Honoré de Balzac: Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Content deleted Content added
m robot dinagdag: id:Honoré de Balzac
Xqbot (usapan | ambag)
Linya 57: Linya 57:
[[mn:Оноре де Бальзак]]
[[mn:Оноре де Бальзак]]
[[mr:ऑनोरे दि बाल्झाक]]
[[mr:ऑनोरे दि बाल्झाक]]
[[mrj:Бальзак, Оноре де]]
[[nl:Honoré de Balzac]]
[[nl:Honoré de Balzac]]
[[no:Honoré de Balzac]]
[[no:Honoré de Balzac]]

Pagbabago noong 16:59, 21 Oktubre 2010

Talaksan:HBalzac.jpg
Si Honoré de Balzac.

Si Honoré de Balzac (Pagbigkas sa Pranses: [ɔnɔʁe də balˈzak]) (20 Mayo 1799 – 18 Agosto 1850[1]) ay isang nobelista at mandudulang Pranses. Naging magnum opus niya ang sunuran ng halos 100 mga nobela at mga dulang pinamagatan, bilang isang katipunan, na La Comédie humaine ("Komedyang Pantao"), na nagpapakita ng isang panorama o tanawin ng buhay sa Pransya sa loob ng mga taon pagkaraan ng pagbagsak ni Napoléon Bonaparte noong 1815.

Talambuhay

Ipinanganak si de Balzac sa Tours, Pransya. Puno ang kanyang maagang bahagi ng buhay ng kahirapan at mahirap na trabaho. Nakamit niya ang tagumpay nang mailathala ang Le Derniers Chouans noong 1829, at agad na nalunsad ang kanyang kabantugan bilang pinuno ng makatotohanang kathang-isip na mga akda. Naging isa rin siyang dakilang manunulat na may kapangyarihan sa analisis ng kanyang mga tauhan. Isa sa pinakatanyag niyang nobela ang Eugénie Grandet, isang pag-aaral ng kasakiman, at nasulat noong 1833. Nalathala ito sa loob ng unang tomo ng Scenes of Provincial Life ("Mga Eksena ng Buhay sa Lalawigan") noong 1834. Noong 1843, napabilang ito sa Human Comedy ("Komedyang Pantao").[1]

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 Mee, Arthur; J.A. Hammerton. "Honoré de Balzac". The World's Greatest Books, Vol. I, Fiction. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 188.

TaoPanitikanPransya Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Panitikan at Pransiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.