Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Osiris"

Jump to navigation Jump to search
52 byte added ,  11 year ago
m
robot dinagdag: bo:ཨུ་སའེ་ལི་སི།; Kosmetiko pagbabago
m (robot dinagdag: bo:ཨུ་སའེ་ལི་སི།; Kosmetiko pagbabago)
[[Talaksan:Egypt.Osiris.statuette.01.jpg|thumb|right|Istatuwa ni Osiris.]]
 
Sa [[mitolohiyang Ehipsyo]], si '''Osiris''' ([[wikang Griyego]]: '''Usiris'''; binabaybay din sa transliterasyon ng [[wikang Ehipsyo]] bilang '''Asar''', '''Aser''', '''Ausar''', '''Ausir''', '''Wesir''', '''Usir''', '''Usire''', o '''Ausare''') ay isang diyos ng mga sinaunang Ehipsyo, na kalimitang tinatawag na diyos ng Kabilang Buhay. Siya ang diyos na nagdadala ng [[buhay]], ang hari at hukom ng mga namatay na mga tao <ref name=NBK>{{cite-NBK|Osiris}}, ''Dictionary Index'' para sa titik na ''O'', pahina 288.</ref>, at ng pagbaha ng [[Ilog ng Nilo]]. Si Osiris ang diyos na naghuhukom at tagasakdal ng kaukulang hatol sa mga kaluluwa ng mga yumaong tao na naghahanap ng daan sa paraiso sa kabilang buhay.
 
Ayon sa mga kasulatang natagpuan ng mga arkeyolohiko, si Osiris ay isa sa pinakamatandang diyos na sinamba ng mga sinaunang Ehipto. Ang pangalan niya na nakaukit sa [[Bato ng Palermo]], tinatayang naisulat noong c. 2500 BK, ang pinakamatandang kasulatang nagsasaad ng mga bagay-bagay tukong kay Osiris. Naisulat sa maraming iskriptura ang mga kwento tungkol kay Osiris; kabilang dito ang Teksto mula sa mga Piramides (Pyramid Text), ang [[Aklat ng mga Yumao]] (Book of the Dead), at sa pagsisimula bagong yugto ng Ehipto, ang [[Bato ni Shabaka]] -- na naglalaman ng tanyag na kwento ng ''Tunggalian nila Horus at Set''. Nang sakupin ng mga Griyego ang kaharian ng Ehipto, binigyan ng historyador na si [[Plutarch]] ng Makabagong interpretasyon ang mga mitolohiya ng Ehipto. Bagamat si Osiris ay isang diyos na sinasabing nagbibigay ng kaligtasan para sa mga kaluluwa ng mga yumaong tao, siya ay isa sa mga naging pinakatanyag na diyos sa buong daigdig. Dahil ito sa kanyang kwento na nagbibigay pagasa na ang mga tao ay mabubuhay muli ng maligaya sa kabilang buhay. Ang pagsamba kay Osiris ay kumalat sa halos lahat ng dako ng daigdig at ito ay nagpatuloy ng anim na daang-taon matapos isilang si [[Hesus|Kristo]]. Tuluyang nawala ang mga kultong sumasamba kay Osiris matapos ipagbawal na ito ng mga namumunong mga [[Kristyanismo|Kristyano]] at [[Muslim]].
 
Bilang diyos na nangangalaga ng mga yumao, si Osiris ay sadyang binigyan ng pagpapahalaga ng mga tagasunod niya. Tinuturing ng mga [[Paraon]] ng Ehipto ang sarili nila bilang mga tagapagmana ng kabilang buhay mula kay Osiris sa kanilang pagyao sa daigdig. Subalit sa paglipas ng panahon, lahat ng mga tagasunod ni Osiris, maging karaniwang tao lamang o may kapangyarihan, ay itinuring na ring mga tagapagmana ng kanyang kaharian sa kabilang buhay. Sari-sari mga ritual at misteryo ang inaalay kay Osiris para masigurado na sila ay tatanggapin niya sa paraiso ng kabilang buhay.
Ayon sa mitolohiya, bago siya mamatay at mabuhay muli bilang isang hari ng kabilang buhay, si Osiris ay itinuturing na tagapagdala ng [[sibilisasyon]] at [[agrikultura]] sa Ehipto. Bilang diyos ng agrikultura, tinuturing rin si Osiris na isang diyos na nagbibigay ng buhay sa mga pananim at mga tao; na matapos ang kamatayan ng isang halaman o tao, si Osiris din ang nagbibigay ng panibangong buhay sa mga ito. Ang kwentong ito ng muling pagkabuhay ay ginagamit na paliwanag ng ilang mga sinaunang Ehipsyo kung bakit nagkakaroon ng mga sikulo ng pagkabuhay at pagkamatay, tulad ng sikulo ng kapanganakan at kamatayan, pagtubo at pagkalanta, paglaki at pagliit ng buwan atbp.
 
