Pagsasarilinan: Pagkakaiba sa mga binago
AnakngAraw (usapan | ambag) o |
AnakngAraw (usapan | ambag) →Mga sanggunian: uri |
||
Linya 5: | Linya 5: | ||
==Mga sanggunian== |
==Mga sanggunian== |
||
{{reflist}} |
{{reflist}} |
||
[[Kaurian:Pansariling buhay]] |
|||
[[en:Privacy]] |
[[en:Privacy]] |
Pagbabago noong 18:49, 6 Setyembre 2009
Ang pribasya, pagsasarilinan[1], pribasidad, o kapribaduhan ay ang kakayanan ng isang tao o pangkat ng mga taong itago o ihiwalay ang kanilang mga sarili o mga kabatiran tungkol sa kanilang mga sarili at dahil gayon inililitaw o isinisiwalat ang kanilang sa mga piling paraan o pagkakataon lamang. Nagkakaiba-iba ang ang mga hangganan at nilalaman ng kung ano ang itinuturing na pribado o pansarili sa mga kalinangan at mga indibidwal, ngunit nagsasali ng payak o basikong pangkaraniwang mga tema o paksa. Paminsan-minsang may kaugnayan ang pagsasarilinan sa anonimidad o hindi pagpapakilala, sa kahilingang manatiling hindi napapansin o hindi napupuna habang nasa piling ng madla. Kabilang pribado ang isang bagay para sa isang tao, kalimitan itong nangangahulugang mayroon isang bagay sa loob nila na itinuturing na natatangi o sensitibo o maselan. Kung gayon, depende ang antas ng paglalabas o pagbibilad ng pansariling impormasyon sa kung paano matatanggap o tatanawin ng publiko ang ganitong kabatiran, na naiiba sa pagitan ng mga pook at kahabaan ng panahon o oras. Maaaring tingnan ang pagsasarilinan bilang isang bahagi o aspeto ng seguridad — isang bagay na may pagiging partikular na malinaw ng pagpapalitan ng mga interes o layunin ng isang pangkat at isa pa.
Katumbas o kaugnay din ito ng pag-iisa, pagiging malihim, at pagtatago.[1]