Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Osiris"

Jump to navigation Jump to search
1,260 byte added ,  11 year ago
Ikaanim na bahagi. May problema lang ako sa koneksyon.
(linis puwang lamang)
(Ikaanim na bahagi. May problema lang ako sa koneksyon.)
Bilang diyos na nangangalaga ng mga yumao, si Osiris ay sadyang binigyan ng pagpapahalaga ng mga tagasunod niya. Tinuturing ng mga [[Paraon]] ng Ehipto ang sarili nila bilang mga tagapagmana ng kabilang-buhay mula kay Osiris sa kanilang pagyao sa daigdig. Subalit sa paglipas ng panahon, lahat ng mga tagasunod ni Osiris, maging karaniwang tao lamang o may kapangyarihan, ay itinuring nang tagapagmana ng kanyang kaharian sa kabilang buhay. Sari-sari mga ritual at misteryo ang inaalay kay Osiris para masigurado na sila ay tatanggapin niya sa paraiso ng kabilang-buhay.
 
Ayon sa mitolohiya, bago siya mamatay at mabuhay muli bilang isang hari ng kabilang-buhay, si Osiris ay itinuturing na tagapagdala ng [[sibilisasyon]] at [[agrikultura]] sa Ehipto. Bilang diyos ng agrikultura, tinuturing rin si Osiris na isang diyos na nagbibigay ng buhay sa mga pananim at mga tao; na matapos ang kamatayan ng isang halaman o tao, si Osiris din ang nagbibigay ng panibangong buhay sa mga ito. Ang kwentong ito ng muling pagkabuhay angay ginagamit na paliwanag ng ilang mga sinaunang Ehipsyo kung bakit nagkakaroon ng mga sikulo ng pagkabuhay at pagkamatay, tulad ng sikulo ng kapanganakan at kamatayan, pagtubo at pagkalanta, paglaki at pagliit ng buwan atbp.
 
Si Osiris and panganay na lalaking anak nina [[Geb]], ang diyos ng kalupaan, at [[Nut (diyosa)|Nut]], ang diyosa ng kalangitan. Ipinanganak siya sa ikaunang araw ng Interkalinaryo (ang limang mga araw na idinadagdag sa 360 para maging 365 na bilang ng mga araw sa kalendaryo). Kapatid at asawa siya ni [[Isis (diyosa)|Isis]] at nagkaroon sila ng anak na lalaking na si [[Horus]] matapos sina Osirismapaslangin nasi maslanginOsiris ng kanyang kapatid. Nang siya ay binuhay muli ni Isis, si Osiris ang naging hari ng mga yumao bagamat pinili niya na maghari na lamang sa lugar ng mga yumao. Bilang diyos ng mga yumao, tuluyang napaglito at napagisa ang katauhan ni Osiris sa isa pang diyos ng mga yumao na si [[Khenti-Amenti]]. Ang Khenti-Amenti ay naging bansag na lamang kay Osiris na nangangahulugang ''Pinuno ng mga Taga-kanluranin'' bagamat ang kanluran ang pinaniniwalang lugar ng mga yumao dahil dito lumulubog ang araw. Pinatay si Osiris ng kanyang lalaking kapatid na si [[Seth|Set]] dahil isang [[paraon]] si Osiris, isang gampaning ibig angkinin ni Set dahil sa pagseselos.<ref name=NBK/>
 
==Paglalarawan==
 
Bibihirang inilalarawan ng mga sinaunang Ehipsyo ang aktual na interpretasyon nga kanilang mga diyos at diyosa. Naniniwala sila na ang aktual na larawan at pangalan ng kanilang mga diyos ay banal at hindi maaaring makita ng kahit sino lamang. Kadalasang ginagamitan nila ng mga simbolismo ang paglalarawan ng mga diyos upang maipakita ang mga katangian at kapangyarihang taglay ng mga ito.
 