Si Osiris and panganay na lalaking anak nina [[Geb]], ang diyos ng kalupaan, at [[Nut (diyosa)|Nut]], ang diyosa ng kalangitan. Ipinanganak siya sa ikaunang araw ng Interkalinaryo (ang limang mga araw na idinadagdag sa 360 para maging 365 na bilang ng mga araw sa kalendaryo). Kapatid at asawa siya ni [[Isis (diyosa)|Isis]] at nagkaroon sila ng anak na lalaking na si [[Horus]] matapos na mapaslangin si Osiris ng kanyang kapatid. Nang siya ay binuhay muli ni Isis, si Osiris ang naging hari ng mga yumao bagamat pinili niya na maghari na lamang sa lugar ng mga yumao. Bilang diyos ng mga yumao, tuluyang napaglito at napagisa ang katauhan ni Osiris sa isa pang diyos ng mga yumao na si [[Khenti-Amenti]]. Ang Khenti-Amenti ay naging bansag na lamang kay Osiris na nangangahulugang ''Pinuno ng mga Taga-kanluranin'' bagamat ang kanluran ang pinaniniwalang lugar ng mga yumao dahil dito lumulubog ang araw. Pinatay si Osiris ng kanyang lalaking kapatid na si [[Seth|Set]] dahil isang [[paraon]] si Osiris, isang gampaning ibig angkinin ni Set dahil sa pagseselos.<ref name=NBK/>
 
== Paglalarawan ==
 
Bibihirang inilalarawan ng mga sinaunang Ehipsyo ang aktual na interpretasyon nga kanilang mga diyos at diyosa. Naniniwala sila na ang aktual na larawan at pangalan ng kanilang mga diyos ay banal at hindi maaaring makita ng kahit sino lamang. Kadalasang ginagamitan nila ng mga simbolismo ang paglalarawan ng mga diyos upang maipakita ang mga katangian at kapangyarihang taglay ng mga ito.
Si Osiris ay kadalasang inilarawan bilang isang tao na nakadamit ng kasuota ng isang hari. Suot-suot niya sa kanyang ulo ang Koranang [[Atef]] na sadyang kahawig ng [[Hedjet|Koronang Puti]] na isinusuot ng mga paraong namumuno sa Mataas na Ehipto (Upper Egypt). Subalit ang Atef ay mayroong mga balahibo ng ostrits sa magkabilang tabi ng katawan nito na sumisimbolo sa [[Katotohan]]. Si Osiris ay mayroong hawak-hawak na isang [[pangkayod]] (shepherd's crook) at isang [[pantabas]] (flail) na ipinapatong niya sa kayang dibdid bilang simbolismo ng kanyang paghahari at pangangalaga sa kalupaan at kabilang-buhay. Ang balat niya ay kadalasang inilalarawan na kulay berde; bagamat siya ang diyos ng agrikultura at muling pagkabuhay—berbe ang kulay na mga halaman na sumisimbolo sa nagsibol. Kung susuriin, makikita na ang katawan ni Osiris mula sa kanyang leeg hanggang paa ay nakabalot ng maige sa gasa/pambalot na ginagamit na pambalot ng mga 'mummy'. Ang pagkakabalot sa kanya any simbolo ng nangyaring mumipikasyon sa kanya upang siya ay mabuhay muli.
 
== Mitolohiya at Kwento ==
 
Hindi kailan mang naging malinaw sa atin ang pagkaka-salaysay ng kwento ni Osiris. Kadalasang nagkakaroon sa sari-sariling bersyon o interpretasyon ang mga iba-ibang mga [[lungsod estado]] sa Ehipto ukol sa kanilang mitolohiya. Dahil dito, nagkaroon ng iba-ibang nilalaman ang kwento ni Osiris, kadalasang nagkakakontrahan sa isa't-isa.
"Sumasakapangyarihan [kayo] na may [dala-dalang] pagtatagumpay [sa bayan] ng Shas-Hetep, [ang] Panginoon ng [panahon na] 'Magpasawalang-hanggan', Gobernador ng Abydos."</blockquote>
 
== Mitikong Heniyalohiya ==
Ayon sa mga iba pang nasabing mga iskripto, na siyang mga pinaka-matatang mga kasulatang pang-relihyon ng mga sinaunang Ehipsyo, si Osiris ay bahagi ng isang magkakapamilyang grupo ng mga diyos at diyosa na tinatawag na '''Pesedjet''' o [[Ennead]], na isang Griyegong salitang nangangahulugang ''ang siyam'' (the ''nine''). Katulad ng kahulugan ng salita, ang grupong ito ay binubuo ng siyam na mga diyos at diyosa na pawang magkakapamilya sa dugo. Ayon sa Ennead, ang kauna-unahang diyos ng daigdig ay si [[Atum]]; si Atum ay nagkaroon ng kambal na anak, ang diyos na si [[Shu]] at ang diyosang si [[Tefnut]], sa pamamagitan ng pag-sasalsal. Si Shu at Tefnut ay naging mag-asawa at sila rin ay nagkaroon ng kambal na anak na sila diyos [[Geb]] at diyosa [[Nut (diyosa)|Nut]]. Matapos ay naging magasawa naman sila Geb at Nut at sila naman ay nagkaroon ng apat (lima ayon sa ibang bersyon) na supling na sila Osiris at [[Seth|Set]] na mga lalake, at [[Isis (diyosa)|Isis]] at [[Nephthys]] na mga babae. Nang isinilang ang huling apat, dito nagumpisa ang buhay sa daigdig. Ang Ennead ay unang umusbong sa lungsod ng [[Heliopolis]], ngayong isa nang lugar para sa mga turista na matatagpuan sa hilagang-silangan ng kasalukuyang kabisera ng Ehipto na [[Cairo, Ehipto|Cairo]].
 
