yerba. Subalit, mapaghahalo ang iba't ibang inihandang tintura pagkaluto, kung kailangan.<ref name=TCMH/>
 
Pagkatapos, ibinubuhos ang nasalang likido papunta sa isang malinis at may madilim na salaming mga bote. Gumagamit ng embudo sa pagsasalin kung kailangan.<ref name=TCMH/>
 
== Pag-inom ==
=== Tinturang may alkohol ===
Karaniwang dosahe sa pag-inom ang 5 ml ng tintura, tatlong ulit sa loob ng isang araw. Karaniwang hinahaluan o pinalalabnaw muna ito ng tubig bago inumin. Kalimitan din itong dinaragdagan ng katas ng prutas o kaya ng [[pulot-pukyutan]] upang painamin ang lasa.<ref name=TCMH/>
 
=== Tinturang di-alkoholiko ===
Kung kailangan ang hindi alkoholikong tintura o halos walang alkohol na tintura, karaniwang nagdaragdag muna ng kaunting halos kumukulong tubig sa dosahe ng tinturang nasa tasa. Nasa 25 hanggang 50 ml ang sukat ng idinadagdag ng halos kumukulong tubig. Pinalalamig muna ng husto ang tintura upang sumingaw at matanggal ang karamihan sa nilalamang alkohol bago inumin.<ref name=TCMH/>
 
== Mga sanggunian ==
{{reflist}}
 
[[fi:Tinktuura]]
[[ja:チンキ]]
[[lt:Tinktūra]]
[[nl:Tinctuur (oplossing)]]
[[pl:Nalewka (farmacja)]]
62,934

edits

Menu ng paglilibot