Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Isis (diyosa)"

Jump to navigation Jump to search
walang buod ng pagbabago
(Pagsasaayos ng mga baybay, tono at grammar ng paunang pagpapalawak. Maghintay para sa ikalawang pagpapalawak.)
[[Talaksan:Isis E17495 mp3h9205.jpg|thumb|right|Istatuwa ni Isis.]]
 
Sa [[mitolohiyang Ehipsyo]], si '''Isis''' (bigkas sa Ingles: /ay-sis/; at binabaybay din sa transliterasyon ng sinaunang [[wikang Ehipsyo]] bilang '''Asat''', '''Aset''', '''Eset''' o, sa dialektong Koptiko: '''Ēse''' o '''Ēsi''') ay isang diyosa ng mga sinaunang Ehipsyo at, sa paglipas ng panahon, ang kanyang pananampalataya ay lumaganap sa maraming bahagi ng Imperyong Griyego at Romano; kalimitang kinilala bilang isang mapagkalingang diyosa at ina. Siya ay naging patron ng mga ina at kababaihan, tagapag-alaga ng mga bata, kaibigan ng mga karaniwang mamamayan, mang-gagawa at mangangalakal, at mapagpatawad sa mga nagkakasala. Sa kabilang banda, siya rin ay itinuring bilang tagapagkalinga ng mga may-kapangyarihan at mga pinuno. Siya ang diyosa ng mga Reyna, ng Pagiging-Ina, Pertilidad na dulot na pagbaha ng [[Ilog ng Nilo]] at, ang pinaka-tanyag niyang gampanin, ng [[Salamangka (mahiya)|Salamangka]].
 
Hindi nating lubusang maintindihan ang tunay na pinagugatan ng mga kwento at pananampalatay ukol kay Isis. Ang unang beses na naitala sa kasaysayan ang pangalan ni Isis ay noong Ikalimang Dinastiya ng Ehipsyo (c.2494 - 2345 BC); halimbawa sa mga talaang ninutukoy ay ang Teksto mula sa mga Piramides (Pyramid Text) kung saan itinuturing si Isis bilang isang miyembro ng Ennead, isang group ng Siyam na mga diyos at diyosa na nakabases ang pananampalataya sa lumang lungsod ng [[Heliopolis]], Ehipto. Kinalaunan lamang sa kasaysayan ng sinaunang Ehipsyo ang lubusang naging tanyag ang pagkakakilanlan ni Isis at nangyari ito nang nalagpasan niya sa katanyagan ang maraming mga diyos at diyosa ng Episyo; halimbawa ay ang mga diyosang sina [[Hathor]] at [[Sopdet]]. Ang pag-lakasa ng kapangyarihan ni Isis ay ipinaliwanag ng mga sinaunang Ehipsyo sa pamamagitan ng isang alamat kung saan nilinlang niya si [[Ra (diyos)|Ra]], pinaka-makapangyarihan at hari nga mga diyos ng Ehipto, upang malamanmatuklasan ni Isis ang lihim na tunay na [[pangalan]] ni Ra, kung kaya't napasa-kamay ni Isis ang maraming bahagi ng kapangyarihan ni Ra. Si Isis ay sadyang kinikilala at pinararangalan na nang buong sinaunang Ehipto - sa iba't ibang pagkakakilanlan at paraan - noon pang nagumpisa ang kasaysayan dito. Huli na nung [[Ika-talongpung Dinastiya ng Ehipto|Ika-talongpung Dinastiya]] (c. 380 - 343 BC) sa ilalim ni [[Nectanebo II]] (c. 360 - 343 BC) nang nagkaroon ng isang templo na sadyang nakadedika kay Isis.
 
Sa kasalukuya, kalimitang itinuturing si Isis bilang anak na babae nina [[Geb]], ang diyos ng kalupaan, at [[Nut (diyosa|Nut]], ang diyosa ng kalangitan. Ipinanganak si Isis sa ikaapat na araw ng Interkalinaryo (ang limang mga araw na idinadagdag sa 360 para maging 365 ang bilang ng mga araw sa kalendaryo). Kapatid at asawa niya si [[Osiris]] na kanya ring panganay na kapatid, at nagkaroon sila ng anak na lalaking na si [[Horus]] nang muling binuhay ni Isis si Osiris, matapos mapaslangng kanyang kapatid, sa pamamagitan ng kanyang salamangka, ngunit para lamang sa isang gabi. Ang mga patak ng [[luha]] ni Isis na dahilan ng pagdadalamhati niya sa kamatayan ni Osiris ang pinaniniwalaang dahilan ng mga sinaunang Ehipsyo kung bakit taon-taunang bumabaha ang Ilog ng Nilo. Si Isis ay mayroong ring isang busong kapatid na babae na si [[Nephthys]] na naging kabalikat niya sa maraming mga kwento.
Hindi nakikilalang mga tagagamit

Nav menu