== Ang Alamat ni Osiris ==
 
Sa mga unang yugto ng kasaysayan ng Ehipto, matagal nang naging gampanin ni Osiris ang maging isa sa mga diyos ng mga yumao. Ngunit noong nagsimula nang mapasailalim ng mga paraon ang buong lupain ng Ehipto sa iisang pamumuno, ang kanya-kanyang mga alamat ng mga lungsod estado ng Ehipto ay nagsimulang maghalo-halo; kadalasan ito ay nagiging sanhi ng pagpapatalsik sa pwesto ng isang diyos matapos itong malagpasan sa katanyagan ng isa pang diyos na may parehong gampanin sa kani-kanilang relihyon.
Sa tulong ng kanyang kapatid na si Nephthys, matagumpay na nahanap ni Isis ang lahat ng bahagi ng katawan ni Osiris maliban sa kanyang [[uten]] na kamailang kinain ng mga isdang [[Oxyrhynchus]], isang hayop na tagasunod ni Set. Sa pamamagitan ng mga makapangyarihan na salamangka ni [[Isis (diyosa)|Isis]] at sa tulong mula sa mga diyos na sila [[Anubis]] at [[Thoth]], muling nabuhay si Osiris bilang hari ng mga yumao.
 
== Ang Ama ni Horus ==
 
Ang paniniwala kung saan itinuturing na si Osiris ang ama ni Horus ay nagpapakita ng di-pagkakasundo ng mga detalye sa Mitolohiyang Ehipto. Ayon sa sinaunang (orihinal) relihyon ng mga Ehipsyo, si Osiris at [[Isis (diyosa)|Isis]] ay itinuturing magasawa sa sistemang [[Ennead]], ngunit si [[Horus]], sa orihinal na mitolohiya, ay itinuturing naman na anak ng diyosang si [[Hathor]] ayon sa sistemang [[Ogdoad]], ang katunggaling relihyon ng Ennead. Ngunit ng mapagisa ang buong kaharian ng Ehipto, kabilang ang Ennead at Ogdoad, ang gampanin ni Hathor ay ibinigay sa mas tanyag na diyosang si Isis; at dahil si Isis ay asawa ni Osiris, si Horus ay sa wakas kinilala nang anak nila Osiris at Isis.
[Wika ni] Geb sa Siyam na diyos: "Sa kanyang (Osiris) eredero, [si] Horus, [ang] aking pipapamamana."</blockquote>
<blockquote>
[Wika ni] Geb sa Siyam na diyos: "[Para] sa anak ng aking anak (Horus), ang [[tsakal]] ng Mataas na Ehipto"/// [Wika ni] Geb sa Siyam na diyos "Ang panganay, [si] Horus, ang Tagapagbukas-ng-mga Daanan."</blockquote>
<blockquote>
[Wika ni] Geb sa Siyam na diyos: "Ang anak na [siyang] panganay/// Horus, sa araw ng (kanyang) kapanganakan ng Tagapagbukas-ng-mga-Daanan."</blockquote>
 
== Relihyon at Ritual ==
Ang mga sinaunang Ehipsyo ay may malakas na pananalig na mayroon silang makakamit na imortalidad sa kabilang-buhay. Sumikat ng histo ang relihyon ni Osiris dahil naniniwala ang kanyang mga tagasunod na ang buhay na walang hanggan ay para sa lahat ng nabubuhay na tao at hindi lamang para sa mga taong may kapangyarihan sa lipunan. Sa pagtatapos ng panahon ng pagtatayo ng mga piramides noong Ikaapat Dinastiya ng Ehipto(c. 2575 BK - 2467 BK) at pagbubukas ng Ikalimang Dinastiya ng Ehipto, nawalan ng katanyagan ang paniniwala na ang mga paraon at mga opisyales lamang ang maaaring makapunta sa langit (i.e. kabilang buhay) sa pamamagitan ng pagtatayo kani-kanilang mga naglalakihang piramides. Ang kulto ni Osiris, na nagsimulang lumakas ang makapangyarihan sa lungsod ng [[Abydos]], ang naging isa sa pinakatinangkilik na paniniwala ng maraming Ehipsyo.
 
[[bg:Озирис]]
[[bn:ওসাইরিস]]
[[bo:ཨུ་སའེ་ལི་སི།]]
[[br:Osiris]]
[[bs:Oziris]]
63,822

edit

Nav menu