Si Osiris ay kadalasang inilarawan bilang isang tao na nakadamit ng kasuota ng isang hari. Suot-suot niya sa kanyang ulo ang Koranang [[Atef]] na sadyang kahawig ng [[Hedjet|Koronang Puti]] na isinusuot ng mga paraong namumuno sa Mataas na Ehipto (Upper Egypt). Subalit ang Atef ay mayroong mga balahibo ng ostrits sa magkabilang tabi ng katawan nito na sumisimbolo sa [[Katotohan]]. Si Osiris ay mayroong hawak-hawak na isang [[pangkayod]] (shepherd's crook) at isang [[pantabas]] (flail) na ipinapatong niya sa kayang dibdid bilang simbolismo ng kanyang paghahari at pangangalaga sa kalupaan at kabilang-buhay. Ang balat niya ay kadalasang inilalarawan na kulay berde; bagamat siya ang diyos ng agrikultura at muling pagkabuhay -- berbe ang kulay na mga halaman na sumisimbolo sa nagsibol. Kung susuriin, makikita na ang katawan ni Osiris mula sa kanyang leeg hanggang paa ay nakabalot ng maige sa gasa/pambalot na ginagamit na pambalot ng mga 'mummy'. Ang pagkakabalot sa kanya any simbolo ng nangyaring mumipikasyon sa kanya upang siya ay mabuhay muli.
 
==Mitolohiya at Kwento==
Noong sumapit na ang ika labing-anim na dinastiya sa Ehipto, nag-halo na rin ang dalawa sa pinakamalaki at makapangyarihang grupo ng mga diyos sa Ehipto, ang Ennead at ang [[Ogdoad]], napalitanang ang gampanin ng pinunong diyos ng Ennead na si Atum ni Ra (si Ra ang diyos ng araw na naging mas tanyag kay Atum) habang si Osiris naman ang naging ama ni Horus.
 
Nang umusbong ang 'dakilang' alamat ng pagkamatay at muling pagkabuhay ni Osiris sa buong Ehipto, pinalitan ni Osiris ang diyos na si [[Anubis]], ang orihinal na diyos ng mga yumao ayon sa Ogdoad. Sinabi ng mga tagasunod ni Osiris na si Anubis ay boluntaryong inilapat ang kanyang kapangyarihan kay Osiris sa pagdating nito sa lupain ng mga yumao. Ngunit para gumanda ang kwento, inilathala na si Anubis ay sa katunayan isa sa pinakamamahal na anak ni Osiris. Ayon sa kwento na ito, sinasabi na si [[Nephthys]], ang mas-nakabantang kapatid na babae nila Osiris, ay ayaw bigyan ng supling ng kanyang asawang si [[Seth|Set]]. Para magka-anak, ginamit ni Nephthys ang kanyang kapangyarihan upang maging kamukha niya ang kakambal niyaniyang si [[Isis (diyosa)|Isis]]. Inakala ni Osiris na si Nephthys ay ang kanyang asawa at matapos silang dalawa ay magtalik, ipinanganak ang sanggol na si Anubis.
 
Ang Griyegong historyador na si Plutarch ang nagkwento ng karamihan sa mga nilalaman ng mitolohiya. Ayon sa kanya, noong si Osiris ay nabubuhay pa at namumuno bilang siisang paraon ng Ehipto, si Osiris ang sinasabing nagdala ng sibilisasyon sa Lambak ng [[Nile, Ehipto|Ilog Nile]]. Nakita ni Osiris na pawang naging mga barbaryo ang mga Ehipsyo kung kaya't sa ilalim ng kanyangkanya [[autoritayanismoautoritaryanismo|diktatura]], ipinakilala niya sa mga Ehipsyo ang mga [[batas]] pantao at ang [[relihyon|pagsamba]] sa mga diyos. Tinuruan niya ang mga Ehipsyo kung papaano [[pagsasaka|magsaka]], gumawa ng mga [[serbesa]] at tumugtog ng mga instrumentong pang-musika. Naisipan din ni Osiris na magtungo sa ibang bahagi ng mundo para maghatid ng sibilisasyon sa ibang mga bansa. ItinuturingDahil dito, itinuturing na isa sa pinakaminamahal na nilalang si Osiris ng mga diyos at ng kanyang mga tao kung kaya't nagselos ang naka-babatang kapatid niya na si [[Seth|Set]].
 
Napasalang ni Set si Osiris nang nilinlang niya ang kanyang kapatid na pumasok sa loob ng isang napaka-gandang kahong gawa sa [[ginto]], [[marpil]], mga makukulay na mga [[diyamante]] at kahoy mula sa punong [[cedar]]. Nangako si Set na kung sino mang tao na sakto ang sukat ng kanyang katawan sa kahon ay mapapasakanya ang napakagandang 'regalo'. Noong nakaraang gabi, palihim na kinuha ni Set ang sukat ng katawan ni Osiris upang masiguradong ang biktima niya lamang ang kakasya sa loob ng kahon. Sinubukang pumasok ng mga kasabwat ni Set sa kahon ngunit wala sa kanila ang kumasya dito, maliban kay Osiris. Nang pumasok si Osiris sa kahon, isinara ni Set si Osiris sa loob ng kahon at binuhusan ito ng tunaw na [[tingga]] (lead) at ihinagis niya ito sa ilog. Inanod ng ilog ang kahon papunta sa kabilang dako ng [[Dagat Mediterano]] at ito ay umahon sa kalampasigan ng [[Byblos]], isang lumang lungsod sa [[Lebanon]].
 
Nang muling matagpuan ni Isis ang kahon, ibinuksan niya ito at nakitang si Osiris ay wala ng buhay. Sa pamamagitan ng salamangka, panandaliang napanatili ni Isis na buhay kahit papaano si Osiris at ibinalik niyo siya sa Ehipto. Nagawa ni Isis na makipagtalik kay Osiris kung kaya't si Isis ay nagkaroon ng supling sa kanyang sinapupunan na si [[Horus]]. Subalit nang iniwan ni Isis ang kahon sa dampa ng ilog Nile noong gabi, natagpuan ito si [[Seth|Set]], at sagalitsa kanyang galit, tuluyan niya pinaslang ang kanyang kapatid at pinaghiwa-hiwalay niya ang mga bahagi nito sa iba't ibang dako ng Ehipto. Ayon kay Plutarch, hinati ni [[Seth|Set]] ang katawan ni Osiris sa labing-apat na bahagi, ngunit walang maayos na basihan kung ilan ba talaga ito.
 
Sa tulong ng kanilang kapatid na si Nephthys, matagumpay na nahanap ni Isis ang lahat ng bahagi ng katawan ni Osiris at, sa pamamagitan mula ng salamangka at tulong mula sa mga diyos na sila [[Anubis]] at [[Thoth]], muling nabuhay si Osiris bilang hari ng mga yumao.
 
==Ang Ama ni Horus==
 
Ang paniniwala kung saan itinuturing na si Osiris ang ama ni Horus ay nagpapakita ng di-pagkakasundo ng mga detalye sa Mitolohiyang Ehipto. Ayon sa sinaunang relihyon ng mga Ehipsyo, si Osiris at [[Isis (diyosa)|Isis]] ay itinuturing magasawa sa sistemang [[Ennead]], ngunit si [[Horus]], sa orihinal na mitolohiya, ay itinuturing naman na anak ng diyosang si [[Hathor]] ayon sa sistemang [[Ogdoad]], ang katunggaling relihyon ng Ennead. Ngunit ng mapagisa ang buong kaharian ng Ehipto, kabilang ang Ennead at Ogdoad, ang gampanin ni Hathor ay ibinigay sa mas tanyag na diyosang si Isis; at dahil si Isis ay asawa ni Osiris, si Horus ay sa wakas kinilala nang anak nila Osiris at Isis.
Ayon sa kwento, sila Osiris at Isis ay nagkaroon ng anak na si Horus matapos mapaslang si Osiris ng kanyang nagseselos na kapatid na si [[Seth|Set]].
 
Sa kagustuhang maipaliwanag kung papaano naging posible ang pagkakabuntis ni Isis at panganganak niya kay Horus na parehong mga nabubuhay sa pamamagitan ni Osiris na namatay na ay sinubukang bigyan ng pagpapahalaga ng mga tagasunod nila. Ang 'ama, ina at anak' na relasyon nila ang habang buhay na kinilala ng mga Ehipsyo hanggang sa pagdating ng mga mananakop na Griyego at nakilala ng mundo ang mitolohiyang Ehipto.
 
 
 
Ayon sa kwento, sila Osiris at Isis ay nagkaroon ng iisang anak na si Horus na isinilang matapos mapaslang si Osiris ng kanyang nagseselos naselosong kapatid na si [[Seth|Set]].
 
==Bindikasyon ni Osiris==
 
==Mga sanggunian==
Hindi nakikilalang mga tagagamit

Nav menu